Chapter I: Return of Mckenzie

1844 Words
Celestine's POV “M-Manong, pasensya na talaga!” panghihingi ko ng dispensa sa driver na bumaba mula sa kotseng nabunggo ko. Napakagat-labi ako ng makita ang basag na backlight ng sasakyan at yuping likuran ne’to. Napamura naman ako ng makita ang isang logo ng mamahaling sasakyan na bihira mo lang makikita rito sa Pilipinas. Nalintikan na talaga! “Ma’am, hindi po pwedeng idaan sa sorry lang ang lahat. Malilintikan ako ng amo ko ne’to,” sabi ni Manong habang kumakamot sa likod ng kanyang batok. Nasa gilid na pala kami ng kalsada kasama ng isang traffic enforcer. Bumigat din ang traffic kanina dahil sa nagawa ko, nasigawan tuloy ako ng ilang pampasaherong jeep. “Na settle na po ba ang lahat?” tanong ng enforcer sa amin. Kailangan kong tawagan si Sasha para ipaalam sa kanya na mukhang hindi na talaga ako aabot sa mismong event. Hindi na ako makakatakas sa sitwasyon na ‘to. Biglang napalingon si Manong sa kotseng minamaneho niya ng bumaba ang isang bintana doon. Kaagad itong lumapit sa bintana at tila may kinakausap sa loob. Andiyan ba ang amo niya? Halos magsalubong ang kilay ko ng tumango-tango si Manong. Hindi ko lubos makita ang loob ng sasakyan dahil masyado itong madilim at heavy tinted din ang mga bintana ne’to. Napaderetso ako ng tayo ng bumalik sa direksyon ko si Manong na may mukhang tila nabunutan ng tinik. “Ayos na po ma’am, sabi ng amo ko hindi mo na raw kailangan magbayad pa ng danyos sa nayupi niyang sasakyan. Nagmamadali rin po kasi kami, kaya kailangan na naming umalis.” Tumalikod sa’kin ang matandang lalake atsaka nagsimulang maglakad. “T-Teka lang po! Seryoso po ba kayo?” Sambit ko na tila hindi makapaniwala. Tinignan ko ang likurang bahagi ng mamahaling sasakyan at medyo napangiwi, ang laki ng yuping nagawa ko sa sasakyan niya! “Opo, ma’am.” At sa isang idlap lang ay tuluyan na ngang umalis ang sasakyan. Napapitlag ako ng biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa. Bwiset! May party pa pala akong pupuntahan! Kaagad akong pumasok sa loob ng aking sasakyan atsaka nagdrive pabalik sa highway patungo sa mismong event. “TINE! Dalian mo na!” bungad sa’kin ni Sasha sa entrance ng Oasis Luxury Hotel and Resort na pagmamay-ari ng mga Gutierrez. “Kalokang heels ‘to,” bulong ko sa sarili atsaka ito tinanggal at tumakbo papunta kay Sasha na nakapaa. Kaagad niyang hinablot ang aking kamay atsaka kami sabay na nagtungo sa isang hotel room, gusto kong magmura dahil sa pinakataas na floor ang piniling kwarto nina Mama at Papa, it’s the pent house, ang pinakamahal na hotel room nila rito. Akalain mong nagmumukha itong bahay dahil may pa second floor pa talaga. Tss, ayoko talaga ng taste nila, masyadong sosyal, hindi nalang naging practical. Pwede naman nilang i-occupy ang isang suite o di kaya ay isang unit na may two bedrooms dahil isang gabi lang naman kami rito. “Hubad na bilis! At suotin mo ‘to,” halata ang pagkaniyerbiyos sa tono ng pagsasalita ng kaibigan ko. Isasali kasi siya sa sermon nina Mama at Papa na tanging ako lang naman ang may gawa. Kaagad akong nagbihis ng isang long, fitted, backless gown at isang stiletto heels, kulay silver ang dalawa. Pinusod ko naman ang katamtaman kong buhok para neat tignan atsaka ma-emphasize rin ang nakaexpose kong balat sa likod. “Ang hikaw at kwintas mo.” Iniabot sa’kin ni Sasha ang mamahaling kwintas at hikaw na binili sa’kin ni Mama noong huling birthday ko. Kahit kalian hindi ko pa ito isinuot. “Kailangan pa ba ‘yan?” sambit ko sa kanya. “Oo! Bilisan mo na at huwag ka nang tumutol pa.” Napairap ako atsaka ito kinuha mula sa kanya. Hinda naglaon ay kaagad na kaming bumaba papunta sa function room ng hotel, kaagad kaming inalalayan ng ilang mga tauhan ng hotel papunta sa naturang silid pero hindi kami dumaan sa mismong entrance door ng function room. Sa likod kami dumaan para mas mabilis at wala ni isang tao ang makakapansin ang late kong pagdating. “Nagsisimula ng magspeech si Tito, pagkatapos niyan ay tatawagin ka na at ng Mama mo,” bulong ni Sasha sa’kin. Tumango ako sa kanya atsaka kami hawak-kamay na prenteng naglakad papunta sa table namin na parang walang nangyari. May ilang mga binatang guest ang napapalingon sa direksyon naming dalawa ng kaibigan ko. Hindi ko maiwasang mapangisi ng palihim. Mga lalake talaga, makakita lang ng maganda nagiging flexible ang leeg. “Ganda natin ngayon Nay, ah,” sambit ko kay Sasha ng tuluyan na kaming maupo. “Gaga, stress na stress na nga ako sa’yo.” Napanguso ako sa sinabi niya. “At least nakaabot ako noh.” Inirapan niya ako atsaka pabirong kinurot sa gilid. Sabay kaming napatawa ng mahina. Sobrang boring siguro ng buhay ko kung wala si Sasha, atsaka paniguradong sobrang rebelde ko kina Mama at Papa ngayon kung hindi niya lang ako pinipigilan sa mga gagawin ko minsan. “Tinawag kana.” May diing sambit ni Sasha sa’kin, kaagad naman akong tumayo ng makita ko ang aking Ina na tumayo rin mula sa isang table na hindi gaano kalayo sa amin. Tila nabunutan ng isang malaking tinik sina Mama at Papa ng makita akong nakatayo at naglakad papalapit sa kanila. Kaagad na hinawakan ni Mama ng mahigpit ang kamay ko at sabay kaming umakyat sa stage. “Where have you been again this time, Celestine Lyn?” Bulong sa’kin ni Mama. Lintek na talaga! Tinawag na rin ako sa pangalawang pangalan ko. “Ma, ang importante umabot ako,” bulong ko pabalik sa kanya. Hindi na siya sumagot pa dahil nasa harap na kami ng mga tao. Gustong-gusto ko na namang umirap sa daming flash ng camera na nakatuon sa’kin at ng mga magulang ko. Nasa dyaryo na naman kami ne’to kinabukasan. Tss. Maglalaunch kasi ng panibagong Hotel and Resorts ang mga Gutierrez sa isang private island, at in partnership sila ng mga magulang ko sa project na ‘yon dahil sikat na mga Real Estate Developers ang mga magulang ko. Lahat na mga sikat na hotel, resort, casino, malls, condominium at kung ano pa ‘yan ay halos sina Mama at Papa ang mismong nagdevelop. Napepressure tuloy ako dahil sa kanilang dalawa, kaya kahit hindi ko gustong dumalo sa mga ganitong klaseng event ay napipilitan ako. Wala kasing ibang tagapagmana sina Mama at Papa dahil hindi na nila ako sinundan pa. Ako lang ang nag-iisa nilang anak. Minsan, naiisip ko rin kung bakit hindi nalang kaya nila kupkupin si Sasha at siya na ang magpatakbo ng kompanya. Mas matalino kasi si Sasha, tsaka bagay na bagay sa kanya ang magpatakbo ng isang malaking kompanya sa hinaharap dahil masipag siyang tao. Hays, ang sama ko naman kung palagi ko na lang ipapasa sa kaibigan ko ang lahat ng tungkulin ko. Bakit pa kasi ako naging Dela Peña? O di kaya, sana nag-anak na lang sina Mama at Papa ulit ng may karamay naman ako sa mabigat na tungkuling ito. “Smile for the camera, Celestine,” bulong ni Papa sa gilid. Pinaggitnaan kasi nila akong dalawa. Hinapit ni Mama ang bewang ko at medyo inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya ganon din ang ginawa ko sa kanya. Mas dumikit din si Papa sa amin. Paniguradong nagmumukha kaming ‘happy’ family sa litrato ne’to kinabukasan. Hindi nagtagal ay umakyat na rin sa stage ang mga Gutierrez. Nagharumento ang kaba ko ng makita ko ang bunso nilang anak na si Dominique. Sobrang yummy niya sa suot niyang mamahaling tuxedo. Napatingin ako sa kanyang mukha, clean shave, clean cut, well-groomed ang makapal niyang kilay, walang kapores-pores ang kanyang makinis na mukha, sobrang perfect talaga. Nagkamayan sina Papa at Mr. Darius Gutierrez habang naki-beso naman si Mama sa asawa neto na si Mrs. Gwen Gutierrez. Ningitian ako ng panganay nilang anak na si Kuya Denver at ganon din ang pangalawang anak nila na si Ate Danica, kaagad ko naman silang sinuklian ng isang matamis na ngiti bago tuluyang tinignan si Dom. Letsugas! Hindi man lang ako tinignan ng lalakeng ‘to! “You’re so beautiful, Celestine,” papuri sa’kin ni Ate Danica. Sobrang ganda talaga ni Ate Danny, tsaka sobrang bait din. Isa siyang magaling na photographer at model, 2 in 1 na ‘yan. “Wow, Celestine, himala at umabot ka,” pabirong bulong sa’kin ni Kuya Denver. Napangiwi ako sa sinabi niya at napakamot sa batok. “Dom, batiin mo naman si Tine,” tawag ni Ate Danny kay Dominique. Sa oras na ‘yon lang niya akong tinignan, halatang napipilitan. Isang tango at tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa’kin. Bwiset! “Compress guys and smile for the camera,” sambit ni Tito Darius sa amin. Kaagad kaming pumosisyon sa gitna atsaka hinarap ang mga photographer at ngumiti. May isang waiter ang nagdala ng mga champagne glasses at isa-isa itong iniabot sa amin. “Cheers to the new bigtime project of Oasis Luxury Hotels and Resorts in partnership with Dela Peña Landmasters!” “Cheers!” At pinagdikit namin ang aming mga champagne glass sa isa’t-isa na naglikha ng tunog. Kaagad namang nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng function room at mas dumami ang pagflash ng mga camera. Pagkatapos non ay kaagad kaming bumaba sa stage at dumiretso sa aming mga table. Napangiti ako ng makita si Sasha na nagthumbs up sa akin habang nakangiti ang kanyang maaliwalas na mukha. Sign na ‘yon na hindi kami mapapagalitan nina Mama at Papa mamaya. Maglalakad na sana ako pabalik sa kanya ng biglang may humapit sa bewang ko na ikinalingon ko kaagad sa gilid. “Nasaktan ako ng hindi mo man lang ako hinanap dito sa loob.” Nanlaki ang aking mga mata ng mabosesan ko ang lalakeng ‘to. Kaagad kong kinapa ang kanyang mukha at tinignan ang bawat anggulo ne’to. “Tine, ano buh! Ang mukha kuh!” Nakanguso niyang sambit dahil kinompress ko ang pisngi niya na parang bata. “Omygod, omygod, omygod!” May halong excitement na sambit ko sa kanya. “Makie?! Makie, ikaw na ba yan?!” Tumango siya ng ilang beses habang may ngiti sa mga labi. Lumayo ako ng isang hakbang at pinagmasdan ang kabuoan niya mula ulo hanggang paa. Hindi ako makapaniwala! Ang pinakaclose ko sa mga Gutierrez ay nandito! Si Mckenzie Gutierrez, pinsan nina Dominique sa father side. Ang laki ng pinagbago niya, halos hindi ko siya makilala kung hindi ko pinagdigkit ang pisngi niya. Fit na fit na siya ngayon, nagmumukha siyang model o di kaya sikat na actor dahil sa tindig niya. Noon kasi mataba siya, pero ngayon, damn! Iba talaga ang glow up kapag aalis ka ng Pilipinas at mag-ibang bansa eh noh? Kaagad niyang hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya at sa isang idlap lang ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi na medyo ikinagulat ko. “I miss you so bad, Tine,” bulong niya sa’kin atsaka isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg at niyakap ako ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD