Celestine’s POV “Magtago ka bilis!” Buong diin kong sambit sa kanya atsaka napabalikwas sa kama. Kinuha ko ang tshirt niya sa sahig atsaka itinapon sa kanya na kaagad naman niyang sinalo. Dali-dali kong binuksan ang aking cabinet atsaka kumuha ng ilang damit doon na susuotin. Hinarap ko si Xyler na kakatapos lang magbihis atsaka kinuha ang isa niyang kamay at dali-daling inilock ang pinto habang hindi gumagawa ng ingay. Kaagad ko naman siyang dinala papunta sa cabinet pagkatapos. “Magtago ka sa loob ng cabinet, dalian mo,” wika ko atsaka pilit siyang tinutulak sa loob. “Jesus Christ, I can’t fit here Celestine.” Nahihirapan niyang saad habang itinutulak ang kanyang malaking katawan sa loob. Putek! Hindi nga siya magkakasya! “Celestine! Natutulog ka pa ba diyan?” Napalingon kaagad ak