Celestine’s POV Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kagabi. Tila ito isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko. Kahit labis na pagod ang naramdaman naming dalawa nang dahil sa ginawa namin buong gabi ay hindi ko talaga magawang makatulog kaagad. He’s sleeping soundly beside me on my bed last night and I can’t even manage to do the same thing. Nakatulog lang ako ng tuluyan ng mag alas tres ng umaga. Apat na oras lang ang tulog ko kaya heto ako ngayon, puyat na puyat. Nakapalumbaba ako sa mesa habang nakatulala sa usok ng aking tinimplang kape. “The pancakes are ready.” Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya! Hindi ako nakasagot kagabi! Pagkatapos ng nangyari sa amin sa loob ng banyo, nasundan pa ito sa loob ng aking kwarto hanggang sa tul