Celestine’s POV At dahil nagkita kami ni Achilles kanina, sumabay siya sa’kin papuntang library upang makilala si Sasha. Sa mga oras na ‘yon, mas gugustuhin ko pang pumasok sa klase kesa ang umupo sa iisang mesa kasama niya. Oo na, masama na kung masama pero hindi ko talaga gusto ang presensya niya. Nawiwierdohan ako na medyo hindi mapakali. Ewan! Siguro dahil narin to sa nangyari nong gabing ‘yon kung saan parang botong-boto pa sina Mama at Papa sa kanya. “Hoy bruha! Nakatulala ka na naman diyan. Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka pala nakikinig,” sambit ni sa Sasha. “Pasensya ka na Nay, nag-iisip lang kasi ako kung paano ko iiwasan si Achilles sa susunod.” Napabuga siya ng hangin atsaka lumipat ng pwesto papunta rito sa tabi ko. Nasa outdoor cafeteria kami ngayon ng unibe