Chapter II: Bumped to a Stranger

2278 Words
Celestine’s POV “Sash!” sigaw ni Makie ng makita ang kaibigan namin. “Makie?!” Tulad ko, nanlaki rin ang mga mata ni Sasha ng makita ang aming kaibigan na matagal na naming hindi nakasama. Talong taon na rin ang nakakalipas mula noong huli naming siyang nakita, 18th birthday ko pa non. Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay ni Makie sa kanya at ganon din ang ginawa ni Sasha. “Hindi na kita matutuksong tabacho—hmm!” “Hinaan mo boses mo,” sambit ni Makie habang tinatakpan ang bibig ni Sasha. Kaming tatlo talaga ang magkatandem noon pa man. Mula elementary hanngang ngayong college ay magkasama kami ni Sasha parati na pumapasok sa iisang eskwelahan, si Mckenzie naman ay nakilala namin noong Senior High pa lang kami. Simula noon ay palagi na kaming magkasamang tatlo. Ang ina kasi ni Sasha ay nagtatrabaho sa’min, siya ang nag-alaga sakin noon hanggang ngayon dahil sobrang busy nina Mama sa trabaho. Kaya naging sobrang close naming dalawa ni Sash dahil binigyan nina Mama at Papa ng permiso si Nana Ysabel, ina ni Sasha, na dalhin ang kanyang anak sa mansyon at doon na manirahan kasama namin. Simula non, may kalaro na ako palagi kaya hindi lang kaibigan ang turing ko kay Sasha, kundi isang kapatid. May ngiti sa aking mga labi ng pagmasdan ko ang dalawa kong kaibigan na nagtatawanan. Ito ang kayamanan ko na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit anong materyal na bagay. “Bakit hindi ka man lang kumontak sa’min sa loob ng tatlong taon, ha?! Alam mo bang akala namin tuluyan mo na kaming kinalimutan?” Nakangusong sambit ni Sasha kay Mckenzie. “I’m sorry, marami kasi akong inasikaso sa States. Akala ko nga college lang ang aatupagin ko doon, pati na pala kompanya,” wika ni Makie habang napakamot sa kanyang leeg. “Nako! Hindi lang ikaw, pati na rin ‘tong si Tine. Eh ‘tong bruhildang ‘to hindi ko alam kung kailan pa titino eh! Klase nga hindi niya magawang pasukin, ang mga meeting pa kaya sa kompanya nila?” Napatawa ang dalawa dahil sa sinabi ni Sasha. “Salamat Sash, ha? Damang-dama ko ang supporta mo,” may sarkastiko kong sambit sa kanya. “Nagkita na pala kayong tatlo.” Nilingon namin si Kuya Denver ng marinig namin ang boses niya. Binati siya ni Sasha kaya binati rin siya pabalik ng binatilyo. Hindi naman maiwasang umabot hanggang tainga ang ngiti ni Sasha. May gusto kasi siya sa panganay ng mga Gutierrez. Hindi ko alam kung bakit ang hilig-hilig ni Sasha sa mga lalakeng mas malaki ang agwat ng edad sa kanya. Sabi niya, iba kasi raw kapag sobrang matured ng lalake, maganda raw ang flow ng isang relasyon kapag ganon. Ang lola niyo kung makapagsalita akala mo naman may karanasan sa pag-ibig. Eh pareho lang kaya kaming NBSB, hanggang flirtationship lang kasi ang kaya kong ibigay, kaya hindi ‘yon counted. “Dahil kakabalik lang ni Mckenzie sa Pinas, we decided for us to take on a vacation trip,” panimula ni Ate Danica sa gilid. Nilibot ko ang aking paningin dahil walang akong Dominique na nakikita. Asan na kaya ‘yon? “Para alam niyo na, magkabond naman tayo ulit dahil sobrang busy na natin these past few years,” pagpapatuloy niya. “Saan po, Ate?” tanong ni Sasha sa kanya. Nagkanda-haba na ang leeg ko makita lang si Dom. Baka kung sinong babae na naman ang inaatupag non! “Hey, are you okay?” bulong ni Makie sa’kin na ikinatingin ko sa kanya. Ningitian ko siya atsaka tumango. “Magka-camping tayo! Lalayo tayo sa syudad at pupunta sa isang mapayapang lugar.” Nakangiting sambit ni Kuya Denver. “Gusto ko ‘yan, Kuya!” Pagsang-ayon kaagad ni Sasha sa kanya. Ang loka-loka, lumalandi na naman ng palihim. “Great! May isa ng G na G dito, thanks Sash,” isang mala-anghel na ngiti ang ibinigay ni Kuya Denver sa kanya. Pihadong naghaharumento na ang puso ng babaeng ‘to. “G din ako,” sambit ko. Nilakasan ko pa ‘yon para gumising si Sasha, kulang na lang kasi tumulo ang laway niya kakatitig kay Kuya. “Ako rin!” Masayang sambit ni Makie sa gilid ko. “Mag-impake kaagad kayo ha? Good for 1 week ang trip natin,” wika ni Ate Danny. Tumango kaming tatlo sa kanila. “Eh si Kuya Xyler, sasama rin ba siya?” Napalingon ako kay Makie ng bigla siyang may itanong kina Ate. Xyler? Sino ‘yon? Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na ‘yon. “Yes! Sasama siya, actually siya ang una naming tinanong ni Danny.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya. Nacurious tuloy ako kung sino ‘tong Xyler na sinasabi nila. Nagkukwentohan na sina Kuya Denver at Sasha sa gilid, habang nag-excuse naman si Ate Danica dahil may kakausapin daw siyang kakilala niya sa kabilang table. Tumayo ako atsaka pumunta sa isang wine station dito sa sulok ng function room. Sinundan ako ni Makie, kaya hindi naman maipinta ang mukha ni Sasha na marealize niyang silang dalawa nalang ni Kuya ang nakaupo sa table namin. Lumandi ka pa ng lumandi Sash, para makuha mo naman ang sobrang gwapong si Kuya Denver! Habang ako naman, kanina pa palingo-lingo sa bawat sulok ng malaking function room na ito sa kakahanap kay Dominique. Anak ng tokneneng naman talaga, oo! Pihadong may ibang babae na ‘yong binabayo ngayon! Bwiset talaga! Tuluyan kong inubos ang isang glass ng wine ng abutin ito sa akin ng isang waitress. “Tine, are you really okay?” May pag-aalalang sambit ni Makie sa’kin. “I’m totally fine, Makie,” sambit ko sa kaibigan ko. “Nga pala, who’s Xyler? Ngayon mo lang ata nabanggit ang pangalang ‘yon.” Hinarap ko siya habang may bitbit na isang glass ng wine. “Ah, si Kuya Xyler? Pinsan namin siya,” panimula niya na ikinasalubong ng aking kilay. “Father side din, isa rin siyang Gutierrez. Magkasing-edad silang dalawa ni Kuya Denver,” pagpapatuloy niya atsaka suminsim ng wine. “Teka, ano? Akala ko ba sina Tito Darius at Tito Michael lang ang magkakapatid na Gutierrez?” Tito Michael is Mckenzie’s father, siya ang bunso habang Kuya naman ni Tito Michael si Tito Darius, ama nina Kuya Denver. “Actually, hindi si Uncle Darius ang panganay kundi si Uncle Tyler, ang ama ni Kuya Xyler. Hindi lang ito palaging nakakasama sa family gatherings dahil sobrang workaholic ni Uncle. Nasa Europe din kasi nakabase ang Oil and Fuel company nila, unlike sa amin na local lang ang mga kompanya.” Napatango nalang ako sa sinabi ni Makie. Kung ganon, tatlo pala silang magkakapatid. Ang panganay ay itong si Tito Tyler na sinasabi ni Makie, pangalawa si Tito Darius, at bunso naman si Tito Michael sa magkakapatid na Gutierrez. “So, andito na sa Pinas ang sinasabi mong Kuya Xyler?” Tumango siya sa akin. “Ganon na nga, kakarating niya lang kanina mula sa airport pero sa kasamaang palad, hindi niya kasama si Uncle Tyler. Siya lang ang bumalik sa Pinas.” “Andito rin ba siya sa party?” “I doubt, mukhang pagod na pagod pa ‘yon mula sa biyahe. Siguro nagpapahinga pa siya sa suite niya rito sa hotel, dito kasi siya dumiretso mula sa airport. Pero paniguradong kinabukasan ay pupunta na ‘yon sa beach house nila. Tsaka anti-social din si Kuya Xyler, namana niya ‘yon mula kay Uncle. Hindi ‘yon mahilig makipaghalubilo.” Ganon? Introvert pala ‘tong pinsan nina Makie. Sabay kaming bumalik sa table namin pagkatapos naming magkwentohan ni Makie. Inalalayan niya akong maupo na ikinangiti ko sa kanya. Buti pa ‘tong si Mckenzie, napakagentleman, habang ‘yong pinsan niya naman eh pili lang ang taong papakisamahan niya ng matino. Kung tadtarin ko kaya ng text messages si Dom? Kanina pa talaga ‘yong lalaking ‘yon na hindi ko mahagilap. Speaking of, naiwan ko pala ang cellphone ko sa pension house ng hotel na’to! Gusto kong umirap sa kabobohang dala ko. “San ka pupunta, Tine?” tanong ni Sasha sa akin. “Kukunin ko muna phone ko sa taas. Wag kang mag-alala Nay, hindi ako tatakas.” Umirap lang siya na ikinangisi ko. Umiiling akong naglakad papalabas ng function room, sasamahan sana ako ni Makie, kaso tinawag siya ni Tito Michael kaya nanatili na lang siya sa loob. Pumasok ako sa elevator at inis na tinaggal ang suot kong heels. “Bwiset talaga, sino ba kasi ang nag-imbento ne’to? Hindi ba siya nag-iisip na sobrang sakit ne’to sa paa?” bulong ko sa aking sarili. Nakapaa na akong naglalakad sa magandang hallway ng hotel na ‘to habang dumiretso sa mismong pension house. Kaagad kong nakita ang aking phone sa ibabaw ng puting kama atsaka ako nagsend ng text message kay Dom. Tinadtad ko talaga ito ng messages. Nainip na ako ng umabot ng ilang minuto pero wala parin akong reply na natatanggap mula sa kanya. Kung tutuosin, sobrang swerte ng Dominique na ‘yon dahil ako ang naghahabol sa kanya! Maraming lalake ang nagkakagusto sa’kin pero nasa kanya lang talaga ang buong atenyson ko. “Kainis!” Tumalbog ang cellphone ko sa malaking kama ng ihagis ko ito doon atsaka ako padabog na umalis. Makabalik na nga lang sa party! Wala namang magandang maidudulot ang paghihintay ko sa message ng lalakeng ‘yon! Inis kong isinuot pabalik ang aking heels sa hallway ng may marinig akong pagbukas ng pinto. Mula sa pagkakayuko ay tumingala ako, nakita ko ang isang napakapamilyar na hubog ng katawan. Dahan-dahan akong napatayo ng makilala ko ang nakatalikod na likuran ng isang lalake. “Ano ba, nasa hallway na tayo,” malanding sambit ng babae sa kanya at sinundan ito ng isang malanding pagtawa. “Kiss lang naman eh.” Idinikit ng lalake ang babae sa dingding ng hallway atsaka ito mapusok na hinalikan sa labi. Halata ang medyo gusot na suot ng babae at hindi maayos niyang buhok. Ang lalake naman ay bukas ang unang tatlong butones ng puting panloob ne’to. Naikuyom ko ang aking kamao sa aking nasaksihan. Talagang harap-harapan kung lumandi ang lalakeng ‘to! Halata namang may ginawa silang milagro mula sa nilabasan nilang kwarto. Sabi ko nga ba! May binabayo na nga ang Dominique na ‘to! Pumalakpak ako na ikinatigil nilang dalawa. Halata ang gulat sa mukha ni Dominique at sa babae ng makita akong nakangisi sa kanilang dalawa. Sobrang pula ng mukha ng babae dahil sa kahihiyan. “Wow, nice show! I’m watching live porn.” “Jesus! Celestine!” sambit ni Dominique. Biglang tumakbo ang babae papalayo at dali-daling pinindut ang elevator. “Wait, Becky!” Inis akong tinignan ni Dom pagkatapos niyang makita ang babaeng hindi na siya nilingon pa ulit at tuluyan na ngang pumasok sa loob ng elevator. “This is all your fault!” “Ops, naputol ko ba ang round 2 ninyo?” Nakataas ang isa kong kilay habang magkakrus ang aking braso. Inis na nagmarcha si Dominique papalapit sa’kin atsaka ako mahigpit na hinawakan sa braso. “Dominique! Nasasaktan ako! Ano ba!” “Just fcking mind your own business, slut!” Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya at mabilis na idinapo ang aking palad sa kanyang pisngi, ngunit kaagad niya ‘yon nahawakan atsaka napangisi. “You can’t hurt me this time, Celestine.” I gritted my teeth. Kaagad ko siyang sinipa sa gitna ng kanyang hita na ikinapilipit niya sa sakit. “Fck!” daing niya habang hawak-hawak ang kanyang pagkalalake at pulang-pula ang mukha. I can’t hurt you pala ha. Matalim niya akong tinignan habang nilampasan ko siya sa hallway. Kaagad akong pumasok sa elevator atsaka palihim na pinunasan ang isang luhang kumawala mula sa aking mata. Nang bumukas ang elevator ay kaagad akong lumabas at tumakbo ng hindi tumitingin sa aking dinaraanan. Sobrang blurry ng paningin ko dahil sa namumuong mga luha. Sobrang sakit talaga magsalita ng lalakeng ‘yon, kahit hindi totoo ang sinasabi niya, masakit parin talaga lalo na’t mula ito sa lalakeng gusto mo. Minsan napa-isip din ako kung bakit pa ako naghahabol sa Dominique na ‘yon. Tuluyan na ata akong nabulag sa pesteng pag-ibig na ‘to! Nang makita ko siyang kahalikan ang babaeng ‘yon sa hallway, parang ilang beses sinaksak ang dibdib ko. Harap-harapan talaga eh! Bwiset! “Aray!” daing ko ng tumama ako sa isang pader sa kakatakbo. Napahawak ako sa aking noo atsaka ‘yon hinimas. “Watch your step, young lady.” Isang baritonong boses ang biglang nagsalita sa harap ko. Bigla akong napatingala sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Sobrang tangkad niya, nakatingin sa’kin ng deretso ang kanyang mapupungay na mga mata na tila ba hinihigop ang buong kaluluwa ko. Agaw pansin ang matangos niyang ilong at ang kanyang jawline. Nakatirintas naman ang buhok niya na halatang sobrang lambot. Bagay na bagay sa kanya ang suot ne’tong puting polo na nakarolyo hanggang siko at itim na slacks. Bakat na bakat naman ang dibdib neto at halatang nagi-gym. Ngayon lang ata ako natameme sa isang estranghero. Hindi ko bet ang mga lalakeng long hair, pero bakit ganon? Sobrang gwapong tignan naman ng lalakeng ‘to, dinaig pa niya ang isang Greek God. He’s drop-dead gorgeous! He tilted his head to the other side while examining my face. Hindi ko maiwasang mapalunok sa ginawa niya. Biglang nagsalubong ang kanyang kilay na tila ba namumukhaan ako. “You,” panimula niya. Pati ang boses sobrang nakakaintimidate. “Ikaw ang babaeng bumangga sa kotse ko,” pagpapatuloy niya na ikinalaglag ng panga ko. A-Anak ng, ano raw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD