Chapter XI: He's Acting Strange

2010 Words

Celestine’s POV “Mukhang bago ata ‘yan ah. Sa tingin mo gusto siya ni Tito Carlos para sa’yo?” Tanong sa’kin ni Sasha habang nagsscroll sa cellphone niya. Nakauwi na kami sa condo galing sa party. Nakadecide kami na umuwi ng maaga ngayon para makapagpahinga kami kaagad. Wala naman kaming ibang gagawin don eh, ang mahalaga nagpakita ako kina Mama at Papa. “Ewan ko, tsaka wala rin akong pakialam,” wika ko habang kumakain ng cookies na gawa ni Sasha. Hindi ako ganon kahilig kumain ng mga matatamis pero kapag luto ni Sasha, hindi ko ‘yon palalampasin. Sarap niya kasing magluto, namana niya kay Nana Ysabel. “Oh! May nagsend sa’yo ng friend request!” Napalingon ako sa kanya ng biglang tumunog ang notification sa cellphone ko na nasa gilid lang niya. “Pakitingnan kung sino, Nay,” wika ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD