Celestine’s POV Maraming nangyari sa loob ng tatlong araw namin dito sa kagubatan, ang planong isang linggong trip ay hindi matutuloy. Kanina lang may isang lalakeng dumating sa mismong lugar kung saan kami nagtayo ng mga tent at sinabi niya na may isang lalake at babae raw ang naghahanap kay Kuya Denver. May emergency daw sa kompanya at kinakailangan ang presensya niya kaagad, kaya nagpasya ang buong grupo na umuwi na lang. Nasa labas na kami ng pickup na ngayon ay si Ate Danny na ang magmamaneho dahil sumakay si Kuya Denver sa isang itim na van para dumiretso kaagad sa kompanya. “Is everything set? Wala na ba kayong naiwan?” tanong ni Ate Danny sa amin. Walang sumagot kaya umiling na lang ako. Mukhang pagod na rin ang ilan sa amin dahil sa paglalakad sa masukal na kagubatan. Napat