Final Chapter

4903 Words
"Maaliwalas na araw Mahal na Reyna Amethyst, nakabalik na po kami ng ligtas mula sa mahabang paglalakbay, kasama na po namin ang Prinsesa Ayana, Kamahalan." "Maaliwalas na araw, Heneral Ixeo. masaya ako't nakapag lakbay kayo ng ligtas, maraming salamat sa inyong tulong para saking anak, maaasahan talaga kita, Heneral." Masayang puri ng Reyna sa matapat nyang Heneral, hindi sya nagkamali sa pagpili dito para ipagkatiwala ang kaligtasan ng kanyang anak.. Biglang pumasok ang lagalag na bunso nyang anak na si Alitaptap, humahangos ito na tila galing na naman sa malayong paglalakbay. "Ina! totoo ba, na nagbalik na si Ayana? san na po sya? nasasabik na akong makita sya." Magsasalita pa sana ang Reyna ng pumasok sa bulwagan sina Alex at Draca, kasunod ng mga ito si Dwarf na kahawak kamay si Ayana na umiikot ang tingin sa paligid. Agad na yumokod ang tatlo at binati ang Reyna na malapad ang pagkakangiti sa kanila. "Ayana! Ikaw na ba yan? matagal na kitang gustong makita! ako si Alitaptap, kapatid mo." Nakatanga lang si Ayana habang mahigpit na nakayakap sa kanya si Alitaptap. Napahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ni Dwarf ng may isa pang yumakap sa kanya at may isa pa, dahilan para mabitawan nyang kamay ni Dwarf. "Masaya kaming nakabalik ka na Anak, napakaganda mo, kamukhang kamukha mo ang lola mo. Ako naman si Xian, ang iyong Ama." "At ako ang iyong Ina." "Hello po sa inyong lahat." masayang bati nya sa tatlo ng sa wakas ay binitawan din sya ng mga ito. Pagkatapos ng yakapan, dinala si Ayana ng pamilya nya patungo sa isang bahagi ng palasyo kung saan may mahahabang mesa na puno ng masasarap na pagkain. "Anak, halika na, kumain na tayo saluhan mo kami." nakangiting anyaya ng kanyang Ina. "Salamat po, Ina." tipid namang sagot nya. "Heneral, Alex, Draca, Dwarf! halina kayo saluhan nyo kami." Anang Hari sa apat na engkantong nakasama ng anak sa mundo ng mga tao. Masayang tiningnan isa isa ni Ayana ang mga kasalo sa hapag kainan. Umpisa sa Ama nyang Hari, ang Inang Reyna, sa madaldal nyang kapatid na si Alitaptap. mula kanan napabaling naman ang tingin nya sa kaliwa, unang nasilayan nya sa dulo na katapat ng Ama nya ay ang Heneral, sumunod si Alex, tapos si Draca at ang katabi nyang si Dwarf na kumindat pa sa kanya ng magtama ang paningin nila. Napailing na lang sya sa kapilyohan nito. "Ayana, gusto mo bang sumama sakin mamasyal?" anang kapatid. Masaya sya dahil napakabait sa kanya ng kanyang pamilya, lalo na itong si Alitaptap, madaling makagaanan ng loob kasi madaldal at masayahin. "Gusto ko yan! okey, sige, mamaya pagkatapos nating kumain." nakangiti nyang sabi dito, saka bumaling sa mga magulang. "Pwede po ba?" Nakangiting tumango naman sa kanya ang mga magulang. " Gawin mong lahat ng iyong nais anak, basta't mag iingat ka lang palagi ha! si Alitaptap ng bahala sayo." "Salamat po, Ama." Tumayo sya't lumapit dito saka hinalikan ito, sunod namang nilapitan ay ang kangyang Ina. "Maraming salamat po, Ina." "Tara na Ayana, Excited na ako!" hinila na sya ng kapatid palabas ng palasyo. "Heneral, kayo ng bahala sa kanila." bumaling ito kina Draca. "Malaya kayong gawin ang gusto nyu, magbakasyon muna kayo." "Masusunod po, Kamahalan. Maraming salamat po!" Sabay sabay na yumokod at nagpaalam ang apat at agad na nilisan ang palasyo. ??? Palabas ng tahanan nila si Dwarf ng masalubong sa hardin ang kaibigang si Euri. Nagtapikan ang dalawa bago umupo sa pahingahang upuan sa gilid ng balon. "Kumusta na kaibigan?" Panimulang tanong ni Euri. "Ako ba talaga ang kinukumusta mo o si Draca? may pilyong ngiti na nakasilay sa labi ni Dwarf. Nalungkot naman ang mukha ni Euri ng mabanggit ang pangalan ng dating kasintahan. Nasasabik syang makita ito at gusto nyang puntahan pero nag aalangan siya't baka galit pa rin ito sa kanya, hindi naman nakaligtas sa matalas na mga mata ni Dwarf ang reaksyon ng kaibigan, at kunyari nakatingin lang sya sa larawan nila ng kanyang ina, kuha yun nung maliit pa sya, naaawa sya sa kaibigan kasi alam nyang wala naman itong kasalanan. "Kaibigan, bakit hindi mo subukang kausapin ang impaktang yun, para bumait naman sakin!" "Hahaha bakit, hindi ka pa rin ba tinatantanan ng isang yun?" "Hay naku! palala ng palala kamu, hindi lang ako tinutukso sinasaktan na nya ako. Kaya sana magkabalikan na kayo para ikaw na lang ang saktan nya!" "Hahaha ikaw talaga, para bang madali lang mapaamo yang pinsan mo, eh alam mo naman ang ugali nun diba?" Napasimangot si Dwarf sa sagot ni Euri. Gustong gusto nya talagang magkabalikan ang dalawa kaya lang papanu? 'Hmmmm isip isip, ano kayang magandang gawin para magkaayos ang dalawa?' "Tara kaibigan, ipapakilala kita sa Prinsesa ng buhay ko." Kaylapad ng ngiti nya ng maalala si Ayana, siguradong kasama nito ngayon si Draca, nakita nya kasi kanina na magkasama ang dalawa patungong Fairyland. "Tama bang narinig ko, prinsesa ng buhay mo? Hmmmm sino naman yung malas na diwatang pumatol sa'yo ha?" "Anuka! maswerte nga sya sakin eh! mantakin mo yun, san pa sya makakahanap ng makisig, magandang lalake, mabait at mapag mahal na kagaya ko! ha?" Pagmamayabang na turan ni Dwarf. Natatawa namang tumayo na si Euri at hinila si Dwarf palabas ng hardin. "Tara na nga't lalong lumalakas ang hangin dito, baka matangay pa ako hahaha." Sabay na naglaho ang dalawa. Ang destinasyon nila ay sa Fairyland. Sa mga diwatang walang kaalam alam na paparating na sila dun para mambwesit. ??? "Alitaptap san kana naman pupunta?" "Iikot lang kami sa himpapawid ni Zera babalik kami kaagad." Nakasunod ang tingin ni Ayana kay Alitaptap na padapang yumakap sa alagad nitong malaking itim na ibong si Zera. "Mag iingat ka, balik ka kaagad!" Pahabol pa nyang sabi sa kapatid na kumaway naman sa kanya. Napabaling ang tingin nya kila Alex at Draca na abala sa pangunguha ng prutas na kakainin nila. Habang nagtungo naman sa batis si Heneral Ixeo para sumalok ng inuming tubig nila. "Ano Draca, marami kana bang napipitas dyan? malapit ng mapuno itong lalagyan ko." "Hindi pa nga nangangalahati tong lalagyan ko eh, akyatin ko na kaya tong puno ng mangga Alex, dyan ka lang baka may malaglag ikaw ng bahala." "Sabi ko naman kasi sayo kanina akyatin na natin eh!" "Baka kasi mapagalitan tayo ni Mother Golden Fairy!" "Eh bakit naman ngayon, gusto mo ng akyatin?" "Kasi mas madaling mapuno ang lalagyan ko pag nasa taas ako, dun maraming bunga eh!" "Bahala ka! sige na akyatin mu na para makakain na tayo, kanina pako nagugutom eh." Agad na lumambitin sa sanga ng mangga si Draca at maliksing tinalon talon ang bawat sanga makaakyat lang sa pinaka itaas ng puno. Hindi na sya makita ng dalawa sa lago ng mga dahon, boses na lang nya ang pinakikinggan ni Alex kapag sumisigaw ito tuwing may nahuhulog na bunga. Biglang lumitaw si Dwarf at Euri sa likuran ni Ayana na walang kamalay malay. Kinalabit nya ito at ng lumingon seneyasan nya itong sumama sa kanya. Pagkatapos binalingan ni Dwarf si Euri at sinabihang lapitan nila si Alex na abala kapupulot ng mangga na nahuhulog sa lupa. Sumunod naman ang kaibigan. "Mahal kong Prinsesa, si Euri pala, kaibigan ko." Ngumiti naman agad si Ayana " Hello." Nakangiting bati ni Ayana kay Euri na agad namang sinaway ni Dwarf. "Huwag mo syang ngitian, Mahal kong Prinsesa! dapat sakin ka lang ngumingiti ng ganyan hmp." Naiinis na sabi ni Dwarf, saka bumaling sa kaibigan na ngayon ay nakangiting yumoyukod kay Ayana. Ng tumuwid ito ng tayo, pinandilatan kaagad ni Dwarf ng mga mata nya. "Bumati ka na lang, wag mo na syang ngitian." Naiiling na lang na tinikom ni Euri ang bibig saka binati ng seryoso ang mukha na tumingin sa Prinsesa. "Maaliwalas na araw Prinsesa Ayana." Hinampas naman sa balikat ni Ayana ang katipan na tatawa tawa. Napakaloko talaga nito. Bumaling naman si Dwarf ky Alex saka sinitsitan ito. "Alexxx.. psssttt.." Mahinang tawag ni Dwarf kay Alex na lumingon naman agad sa kanila. Senenyasan nya itong lumapit. "Bakit kayo nandito?" "Sssshhhh, nasan ang bruha?" "Nasa taas ng puno nangunguha ng mangga, bakit nga?" Nagtatakang tanong ni Alex habang pasulyap sulyap kay Euri na nakikipag usap na ngayon kay Ayana. "Ah ganun ba, sama ka muna samin ng Prinsesa bigyan natin ng oras ang dalawa." Inginuso ni Dwarf si Euri na ngayon ay nakatingala na sa Puno ng mangga, bigla kasing sumigaw mula dun si Draca. "Alexxx! anu puno na ba?" Nginisihan ni Dwarf si Alex saka tumango. Napangiti naman ito at sumigaw pabalik kay Draca. "Puno na Draca bumaba kana dyan dali!" Lumapit naman si Dwarf kay Ayana at hinawakan ito sa kamay, at hinila palapit kay Alex. Senenyasan pa nito si Euri ng goodluck sign. Sabay na naglaho sina Dwarf, Ayana at Alex. Habang si Euri naman ay hindi mapakali habang nakikita nyang pababa na ng puno si Draca, hindi sya nagsalita hinintay nya lang ito na humarap sa kanya. At ng makaharap na ito sa kanya kitang kita nya ang pag awang ng labi nito at paglaki ng mga mata. "Kumusta kana Draca? na miss kita! miss na miss na kita. Sana sapat ng panahon na ibinigay ko sa'yo para pakinggan mo na ngayon ang mga paliwanag ko! At sana mapatawad mo na ako Draca!" Pakiusap ni Euri kay Draca na biglang napatakip ng bibig, pinipigil kasi nito ang halo halong emosyon na nararamdaman. "E - Euri? Biglang namasa ang mga mata ni Draca, ng kalaunan sunod sunod ng tumulo ang mga luha nito. Nag aalala namang nilapitan ito ni Euri at inalo. "Draca, tahan na shhhh... tahan na! Ayokong nakikita kang umiiyak kasi mas nasasaktan ako, kaya tahan ka na, pakiusap!" Nanginginig ang katawan ni Draca ng maramdaman nyang yakap ni Euri sa kanya. 'Na miss ko ito, sayang ang mga panahong naging tanga ako at nabulag sa panloloko sakin ni Nada.' "Shhh... tahan na Draca, tama ng iyak! ngayong bumalik kana hinding hindi ko na papayagang magkalayo pa ulit tayo." Si Euri pang humihingi ng tawad kahit na sya ang nagkamali, nakonsensya tuloy sya. "Patawarin mo ako Euri! nagkulang ang tiwala ko sa'yo at hinusgahan agad kita." Napabitaw sa pagkakayakap sa kanya si Euri at inilayo sya ng bahagya bago nagtatakang tinitigan sya nito. "Ha! Alam mo ng totoong nangyari noon panu?" "Tinulungan ako ni Dwarf at Alex para malaman ko ang buong katotohanan." Sumilay ang masayang ngiti sa labi ni Euri, halatang nasiyahan ito sa sinabi ni Draca. "Talaga! napakasaya ko! eh di ibig sabihin ba nyan maayos na tayong dalawa? Na kasintahan na ulit kita?" Tumango sya at niyakap ng mahigpit si Euri. Ganun din ang huli. Inangat ni Euri ang mukha nya para sana halikan sya, ng biglang sumulpot si Dwarf sa tabi nila at ihinarang nito ang palad sa pagitan ng mga labi nila ni Euri. "Hoy! Kakabati nyu lang dalawa, tukaan na agad, mahiya naman kayo saming apat." Umiglas ang kamao ni Draca para suntukin si Dwarf na nakangisi pa sa kanilang dalawa ni Euri, pero mabilis nitong nasalag ang kamao ni Draca na lalong nairita kasi hindi nya tinamaan ang kupal. Isang bolang apoy ang sunod na lumabas sa kamay ni Draca, sapul sa dibdib si Dwarf na nakahawak pa rin sa kamay nya. "Waaahhh, impakta ka talaga! wala kang utang na loob.. Dracaaaa." Nagtatakbo si Dwarf habang inaapula ang apoy na tumutupok sa harapang damit nito. Nakasunod naman ang mga mata nila dito habang nagtatawanan sa pagkakataranta ni Dwarf. Napatigil sila sa kakatawa ng makita si Alitaptap na pababa sa alagad nitong si Zera. Humahangos itong lumapit sa kanila. "May digmaang nagaganap sa Engkantadya, umuwi na tayo at tulungan natin silang makipaglaban." Agad na sumagot si Heneral Ixeo, may utos sa kanya ang Reyna na dapat nilang sundin, kung hindi lahat sila mapaparusahan, yun ang ayaw nyang mangyari sa kanila kaya hindi sila pwedeng umalis ng Fairyland. "Paumanhin Prinsesa Alitaptap, hindi po tayo maaaring umalis dito, utos po yan ng Reyna." Si Heneral Ixeo ang nagsalita at nagpapaliwanag sa kanila. Nakakunot ang nuo ni Alitaptap habang nakatingin sa Heneral. "Heneral, kahit pa utos yan ni Ina, hindi ako susunod. Babalik ako dun para tumulong, kung ayaw nyung sumama, maiwan kayo dito!" 'Napaka suwail talaga ng bunsong anak ng Reyna! Mapaparusahan ako nito eh! Kasi namannn...' Napahimas ng baba ang Heneral at napapailing na tiningnan sila isa isa. Lahat naman tumango at sumang ayon kay Alitaptap na ngayon ay pasakay na sa alagad nitong ibon. "Mapaparusahan ako nito ng Mahal na Reyna dahil sa inyo eh!" Natatawang tinapik naman ni Ayana ang balikat ng Heneral para kumalma ito. "Ako ng bahala sa Reyna, Heneral, wag na po kayong mag alala. Tara na excited nakong lumaban." "Abah! Teka lang mahal kong Prinsesa, marunong kana bang makipaglaban ha!" pigil ni Dwarf kay Ayana. "Oo, naman makikita mo mamaya." Pagmamalaki pa ni Ayana kay Dwarf. Ng malingat ito ng tingin, sinulyapan nya si Draca at kumindat dito, na ikinatawa ni Draca at Euri. "Tara na!" Sigaw ni Alex bago ipinitik ang kamay at lumitaw ang mahiwagang tungkod nito. Nagmamadaling sumakay si Euri sa dambuhalang puting dragon ni Draca, nasa unahan nyang mahal na diwata. Si Alex naman sa mahiwaga nitong tungkod, si Heneral Ixeo sa dambuhalang gagamba nito at naglaho. Si Ayana naman ay pinalipad sa himpapawid ang baby dragon nya at sabay sa pagkampay ng mga pakpak nito, naging dambuhalang dragon ito. Lumipad ito pabulosok sa kinatatayuan nila ni Dwarf at bigla silang dinagit saka lumipad paitaas palabas ng Fairyland. ??? "Kamahalan, naghahanda na po ang kahariang Gaelin, alam na po ni Reyna Elyon na bumalik ng Prinsesa Ayana." Anang Lorsan na kagagaling lang sa pag iispiya sa Gaelin. Hindi ito inaasahan ng Reyna, masyado pang maaga para magkaroon na naman ng digmaan. Kababalik lang ng Prinsesa wala pa itong alam tungkol sa Engkantadya, pero naisip nya rin na baka ito ng itinakdang panahon na sinasabi sa kanya ng Golden Fairy, God Mother ng Fairyland. Huminga sya ng malalim saka humarap sa mga nasasakupan. Kompleto ang lahat sa pagpupulong, maliban lang kina Heneral Ixeo, Draca, Alex at Dwarf na inatasan nyang magbantay kay Ayana at Alitaptap. "Heneral Axel, Onyx isama nyu si Euri kayong bahala sa Silangang bahagi. Centaur, Celo, Rhodisa, kayo naman sa Hilaga. Taiwoo, Zouz, Trion, sa Timog na bahagi naman kayo. At sa Kanluran! Lorsan, Arkin at Amber, alalayan nyong mga Amazona dun. Kami ng bahala dito sa palasyo, mag iingat kayo!" "Para sa kalayaan at katahimikan ng Engkantadya! Lalaban tayo hanggang kamatayan!" Dagdag ni Haring Xian. Habang magkahawak kamay sila ni Reyna Amethyst. Agad na napalitan ang kasoutan nila mula sa marangya naging balote na ito. Handa na silang lumaban sa mga Gaelin. Ng makalabas sila ng palasyo magulo na sa labas. Pinalibot ng Reyna ang kanyang tingin sa paligid. Nakita nyang mga puting Anghel na tumutulong sa mga kawal nila na nakikipaglaban. "Mahal kong Reyna, mag iingat ka!" Hinalikan sya nito sa nuo bago ito maglaho at ng lumitaw ito nasa gitna na ng digmaan ang Hari nakikipaglaban. Hinanap naman ng mga mata nya ang Reyna ng Gaelin na si Elyon, nakita nya itong nakikipaglaban kay Heneral Axel. Itinaas nyang dalawang kamay at agad na lumabas sa magkabilang palad nya ang dalawang brilyante na pinangangalagaan nya. nag iba rin ang kanyang kasuotan lalo ng kulay ng buhok nya, mula sa pula naging itim na ito ngayon. Sa kanang palad nya ay ang kulay berde na brilyante ng tubig at sa kaliwa naman ay ang kulay asul na brilyante ng hangin. Pinagdaop nyang mga kamay at itinaas sa ere, sumabog ang magkahalong kulay na berde at asul sa himpapawid, lumikha ng maliliit na tubig bilog saka parang ulan na bumagsak paibaba, tangay tangay ng hangin ang mga patak ng tubig papunta sa bawat Gaelin na kalaban nila. Lahat ng nabagsakan nito natutunaw na parang kandila. "Ahhhhh...ahhhhhh." Panaghoy ng mga Gaelin na unti unting nalulusaw. "Amethyst! ako ang harapin mo!" Sigaw ni Elyon, na may hawak na espadang may dugo pa sa dulo at ang isang kamay ay nakabuka habang may librong nakalutang at naglalabas ng mahikang kulay ginto na tinatangay ng hangin at kinatuntungan nito. Naglalabas din ng kulay asul na mahika ang isang mata nito habang ang pakpak ay nakatupi naman. "Elyon, tapusin na natin ito." Kaagad na napalitan ang kasuotan ng Reyna, mula sa pagiging makulay naging baluting ginto na ito, mahigpit nyang hinawakan ang kanyang espada. Ngayon ang itinakdang panahon at pagkakataon na itinakda ni Bathala para talunin nya ang pinakamasamang Diwata sa buong Engkantadya. Kailangang mapuksa nya ito para sa kalayaan at katahimikan ng buong Engkantadya. Iyon ang lihim nilang pinag usapan ni Enolla ang Golden Mother Fairy ng buong Engkantadya na naninirahan sa Fairyland. 'Para sa mahal kong asawa, sa dalawa kong Prinsesa, sa kahariang Umbra  at sa buong Engkantadya, iaalay ko ang aking buhay sa labanang ito.' Napatuon ang pansin nya kay Elyon ng magsalita ito ulit. "Ito ng araw para magpaalam ka sa pinakamamahal mong Engkantadya Amethyst, dahil hanggang dito na lang ang buhay mo. At kapag napaslang na kita Ididilig ko ang dugo mo sa buong Engkantadya." "Ang dami mo pang sinasabi, uhhh." Biglang naglaho si Amethyst at lumitaw sa likuran ni Elyon sabay wasiwas ng espada nito. Putol ang pakpak ni Elyon na bumagsak sa lupa. Hindi man lang ito nakaimik sa bilis ng pangyayari. Agad na naglaho si Amethyst at lumitaw sa harapan ni Elyon na nagbabaga ang mga mata sa sakit at matinding galit. Mabilis na umangat ang kamay nito na may hawak sa sandata. sapul ang buhok ni Amethyst na naputol at daplis na sugat sa kanyang kanang pisngi, mabuti't mabilis syang nakailag kung hindi naputol ng ulo nya. "Pagbabayaran mo ng iyong buhay ang pagkaputol ng mga pakpak koooo." Sigaw ng galit na galit na si Elyon, panay ang sugod nito na hindi na nag iisip. Puro galit ang umiiral sa buong katauhan nito. Pinag aralan naman ni Amethyst ang bawat galaw ng kalaban at ng makakuha ng tamang pagkakataon walang pag aalinlangan nyang pinugutan ng ulo si Elyon. Bagsak sa lupa at pagulong gulong ang ulo nitong putol na nakadilat pang mga mata. Humihingal namang napaupo sa lupa si Amethyst. "Ina," Napalingap ang tingin nya sa paligid ng marinig ang boses ni Alitaptap. Humahangos itong lumipad galing sa pagkakasakay sa alaga nitong ibon, tumigil ito sa harapan nya at tinulungan syang makatayo. "Bakit ka nandito? Iniutos ko kay Heneral Ixeo na manatili kayo sa Fairyland dahil ligtas kayo dun." "Pero Ina, hindi na ho kami mga bata, kaya na po naming lumaban at ptotektahan ang mga sarili namin!" Pagkarinig nya sa sagot ng bunsong Anak, kinabahan sya bigla. "Nasaan si Ayana?" May pag aalalang tanong nya kay Alitaptap. Nakaturo naman ang kamay nito sa di kalayuan. Napatutop sya sa kanyang bibig ng makita si Ayana na nakikipaglaban at nasa likuran lang nito si Dwarf na pinoprotektahan ang Prinsesa habang abala ito sa paghahagis ng bolang apoy. Napangiti na lang ang Reyna. "Tama ka Anak malalaki na kayo at kaya nyu ng ipagtanggol ang sarili nyu, sige na Anak tapusin nyu ng laban, mag iingat ka!" Hinalikan nya ito sa noo at inipit ang mahaba nitong buhok na nililipad lipad ng hangin. Ngumiti naman ito at tinawag si Onyx na abala sa pakikipaglaban. "Hoy! Onyx, tapusin mu na yan dali, naiinip nakong maghintay ambagal mong kumilos." "Sandali lang naman, dyan ka lang ha! Wag mokong iiwan dito." Nakasimangot na tinulungan ni Alitaptap makipaglaban si Onyx, para ba namang makakaya nyang iwan mag isa ang kanyang kaligayahan. Nakamasid lang ang Reyna sa dalawang anak na Prinsesa. Hindi na nya ikinagulat ng lumitaw sa kanyang tabi ang Hari, nakatingin na rin ito sa mga Anak na may ngiti sa mga labi. Unti unti ng humuhupa ang labanan. Paikot ikot na lang sa himpapawid sila Celo, Centour at Rhodisa. Habang sinusuyod naman nila Taiwoo, Zouz at Trion ang kalupaan. "Dwarf! kupal ka talagaaaa! Nakakainis kana kanina ka paaa...!" Tinig ni Draca habang hinahabol si Dwarf, hinahagisan nya ito ng bolang apoy, hawak naman nito si Ayana at hinihila kung saan saan makaiwas lang sa impakta. Natatawa namang nakamasid lang sina Alex, Heneral Ixoe, at mga Amazona. Kahit sina Lorzan at Akira nakikitawa na rin. Habang si Euri nakasunod lang kay Draca, hindi nya ito inaawat kasi ayaw nyang magalit na naman ito sa kanya kaya nakasuporta lang sya. Habang sila Heneral Axel at ibang kabalyero ay tinutugis ang tumatakas na si Furball ang kanilang kauring Elf na taksil. "Mahal kong Hari, samahan moko sa Fairyland, nais kong makausap si Enolla." Kaagad na ngumiti ang Hari, magkayakap silang naglaho, at lumitaw sa Fairyland, nakita kaagad nila ang sadyang Diwata. "Maaliwas na araw, Mother Fairy." sabay nilang bati na nakayukod. "Maaliwalas na araw din sa inyong dalawa, kanina ko pa kayo hinihintay. Binabati ko kayo sa inyong tagumpay, ngayon malaya't tahimik ng buong Engkantadya.." "Maraming salamat sa gabay at pagpapaalala nyu po sakin! malaking tulong po sakin ang inyong babala kaya ginawa kong aking makakaya para manalo sa laban." "Alam mong mahalaga sakin ang buong Engkantadya kaya ayokong mapasakamay ito ni Elyon dahil alam kong gagamitin nya lang ito sa kasamaan." Ngumiti si Amethyst saka tinusok ang espada na ang hawakan ay may pulang rosas, ibinigay ni Enolla sa kanya ang mahiwagang Espada kasamang balote para protektahan sya, at ito lang ang natatanging sandata na makakapatay kay Elyon wala ng iba. "Utang ko po sa inyo ang aking buhay, kaya taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo Mother Fairy. Ibinabalik ko na po ito sa inyo." Hinawakan ni Enolla ang kanyang kamay at pinahawak sa espadang nakabaon pa rin sa lupa, pinaluhod sya nito at binasbasan. "Para talaga sa iyo yan Amethyst, ipinagkakaloob ko na yan sa'yo! pakaingatan mo at pangalagaan. Balang araw, ipamana mo iyan sa susunod na Reyna ng Umbra, kung sinuman kila Ayana at Alitaptap ang susunod na Reyna, binabasbasan ko na sila sa pamamagitan ng espadang yan." Lumohod at yumuko sya habang nakahawak sa espada. Binasbasan naman sya ni Mother Fairy. habang malapad naman ang pagkakangiti ng Hari na nakamasid lang sa kanila. "Humayo na kayong dalawa, alam kong magbibigay ka ng pagtitipon sa palasyo at dadalo ako Amethyst asahan mo iyan!" Agad naglaho ang butihing Inang Diwata, nagkatinginan naman silang mag asawa. Nagyakap at naglaho. Sa loob na ng palasyo lumitaw ang dalawa, tinawag nya sa isipan si diwatang Amber para iulat sa buong Engkantadya ang gaganaping piging mamayang gabi. Nais na nyang magpahinga muna dahil sa pagod na natamo sa katatapos lang na labanan. ??? Kinagabihan, bakas ang kasiyahan sa lahat ng engkanto sa labas ng palasyo. Lahat imbitado kaya buhay na buhay ang hardin sa dami ng mga dumalo sa pagtitipon ngayon. Nagagalak naman ang Hari at Reyna na nakaupo sa gitnang bahagi ng hardin, katabi ng Hari si Alitaptap at sa tabi naman nito si Onyx, at naghaharutan ang dalawa na ikinailing na lang ng Hari. Samantalang katabi naman ng Reyna si Ayana at sa tabi naman nito si Dwarf na panay ang ayos sa buhok ng Anak nya. napapangiti namang pasulyap sulyap lang sa kanila ang Reyna. "Ina, pwede po bang pagkatapos ng pagtitipon pasyalan ko sina Tata at Nana, Pwede po ba Ina?" "Oo naman Anak, malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo, kung iyun ang ikaliligaya mo, parang mas maganda yata kung dito mo na lang sila patuluyin para hindi kana mag alala pa!" "Susubukan ko po silang kumbinsihin na dito na manirahan sa mundo natin, Ina." Napangiti na lang si Ayana ng maalala ang Tata nya, baka nga ilibing na lang nila iyun pag dito tumuloy yun, eh napaka matatakutin ng Tata nya. "Salamat po Ina, sa lahat lahat. Napakabuti nyu po sakin." Niyakap nya ito saka hinalikan sa pisngi. "Anak, Paano naman ako, hindi ba ako kasali sa lambingan nyung mag Ina, ha?" Boses ng Ama nya na nagdadrama na naman, natatawa syang tumayo at nilapitan ito, hinalikan nya ito sa pisngi saka mahigpit na niyakap. babalik na sana sya sa pagkakaupo ng marinig ang boses ni Alitaptap. "Oppppsss, Ako?" nakataas pang kilay na sabi ni Alitaptap. " Ayana, nakalimutan mo ako!." Iiling iling na lang syang pumihit at naglakad palapit sa kapatid saka hinalikan at niyakap din ito. Pabalik na sya sa upuan nya ng mapasulyap kay Dwarf na tinuro ang pisngi. Napabuntong hininga na lang sya at nilapitan ito para halikan din sa pisngi pero ang luko luko biglang humarap kaya sa labi nito bumagsak ang labi nya. "Ikaw talaga! napaka pilyo mo." Piningot nya ito na ikinatawa lang ni Dwarf, naiiling na umupo sya sa pagitan ng Ina at ni Dwarf. Nagmasid masid lang sya sa paligid hanggang sa matapos ang piging. Kaagad silang umalis ni Dwarf at nagtungo sa mundo ng mga tao. Titig na titig si Ayana sa lumang bahay nila, may halong lungkot ang nararamdaman nyang pagkasabik sa mga magulang. Dali dali syang naglakad papasok ng bahay ng marinig ang boses ni Selya. "Gardo, wala pa rin ba ang Anak natin? Namimiss ko na sya Gardo, sana maisip nyang dalawin naman tayo dito." "Wala pa rin Selya, nanggaling nga ako kanina sa lagusan, antagal kong naghintay dun, at nakow! muntik ko na ngang subukan na pumasok doon sa loob kaya lang natakot naman ako." Napapaluhang ngumiti si Ayana ng marinig ang usapan ng dalawa. Ng makita naman ni Dwarf ang pagtulo ng luha nya, agad nitong pinahid. Senenyasan sya nitong pumasok pa, huminga muna sya ng malalim saka pinasigla ang boses bago tinawag ng may galak ang mga magulang. "Tata! Nana!, dyan po ba kayo sa loob?" Kunyari sigaw nyang tawag sa mga ito, narinig nyang mabilis na paglalakad ng mga ito, kaya sinalubong na nya ang mga magulang. Napangiti pa sya ng makitang magkahawak ang mga kamay ng mga ito. "Naaaaakkk, nakuuu! ke ganda ganda mo lalo ngayon." Tinakbo na nya ito saka niyakap ng mahigpit. "Nana!" Pagkatapos yakapin si Nana, pumihit naman sya para yakapin ang umiiyak nyang Tata. "Tata!" Sumisinok sinok na sya bago binitawan ang Ama. Nginitian nyang mga ito. Nag kwentuhan at nagharutan ng mga ito. Nakamasid lang si Dwarf na nakikitawa na rin pamimsan minsan. Hanggang sa sumeryoso ng usapan ng tatlo. "Tata, Nana, sige na po sumama na po kayo sakin! para hindi na po tayo magkakahiwalay!" Nakikinig lang si Dwarf, naghihintay kung anong iuutos ni Ayana sa kanya. "Ako! Nak, sasama na sayo, pero ewan ko dito sa Tata mo?" "Tata, sige na po, sumama na po kayo samin! Tara na po!" Nakikita nya sa mga mata ng Tata nya ang takot at pangamba kaya senenyasan na nya si Dwarf na kausapin ito. Nakakaunawa namang niyaya nito ang Ama nya at kinausap ito ng masinsinan, samantalang pumasok naman sila ng Ina nya sa silid nito at nagligpit ng ilang damit nila ni Gardo. Ng makalabas sila ng silid agad na nagtama ang mga mata nila ni Dwarf, sumenyas ito ng ok kaya napangiti sya't inakay ang Ina palabas ng bahay. Hindi na sya makapaghintay na isamang mga ito sa Engkantadya at ipakilala sa tunay nyang pamilya. ??? "Diamond, maayos na bang lahat ng gamot para sa lahat?" "Naipamahagi na pong lahat sa mga Engkanto, Mahal na Reyna." "Magaling! salamat sa tulong mo kaibigan, maaasahan talaga kita!" "Syempre, sister's tayo diba?" Napatawa na lang sya sa tinurang salita ni Diamond nagagaya na kasi nitong salita ng mga tagalupa na naririnig mula kila Draca, Ixeo at Alex. sumeryoso silang bigla ng lumitaw at yumokod sa harapan nila si Amber. "Mahal na Reyna, nasa hangganan na po ang Prinsesa Ayana at Dwarf, kasama na po nila ang mag asawang tagalupa." Napangiti na lang ang Reyna saka nagkatinginan silang dalawa ni Diamond. "Maraming salamat sayong ulat Amber, humayo ka't mag iingat sa'yong paglalakbay! Paalam." Kaagad na naglaho si Amber, kasabay naman nun ang paglitaw ng apat sa harapan nila. "Maaliwalas na araw, Mahal na Reyna Amethyst at Diwatang Diamond." Pagbati ni Ayana at Dwarf, samantalang nakatanga lang ang mag asawang Gardo at Selya sa dalawang Engkanto na kaharap. "Selya, hindi naman pala nakakatakot ang mga hitsura nila. Sa katunayan ang gaganda pala nila." Bulong ni Gardo sa asawa na ngiting ngiti. Lihim namang nagkatinginan si Amethyst at Diamond. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun, nasa ilalim ng mahika ni Diamond ang mag asawa, kaya lahat ng engkanto na makita nila, hindi nakakatakot ang hitsura parang normal na tao lang kumbaga. "Sabi ko naman kasi sayo Gardo eh! nasa isip mo lang yang mga pangit na paniniwala mo" Kaylapad ng ngiti ng mag asawa, ganun din naman ang dalawang Diwata na kaharap nila. " Pumanatag kayo at sana magustuhan nyung pamamalagi dito sa Engkantadya, kapag may kailangan kayo si diwatang Urduja ang bahala sa inyo!" Tinuro ng Reyna si Urduja na katabi naman si Ivory at Akira. Nakangiti ang mga ito ng tumingin ang mag asawa sa mga ito. Masayang masaya si Ayana dahil simula sa araw na ito magkakasama na silang lahat. Buo ng kanyang pamilya. Ang Amang Hari na si Xian Ang Inang Reyna na si Amethyst Ang kapatid na si Alitaptap Ang Ina ni Dwarf na si Rion At si Dwarf na magiging kabiyak nya sa tamang panahon At higit sa lahat .. Ang Tata Gardo niya at Nana Selya. Wala na syang mahihiling pa kay Bathala, dahil kompleto ng lahat lahat sa kanya... Kaligayahan Kaginhawahan Katahimikan Kakontentuhan Lahat ng lihim ng Engkantadya alam na nya lalo ng lihim ng pagkatao nya bilang si Prinsesa Ayana. - The  End - ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD