Paglalakbay sa Mundo ng Engkantadya..

3324 Words
Matapos ang kaarawan ni Ayana kahapon, naliwanagan ng lahat sa kanya, at napalagay ng loob nya sa mga engkantong kasama, lalo na kay Dwarf na halatang patay na patay sa kanya. "Maaliwalas na araw mahal kong Prinsesa, para po sa inyo!" "Oy Dwarf! ikaw pala, halika, upo ka dito sa tabi ko," Inabot nyang supot na binigay nito sa kanya at sinilip kung anong laman. Tumabi naman ng upo sa kanya si Dwarf at nakisilip na rin sa supot. "Sana magustuhan mo! Pag pasensyahan mo na't yan lang ang nakayanan ko." Nagkakamot pa ng ulo si Dwarf habang pinag mamasdan ang reaksyon ni Ayana. Pigil nya pang paghinga ng inilabas na nito sa supot ang laman. "Wow! ang ganda naman nito Dwarf! maraming salamat." Ngiting ngiti naman si Dwarf, na halos makita ng sungki nitong ngipin sa lapad ng pagkakangiti nito. Yumokod pa ito at inilagay ang isang kamay sa dibdib na parang nanunumpa. "Basta ikaw mahal kong Prinsesa, lahat ng makakapag paligaya at makapag pasaya sa'yo, basta't makakaya ko, ibibigay ko ng buong puso." Nag niningning ang mga mata ni Ayana habang sinisipat ang pulang damit na regalo sa kanya ni Dwarf. At marahil dahil sa kaligayahang nadarama nya, bigla syang tumagilid paharap kay Dwarf at hinalikan ito sa pisngi sabay yakap ng mahigpit. "P - prinsesaa....!" Awang ang bibig, nanigas ang katawan ni Dwarf, pakiramdam nya nahulog sya sa pinaka mataas na gusali at ngayon ay palutang lutang sa hangin. "Salamat, Dwarf!" Nakangiti pa ring dahan dahan syang bumitaw sa kayakap. Nagtataka sya sa hitsura nito na parang naestatwa na yata. Kinaway kaway nyang kamay sa harap ng mukha nito pero wa epek, tinusok tusok naman nyang pisngi nito, wa epek pa rin. "Dwarf, hoy Dwarf!" Nag aalala na sya, kaya ng dumaan si Draca sa tabi nila tinawag nya kaagad ito. "Draca! saglit lang, tingnan mo si Dwarf? bakit sya nagkaganito?" Lumapit naman kaagad sa kanila si Draca at tiningnan si Dwarf. "Hmmm, parang alam ko na kung bakit! Kaya hindi na ako magtatanong pa sa'yo." Hindi mapakali si Ayana, habang si Draca naman ay sinusuri ang nakatulalang pinsan. "Hmmm, Dwarf!" inalog nya ito. "Hoy, Dwarf" sinampal nya ito. "Dwarffffff!" sinabunutan nya na ito. "Ah talaga namang pinanindigan ang pagka manhid ah, sandali nga!" "Alexxxx! dalhan mo nga ako ng gamot mo na pang ipis daliiii!" Sigaw pa ni Draca, talagang itinapat nya ang bibig sa tenga ni Dwarf para marinig nito. minsan kasi nagha hang ang dwendeng ito, lalo na kapag nagugulat sa sobrang kaligayahang nararamdaman. Parang internet lang, na walang signal kaya nagha hang ganun!" "Bakit Draca, san mo naman gagamitin ito?" Nagtatakang tanong ni Alex kay Draca, habang inaabot ang isang boteng maliit na may lamang puting polbo. "Ssssss." Nakatapat ang isang daliri ni Draca sa bibig. Tanda na pinatatahimik nya si Alex. Kinindatan pa nya ito sabay turo sa tulalang si Dwarf. At nag apiran pang dalawang diwata. Habang nakamasid lang si Ayana sa kanila. Ng akmang ibubuhos na nyang laman ng bote sa ulo ni Dwarf, bigla na lang itong naglaho. "Sayang!" sabay pang sabi ni Alex at Draca. "Hahaha akala mo ha! hindi kana makakaisa sakin impaktang Draca, OVER.MY.DEAD.BODY." "hahaha ka rin, talagang dead body ka sakin kapag nahuli kita, kaya galingan mong pag iwas at pagtatago Dwarfy." Nakaupo lang sa balkonahe si Ayana habang napapatawa sa mga engkantong kasama, ng makaalis ng dalawang diwata saka naman lumitaw si Dwarf sa tabi nya. "Mahal kong Prinsesa, pakiusap lang! sana sa susunod na gagawin nyu yun sakin, ipaalam mo naman muna sakin para makapag handa po ako!" "Ang alin, yung paghalik at pagyakap ko ba sa -- " Biglang tinakpan ni Dwarf ang bibig ni Ayana. saka lumingon sa paligid. mahirap na baka marinig ng impakta. "Sssss, huwag nyo pong sabihin kahit kanino, lalo na sa impakta! mahal kong Prinsesa, mangako ka!" "Sus para yun lang eh! wala namang masama sa ginawa ko ah! nagpasalamat lang naman ako sayo. Kaya ayos lang yun." Nakalabi pang sabi nya. Naniningkit ang mga matang tiningnan nya si Ayana. nakangisi naman ito na parang ikinatutuwang naaasar sya. 'Inangkupo! isa pa yata itong mambu bullly sakin ah!' "Hoy Prinsesa, sakin mo lang pwedeng gawin yun ha! Wag sa iba!" "At bakit naman? ano ba kita, mag ano ba tayong dalawa Dwarf, ha?.." Nakita ni Ayana ang emosyong biglang sumulpot sa mga mata ni Dwarf, lungkot at hindi lang yun may kahalo pang sakit. Marahil ito ang kahinaang nakita ni Draca kay Dwarf kaya gustong gusto nitong tuksuhin ang pinsan palagi. Maloko nga ito pero napaka lambot at maramdamin naman. "A - akala ko kasi, totoo yung sinabi mo sakin, na ako ang Prinsepe ng buhay mo. hindi ba totoo yun Prinsesa Ayana? nagbibiro ka lang ba ng sabihin mo yun sakin?" Nagtubig bigla ang mga mata ni Dwarf. agad syang yumoko para hindi iyun makita ni Ayana. "Dwarf" nag aalalang tawag ni Ayana. Di sya tuminag sa pagkaka upo kahit tinawag na sya ni Ayana. Masyado syang nalulunod sa emosyong nararamdaman nya. Biglang pumatak ang luha nya, mabilis nya itong pinahid, maya maya may pumatak na naman, papahirin na sana nya ito, pero nag sunod sunod ng pumatak ang mga luha niya't dina maampat. Kesa mapahiya sa itinatanging diwata minabuti nyang maglaho na lang. "Dwarf!." Tawag pa nya ulit dito. pero lumipas ng mga minuto, walang Dwarf na nagpakita sa kanya. 'Hala! napikon yata sakin si Dwarf, nagbibiro lang naman ako eh! naku naman.. san ko sya ngayon hahanapin? Dwarf sorry!.' ??? "Ginoong Gardo, Ginang Selya, ipinapaabot po ni Reyna Amethyst ang taos puso nyang pasasalamat sa pag aaruga nyu sa kanyang anak na si Prinsesa Ayana. Tanggapin nyu po ang pabuyang ito galing sa kahariang Umbra, ng Engkantadya." Inilapag ng mga kawal ni Heneral Ixeo ang isang baul na puno ng ginto sa harapan ng mag asawang Gardo at Selya. "Heneral, alam naman po namin na hiram lang ang aming anak, hindi nyu na po kami kailangang bigyan ng ganyan, sapat na po samin ang ligayang dinulot ni Ayana saming buhay mag asawa." Nagpupunas ng luha si Gardo habang magkahawak kamay sila ni Selya na nakaupo sa sofa, kaharap naman nila sina Heneral Ixeo , Alex at Draca. "Kailangan nyu po tanggapin ang inyong pabuya, Sige na po! para mapalagay ang loob ng aming Reyna." Ani Alex. "Kapag po ba sinama nyu na si Ayana sa mundo nyu, hindi na po ba namin sya makikita Heneral?" Humihikbing tanong ni Selya. "Wala po samin ang makakasagot sa tanong nyu Ginang Selya, tanging ang Reyna Amethyst lang po ang magpapasya tungkol sa usaping ganyan." Wala sa pinag uusapan nila ang buong attensyon ni Draca, nag iisip sya kung bakit wala si Dwarf dito sa pagpupulong nila, kanina pa nya ito tinatawag sa isip, pero walang Dwarf na sumasagot sa kanya. Ng hindi na sya makatiis ay nagpaalam sya sa mga kausap nya. Agad nyang hinanap si Dwarf. Nilabas pa nyang mga alagad nyang dragon para madali nyang mahanap ang pinsan. ??? Malayo ang tingin ni Dwarf, habang binabalikan sa alaala ang masasayang nangyari sa buhay nya. Yung araw na unang nasilayan nya ang sanggol na si Ayana. Napangiti pa sya sa tagpong yun, na pilit inaabot ni Ayana ang tenga nya, habang karga karga nya ito sa loob ng palasyo. Pinagpapasalamat nya noon sa Ina nya na isinama sya nitong dalawin ang Reyna Amethyst na kapapanganak pa lang. Habang abala ang Reyna at Ina nya sa pag uusap. palihim nyang sinilip ang sanggol sa higaan nito, natuwa sya ng makitang gising ito at nakatingin sa kanya. At sa unang pagtatama ng mga mata nila, may naramdaman na syang kakaiba na binalewala lang nya. Kasi alam nyang walang patutunguhan kapag hinayaan nyang sarili na mahulog sa Prinsesa. Hanggang sa, isa sya sa ipinatawag na dumalo sa isang pagpupulong sa Palasyo. Kasama si Draca at Alex, isinama sila ng Reyna Amethyst sa mundo ng mga tao, para humalili kay Heneral Ixeo. At dun nabuo ang lihim nyang pagtatangi kay Ayana, na kahit anong pigil nya sa sarili kusang lumalabas ang kakaibang damdamin nya para dito. Na inakala naman ng mga kasamahan nyang engkanto na nagbibiro lang sya, pero ang lahat ng ginagawa nya para kay Ayana ay totoo, dun sya masaya at tiyak nyang dun din sya liligaya. "Dwarf, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, bakit mo naman ako iniwan kanina ha?' May tunong pagtatampo sa boses ni Ayana. tahimik lang si Dwarf, ni hindi nga gumalaw kahit konti. Kaya lumapit na si Ayana at umupo sa malapad na bato, ang paboritong lugar nya dito sa kagubatan, tumabi talaga ito kay Dwarf na umusod naman palayo sa kanya, nainis sya sa ginawa nito, kaya para dina sya matakasan ni Dwarf niyakap na nya ito, mahirap na baka bigla na naman itong maglaho. Naramdaman nyang biglang nanigas ang katawan nito na lihim nyang ikinangiti. "Dwarf, hoy! magsalita ka naman oh! wag ka ng magtampo o magalit sakin. Totoo naman yung sinabi ko na ikaw ang Prinsepe ng buhay ko ah! Kaya sige na bati na tayo ha!" Sinilip ni Ayana ang mukha ni Dwarf, ganun pa rin walang pagbabago mula pa kanina. Inabot nyang kamay nito at pinisil pisil. "Bakit ang lamig ng kamay mo Dwarf? Okay ka lang ba ha?" Tumango ito at dahan dahang ibinaling ang ulo paharap sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila nakita nya ang unti unti nitong pagngiti. "Prinsesa...!" pabulong na sambit ni Dwarf, habang unti unting lumalapit ang mukha nito kay Ayana. 'Bahala na! hindi ko na talaga kayaaa!' Samantalang abala naman sa pag iisip si Ayana. 'Bakit ngayon ko lang napansin, napakagwapo pala nitong si Dwarf. sabagay maganda rin naman si Draca, siguro nasa lahi na ng mga ito.' Nagulat na lang si Ayana ng lumapat ang mga labi ni Dwarf sa labi nya. 'Huh! Bakit ganito ang nararamdaman ko? napakalakas ng t***k ng puso ko?' Napapikit na lang ang mga mata ni Ayana, ninanamnam ang sensasyong nadarama, ganun din naman si Dwarf na nakapikit rin. 'Abah! napakaswerte naman ni insan, naabot na nyang pangarap nyang bituin. Nakikisaya ako sa'yo at pangako nandito lang ako sa likuran mo, susuportahan kita sa kaligayahang nararapat para lang sayo!' Nakangiting turan ni Draca na kanina pa nakamasid sa dalawa. Matagal naglapat ang mga labi nila, pakiramdam ni Dwarf nasa alapaap na sya, ng maghiwalay ang mga labi nila, niyakap nya ng mahigpit si Ayana. "Mahal kita, Prinsesa Ayana! mahal na mahal kita!" "Dwarf!" "Mula nung sanggol ka pa, minahal na kita! ikaw lang ang nag iisang diwatang minahal ko sa buong buhay ko!" "Dwarf!" "Kaya nga tuwang tuwa ako ng mapili ni Reyna Amethyst, na maging isa sa tagapag bantay mo." "Dwarf!" Biglang sumimangot ang gwapong mukha ni Dwarf, na ipinagtaka ni Ayana. "Dwarf?" "Bakit ba puro ka Dwarf? alam kong maganda ang pangalan ko at gwapo ako, pero wala kana bang iba pang sasabihin sakin kundi Dwarf lang?" "Eh kasi." inginuso na lang ni Ayana kay Dwarf ang gusto nyang sabihin dito. Napalingon si Dwarf sa kanyang likuran, biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si... "Draca!" "Kaya pala wala ka sa pagpupulong, kasi nilalandi mo na naman ang Prinsesa ha!" Ngising impakta na naman si Draca habang may panunuksong tingin na nakatutok kay Dwarf. "Utang na loob Draca, wag ngayon! kasi masaya ako eh! kaya di kita papatulan." "Ah ganun ha! nagka lablyf ka lang itsapwera na ako agad! Walang utang na loob." Biglang naglaho si Draca at lumitaw sa harapan nila, sabay suntok nito, sapol sa panga si Dwarf, na nabigla sa bilis ng pangyayari, napalayo naman sa dalawa si Ayana. "Arraaayy... grabe ka sakin! sakit nun ah!" himas himas pa nyang nasaktang panga. "Ano ha! lalaban kana sakin ha?" "Bakit! sinabi ko ba ha? Wag kang ano dyan Draca, baka isumbong kita kay...!" Habang nakikipagtalo sya kay Draca, dahan dahang humahakbang si Dwarf palapit sa kinatatayuan ni Ayana, at ng mahawakan na nyang kamay nito at nagkatinginan silang dalawa, sa ganun lang nagkaintindihan na... "Isumbong naman kanino ha! Dwarf?" "Kanino pa ba impakta? Eh di kay Euriii..." At sabay na naglaho ang dalawa. Naiwan namang nakatanga lang si Draca. Bigla syang nalungkot ng maalala si Euri. "Kumusta na kaya sya ngayon? Labingwalong taon na hindi ko sya nakita,. Sana, sana lang napatawad na nya ako!" Sambit nya na nakatingala pa sa langit. Napailing saka naglaho. ??? "Nak, dalawin mo kami ni Nana dito ha!" Naiiyak na sabi ni Gardo sa anak. "Syempre naman po, lab ko kayo ni Nana eh!" Pinahid ni Ayana ang luha ng Ama. "Nak, dito lang kami, hindi kami aalis dito, para hindi kana mahirapang hanapin kami." Mahigpit na niyakap ni Ayana si Selya. Ang totoo nagpipigil lang sya ng iyak, ayaw nya kasing lalong malungkot ang mga magulang. Kahit ayaw nyang iwan ang mga ito, wala syang magagawa dahil kailangan. At ito na ang tamang pagkakataon at panahon para malaman nyang lahat tungkol sa pagkatao nya. "Magpakabait ka dun ha! Nak, yung mga tinuro namin sayo wag mong kakalimutan ha!.." Dagdag pa ni Selya. "Eh Nak, kung wag ka na lang kayang umalis, dito kana lang, para hindi tayo magkakahiwalay na tatlo." Hirit naman ni Gardo. "Hindi pupwede Tata! kasi pag hindi ako umalis ngayon, susugod dito ang mga engkanto, para kunin po ako! Gusto nyu po ba yun?" Agad namutla si Gardo. " Naku! wag naman sanang mangyari iyun Anak at baka ilibing nyu na lang ako kapag nangyari iyon." "Kaya nga Gardo, manahimik kana! Hihirit kapa eh! sipain kita dyan makita mo!" sigaw ni Selya sa asawa. Natatawa naman ang apat na engkanto sa takbo ng usapan ng pamilya. Mahigit tatlong oras ng nagpapaalaman ang tatlo, hindi matapos tapos. Kaya nakialam na ang Heneral. "Kamahalan, oras na po!" "Sige, sandali lang at magbibihis lang ako. pakikuha naman si baby dragon sa bahay nya at pakidala dito! Salamat Heneral." "Ako na pong bahala, Kamahalan." "Ayana, pwede bang Ayana na lang ang itawag mo sakin! kasi wala pa naman tayo sa Engkantadya." "Masusunod po, Ka - Ahmm.. A - Ayana." Nauutal na sagot nito. " Maraming salamat! Heneral." Nangingiti namang tinungo ni Ayana ang kanyang silid para magbihis. Isusuot na sana nya ang pantalon at t-shirt na napili nya, ng mapagawi ang kanyang tingin sa damit na neregalo ni Dwarf sa kanya. 'Hmmmm.. ano kaya kung ito ang isuot ko? hindi ba ako over dress nito? pero palasyo ang pupuntahan ko! kaya nababagay lang na ito ang suotin ko. Hmmm.. Tama! sige, ito na nga lang.' Ng maisuot na nyang dress, agad syang humarap sa malaking salamin at sinipat ang sarili. 'Wooww! grabreee! napakaganda naman talaga ng damit na ito, at favorite color ko pa ha! may taste din pala si Dwarf kala ko puro lang kalokohan ang alam haha.' Paikot ikot pa sya sa harap ng salamin ng may maalala. 'Teka nga muna, ma try nga ulit ang powers ko!' Inilahad nyang kamay at naglabas ng apoy sa palad nya, naghagis pa sya ng apoy sa kanyang paanan. Natutuwa sya sa mga kapangyarihan na meron pala sya, nasa loob lang pala nya ito at nagsimulang lumabas noong labinglimang taong gulang sya, na ngayon lang nya lahat natutunan sa tulong ng mga engkanto nyang kasama. Ng magsawa kakalaro ng kanyang kapangyarihan, Sinuklay na nyang mahabang buhok, ng makontento na sa kanyang hitsura agad syang lumabas ng kanyang silid. Napahinto naman sa pag uusap ang lahat ng makitang papalapit na si Ayana sa kanila. Lahat nakatutok ang tingin sa kanya, lalo na si Dwarf na nakatanga at awang ang labi, titig na titig ito sa Prinsesa. "Dwarf, itikom mo yang bibig mu at baka mapasukan ng langaw, saka punasan mo na rin yang laway mo." Pang aasar agad ni Draca sa pinsan na syang unang natauhan sa kanilang anim. "Maryosep! Kaganda naman talaga ng anak natin Gardo!" " Oo nga Selya, mana sakin hehe." "Anong sayo? sakin kamu, pareho kaming kutis porselana eh!" "O sya sige, mana na sayo! pareho kayong maganda." "Nagmana po ako sa inyong dalawa." Nakangiting sabi nya sa mga magulang, saka bumaling kay Dwarf na nakatitig pa rin sa kanya. "Prinsepe Dwarf," pabirong tawag nya dito. "Salamat sa napaka gandang damit na ito. Nagustuhan ko, lalo ng kulay, favorite color ko ito." Saludo lang ang isinagot ni Dwarf sa kanya. Na ikinataas ng kilay ni Draca. "Himala, nasaniban yata si Dwarf, biglang umamo O! haha." Pang iinis na naman ni Draca kay Dwarf. Na sinagot naman kaagad nito. "Mamaya ka sakin impakta, kaya maghanda kana sa aking sorpresa hehe." "Ahm, Ayana, ang baby dragon nyu po!" Inabot ng Heneral sa kanya ang dragon saka yumokod at mabilis na umalis para maihanda at maiayos ang dadaanan nila pabalik ng Engkantadya. Agad na nilagay ni Ayana ang baby dragon sa balikat nya saka lumapit sa mga magulang. "Tara na ho Nana, Tata, hatid nyu po ako hanggang sa lagusan!" Pumwesto sya sa gitna at sabay inakbayan ang mga magulang saka giniya palabas ng bahay. Nakahilera ng mga sundalo sa magkabilang gilid ng daan at nasa unahan na rin si Heneral Ixeo. Habang nasa likuran naman nila Ayana sila Draca, Alex at Dwarf. Tahimik silang lahat habang naglalakbay, nakikiramdam sa paligid at alerto. Ng huminto ang Heneral at sumenyas sa mga kawal, napahinto rin sila. "Kamahalan, narito na po tayo sa lagusan." "Ha? saan?" nagtatakang pinalibot ni Ayana ang tingin sa kakahuyan. "Nasa likod po ng talon Prinsesa." Ani Draca Sinilip nya ito at ng makita, tumango si Ayana saka hinarap ang Ina, hinalikan nya ito sa nuo at niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa nya sa Ama. "Nak, mag iingat ka! maghihintay kami sa pagbabalik mo, Prinsesa Ayana!" Agad na tumulo ang mga luha ni Ayana, na agad din nyang pinahid, ng marinig ang pagtawag ng Nana nya sa kanya. ito ang unang beses na tinawag syang Prinsesa ng Ina. isa lang ang ibig sabihin nun, tanggap na nito ang totoong pagkatao nya. Nakangiti syang humarap sa mga ito. "Mahal na mahal ko po kayong dalawa Nana, Tata, babalik po ako pangako ko po yan. At sa pagbabalik ko po hindi ko na kayo iiwan. Magkakasama na po tayong tatlo." "Aham." pagpaparinig ni Dwarf. Napahinto si Ayana sa pagsasalita at bumaling kay Dwarf, nginitian nya muna ito, bago ibinalik ang tingin sa mga magulang, sabay sabing... "Magkakasama na po tayong Apat sa pagbabalik ko. Pangako ko po yan sa inyo. mag iingat po kayo palagi! Paalam na po!." Kaylapad ng ngiti ni Dwarf, masayang masaya sya sa narinig na sinabi ni Ayana. 'Kaypalad ko kasi ako ang inibig mo, Prinsesa Ayana ng buhay ko!' Niyakap nya ulit ang mga magulang bago nag simulang humakbang patungo sa Heneral. Nakasunod naman sa kanya sila Draca Alex at Dwarf. Ng marating nilang apat ang kinatatayuan ng Heneral tumabi sila dito at nag isang linya bago humarap sa mag asawa at yumukod. "Maraming salamat, Ginoong Gardo at Ginang Selya, hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!" Sabay sabay na sabi ng apat na engkanto. Ng tumuwid ang mga ito sa pagkakatayo. si Ayana naman ang nagpaalam sa mga magulang. "Nana, Tata, maraming salamat po! mahal ko po kayo! Hintayin nyo po ako ha! Paalam na po!" "Maghihintay kami Anak, mahal na mahal ka namin tandaan mo yan! Paalam Anak." Kumakaway pang mag asawa habang isa isang naglalaho ang mga engkanto. At ng si Ayana na ang papasok ng lagusan lumingon pa ito sa mga magulang at ngumiti. kumaway pa sya sa mga ito. Habang ang baby dragon nya naman ay bumuga ng maliit na apoy, marahil ito ang paraan nito ng pag papaalam sa mag asawa. "Paalam!" Huling sigaw ni Ayana sa mga magulang bago sya pumasok ng lagusan, kasunod si Dwarf na sumaludo pa sa mag Asawa bago ito naglaho. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD