[SPG] Chapter IX: Into the Woods

1870 Words

Celestine's POV DAPIT hapon na at palubog na ang araw, nagset kami ng bonfire sa gitna para may pampainit naman kami mamaya sa malamig na gabi. "Tsk! Omygod, where's the signal?" Rinig naming sambit ni Trexy. Kanina pa nagrereklamo ang babae ni Dom at panay taas sa kanyang phone sa ere, makakuha lang ng signal. Nag-iisip ba 'to? Wala talagang signal sa masukal na kagubatan na 'to. "I don't like her," rinig kong bulong ni Ate Danny sa'kin. Same Ate, same. "Hindi ko alam kung bakit nagdala si Dom ng babae, I really thought tayo-tayo lang dito," pagpapatuloy pa niya. Nagkibit-balikat na lang kami ni Sasha atsaka humigop ng sabaw. "Baby! My mosquito spray, please!" Maarteng sambit ni Trexy sa may di kalayuan. Sinundan ko naman ng tingin si Dom na iniabot sa kanya ang mosquito spray ne'to.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD