Celestine’s POV I found myself walking outside our house under the moonlight. Malalim na ang gabi at maginaw na rin ang simoy ng hangin dito sa labas. Kaagad kong natanaw si Xyler sa pwesto niya kanina at nong lumingon siya sa akin ay kaagad na nagtama ang aming paningin. Ilang hakbang na lang ang gagawin ko at tuluyan na nga akong makakalapit sa kanya. Napalunok ako atsaka nag-iwas ng tingin matapos huminto mismo sa kanyang harapan. “H-Hindi rin ako magtatagal dito d-dahil kailangan ko ring matulog na kaagad.” Nauutal kong sambit sa kanya. Hindi pa rin mawala-wala ang sakit sa aking dibdib sa tuwing maiisip o di kaya ay maaalala ko ang sinabi niya kagabi. Napatingin ako ng deretso sa kanya ng hawakan niya ang dalawa kong kamay. Hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka ipinulupot