Celestine's POV
"Ibang klase ka talaga, Tine." Nakangising sambit ni Kuya Denver na may kasamang pagtawa at pag-iling. Nahihiyang napayuko ako atsaka nilalaro ang aking daliri sa kamay.
Nasa rooftop kami ngayon ng hotel at ginawa itong exclusive ngayong gabi para lang sa amin. Natapos na ang party kani-kanina lang kaya dito kami kaagad dumiretso.
“Kuya, stop mocking her.” Pagtatanggol ni Ate Danny sa akin.
“Hindi naman sa ganon, nakakatawang isipin na ikaw pala ang may gawa sa nayuping likuran ng bagong kotse ni Xyler.” Tumawa si Kuya Denver habang napakagat-labi na lang ako sa hiya. Jusko! Sobrang bago pa pala non!
And yes, ang lalakeng nabunggo ko ang sasakyan at nakasalubong ko sa hallway ay ang pinsan nilang galing sa Italy, si Xyler Gutierrez.
“She’s being reckless. Again.” Napatingin kaming lahat kay Dominique na ngayon ay prenteng nakaupo sa isang upuan habang may dalang boteng beer sa kanyang kamay.
“Dominique!” Pagsaway ni Ate Danny sa kanya.
“What? Totoo naman ah. Kakabalik nga lang ni Kuya Xyler dito sa Pilipinas, ganyan kaagad ang sumalubong sa kanya,” panimula ni Dom atsaka ako nilingon at tinignan ng deretso sa mata.
“And thanks to you, Celestine,” pagpapatuloy niya na may halong pagkasarkastiko.
“Watch your tone, Dominique,” may halong pagbabantang sambit ni Mckenzie sa gilid na ikinalingon ni Dom sa kanya.
Biglang tumayo si Dominique mula sa pagkakaupo atsaka nilapitan ang nakatayong si Makie. Bigla kaming naalarma ng magsukatan ng tingin ang magpinsan. Nag-igting ang panga ni Dom habang kalmado lang pero sobrang seryosong naman ng pagmumukha ni Makie.
“Angas mo na, Mckenzie ah.”
“Nakainom ka na, Dominique.” Pumagitna si Kuya Denver atsaka inilayo si Dom na mukhang bubuwelo na ng suntok.
“Makie,” mahinang sambit ko sa aking kaibigan atsaka hinawakan ang kanyang braso para lumayo na rin.
Inis na hinablot ni Dominique ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Kuya Denver atsaka ito umalis sa rooftop. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Ate Danny sa gilid atsaka ako tinignan.
“I’m so sorry, Tine,” sambit ni Ate sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya atsaka isang beses na tumango.
“Pagpasensyahan mo na si Dominique, Tine. I will apologize on behalf of my brother’s behavior earlier,” wika ni Kuya Denver.
“Ayos lang po ‘yon, nakainom na rin kasi,” sambit ko sa kanila.
“I guess we should head back to our rooms. Sobrang late na rin.” Tumango ako sa sinabi ni Ate Danny.
“Sumunod na lang kayong dalawa ha?” Pagpapaalam ni Kuya Denver sa amin. Kumaway ako sa magkakapatid na sabay na umalis.
Napabuga ako ng hangin atsaka napayuko bago tinignan ang aking kaibigan. Salubong parin ang kilay ni Makie dahil sa nangyari kanina.
“Hey,” tawag ko sa kanya.
“He shouldn’t say those things to a lady, especially to you,” wika niya atsaka ako tinignan.
“Hayaan mo na, lasing lang ‘yong pinsan mo.”
“Hayaan? Hindi ko pwedeng hayaan ang mga ganong klaseng bagay. I won’t tolerate that kind of thing, Celestine. Hindi na talaga nagbago ‘yang si Dom, mula noon hanggang ngayon ganyan parin siya umasta sa’yo, wala ka namang masamang ginawa sa lalakeng ‘yon.”
“Mckenzie Gutierrez, huminahon ka na.” Sobrang pula na ng mukha niya at halos magdikit na ang dalawang kilay. Tinignan ko siya ng deretso sa mata atsaka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
Ganito ko siya pinapakalma sa tuwing magagalit o di kaya ay sobrang inis niya. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay wala na ang matambok niyang pisngi.
Hindi ako umimik at ganon din siya, hinihintay ko na humupa ang galit niya. Unti-unti ng nawala ang sobrang pagkapula ng kanyang mukha at hindi na rin salubong ang kanyang kilay, kaya napangiti ako.
Gumagana pa rin pala.
“I’m sorry, Tine.”
“Hush, hindi ka dapat magsorry.” Ngumiti ako sa kanya, tatanggalin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanyang pisngi ng bigla niya itong hawakan. Kinuha niya ang dalawa kong kamay atsaka hinalikan ito. Sobrang gaan ng pagkahalik niya doon.
Nag-iiba na ata ang kilos ni Makie ngayong bumalik na siya.
Tinanggal niya ang suot niyang blazer atsaka ito ipinatong sa ibabaw ng aking balikat.
“Balik na tayo? Baka hinahanap ka na nina Tita at Tito.” Pag-aaya niya sa’king umalis. Tanging tango lang ang itinugon ko sa kanya bago niya ako inalalayan pabalik sa loob.
“CELESTINE Lyn Dela Pena! Anong pumasok sa kokote mo at inapakan mo yung accelerator ng sasakyan?!”
Heto na naman ako, sinesermonan. Akala ko wala ng sermon ang mangyayari pagkatapos ng gabing ‘to, nakalimutan kong may damage din pala ang sasakyan na minamaneho ko kanina. Nakita ‘yon ni Papa sa parking lot kanina nang bumaba siya.
“Hon, ang importante walang masamang nangyari kay Celestine. Baka naman aksidente niya lang naapakan ‘yon,” pagdedepensa ni Mama sa’kin. Himala at pumanig sa’kin si Mama ngayon, noon kasi tahimik lang siya kapag sinesermonan na ako ni Papa.
“Wag mong takpan ang mga ginagawa ng anak natin, Jenelyn, kaya nagiging matigas ang ulo niyan eh.” Tumayo si Mama mula sa pagkakaupo sa kama atsaka nilapitan si Papa.
“Carlos, bente-uno na ang anak natin, maidadaan ‘yan sa isang malumanay na usapan. Hindi mo kailangang magtaas ng boses,” may awtoridad na sambit ni Mama sa kanya. Kitang-kita naman ang pagbabago ng ekspresyon ni Papa sa mukha.
“Pumasok kana sa kwarto natin,” pagpapatuloy ni Mama.
“P-Pero kailangan ko pang pagsabihan si Celes—“
“Carlos.” Sa isang idlap lang ay kaagad na tumalikod si Papa atsaka pumasok sa kwarto nila. Nilingon ako ni Mama atsaka siya lumapit sa aking direksyon. Napayuko na lang ako at handa ng marinig ang mga sermon niya.
“Celestine, anak.” Isang haplos sa buhok ang natanggap ko mula sa kanya na ikinalingon ko sa kanyang gawi.
“Matulog ka na, ako na ang bahala sa Papa mo. Hindi ibig sabihin ne’to na tinotolerate ko ang nagawa mong pagkakamali kanina, lalong-lalo na’t kotse pa ni Xyler ang nabunggo mo.” Napakagat ako sa aking ibabang labi. Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa pinsan nina Makie. Mukhang ayoko ng sumama sa camping trip nila.
“Sorry po, Ma,” mahinang sambit ko sa kanya.
“Oh s’ya, maglinis ka na ng katawan bago matulog. Paakyatin mo na rin si Sasha rito sa kwarto ninyo.” Tumango ako sa kanya atsaka tipid na ngumiti. Nagulat ako ng biglang halikan ni Mama ang aking noo.
“Goodnight, anak.” Nang tuluyan na siyang tumalikod, kaagad akong tumayo atsaka siya niyakap mula sa likod.
“Goodnight din Ma, pakisabi na lang din kay Papa.” Hinarap niya ako atsaka hinaplos ang aking pisngi atsaka ngumiti bago pumasok sa kanilang silid.
Nakatuon lang ang aking paningin sa nakasarang pinto atsaka ngumiti roon. Kahit sinermonan ako kanina, nagawa ko paring ngumiti ng bumaba ako upang tawagin si Sasha.
“Kung makangiti, parang hindi pinagalitan kanina ah,” mahinang sambit ni Sasha sa’kin.
“Hinalikan ako ni Mama,” masaya kong wika sa kanya.
“Talaga?! Saan?”
“Dito,” ani ko atsaka tinuro ang aking noo. Nagmumukha akong bata na sobrang excited. Ngumiti sa akin si Sasha atsaka kinurot ang aking tagiliran.
“Aray, Sash! Para saan naman ‘yon?”
“Hindi mo sinabi sa’kin na sobrang gwapo pala nong Xyler Gutierrez na ‘yon,” bulong niya. Nakita niya si Xyler dahil lumabas din siya sa function room upang hanapin ako. Hindi na kasi nakatiis ang lola niyo, akala niya tumakas na naman ako.
“Gaga, paano ko sasabihin eh ngayon ko lang naman ‘yon nakita.”
“Ligawan mo.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako? Manliligaw sa isang lalake? Sa lalakeng ‘yon?
“Ayoko nga, ang ganda-ganda ko para mangligaw.”
“Eh sanay ka naman na ikaw maghabol sa lalake diba?” Umiwas ako ng tingin. Isang lalake lang naman ang hahabulin ko, at ‘yon ay si Dominique.
“Wag ka nang umasa sa Dominique na ‘yon. Kung ako pa sa’yo, don ka na lang kay Xyler, sobrang matured pa.”
“Nako Nay! Wag mo kong idamay sa mga pagnanasa mo sa may edad na.” Napangiwi ako ng bigla akong hampasin ni Sasha sa braso.
“Anong may edad na?! 6 years lang naman gap natin nina Denver at Xyler ah, hindi na ‘yon masama.”
“Wow, hindi ka na nagku-kuya niyan ha?”
“Siyempre kuya-kuyahan kapag nandiyan siya.”
“Grabe, lande!” Hinampas na naman niya ako sa braso. Leche! Humahapdi na ang bawat hampas niya. Tinawanan niya lang ako habang umaakyat papunta sa kwarto namin, binigyan ko lang siya ng isang masamang tingin bago sumunod at tuluyan ng magpahinga.
KINABUKASAN ay bumalik kaagad kaming dalawa ni Sasha sa condo unit ko kung saan kami naninirahan. Malapit lang kasi ito sa unibersidad na pinapasokan namin kung ikukumpara sa bahay talaga namin. Iniregalo ito nina Mama at Papa sa’kin nong ikalabing-walong kaarawan ko.
Mas mabuti nga’t andito kaming dalawa, makakagala ako at makakauwi kung kailan ko gusto, hindi tulad sa bahay, may curfew ako kahit bente-uno anyos na.
“Nay! Yung towel ko naiwan ko sa kwarto! Pakikuha naman po!” Sigaw ko mula sa banyo. Biglang bumukas ang pinto at inihagis ito ni Sasha sa akin na kaagad ko namang sinalo.
“Mag-lock ka naman!”
“Hindi ko gawain ‘yon!”
“Gaga ka talaga!” Tumawa lang ako ng isara na niya ang pinto. “Mag-shave ka nga!” Pahabol niya sa labas. Tinignan ko ang ibabang parte ng aking katawan atsaka nagkibit-balikat. Kailangan pa ba? Hindi naman ito makapal at mahaba eh.
“Wala namang kumakain ne’to eh! Ayos lang ‘to!”
“Meron! Kung liligawan mo si Xyler!”
“Ewan ko sa’yo!” Si Sasha na naman ang tumawa ng malakas na ikinasimangot ko. Bakit ba palagi niyang isinisiksik ang lalakeng ‘yon sa’kin?
Inaalala ko ang hitsura niya kagabi, maganda naman talaga ang tindig niya, sobrang tangkad at may hitsura naman din, halatang galing sa mayaman at maimpluwensiyang pamilya. Paniguradong habulin din ng mga babae, maganda rin kasi ang lahi nila at talagang gusto mo rin magpalahi.
Biglang pumasok sa isipan ko si Dominique. Malapit na pala ang kaarawan ng demonyitong lalakeng ‘yon, sa susunod na araw na. Ano kaya ang magandang iregalo ko sa kanya? Halos nasa kanya na rin kasi ang lahat.
Nakagat ko ang aking labi ng may maisip akong ideya.
“Kaya mo ba, Celestine?” tanong ko sa aking sarili. Pinunasan ko na ang basa kong katawan atsaka itinapis ang tuwalya. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin at pinagmasdan ang sobrang hapit na tuwalya sa aking katawan.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa naiisip kong iregalo kay Dominique.
“Kakainin mo talaga ang lahat ng sinabi mo, Dom.”
I’ll completely give myself to him on his birthday, by hook or by crook.