Celestine’s POV Maaga kaming nakakain ng hapunan kaya maaga rin kami makakapagpahinga. At dahil andito na sina Xyler, sa kabilang kwarto sila matutulog kasama sina Mckenzie at Dominique. Si Sandro naman ay doon na rin matutulog. Malaki ang guest room namin dito kaya doon namin sila papatulugin. Magkakasya sila sa tatlong queen size beds doon. Habang kami naman ni Sasha at Ate Danny ay tig-iisa ng kama rito sa pangalawang guest room. Medyo naging busy si Ate Danica ngayon habang kaharap ang kanyang laptop at may ginagawa sa kanyang mga emails. Si Sasha naman ay panay cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Biglang naningkit ang aking mga mata ng makita ko siyang biglang ngumiti. Baliw na ang gaga! Ngumingiti na lang ng mag-isa ang haliparot. Paniguradong katext na naman niya si Kuya Denv