Celestine’s POV Nasa kompanya ako ngayon dahil ngayong araw nakatakda ang sinasabing scheduled meeting ni Mama na dapat kasama ako. Inaasahan nila akong makinig at magobserbara sa mismong pagpupulong kaya yun na nga ang gagawin ko. Nag-uusap kami ni Mama pero tahimik lang si Papa sa gilid. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang kausapin at ganon din siya sa akin. Itinuon ko na lang ang buo kong atensyon sa harap ng nagsasalita at sa powerpoint presentation na ipinapakita niya sa amin. Habang tumatagal ang oras ng kanyang pagsasalita, napagtanto kong maganda rin palang malaman ang mga ganitong klaseng bagay. Kung noon madali lang akong mabored, ngayon halos mas pinagtutuonan ko pa ng pansin ang presentation niya kesa sa mga lectures ng mga instructors ko. Hindi ko maiwasang