Celestine’s POV “Bilisan mo ang pagkakabit Sasha, anumang minuto dadating na sila!” Sambit ko sa kanya na ngayon ay nakapatong sa isang hagdan. Kaming dalawa naman ni Ate Danny ang nakahawak sa dulo ne’to bilang suporta upang hindi mahulog si Sasha. “Ayan! Tapos na!” Nakangiting niyang sambit matapos ikabit ang isang malaking ilaw sa gitna. Nasa likod kami ng bagay ngayon atsaka naghahanda para sa kaarawan ni Sandro ngayong gabi. Ang ganda ng set-up namin dito, may ilang mga series lights sa itaas ng malaking mesa na tulong-tulong naming inilabas kanina. Puno rin ito ng mga iba’t-ibang putahe na si Nana Ysabel mismo ang nagluto lahat, siyempre tumulong din kami. Si Ate Danica naman ang nagbake ng cake kanina para kay Sandro. Ngayon ko lang nalaman na nakapagtapos pala siya ng culina