Celestine’s POV Nag-uusap na silang tatlo habang ako naman ay taimtim lang na nakikinig sa kanila habang hinihintay ang order namin. “If you don’t mind me asking, pero ilang taon ka na nga Mr. Gutierrez?” Napalingon ako kay Mama ng sabihin niya ‘yon. “I’m twenty-seven, Mrs. Dela Peña. And please, just call me Xyler.” Napangiti naman kaagad si Mama sa tugon niya. “I see... Kasing edad nga kayo ni Denver. Both of you grew up as a fine man, Xyler.” Marami pa silang tinanong tungkol kay Xyler na akala mo naman ay iniimbestigahan ang buong pagkatao niya. “Hindi ko inaakala na ikaw pa mismo ang lumapit sa akin para mag-invest sa kompanya namin, Xyler. What makes you decide to risk your money in our company?” Tanong ni Papa habang nagsaslice sa karneng nasa plato niya. Kakadating lang ng m