Celestine’s POV “Oh, naipasok na ba ang lahat ng mga dala ninyo?” Tanong ni Dom sa amin atsaka namin siya tinanguan bilang pagtugon. Alas sais na ng umaga at sumisilip na si haring araw, ngunit hindi pa naman masakit sa balat ang liwanag niya. Lima kaming pupunta sa Calamba ngayon at lingid sa kaalaman ito ni Sandro. Ang tanging alam niya lang ay magpapadala si Sasha sa kanya ng regalo para sa kaarawan niya na mangyayari sa susunod na araw. Excited na akong makita si Sandro sa personal, tatlong taon na rin kasi akong hindi nakauwi ng Laguna. Nagkavideocall lang kami nina Nana Ysabel at Sandro noong nakaraang linggo at sa nakikita ko, grabe na ang improvement ni Sandro lalong-lalo na sa kanyang mukha. Mas naging maginoo ito at gwapo. Dahil hindi naman sila pareho ng ama ni Sasha, napa