PROLOGUE
“Sht, ang sarap mo talaga,” mahinang sambit ni Oliver sa’kin habang mapusok akong hinahalikan. Nasa madilim na parte kami ngayon ng hallway ng paaralan nagme-make out. Palubog na rin si haring araw kaya imposibleng may makakakita sa’min sa lugar na’to.
Hinalikan ko siya pabalik habang dinadama ang mainit niyang palad na hinahaplos ang hita ko. Palihim akong napangisi ng maramdaman ko ang matigas niyang pagkalalake.
“Do you want more?” I whispered seductively and slightly bit his earlobe. Mas lumapad ang ngisi ko ng marinig ko siyang umungol habang hinihimas ko ang naka-umbok niyang pagkalalake.
“Ugh, yes baby, I want more.” Dahan-dahan akong lumuhod habang dinadama sa aking palad ang kanyang suot na jeans. Nang tumapat na ang aking mukha sa kanyang alaga, ay kaagad akong napakagat sa aking labi. Nagbilang ako sa aking isipan habang hinihimas ang kanyang kaumbokan.
“Ano pang hinihintay mo, baby? Open the zipper right away,” sambit niya sa’kin. Hindi ko na masyadong maaninag pa ang kanyang mukha dahil sa dilim.
Napairap ako sa kawalan. Bakit sobrang tagal naman ata tumunog ng cellphone ko ngayon? I need an alibi to escape this situation!
Napangisi ako ng bigla na nga itong tumunog.
“Ops, someone’s calling,” wika ko atsaka tuluyang tumayo at kinuha ang aking phone mula sa aking bulsa.
“Seriously, Celestine?” pagpoprotesta ng lalakeng kaharap ko ngayon. Pusta ko, hindi na maipinta ang mukha ne’to dahil sa bitin.
Kaagad kong pinatay ang timer sa phone ko at tinapat ito sa aking tainga na tila may kakausapin sa kabilang linya. Oo, timer nga lang ‘yon na sinet ko ang tunog na kapareho lang sa ringtone.
“Hello, Sasha?... Ha?!... Sigurado ka ba diyan?!...” Hinawakan ko pa ang aking dibdib na akala mo naman ay may nalamang hindi kanais-nais na balita.
“Omygod!” Pagpapatuloy ko atsaka tinakpan ang aking bibig na tila nagulat.
“Baby, what’s wrong?” mahinang tanong ni Oliver sa’kin sa gilid.
“Sige… Sige, papunta na ako diyan. Just wait for me, Sasha, okay?... Okay…” Binaba ko na ang phone at hinarap ang lalakeng ka make-out ko lang kanina.
“Oliver, kailangan ko ng umalis. Nagka-allergic reaction si Sasha at kailangan niya ako ngayon din!” Naghihysterical kong wika sa kanya.
“W-What?! P-Pero, Celest—“
“I’m so sorry, baby, but I really have to go. My friend needs me.” Hinalikan ko siya sa labi sa huling pagkakataon. Magpoprotesta pa sana siya ng mas idiin ko ang aking katawan sa kanya at mas nilalim ang aming halik.
Hinabol pa niya ang labi ko ng bigla akong humiwalay. Gusto kong ngumisi sa sitwasyon na meron ako ngyaon. Hays, mga lalake nga naman.
Kaagad akong tumalikod atsaka naglakad papalayo mula sa kanya ng walang salita. I flipped my hair and smirked the moment I stepped out from the dark alley of this university. Pinagpag ko pa ang medyo nagusot kong blouse at inayos ang aking suot na pencil skirt.
Dumiretso ako sa parking lot ng unibersidad at kaagad na pumasok sa aking kotse. Dinial ko muna ang number ni Sasha bago binuhay ang makina. Isang ring pa lang at kaagad niya itong sinagot.
“Celestine Lyn Dela Peña! Kakalbuhin talaga kitang bruha ka! Nasaan ka na?! Kanina ka pa hinahanap nina Tita at Tito! For Pete’s sake, show yourself right now!” Napairap ako sa sermon ng aking kaibigan sa kabilang linya.
“Huminahon ka Nay, papunta na ako sa mismong event. I’ll be there in a few minutes. May inasikaso lang ako kanina,” wika ko sa kanya.
“Wag mong sabihin sa’kin na lalake na naman ‘yang inaatupag mo.” Napatawa ako dahil sa tono ng boses niya. Mas nagmumukha pa siyang ina ko kung ikukumpara sa mismong babaeng nagluwal sa’kin.
“Parang hindi mo naman ako kilala, Sash.” Narinig ko siyang bumuntong hininga. Pihadong minamasahe na naman ne’to ang noo niya.
“Bilisan mo na lang diyan ng makaabot ka sa party. Malilintikan ka talaga sa mga magulang mo, Tine.”
“Fine, got to go. Magdadrive pa ako.”
“Mag-iingat ka, bruha!” I chuckled.
“See you, Nay!” Binaba ko na ang tawag atsaka pinaharurot ang sasakyan paalis.
Papunta ako sa isang hotel na pagmamay-ari ng mga Gutierrez, ang business partner ng aking mga magulang. Ayaw ko ng mga ganyang klaseng bagay, sobrang formal kasi, hindi pasok sa taste ko. Ewan ko nga kung bakit ang daming mga babaeng kinaiingitan ang pagiging Dela Peña ko, dahil na rin siguro sobrang lapit ko sa nag-iisang Dominique Gutierrez, ang ultimate heartthrob ng unibersidad na pinasokan ko.
At ‘yan lang ang tanging alam nila dahil nga sa magkasosyo ang mga magulang namin sa negosyo, pero hindi nila alam na bihira lang ako lingunin ng antipatikong lalakeng ‘yon. And because of that attitude of him, I am craving for him more.
Yes, you heard me right, I want him.
May maamo siyang mukha na tila hindi makabasag pinggan, pero marami akong narinig na demonyo raw siya sa kama. And I want to try ‘it’ with him, gusto kong isuko ang bataan sa kanya. Sabi nga nila, dapat memorable ang first mo.
Marami nga akong lalake, pero katulad ng nangyari kanina, hanggang don lang ang kaya kong gawin sa kanila. Alam niyo na, ang pasarapin tas bibitinin lang din pala.
Ang daming nagkalat na issue tungkol sa’kin, kesyo raw maluwag na ako, ang dami ng nakatikim sa’kin, patapon na raw, pero ipinagsawalang bahala ko lang ‘yon lahat dahil hindi naman ‘yon totoo. Hindi ko papatulan ang mga ganong klaseng issue dahil magmumukha lang akong guilty.
I won’t lower down my standards on those trash. Ganyan talaga kapag maganda, maraming manglalait sa’yo dahil naiinggit lang sila.
Kinuha ko ang aking phone ng pumula na ang traffic light, kinalikot ko ang contacts doon at dinelete ang number ni Oliver.
“Sorry, but your subscription ended here,” bulong ko bago ito tuluyang tinanggal.
Napasandal ako sa upuan ng driver’s seat atsaka tinignan ang aking repleksyon sa rear mirror. Naningkit ang aking mga mata ng maalala ko ang mga sinabi ni Dominique sa’kin noong huling beses kaming nagkita.
“Hey, Dom!” sigaw ko sa lalakeng naglalakad palayo rito sa parking ng restaurant kung saan may family dinner ang mga magulang namin at sinama kami.
Huminto siya pero hindi niya ako nilingon.
“Ang sungit mo talaga noh? Bakit ba ayaw mo ‘kong kausapin?” sambit ko ng tuluyan ko na siyang malagpasan at hinarap siya.
“Ang rindi mo sa tainga, alam mo ba ‘yon?” Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Biglang naglaho ang maamo niyang mukha at napalitan ito ng pagka-inis.
“Looks like the angel turned into a devil. Bakit hindi mo ‘yan i-apply sa kama kasama ako? Hmm?” Malandi kong sambit. I am trying my very best to seduce this man in front of me, pero hindi ko talaga magawa! Tanging disgusto lang ang nakikita ko sa pagmumukha niya.
He stepped forward, reducing our distance from each other. Medyo niniyerbiyos ako sa ginawa niya, hahalikan ba niya ako? Gagawin na ba namin? Pero saan? Dito sa parking? Sa loob ng kotse niya? Hindi na rin masama.
“Stop day dreaming, Celestine, you’re not my type, and you’ll never be. Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng katulad mo,” panimula niya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.
“A whore.” I was taken aback by what he just said.
Wala pang ilang segundo at isang malutong na sampal ang binigay ko kanya na ikinagulat niya. Nanginginig ang aking kamay dahil sa galit. I am pretty sure that my eyes were furious right now. How dare he talk to me like that?! Hindi niya pa ako lubusang nakilala para pagsalitaan ng ganyan!
Tuluyan ko siyang nilagpasan at pumasok ulit sa loob ng restaurant at dumiretso sa ladies comfort room. Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.
“You’ll see, Dominique, kakainin mo rin ‘yang sinabi mo tungkol sa’kin. Wait until I’ll prove it to you that I am pure!” Inis kong hinampas ang steering wheel ng kotse at aksidenteng natadyakan ang accelerator.
Biglang umabante ang minamaneho kong kotse at sa kasamaang palad ay nabunggo ne’to ang sinusundan kong sasakyan. Biglang lumabas ang air bag ko kaya medyo malakas ang impact ng pagtama ng likod ko sa driver’s seat.
Napamura ako ng mapagtantong sobrang mahal ng kotseng sinundan ko. Malilintikan talaga ako ne’to nina Papa! Plus, malelate na talaga ako sa mismong event!
Damn you Dominique! Kasalanan mo ‘to!