Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Maraming nagbago sa buhay ni Ayana habang nagdadalaga siya. Ang pag iiba ng hitsura nya habang lumalaki sya, ang pag iiba iba ng kulay ng mga mata at buhok nya. Ang mga kilos nyang kahit sya namamangha. Ang mga salita nyang ipinagtataka ng mga magulang nya, kasi madalas di sila magkaintindihan. Ang pakikipag usap nya sa mga hayop na tanging sya lang ang nakakaintindi at nakakaalam. Ang lahat ng yun ay nagpapagulo ngayon sa kanyang isipan.
Naaalala pa nya, nung sumapit ang ikalabing anim nyang kaarawan, habang nagbibihis sya sa kanyang silid, bigla na lang nag apoy ang buong katawan nya. Hindi sya sumigaw, sinikap nyang kumalma at dun lang unti unting nawala ang apoy. Takot na takot sya noon pero inilihim nyang lahat sa mga magulang kasi ayaw nyang mag alala ang mga ito.
At ng sumapit naman ang ikalabing pito nyang kaarawan. Namasyal sya sa bukirin ng Tata nya at napadpad sa kagubatan. Naaliw sya sa mga nakikita nyang ibon na lumilipad bandang uluhan nya na tila ba sinusundan siya, kaya naman pilit nya itong inaabot, hindi nya man lang napapansin na umaangat ng katawan nya sa lupa. Ng maabot nyang mga ibon at nasa mga kamay na nya, saka lang sya yumoko at nahindik sya sa nakita.
Ang katawan nya ay naging makulay na mga dahon. Kaya pala pakiramdam nya parang lumulutang sya sa hangin, yun pala naging dahon ng katawan nya. Kapag naaalala nyang pangyayaring iyon kinikilabutan pa rin sya.
'Bakit kaya ganun ang mga nangyayari sakin? Tao ba ako o ano? Totoo kayang chismis ng mga kapitbahay na engkanto daw ako?'
Napabuntong hininga na lang sya saka tumayo sa gitna ng kanyang silid.
'Masubukan nga kung tama ang mga hinala ko!'
Nag isip sya ng apoy at saka nyebe, pinagsama nya ito. Maya maya biglang uminit ang pakiramdam nya pero saglit lang yun dahil nakaramdam din sya ng lamig. Idinilat nyang mga mata, napaawang ang labi nya ng makita sa salamin ang nag aapoy nyang likuran at puno naman ng nyebe ang kanyang harapan.
'Totoo nga! Hindi nga ako tao! eh ano ba talaga ako?'
Litong lito ang kanyang isipan. Lumabas sya ng bahay saka naglakad sa kadiliman. Tinungo nya ang kagubatan. Hindi sya natatakot mag isa dahil alam nyang may nagbabantay sa kanya, hindi lang isa kundi apat ang nararamdaman nyang presensya. Palagi nyang nararamdaman ang mga ito kapag nasa labas na sya ng bahay nila.
"Wow! ang ganda naman ng buwan bilog na bilog."
Umupo sya sa malapad na bato, ang favorite place nya dito sa kagubatan, dito sya nagpupunta kapag gusto nyang mapag isa. Napatuwid ang upo nya ng may marinig na yabag. Tinalasan nyang pandinig at napangiti sya ng nasiguro nyang hayop at hindi tao ang may ari ng mga yabag na yun.
"Kung anukamang nilalang, hindi ako natatakot sayo, kaya sige na! lumabas kana dyan sa pinagkukublihan mo at lumapit ka dito sakin!"
Napangiti si Ayana ng makita ang isang malaking Leon na may kagat kagat na pulang rosas. Dahan dahan itong naglalakad palapit sa kanya.
"Ay! ang cute mo naman! Haha.."
Inabot ni Ayana ang pulang rosas at inamoy ito. Napapikit sya ng masamyo ang kakaibang halimuyak ng bulaklak. Dumilat sya at ngumiti sa Leon na nakatingin lang sa kanya.
"Salamat sa rosas, anong pangalan mo?" Nakangiti nyang tanong dito.
"Dwarf, ako si Dwarf, mahal kong Prinsesa Ayana"
"Hahaha Dwarf? Eh, ang laki mo para maging isang dwende!"
Tawa sya ng tawa ng biglang maalala ang huling sinabi nito. Kahit sa isipan nya lang narinig ang tinig nito, maliwanag ang pagkakabigkas ng mga salita nito.
"Prinsesa? Sino? Ako ba yun?" Nangingiti nyang tanong.
"Ikaw! ang Prinsesa ng buhay ko!'
"Talaga! Sige, Ikaw naman ang Prinsepe ng buhay ko!"
Pigil ang tawang pakikisakay nya dito. Inabot nyang ulo ng Leon at hinimas himas ito. Ng masulyapan nya ang maliliit na bulaklak di kalayuan sa kanila. Agad syang tumayo at namitas ng mga bulaklak saka bumalik sa kinauupuan nya kanina. Isa isa nyang inilagay sa buhok nya ang mga bulaklak at ng matapos ay humarap sya sa Leon.
"Ayan! Pwede na, para na tayong si Beauty and the Beast haha... Hayy, sayang diko dala ang celpon ko, sana may picture din tayo."
Sumandal sya sa katawan ng Leon at tumitig sa buwan.
"Alam mo Dwarf, kwento ni Nana sakin, dati ang dami daw naming alagang hayop. May pusa kami na ang pangalan ay Alex. lam mu ba ang cute cute nya, may picture kaming dalawa, tapos may picture din ako kasamang isang ibon na ang pangalan ay Draca, na ang ganda ganda ng kulay, meron din akong kuha na may lady bug na pula saking daliri, sabi ni Tata ang pangalan ng bubuyog ay Heneral Ixeo. Hahaha nakakatuwa sila Nana at Tata, lahat ng hayop pati insekto pinangalanan pa talaga nila."
Pataas taas pang mga paa ni Ayana sa ere habang ikinukwento ang lahat. Bakas sa mukha at tawa nito ang kaligayahang nararamdaman. Na kahit si Dwarf na nakikinig at nakikiramdam lang ay lihim ding natatawa sa mga naririnig.
"Pero alam mo ba? ang pinakagusto ko sa lahat ay yung picture ko habang umuulan, na ang gamit kong payong ay isang dambuhalang bulakalak at may nakadapo na paroparo sa buhok ko."
'Whoa! Kinikilig naman ako! Yung kuha naming dalawa ang pinaka gusto nya! Ang saya saya kooo wohooo.'
Ang kagalakang nadarama ni Dwarf ay biglang naglaho, ng maramdaman nya ang pagtahimik ni Ayana. Kaya lihim nyang sinilip ang mukha nito... nakikipagtitigan ito sa buwan habang may pagtataka na mababakas sa mukha nito at tila ba kay lalim ng iniisip. Nagulat pa si Dwarf ng bigla itong magsalita, kaya binaling nya agad sa iba ang tingin.
"Alam mo ang ipinagtataka ko lang kung bakit sa bawat pictures iba iba ang hitsura at kulay ng buhok ko?. Pero sabi naman ni Nana kapag nagtatanong ako , wig at make up lang daw yun, kasi nga lahat ng kuha ko daw sa studio lang ng kaibigan ni Tata dun sa bayan."
Natahimik at nalungkot bigla si Ayana. na naramdaman din ni Dwarf, at ang biglang pag iba ng aura sa paligid nila.
"Pero bakit ganun? Hindi ko sila matandaan, hindi ko rin maalala ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko? Lagi ko ngang tinatanong si Nana kung nasaan ng mga alaga nilang hayop, sabi niya bigla na lang daw nawala. Sayang!"
Alam ni Dwarf kung bakit, kasi binura ni Alex ang mga alala ni Ayana, para na rin sa kabutihan nito, at sumumpa silang apat kasama ang mag asawang naging magulang ni Ayana, na manatiling lihim lang ang lahat, kaya nanahimik lang sya.
Tumuwid ng upo si Ayana at hinimas na naman ang ulo ng Leon.
"Panu, uuwi nako Dwarf ha! kasi baka magising sila Nana at masilip ako sa kwarto na wala, tiyak mag aalalang mga yun."
Tumayo na siya't humakbang palayo kay Dwarf. Ng biglang may maalala. kaya nilingon nya ito at sinabing...
"Salamat sa pakikinig at pagsama sakin Dwarf, bukas ulit! Babye."
Nakasunod lang ang tingin ni Dwarf kay Ayana habang naglalakad na ito palayo sa kanya.
"Dwarf!"
Napalingon si Dwarf bandang kaliwa nya at ng makita si Draca, maglalaho na sana ito, pero mabilis na nahawakan nito ang braso nya. Sa likuran naman nito ay si Alex na abala kakahalungkat sa wonder bag nito. Habang nakita pa nyang naglaho ang Heneral, siguradong susundan nun si Ayana.
Ng makapasok naman si Ayana sa kwarto nya ay umupo ito sa kama. May narinig syang mga yabag sa labas ng kwarto, agad syang napatayo at dahan dahang lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakita nyang naglalakad ang mga magulang patungong sala kaya sinundan nya ito. Ng makaupo ang dalawa sa sofa, agad naman syang nagkubli at nakiramdam.
"Selya, bukas ng ikalabing walong kaarawan ni Ayana.. Natatakot ako kasi dumating ng panahon na sinasabi satin ng boses diwatang yun."
"Gardo, anong gagawin natin? Ayokong mawalay satin si Ayana, hindi ko kakayanin Gardo! huhuhu."
Nagpunas ng mga mata si Gardo, inabot nyang kamay ng asawa at hinawakan ito ng mahigpit. Maya maya giniya nya si Selya pasandal sa dibdib nya, pinapakalma nya ito habang palakas ng palakas ang hikbi nito. Naaawa sya sa asawa pero wala silang magagawa kung kukunin na sa kanila si Ayana.
"Batid natin mula pa ng sanggol si Ayana, pinahiram lang sya satin Selya, kaya wala tayong karapatan na angkinin sya't ipagdamot sa totoong pamilya nya."
"Alam ko naman yun eh! Ansakit lang na mawawalay na sya satin, panu na tayo nito Gardo?"
"Ewan ko Selya! Ewan ko!."
Nagyakap ang mag asawa na patuloy ang pagtangis. Napasapo naman si Ayana sa bibig nya ng hindi na mapigilan ang pag iyak. Noon pa sya nagtataka sa tunay nyang katauhan, ng magsimula ang lahat ng pagbabago sa sarili nya. Ngayon alam na nya ang sagot sa bawat tanong na nasa isipan nya.
Masakit sa loob nya ang makitang umiiyak ang mga magulang. Pumikit sya at hiniling na sana ay maglaho na lang sya. At yun ngang nangyari na hindi man lang nya namalayan na sa paborito nyang lugar sya lumitaw.
???
Ng masiguro ni Heneral Ixeo na nasa loob na ng kwarto si Ayana, agad nyang kinausap ang mga sundalong nakapalibot sa bahay ng mag asawa. Pagkatapos nun bumalik na sya sa lugar kung saan nya iniwan ang tatlo nyang kasama, naabutan naman ng Heneral na sakal sakal ni Draca si Dwarf habang umaawat naman si Alex.
"Arrrkk... arrkk.. Drac - arkk.. Dracaaa... tama.. naaa.. ark... Alexxx tulungan mokoooo arkk hahhh..!"
"Bakit ka nagpakita sa Prinsesa ha? pasaway ka talagang kulugo kaaa..."
"Tama na nga yan! Anuba kayong dalawa ha! Sige, ayaw nyung tumigil ha? Teka! Sandali..."
Hindi na maawat awat ni Alex ang dalawa, kaya gaya ng dati iisa lang ang solusyon para maglayo ang dalawa, kaya naman bigla nyang sinabuyan ng puting pulbo ang dalawang kapit tuko sa isa't isa. Bagsak ang dalawang ipis sa lupa.
"Alexxx, bruha ka! Ibalik moko sa dati! Ako lang wag na si Dwarf."
"Anong ikaw lang? Alex, ibalik moko sa dati, wag na si Dracang impakta."
"Heh! magsitigil nga kayong dalawa, parusa nyu yan, pinahirapan nyu pako hmp."
Natatawa namang sumingit na si Heneral Ixeo sa pagtatalo ng tatlo.
"Pwede na ba tayong mag usap?"
Agad namang natahimik ang lahat at nakinig.
"Bukas, kaarawan na ng Prinsesa Ayana, kailangan na nating maghanda pabalik ng Engkantadya."
"Eh! Heneral, sa tingin ko po, parang may alam ng Prinsesa sa tunay nitong pagkatao."
"Bakit? Sinabi mo ba sa kanya Dwarf, kaya ka ba nagpakita?" May pag aalalang tanong ng Heneral.
"Oy hindi ah! Bakit ko naman sasabihin yun sa kanya? Ayokong maparusahan ng Reyna."
"Eh bakit ka nga nagpakita sa Prinsesa?" Singit ni Alex.
"Eh, kasi nga malandi yang si Dwarf, kita nyu naman hinarot ang Prinsesa."
"Uy naiinggit sya! Bakit Draca, selos ka ba ha?" Pang iinis pa nya.
Mabilis na gumapang palayo si Dwarf ng makitang lumipad si Draca palapit sa kanya.Naiiling naman ang Heneral habang sinusundan ng tingin ang dalawang ipis na naghahabulan.
"Mga isip ipis tsk tsk." Bulong pa ni Alex habang sinabuyan ng berdeng powder ang dalawa.
Tamang tama naman na malapit ng mahuli ni Draca si Dwarf.
"Durog ka sakin kapag naabutan kita Dwarffff.."
Panay ang hagis ng apoy ni Draca kay Dwarf na nagkandatalisod na kakaiwas.
"Impakta Draca, tama naaaa.. Ansakit na ng katawan kooo. Hoy, Alex tuloonggg!"
Napadilat ng mga mata nya si Ayana ng marinig ang boses ni Dwarf. At tumambad sa paningin nya ang isang lalakeng panay ang ilag sa mga bolang apoy na tumatama sa katawan nito. Pinagmasdan nya itong mabuti, may kahabaan ang tenga, malaki ang pangangatawan may hitsura at higit sa lahat matangkad.
'Sino ang mga ito? Ba't ako napunta dito?'
"Hay naku! Bahala kayong dalawa dyan magpatayan." Abala pa rin si Alex sa paghahalo ng mga gamot.
Nalipat ang paningin nya sa nagsalita, isang babaeng kulay purple ang damit, napakaganda nito sa damit nyang hapit na hapit at may sumbrero pang mangkukulam. hindi nya makita ang buong mukha nito dahil nakayuko ito at abala sa mga bote na hawak.
"Hahaha Dwarf, yung p***t mo nasusunog, magmadali ka baka matusta hahaha.."
Nalipat naman ang atensyon nya sa babaeng kulay puti ang buhok, maganda rin ito kaso mukhang pilya, at sa tingin nya ito ang Draca na paulit ulit na tinatawag ni Dwarf. Eh sino naman ang katabi nitong isa pang babae na nakikitawa lang?
Galak na galak si Draca habang pinagmamasdan ang pinsan na natataranta kung paano apulahin ang apoy sa p***t nito.
"Impaktang Dracaaaa! Utangnaloob namannn... Tumig --.." Napahinto si Dwarf at natulala ng makita si Ayana. "P -Prinsesa!!!.."
Sabay na napalingon ang tatlo kay Ayana.
"T - totoo kayo? H - hindi ako nananaginip diba?"
Agad naglakad palapit sa kanya ang tatlong babaeng engkanto at tumayo sa harap nya. Samantalang si Dwarf naman ay abala pa rin sa pag pagpag ng apoy sa p***t nito.
"Dwarf!"
"Oo na! Sandali lang naman!"
"Isa"
"Impakta talaga! Andyan na nga." Naglaho ito.
Saka lumitaw sa tabi ni Alex. Nagkatinginan ang apat at sabay sabay na yumokod kay Ayana.
"Maaliwalas na araw, mahal na Prinsesa Ayana"
"Anu yun?" Nagtatakang tanong nya sa mga ito.
"Isang pagbati po sa Engkantadya, mahal kong Prinse - uhh.. aray!."
Ngiting ngiwi na sagot ni Dwarf, saka bumaling kay Draca at sinamaan ito ng tingin. Pero pinandilatan lang sya ng mga mata nito. Agad na iniiwas ni Dwarf ang tingin.
"E - Engkantadya? Saan naman yun? Teka! sandali! Mga Engkanto kayo?"
Tumango ang apat. Namamanghang dipa rin makapaniwala si Ayana na nangyayari itong lahat sa kanya.
Habang nag iisip, naglakad sya papunta sa malapad na bato at umupo dun, paharap sa apat at senenyasan ang mga ito na umupo.
Agad na umupo ang tatlong diwata sa harapan nya, pero si Dwarf! lumapit pa sa kanya at dun umupo sa tabi nya. Na ikinadilat ng mga mata ng tatlo nitong kasama.
"Hoy Dwarf, bakit dyan ka umupo ha? Dito ka sa tabi ko." Sita ni Draca.
"Yoko nga! Sasaktan mu lang ako eh!" Inirapan nyang pinsan na lalong ikinainis nito.
"Aba't! Nangangatwiran kana ngayon ha!"
"Eh ano naman! Hindi mo ba narinig kaninang sabi ng Prinsesa ha? Ako lang naman ang Prinsepe ng buhay nya, kaya mamatay ka dyan sa inis, bleeh."
Nanlilisik ang mga mata ni Draca na nakatingin sa nakadila pang si Dwarf. Nagpipigil lang sya dahil kaharap nila ang Prinsesa. Natatawa namang inawat sila ni Ayana.
"Okey lang, hayaan na lang natin sya sa gusto nya." May masuyong ngiti pa sa labi ni Ayana, habang sinasabi ito sa kanila.
"Hayan ha! Draca, narinig mu ba yun? Ayan saksi sila Heneral at Alex. HAYAAN LANG AKO. ibig sabihin nun, hindi mo nako mabu bully ngayon, impakta ka! yeheheyyy.. ang saya ko."
Napatayo pa talaga si Dwarf, at ikenembot kembot ang bewang na parang nagsasayaw sa galak na ikinatawa ng lahat. Ng hiningal sa pagsasayaw, bumaling ito kay Ayana "Maraming Salamat Kamahalan." At yumukod pa ito. Saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Ayana na natatawa pa rin.
Ng mahimasmasan, tumikim muna si Ayana, saka tiningnan isa isa ang apat "So! Pwede na ba kayong magpakilala sakin?"
Agad na tumayo si Heneral Ixeo at yumukod. "Heneral Ixeo, isa sa mga pinuno ng sandatahang mandirigma ng Engkantadya. Malaking karangalan, ang mapili ng mahal na Reyna Amethyst para maging isa sa mga tagapangalaga nyu mahal na Prinsesa Ayana."
'Bakit parang pamilyar yata sakin ang pangalan nya hmmm?' tumango si Ayana at ngumiti sa Heneral.
"Puting mangkukulam na manggagamot, Alex po, mahal na Prinsesa Ayana, nakahanda sa lahat ng nais nyong ipagawa." Yumukod ito at sa pag angat ng mukha malapad na itong nakangiti sa kanya.
Ngumiti din sya dito, 'napakagandang mangkukulam naman nito.' Naisip nya, napabaling ang tingin nya kay Dwarf ng malakas itong magsalita.
"Hoy Draca! ikaw ng sunod, anupang tinutunganga mo dyan ha! Naghihintay ng tugtog ng banda? Hahaha."
Agad na may apoy na sumabay sa pag ihip ng hangin, sapul sa dibdib ni Dwarf tumama, na agad namang napatayo at tumakbo, saka biglang naglaho. Tanging tinig na lang nito ang naiwan sa kanila.
"Waaahhh... A - aray... aray...woooo... may araw ka rin sakin impaktang Dracaaaa....."
Nasapo ni Ayana ang tiyan sa kakatawa. Ang saya saya ng nararamdaman nya ngayon. Tila napawi ang lahat ng bigat na nakadagan sa dibdib nya. Napatigil lang sya sa katatawa ng mapansing nakatingin sa kanya ang tatlong nakaupo sa harapan nya.
"Sorry, nakakatuwa naman kasi kayo. Hahaha... Hmmm.. pasensya na ulit! Sige magpatuloy na tayo." Pigil pa rin nya ang tawa ng magsalita na si Draca.
"Mahal na Prinsesa, pag pasensyahan nyu na po ang pinsan kong si Dwarf. Abnormal kasi yun kaya sya ganun kung umasta."
"Narinig ko yan Draca ha! Kala mo naman to hindi abnormal, sobra kapa nga eh! kasi baliw ka! Baliw sa pagmamahal kay Euri hahahah!."
Pang aasar pa ni Dwarf, nungkang magpakita sya sa mga ito lalo na kay Draca. kasi siguradong tusta ang kalalabasan nya kapag nahuli sya nito.
"Talaga lang Dwarf ha!"
Yun ang akala ni Dwarf, dahil sa lakas at talas ni Draca sisiw lang ang pagtatago nya, nahuli pa rin sya nito.
At ngayon nakatali na syang pabaliktad sa puno habang pinapalibutan ng mga dragon na alaga ng pinsan. Hindi nya tuloy magamit ang kapangyarihan nya, dahil konting galaw lang nya bumubuga agad ng apoy ang dragon na katabi nya.
"Ok lang ba si Dwarf?" Nag aalalang tanong ni Ayana kay Draca.
"Mabubuhay po yan kahit magtagal po syang nakaganyan. Saka sanay na po yang maparusahan ni Draca."
Natatawang sabi ni Alex na naghahalo na naman ng mga gamot nyang hawak.
Nakita ni Ayana ang pinakamaliit na dragon na gumagapang papunta kay Dwarf. Tinitigan nya itong mabuti sabay pitik ng daliri nya. 'Try lang kung tumatalab bang powers ko at kung totoo ngang mayron din ako.'
"Dracaaaa, pakawalan mo na ako dito! Pramis! magpapakabait na ako! Sige na naman oh! maawa kana sakin, Dra -- .."
Natigilan si Dwarf ng maramdaman ang init na parang apoy na tumutupok sa tali ng mga kamay nya sa likuran, unti unti na kasi itong lumuluwag.
Nakatingin lang si Ayana sa maliit na Dragon, hindi nya alam na pinagmamasdan at pinakikiramdaman din ni Draca ang ginagawa nya, sinadya talaga nitong ilabas ang baby dragon na alaga para subukin ang kakayahan ng Prinsesa.
Hinahayaan lang nya ito kasi gusto rin nyang makita kung anuna bang makakaya nitong gawin o may alam na ba ito tungkol sa taglay nitong kapangyarihan. Napangiti na lang si Draca ng tuluyang makawala si Dwarf sa pagkakatali, at agad na naman itong naglaho na hinayaan na lang nya.
"Sa wakas nakalaya din ako sa impaktang nagngangalang Draca. Yohooo.. yeeyy."
Napatawa silang lahat sa kalokohan ni Dwarf. na tanging boses lang ang maririnig. napahinto sa pagtawa si Ayana ng mapansin ang baby dragon na lumipad papunta sa paanan ni Draca. Bumuga pa ito ng maliit na apoy bago gumapang at namaluktot sa suot na sapatos ni Draca.
"Ang galing naman! Ang cute ng maliit na Dragon na yan." Nangingiting sambit ni Ayana.
"Gusto mo ba sya mahal na Prinsesa?" Inabot ni Draca ang baby dragon saka ibinigay kay Ayana. "Sa inyo na po regalo ko sa kaarawan nyu bukas."
"Talaga ba Draca! Sakin na itong cute baby dragon na ito?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ayana.
Ng mahawakan nyang baby dragon, agad itong lumipad patungo sa balikat nya at dun na namalagi. Natatawa na lang syang hinimas ito, saka bumaling kay Draca.
"Salamat." Aniya kay Draca na yumukod naman sa kanya.
"Kamahalan mag uumaga na po, baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyu, tara na pong umuwi." Sabad ni Heneral Ixeo sa usapan nila ni Draca.
"Ay oo nga pala naku! Nakalimutan ko, tara na daliii..."
At nagtatakbo na si Ayana pauwi. Napahinto sya sa pagtakbo ng biglang lumitaw sa harapan nya si Dwarf.
"Mahal kong Prinsesa, hindi nyu na po kailangang tumakbo, ganito lang po ang gagawin nyu."
Biglang naglaho sila ni Dwarf, parang kumurap lang sya at sa pagdilat nya ay nasa loob na sya ng kanyang silid. Namamanghang napatingin sya kay Dwarf.
"Paano nangyari yun? Anong ginawa mo Dwarf?"
"Ganito na lang mahal kong Prinsesa. kapag may gusto kayong puntahan isipin nyu lang ang lugar na yun at ura mismo mapupunta kayo kaagad sa lugar na gusto nyu."
"Talaga! Totoo ba yan Dwarf, ha?"
"Mismo! pwede nyu pong subukan kung gusto nyu."
"Sige, sige." Excited na sabi ni Ayana, saka inisip nya ang kusina nila.
Napakurap kurap pa sya ng bigla syang lumitaw sa kusina nila. "Wow! totoo nga!" Napapalakpak pa sya sa galak, dahilan para magising ang baby dragon sa balikat nya, at dahil sa nagulat ito, biglang bumuga ng apoy. Sapul si Gardo sa buhok.
"Nak, kanina kapa ba dyan?" Si Selya na nagulat sa biglang paglitaw nya.
Natatarantang biglang napatayo naman si Gardo sa mesa at tumakbo sa lababo, bago binuksan ang gripo sabay sahod ng ulo nito para mamatay ang apoy.
"Nana" hinalikan nya ito saka niyakap.
Lumapit sya kay Gardo, na nagpupunas ng ulo gamit ang maliit na tuwalyang nakasampay sa balikat nito. "Tata" hinalikan nya rin ito at niyakap.
"Nak, saan naman nanggaling yang Dragon mo?" Nagtatakang tanong ni Gardo.
"Regalo po ng kaibigan ko, kasi di po ba birthday ko po ngayon? Ano po ang handa natin?"
"Bumili na ako ng cake anak, saka ice cream. diba yun ang paborito mo?"
"Wow sarap naman po, Nana. Kainin na po natin gutom na po ako."
"Ikaw talaga! Napaka takaw mo, eh teka! wala ka bang bisita na darating ha! Wala ka bang inimbita, anak?" Tanong ni Gardo.
Biglang may naalala siya. "May bisita po ako Tata, nasa labas na po sila,"
"Aba'y papasukin mo na ng makakain na tayo!" Nakangiti namang sabi ni Selya habang inaayos ng mesa.
Lumabas ng bahay si Ayana at tinawag ang kanyang mga bisita.
"Halina kayong lahat, pasok na kayo sa bahay namin." Anyaya nya sa tanging apat na bisita nya .
"Nana, Tata, sila po ang mga bisita ko."
Napatayo bigla sa pagkakaupo ang mag asawa. At nanlalaki ang mga matang nakatingin sa apat na bisita ng anak nila.
"Si Heneral Ixeo, Alex, Draca at Dwarf po!." Malapad ang ngiting pagpapa kilala ni Ayana sa mga bisita nya.
"Maaliwalas na araw, Ginoong Gardo, Ginang Selya." Nakangiting pagbati ng mga bisita nila.
"Juskolord!" Sabay pang sambit ng mag asawa, bago bumagsak sa sahig.
"Nana! Tata!"
Kung noon si Selya lang ang hinimatay ng magpakita't magpakilala ang mga ito, ngayon dalawa na sila ni Gardo. Nagkatinginan naman ang apat na engkanto saka sabay ring napatawa.
Habang si Ayana naman ay natataranta kung sinong uunahin nyang asikasuhin, ang Tata ba nya o ang Nana? Sino nga ba ang mauuna?
?MahikaNiAyana