Engkantadya

2018 Words
"Selya, sige na gumising kana! Idilat mo na yang mga mata mo, huwag mo naman akong pag alalahanin." Kabadong kabado na si Gardo habang pinag mamasdan ang mukha ng asawa. Mahigit sampung oras na kasi itong walang malay. Nagsisisi sya kung bakit iniwan nya itong mag isa sa gitna ng taniman nila. Hindi pala ito nag iisa dahil may kalong itong kakaibang sanggol at mga gagambang sangkatutak. "Selya, dumilat kana, anuka ba naman! Huwag mong sabihing hanggang dyan kana lang? Huwag mo muna akong iiwan Selya, hindi pa ako handa eh! Saka wala ng mananakit sakin, yan pa naman ang ugali mong gustong gusto ko." Sa sobrang takot nya kasi sa mga nagaganap na kababalaghan sa kanila ni Selya, hindi na sya nakapag isip ng matino, basta ginusto nya lang matakasan ang lahat. Pero ng mahimasmasan naman sya, agad nyang binalikan ang kinaroroonan ng asawa. At nadatnan nya itong nakahiga na sa malapad na dahon habang yakap ang sanggol sa dibdib. Isipin nya lang yung takot at hilakbot na lumukob sa kanya ng mga oras na yun, tila gusto nya na ring himatayin. Napabuntong hininga si Gardo at tinapik tapik ang dibdib. Langya ang hirap namang huminga. Nalipat ang tingin nya sa sanggol na katabi ni Selya, pinakakatitigan nya ito, normal naman kung kumilos, yun nga lang kakaiba talaga ang hitsura . Hindi pangkaraniwan ang ganda nito at isa pa ramdam ni Gardo ang malakas na aura na nakapalibot dito. "Selya, naiinis na ako sayo ha! Ang haba na ng tulog mo, samantalang ako hindi pa nakaka idlip kahit isang minuto lang." Sa gitna ng pagdadrama ni Gardo, biglang pumalahaw na naman ng iyak ang sanggol. Natatarantang nilapitan at kinarga ito ni Gardo. Isinayaw sayaw at kung saan saan na sila umabot dahil sa kakaikot ni Gardo. Pero di man lang nya mapatahan ang bata, iyak pa rin ito ng iyak, dina alam ni gardo kung anupa bang di nya nagagawa para mapatahan ito. At naisip nyang kumanta naman. ? Ako ay may lobo, Lumipad sa langit...hmmm ..nakita hmmm..? Paputol putol ang kanta nya kasi di naman nya alam ang kanta. Si Selya ang maraming alam hindi sya. Kaya mahal na mahal nya si Selya eh. At dahil sa huminto sya sa pagsayaw at pagkanta. Umiyak na naman ang bata. "Naku naman baby!, wala kasi akong talent sa pagkanta, anuba kasi ang gusto mo?." Lalong lumakas pang iyak nito, hindi na magkanda ugaga si Gardo sa pagpapatahan dito. Napatingala sya dahil sa halo halong emosyong nararamdaman. Pero sa pag ikot ng paningin nya napansin nyang puro gagamba na ang loob ng bahay nila. Nanindig ang balahibo ni Gardo dahil sa takot. "Baby, ano bang koneksyon mo sa mga gagambang yan? Susme, baka pwede paalisin mo na sila dahil pinapatay nila ako sa nerbyos." Pakiusap ni Gardo sa sanggol na nakahilig sa dibdib nya. Ng may maramdaman syang maligamgam na tubig na bumabasa sa suot nyang sando. Nailayo nya bigla ang sanggol sa dibdib nya, at sinuri kung bakit basa ng damit nya. " Nak ng pusa naman baby, bakit mo ako inihian?" Parang nakaintindi naman ang bata, pero sa halip na umiyak , humagikhik na naman ito at pilit na inaabot ang mukha ni Gardo. Nakakaunawa namang inilapit nyang mukha sa bata kaya nahawakan nito ang pisngi nya. At kagaya ng naramdaman ni Selya sa tuwing hinahawakan ng sanggol ang mukha nito, Nakaramdam ng ginhawa si Gardo, di nya napigilang halikan ang sanggol na ikinahagikhik nito ng malakas. "Ang bango ng baby namin kahit dipa nakakaligo huhmmm.., , pa kiss pa nga! Sa kili kili naman kung nangangasim na.. hmmm.." Panay ang harot ni Gardo sa bata na tawa naman ng tawa. Hindi nya napapansin na paunti unting umaalis ang mga gagamba. At si Selya ay gising na rin kanina pa. Hindi lang sya nagsasalita kasi natutuwa syang makita si Gardo na masaya habang kalong ang bata na matagal na nilang pinapangarap. Pumikit ulit si Selya para makapag pahinga. Pakiramdam nya ay hinang hina sya, parang naglakbay sya ng malayo dahil hapong hapo sya. Naririnig nya pa rin ang ingay ng dalawa. "Hoy Selya, aba! Namimihasa kana ha! Bumangon kana dyan, tulog ka ng tulog dimo pa nga napapaligoan si baby eh!." Pigil ni Selya ang mapatawa dahil sa naririnig nyang pinagsasabi ni Gardo. "Diba baby, love mo kami ni nanay? Hmmm cute cute mo talaga! Mag ingay tayo para magising si nanay ha baby! Kut... che .. Chu.. Kut...che... hahaha... " Panay na naman ang harutan ng dalawa. Napadilat si Selya ng maalala ang nangyari bago sya nawalan ng malay. "Gardo" Tawag nya sa asawa na agad namang lumapit sa kanya. "Selya my labs, buhay ka!, salamat naman. Kala ko iniwan mo na ak -- aray!.. Selya, naman.. aray .. tama.. na! huhu sakit .. aray." Napatakbo palayo si Gardo kay Selya, panay ang himas nito sa ulo, gamit ang kaliwang kamay. Nasa kanang braso kasi ang baby. sumakit pati anit nya sa kasasabunot ni Selya. Tiningnan nya ng masama si Selya, nakangiti pa ito sa kanya at nakadila. "Magaling kana nga, sinasaktan mo na naman kasi ako eh!. Baby, wag kang gagaya sa nanay mo ha! Dapat sakin ka gumaya kasi mabait ako." "Sus, duwag ka kamo hahaha.. Ay teka may naalala ako saglit!." Sinusuklay suklay na ni Gardo ng kanyang mga daliri ang buhok, feeling nya kokonti na lang ito dahil sa pagkakasabunot ni Selya sa kanya. "Gardo, alam mo nung iniwan mo kami kahapon may narinig akong boses,." "Ha! Naku, Selya baka na engkanto ka! Sabi ko na kasi sayo palagi na huwag tayong magpagabi sa bukid eh, kasi maraming engkanto dun." "Sandali makinig ka kasi muna sakin, Gardo, may sinabi sakin ang boses tungkol sa...." Inginuso ni Selya kay Gardo ang sanggol na kalong nito. Napatingin tuloy bigla si Gardo sa bata, at kitang kita ni Selya kung pano namutla ang asawa. Nanginginig rin ang mga kamay nito. Kaya kaagad syang tumayo at lumapit kay Gardo, saka kinuha ang sanggol na karga nito. "Ayana ang pangalan ng cute na batang ito. Isa syang prinsesa Gardo, at sabi pa, wag daw nating hayaan na mawalay satin ang batang ito." Nakatingin lang si Gardo sa kanya, hindi na nya mabasa kung anong iniisip nito. Wala syang mabasang emosyon, napaka seryoso nito. "At Gardo, babalikan daw nya si Ayana sa tamang pagkakataon. Tapos lahat daw ng kabutihang ipapamalas natin ay may katumbas na gantimpala." Hinaplos haplos ni Selya ang buhok ni Ayana. Gandang ganda talaga sya sa batang ito. At magaan ang loob nya dito. Tumingin sya kay Gardo , ganun pa rin ang reaksyon nito. Nilapitan nya ito at tinampal tampal ang pisngi. "Gardo!.. Hoy Gardo....." Wa epek, teka! Lakasan ko kayang sampal para ramdam nya talaga.. Handa na syang sampalin ito ng malakas pero nasalag ito ni Gardo. " Ikaw Selya ha! Nakakarami kana sa araw na ito, kotang kota na." "Arte mo kasi, Hala! Ihanda mo ng pampaligo namin, ay teka mag init ka kaya muna ng tubig, saka ikuha moko ng bagong duster. Ihanap mo rin ako ng damit na dina ginagamit, yung malambot ang tela ha para komportable si baby. At Gardo ikuha mo na rin kami ng bagong tuwalya ha." Nakatanga lang si Gardo kay Selya. Sa dami ng iniuutos nito hindi nya alam kung alin ang uunahin nyang gawin. Napapiksi pa sya ng biglang singhalan na naman sya ng Asawa. "Anuba Gardo! Tutunganga kana lang ba dyan ha! Tatamaan kana sakin. Lentek ka pinag iinit mo na naman ang ulo ko eh!." "Eh kasi naman Selya, sa dami ng pinag uutos mo sakin diko alam kung anong uunahin ko eh." Nakanguso pa si Gardo habang nagdadrama na naman. Dinampot bigla ni Selya ang tsenelas at ibabato na sana kay Gardo. Pero mabilis na itong nakatakbo papasok ng kusina. "Takbo na Gardo, baka tamaan kana naman ng bagyong Selyaaaaaaa...." Dinig pa nyang huling sinabi nito, natatawa na lang si Selya, sa mga kalokohan ng asawa. ======= ??? ====== Samantala sa malayong lugar, kung saan hindi mararating ng pangkaraniwang tao. Ang lugar kung saan naninirahan ang iba't ibang Engkanto. Pero, May lihim silang lagusan patungo sa mundo ng mga tao ang Portal na tanging sila lang na mga engkanto ang nakakaalam. Isa sa pinakamalakas na angkan ay ang mga Diwata, dahil sila ang tagapangalaga ng buong ENGKANTADYA at may kapangyarihan ng... Lupa, Hangin, Tubig at Apoy. Ang kaharian ng Umbra, kung saan naninirahan ang mga diwata. Pinamumunuan sila ni Reyna Amethyst. " Diwatang Urduja, dumating na ba si Diwatang Crystal?." Tanong ni Reyna Amethyst sa diwatang si Urduja. Panglimang beses na nyang tinanong ito, naiinip na kasi sya sa iuulat ni Crystal sa kanya. "Hindi pa po mahal na Reyna Amethyst." Nakayukod na turan nito. Naghintay pa ng ilang sandali ang Reyna, bago nya naramdaman ang pagpatak ng maliliit na nyebe. Tiyak nyang malapit na sa kaharian nila ang diwatang manlalakbay na si Crystal. Maliban kasi sa maliliit na nyebeng bumabagsak naririnig din nya ang ungol ng alaga nitong giant wolf ice.. "Urduja, maari mo na akong iwan dito, Salamat." "Masusunod po, mahal na Reyna Amethyst." Yumukod muna si diwatang Urduja, bago naglaho. Saka naman lumitaw ang diwatang manlalakbay na si diwatang Crystal, nakasakay sa dambuhalang asong lobo na nakalabas ang matutulis na pangil. Dumapa agad ang alaga nito pagkalapag nila sa bulwagan ng kahariang Umbra. Bumaba sa alaga nya si diwatang Crystal at agad na yumukod. "Maaliwalas na araw, mahal na Reyna Amethyst. Mahalaga po ang iuulat ko sa inyo." "Maaliwalas na araw diwatang Crystal, Mag ulat ka at makikinig ako." Tumuwid ng tayo si diwatang Crystal at deretsong tumingin sa mga mata ng Reyna. Unang tingin pa lang nararamdaman na nya ang lakas at tindi ng kapangyarihan ng inang Reyna. Doon nya napatunayang hindi basta basta ang kaharap nya. Nakangiti nga ito pero may aurang kakaiba. Magaling magmanipula ng emosyon ang Reyna kaya dina nakakapagtakang kinatatakutan ng lahat ang kahariang Umbra. Magaling makisama at makisalamuha si Reyna Amethyst. Hindi mapagmataas bagkus mapagpakumbaba.... Nakasama na nya ito sa isang labanan at ang pinamalas nitong kapangyarihan ay kanyang nasaksihan. Sa paghalakhak lang nito sabay labas ng mga dyamanting kay kikinang at gaganda, at sa bawat kumpas ng mga kamay nito, nagtatalsikang mga dyamante nagsasabog ng iba't ibang sandata na may mahika. Tunay ngang nakakamangha't nakakahanga ang taglay na kapangyarihan ng Inang Reyna, aakalain mong inosente siya't masayahing diwata. Pero pagtingin mo sa kanyang mga mata dun mo makikitang kaibahan niya sa ibang Reyna. "Nasa mundo na po ng mga tao ang Prinsesa Ayana, Mahal na Reyna. Nasa pangangalaga po sya ng mag asawang Selya at Gardo. Huwag po kayong mag alala dahil sa nakikita ko po mahal na mahal ng mag asawa ang Prinsesa." "Magaling diwatang Crystal, maaasahan ka talaga!" "May mga kawal po akong iniwan dun na magbabantay sa Prinsesa. Mga nagbabalatkayong pulutong ng mga gagamba. At ang heneral po nilang si Ixoe ay nagbalatkayong gagamba rin, Nakadikit lang po sya sa buhok ng Prinsesa para mapangalagaan nya ng mabuti ito, Mahal na Reyna." Tuwang tuwa ang Reyna sa mga ulat ng diwata kaya napagpasyahan nyang mag pahanda ng masayang piging. para ipagdiwang ang kaligtasan ng panganay nyang anak na si Prinsesa Ayana. Isang pitik lang ng daliri ng Reyna, lumitaw kaagad si Amber, ang diwatang tagaulat ng Engkantadya. Agad itong yumokod sa Reyna. "Maaliwalas na araw Reyna Amethyst, may ipapaulat po ba kayo sakin.?" "Diwatang Amber, nais ko sanang ipaalam mo sa buong Engkadya, Na may magaganap na isang piging dito sa kaharian ng Umbra. Nais kong ipagdiriwang ang kaligtasan ni Prinsesa Ayana." "Masusunod po Kamahalan, Ngayon din po iuulat ko sa buong Engkantadya ang inyong nais." "Salamat, humayo ka't mag iingat sayong paglalakbay. Yumokod muna sa Reyna at sa pagtuwid nito ng tayo ay sumipol ang diwatang mangkukulam na si Amber at agad nilang nasilayan ang paparating na ipo ipo. Huminto ito sa harapan ni Amber at naging malaking payong. Isa lang ito sa mga gusto nyang sakyan kasi natutuwa syang maglakbay gamit ito. Pwede naman syang maglaho kung gugustuhin nya kaso mas gusto nyang lumipad kesa ang maglaho. "Paalam, Kamahalan, tutuloy na po ako." At kumapit na nga si Amber sa dambuhalang payong saka ito lumipad at mabilis na naglaho. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD