Celestine’s POV
“ANO?! Nahihibang ka na ba?!”
“Tulungan mo ‘ko, Sash!” Ilang beses na akong humingi ng tulong at suwestiyon sa kaibigan ko ngayon. Sinabi ko kasi sa kanya ang gagawin ko sa kaarawan ni Dom.
“Celestine, what you are about to do is too much. Virginity mo na ang nakataya rito, ibibigay mo lang ‘yan sa kanya ng ganon-ganon na lang? Ni hindi ka nga niya magawang tignan ng deretso sa mata, tas ibibigay mo ang p********e mo sa lalakeng ‘yon? Think twice Tine, I know you’re better than this.”
Tinalikuran ako ni Sasha atsaka dumiretso sa kusina upang magluto na ng kakainin namin ngayong gabi.
“Sash, I’m desperate.” Napahinto siya sa kanyang ginagawa atsaka ako nilingon.
“Alam kong sobra-sobra na ‘to, pero desperada na akong ipamukha kay Dominique na mali ang mga paratang niya sa’kin, na hindi ako tulad ng sinasabi ng iba.” Bumagsak ang balikat niya atsaka ako tinignan sa mata.
“Sash, please.” Lumapit ako sa kanya atsaka hinawakan ang dalawa niyang kamay. Hindi siya umimik at tumingin lang sa malayo.
“Kahit saang anggulong tignan, mali talaga ang gagawin mo. Look Tine, kung may mangyari man sa inyong dalawa, nakakasiguro ka bang mag-iiba talaga ang pagtingin niya sa’yo? Na hinding-hindi ka na niya pagsasalitaan ng mga ganong klaseng bagay? Dahil sa oras na isuko mo na ang bataan, hindi mo na ‘to mababawi pa muli.”
Alam ko naman ‘yon, wala talagang kasiguradohan na magbabago nga ang pagtingin ni Dom sa’kin bilang isang babae. Pero wala na talaga akong pakialam, wala rin naman akong planong ibigay ang bagay na’to sa ibang lalake kundi kay Dom lang.
“Nay, kahit ngayon lang, please! Ikaw lang ang pwede kong hingan ng tulong tungkol sa bagay na’to.” Kung kailangan kong lumuhod, luluhod talaga ako.
“Tine naman kasi—“
“Please, Sash?” Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay. Huminga siya ng malalim atsaka bumuga ng hangin bago ako tinignan ng deretso sa mata. Ilang segundong tumahimik ang buong lugar bago siya tumango.
“Yes! Thank you, Nay!” Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.
“May magagawa pa ba ako? Kapag sobrang gusto mo ang isang bagay, talagang gagawin mo ‘yon,” wika niya. Ngumiti lang ako sa kanya ng pagkalaki-laki atsaka hinalikan ng mabilis sa pisngi.
“Kilalang-kilala mo talaga ako,” nakangisi kong sambit. Umirap lang siya atsaka ipinagpatuloy ang kanyang ginawa sa kusina.
That’s it! Solved na ang isang problema, ang tanging kailangan ko na lang isipin ngayon ay kung paano ko magawang lapitin si Dom sa kaarawan niya ng hindi malalaman ng iba.
Lalasingin ko ba ang lalakeng ‘yon? Kung papatulugin ko kaya gamit ang sleeping pills? Dapat kasi wala siya sa kanyang normal na estado dahil kung ganon, isang metro pa lang ang pagitan naming dalawa, lalayo na ‘yon kaagad sa’kin. Kailangan ko siyang malapitan para maisagawa ko ng mabuti ang plano ko.
Hindi man ako kasing talino tulad ng kay Sasha, sobrang wais ko naman pagdating sa pagpaplano ng mga bagay-bagay. Pero pagdating ka Dominique, natatanga talaga ako eh!
DALAWANG araw na ang lumipas at andito ako ngayon sa isa sa mga mansyon ng mga Gutierrez. Dito ihe-held ang 22nd birthday party ni Dominique kung saan imbitado ang ilang mga estudyante sa unibersidad na pinapasokan namin at ilang mga kakilala niya sa iba’t-ibang organisasyon na kinabibilangan niya.
Sikat kasi si Dom, hindi lang sa eskwelahan kundi pati na rin sa elite society.
Sobrang bongga at sosyal nga ng 21st birthday party nya last year, nasa isang sikat na cruise ship lang naman siya nagcelebrate.
Ang theme lang ngayon ay sobrang casual, yung parang literal na party lang talaga. Hindi mo kailangang mag tux at gown, just wear whatever you want.
Napatingin ako sa ilang mga babae rito sa loob, sobrang iksi at hapit sa katawan ang suot-suot nilang mini dress. May ilang mga babae naman akong nakasalubong na nakabikini lang at may dala-dalang red cup sa kamay. Napatingin ako sa labas ng mansyon at sobrang daming tao sa pool area.
“Sash! Tine!” Napalingon ako sa aming harapan ng makita ko si Ate Danica. Kaagad kaming lumapit sa kanya at niyakap siya.
“I’m glad both of you make it!” Sigaw niya, sobrang lakas kasi ng music dito sa loob ng malaking sala nila. Dominique hired a professional DJ.
“Teka lang, tatawagin ko si Dom!”
“Nako! Wag na Ate! Baka busy pa ‘yon sa page-entertain ng mga bisita niya.” Tumango na lang si Ate Danny atsaka ngumiti sa akin. Baka busy sa ibang babae kamo.
“Just enjoy yourself, okay? Maiiwan ko muna kayo.” Kaagad na siyang umalis at nilagpasan kaming dalawa ni Sasha.
Saktong paglingon ko sa ibang direksyon, kaagad kong nakita si Mckenzie na nasa gilid at hawak-hawak ang kanyang phone sa isang kamay habang isang red cup naman sa kabila. May dalawang babaeng biglang lumapit sa kanya na halatang gusto siyang makausap at makipagkilala.
Nagsalubong ang aking kilay ng tanging isang tipid na ngiti lang ang isinukli ni Makie sa kanila atsaka naglakad papalayo. Nang ini-angat niya ang kanyang ulo, saktong nagtama ang aming paningin. Kaagad na umaliwalas ang kanyang mukha at ngumiti ng malapad ng makita ako.
“Tine!” Sigaw niya at kaagad na naglakad papunta sa akin.
“Makie!” Kaagad niya ako sinalubongan ng isang mahigpit na yakap. “Buti naman at nandito ka na. Kanina pa ako naghihintay ng reply galing sa’yo.” Nabaling ang kanyang atensyon kay Sasha na nasa gilid at kaagad din itong niyakap.
“Pasensya na, hindi ko na nai-check pa ang phone ko.” Tumango lang si Makie sa’kin atsaka ngumit.
“Sobrang ingay dito, sa labas na lang tayo.” Sumang-ayon kami sa sinabi niya. Sobrang lakas nga ng music dito sa loob, halos matanggal na ang puso ko.
Nang makarating na kami sa pool area, kaagad kaming pumunta sa isang gazeebo rito. Kumuha ng dalawang red cups si Makie roon atsaka niya kami binigyan ni Sasha. Nagkukwentohan kaming tatlo ng biglang umubo si Sasha sa gilid.
“Nay, okay ka lang?” hinagod ko ang kanyang likod, nasamid siya sa iniinom niyang beer.
“Hindi mo naman first time uminom Sash diba?” tanong ni Makie sa kanya.
“O-Oo, ayos lang ako,” sambit ni Sasha atsaka umubo ulit. Nilibot ko ang aking paningin at nahagip ng aking mata si Kuya Denver sa pinakagilid na may kahalikang ibang babae sa medyo madilim na lugar. Kaya pala nasamid ang lola niyo, may nakita kasing hindi kaaya-aya.
Napatingin ako kay Sasha ng inubos niya ang isang basong beer atsaka kumuha ulit ng bago at tinungga ito.
“T-Teka lang Nay, dahan-dahan naman!” Hindi pwedeng malasing kaagad si Sasha, masisira ang plano ko kapag nagkataon!
“Tang*na, ang panget ng party na ‘to,” rinig kong bulong niya pagkatapos ininom ang isa pang baso. “Wait, naiihi ako,” sambit pa niya atsaka naglakad papalayo sa amin. Sinubukan namin siyang tawagin ni Makie ngunit hindi na niya kami nilingon pa.
Bwiset na! Paano na ‘to!
Napatampal ako sa aking noo habang sinusundan ng tingin si Sasha na naglalakad sa gilid ng pool atsaka kumuha pa ng isang red cup. Mukhang hindi ko na maasahan si Sasha sa oras na ‘to. Paniguradong maglalasing ‘yon kaagad ng dahil sa nakita niya.
Hindi ko rin siya masisisi, she’s head over heels in love with Kuya Denver. The moment she laid her eyes on Tito Darius’ eldest son, Kuya Denver automatically captured Sasha’s attention in an instant. Simula non, bukambibig na niya si Kuya.
“Is she alright?” tanong ni Makie sa’kin sa gilid. Kaagad ko siyang nilingon atsaka binigyan ng isang tipid na ngiti.
“Yes, she’s going to be fine. Hayaan lang muna natin siguro siya sa ngayon,” wika ko sa kanya.
“Nga pala, why did you avoid those pretty girls earlier? Hindi ba sila pasok sa taste mo?” Nakangisi kong sambit sa kanya atsaka uminom ng alak.
“Ah, ‘yon? Hindi naman sa ganon, let’s just say I’m not interested in mingling other girls,” wika niya at uminom din.
“Bakit? May girlfriend ka na ba?” Kaagad siyang umiling atsaka ngumiti. Sa glow up ni Mckenzie ngayon, wala siyang girlfriend?
“Kahit sa States? Kahit flirt lang, wala talaga?” Umiling na naman siya na ikinasalubong ng aking kilay. That’s weird. Baka hindi lang talaga ‘yan priority ni Makie sa ngayon, masyado rin kasi siyang inosente sa paningin ko. Kahit kasing-edad lang kami, nagmumukha pa rin siyang 16 sa mata ko.
“What about a kiss? Imposibleng wala kang nahalikan kahit isang babae.”
“I never had my first kiss yet.” Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko.
“Seryoso ka ba talaga, Mckenzie?!” Tumango siya sa’kin atsaka napatawa ng mahina. Omygod! Sa gwapo ng kaibigan ko, wala talaga?!
“You should have your first kiss tonight!” Naeexcite kong wika sa kanya. “Halika.” Kinuha ko ang kanyang kamay atsaka kami sabay na pumasok sa loob ng mansyon kung saan marami ng nakainom. It’s almost 9pm in the evening kaya normal lang ‘yon.
Nagmistulang club na ang sala nila Ate Danny sa dami ng tao, may mga nagve-vape sa gilid, ang ilan naman ay may suot na neon lights sa kanilang katawan at ginawa itong kwintas o di kaya bracelet dahil madilim dito sa loob.
“Uminom ka pa, Makie! You should get wasted tonight!” sigaw ko sa kanya atsaka nagcheers kami. Sabay naming inubos ang isang basong alak atsaka sumayaw sa dagat ng tao. Sobrang lakas ng music at siksikan talaga rito sa loob.
Nawala na sa isipan ko ang plano kay Dominique, mula kanina hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. I wonder where that man went. Di bale na, tutulungan ko muna ‘tong si Makie makuha ang first kiss niya bago ko atupagin ang plano ko.
I still have the whole night to do it.
Nakailang baso na kaming dalawa ng kaibigan ko at ramdam ko na ang init sa aking leeg. I’m a bit tipsy. Pero okay lang ‘yon, makakalakad pa naman ako ng tuwid. Ang importante hindi ako malasing.
Nagpalinga-linga ako sa gilid at naghahanap ng isang magandang babae na pwedeng-pwede kay Makie.
“Hey! What about her?” Itinuro ko ang isang babaeng short hair at sobrang sexy na nagsasayaw sa di kalayuan. Kanina ko pa siya napapansin na nagnanakaw ng tingin kay Mckenzie.
“No, I don’t like her!” sigaw ni Makie sa’kin. Putragis! Ang choosy ng mokong ‘to! Mukhang dito ata ako mai-istress ngayon. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri, umiinit na talaga rito. Ramdam na ramdam ko na ang ilang maliliit na butil ng pawis sa noo ko.
“I guess we should get out of here, Tine!” Napako ang aking paningin sa isang matangkad at gwapong lalake na may hawak na pulang cup sa may di kalayuan at may kausap na babae.
It’s Dominique!
“Tine!” Hinawakan ni Makie ang aking braso na ikinalingon ko sa kanya. Hindi ko alam na may sinasabi pala siya kanina.
“The moment the beat drops, you should kiss the person in front of you! Are you ready?!” Biglang nagsigawan ang mga tao sa sinabi ng DJ. Ha? Ano raw? Teka, nasan na si Dominique? Bigla na naman siyang nawala!
“In 3, 2, 1!” The beat suddenly drops and the blinding lights went black. Wala akong makita!
Bigla kong kinapa ang aking harapan, umaasang nandiyan pa si Makie. Nang dahil sa nakita ko si Dominique kanina, bigla akong nawala sa aking sarili pansamantala at naging balisa.
“Mckenzie, where are yo— " Biglang may humapit sa aking bewang at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari, sa oras na ‘yon bigla akong nabato sa aking kinatatayuan.
I felt a very soft lips touching mine. The kiss was so light. Hindi ito isang marahas na halik na kinagisnan ko na. Bigla akong nanibago sa ritmo ng isang halik, parang ayaw kong kumawala sa mga bisig niya at magpatianod na lang sa kanyang mga labi.
“I like you, Celestine, I like you a lot. Bakit hindi na lang ako?” sambit niya sa gitna ng kanyang halik. Mas lalo niyang nilaliman at hinigpitan ang paghawak sa bewang ko.
This time, it wasn’t just a simple kiss, it’s a torrid one!
Bigla akong nabalik sa reyalidad at naitulak si Mckenzie papalayo. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko, hinayaan ko siyang halikan ako. Hindi pwede, hindi ito pwede.
“C-Celestine, I’m—“
“Hindi dapat ‘yon nangyari, Makie,” sambit ko sa kanya. Ang kaninang init na nararamdaman ko ng dahil sa alak ay bigla na lang nawala. Nang dahil sa paghalik sa’kin ni Mckenzie, bigla akong nahimasmasan.
“I’m sorry, Tine—Tine! Celestine, wait!” Bigla akong tumalikod atsaka umalis mula sa dagat ng tao. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Makie sa pangalan ko, ngunit hindi na ako lumingon pa.
Anong klaseng kaibigan ako? Hinayaan kong ibigay sa’kin ni Mckenzie ang first kiss niya. I don’t derserve his kiss! Bakit, Makie? Bakit sa dinami-raming babae diyan, ako pa ang napili mong gustohin?
Umiling ako atsaka umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon. Ayoko munang makita si Makie, ako ang nahiya sa nangyari kanina.