Celestine’s POV Kinabukasan, maaga kaming gumising para makapaghanda ng agahan. Kagabi naman ay napagplanohan na rin namin na pupunta kami sa ilang mga hot springs dito. Mabuti na lang at nakapagsearch nga si Ate Danny dahil nakadecide kaagad kami kung saang hot spring kami pupunta. Si Sandro naman ay alam na alam ang daan papunta roon kaya nakapagimpake kaagad kami kagabi para sa araw na ‘to. “Ilalapag ko na ho ito sa mesa, Nana,” wika ko kay Nana Ysabel. “Sige, Tine, isusunod ko na rin itong niluto ko ngayon.” Tumango ako sa kanya habang nakangiti bago lumabas sa kusina. Kaagad kong nakita si Sasha na naglalagay ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa mesa, tinutulungan naman siya ni Sandro na s’yang may bitbit ng ilang babasaging plato. “May kukunin pa ba sa kusina?” Sambit ni Domini