Chapter Three

2985 Words
Chapter Three PAENG "MATATALO ka na!" sigaw ni Samson dahil naunahan niya ako sa pagpatakbo. "Gago! Hindi ako papayag!" kako saka sinagad ang speed ng motor ko hanggang sa malagpasan ko siya. Nag-overtake ako sa mga sasakyang nasa unahan at mabilis na nakalusot sa daloy ng trapiko. Tinigil ko ang sasakyan sa kanto saka hinintay ang kaibigan ko. Bumaba ako saka tinanggal ang aking helmet habang winawagay ito sa paparating na kaibigan. Tinigil niya rin ang motor sa tabi. "Paano ba yan tol, nanalo ako. Akin na ang isang daan, pangyosi lang," ngisi ko saka inabot naman nito ang pera. "Oo na, next time hindi na kita pagbibigyan," natatawang saad nito. "Gago, ilang beses mo ng sinabi yan," kako saka sumakay ng motor at pinaandar ito. Bago pa kami pumasok sa magkahiwalay na kanto, nagsalita ito. "Mamayang ala-una tol ah! Baka mahuli ka na naman!" Tinaas ko na lang ang kamay ko bilang tugon saka nagtungo sa bahay. Pagkarating ko sa bahay, naligo muna ako saka nag-almusal. Nakatulog ako ng apat na oras. Alas dose y media na noong magising ako kaya nagtungo ako sa kusina para kumain. Abala si mama sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niyang may nakatabi pang halaman na nakalagay sa supot. Tiyak na hahanapin na naman ni Gretchen ang mga cactus nito. Talagang pinagkakagastusan niya ang halaman samantalang hinihingi lamang ito ng mga kaibigan ni mama. Hinayaan ko na lamang ang mga ito. Nagtungo na ako sa kwarto saka naligo at nagbihis. Sinuot ko ang leather jacket ko pati na rin ang sapatos ko. "Bakit nakabihis ka na naman anak? Huwag mong sasabihing gagala na naman kayo? Dapat ay matulog ka dahil may duty ka na naman mamayang gabi," wika ni mama habang bitbit ang mga baso patungong kusina. Nakaalis na rin ang mga amiga niya. "May pupuntahan lang kami ma, relax. Kaya ko na ang sarili ko," natatawang saad ko saka kinuha ang susi sa ibabaw ng mesa. "Oo kaya mo na Paeng! Kaya mong lusutan ang mga kalokohan mo," aniya. "Aalis na ako ma," paalam ko. "Jusko Paeng! Mag-ingat kayo!" sigaw niya dahil alam niyang hindi ako magpapapigil. "Jusko, sana ay mapaibig na ng kung sino man diyan ang anak ko nang matigil na ito sa kalokohan," dasal ni mama habang nakapikit. Mukha siyang nai-stress sa akin. Natawa na lamang ako saka umarangkada. Mabilis akong nakarating sa kanto. Nakita ko rin ang mga kaibigan kong naghihintay habang nakasakay sa motorsiklo nila. Tinaas ni Angelo ang salamin ng kanyang helmet saka nagsalita, "Wow tol! Maaga ka ngayon. Akala namin ay maghihintay pa kami ng isang oras," aniya. "Syempre, inspired yan tol," natatawang sabad ni Samson. "Naks naman tol. Kaya naman pala may selebrasyong magaganap, dahil puso mo ay titibok t***k na rin," hagalpak niya. "Mga sira ulo, anong pinagsasabi niyo? Hindi pa ako in love. Ang sagwa tol," kako. "Kunwari ka pa, halata namang tinamaan ka dun kay engineer," "Sinong engineer?" takang tanong ni Angelo. "Mamaya na nga ang kwentuhan, tara na at nang mabilis tayong makarating sa Heaven," kako saka pinaandar ang motor. Tambayan namin ng barkada ko ang Heaven. Isang bulubunduking lugar sa San Roque na may nakaka-relax na tanawin. Iyon ang paborito naming tambayan sa tuwing nagkakayayaan ng race ang barkada. Nakapwesto na kaming tatlo at sabay-sabay na nagtanguan. Isa, dalawa, tatlo... Nag-unahan kaming hinarurot ang kanya-kanyang motor. May pumito pang traffic enforcer ngunit hindi namin pinansin ito saka dire-deretso lang ang karera. Hindi na kami nagulat nang makita naming may humahabol sa aming traffic enforcer. Kaya naman pumasok kami sa mga kanto at nag-ikot ikot hanggang sa naiwala namin ang kaninang humahabol sa amin. Nag-apir kaming tatlo saka nagtawanan at muling nag-unahan sa kalsada. Bumaling ako sa side mirror ko at napansin ang grupo ng mga nakamotorsiklo at mabilis din ang takbo. Nangunguna ako sa kalsada kaya hindi ko na napansin ang barkada ko. Nasapawan na ang mga ito. Medyo binagalan ko ang pagmamaneho hanggang sa muntik na akong sumemplang dahil sinadyang dumikit sa akin ang isa sa mga ito. "Ayos ka lang tol? Loko yun ah," ani Angelo. Muli kaming naghanda saka hinabol ang muntik nang dumisgrasya sa akin. Tumigil ang mga ito sa isang kanto at halatang naghahanap ng away. "Pwes, pagbibigyan natin ang mga ulupong na yan," kako saka bumaba at tinanggal ang helmet ko. Gano'n din ang ginawa ng mga kaibigan ko. Lima ang mga ito samantalang kami ay tatlo lang. Ngunit tingnan lang natin kung uubra ang mga ito sa amin. Naka-standby lang kaming tatlo at sumandal pa ako sa motor. Tinanggal ko ang leather jacket ko habang pinapanood ang mga tukmol na ngayon ay papalapit na sa amin. Dali-dali niya akong inatake ng mga suntok ngunit malas niya dahil nailagan ko ang lahat ng iyon. Dinakma ko ang braso niya saka ito inikot at sinuntok ang sikmura nito. Muli kong binawi ang mga kamay ko saka sinuntok ito sa mukha. "Ulupong!" sigaw ko saka binalibag ito sa kalsada. Napansin kong nakahiga na si Angelo habang tinatadyakan ito ng dalawang lalaking malalaki rin ang katawan. "Mga ulupong, ako ang harapin niyo!" bulyaw ko at inatake naman ako ng isa sa kanila. Takaw kami ng attention. May mga kabataang nawiwili sa aming bakbakan. Samantala, ang mga ginang naman ay para bang nag-aalala. Dahil napukaw ang atensiyon ko sa kaaway, nasuntok ako sa pisngi. Sapul. Kaya naman naghiganti ako at binigyan ng dalawang suntok sa mukha ang kaaway at magkapares na sapak. "B-boss, wag po. Tama na po," aniya saka lumuhod. Kinwelyohan ko ito saka nagsalita, "Sino ang leader niyo?" "A-ako boss," nauutal na aniya. "Umalis na kayo bago ko pa tuluyang basagin ang mukha niyo," kako saka tinawag ang mga kasama niyang nakikipagsuntukan pa sa dalawa kong kaibigan. Nilapatan namin si Angelo na napuruhan. "Ayos ka lang tol? Tuloy pa ba tayo sa lakad natin?" tanong ni Samson kay Angelo na ngayon ay namimilipit. "Gago! Kita mong namimilipit tapos tatanungin mo kung ayos lang siya?" saad ko saka siya binatukan. "Aray naman tol. Ang bigat ng kamay mo mambatok," aniya. Pansin kong namumula ang magkabilaang pisngi nito. Nasapul din pala ang mokong. Maya-maya pa ay may lumapit sa aming grupo ng kababaihan dala-dala ang kanilang cellphone. "Kuya, pwede pa picture?" ani ng isa sa kanila kay Samson. "Sige ba," saad ng mokong saka tumayo at nag-pose pa. "Ah, eh, kuya, ang ibig kong sabihin ay kami ni kuyang may tattoo ang kunan mo," "Potek, bumalik ka na sa bahay niyo. Baka hinahanap ka na ng nanay mo," biglang galit na saad ni Samson. Tumalima naman ang dalaga. Natakot yata. "Haha hindi ka na pala mabenta sa mga teenager tol," humagalpak naman kami ni Angelo. Medyo maayos na raw ang pakiramdam ni Angelo kaya tinuloy namin ang byahe kahit na may mga pasa kami. Nakarating kami sa San Roque at mabilis na tinahak ang kalsada pataas sa bundok. Maganda ang mag-road trip dito dahil bukod sa mga tanawing nakaka-relax, sementado pa ang kalsada. Naabot namin ang rurok ng bundok. Ito ang tinatawag naming Heaven. Napakasariwa ng hangin at tanging mga berdeng halaman at punong-kahoy ang makikita sa baba. Mangilan-ngilan lang ang bahay na matatanaw sa ibaba. May kaisa-isang bahay rito. Ang pamilyang ito ay may kainan na pansamantalang sarado at sari-sari store na bukas naman. Kanya-kanyang baba na kami sa aming motor. Napakagandang pagmasdan ang paglubog ng araw mula sa aming kinatatayuan. "Wooooahhhhh!" sigaw ko. Hindi ko na mapigilan pa ang tuwang nadarama. Natatawang lumapit naman sa akin ang dalawa kong kaibigan. "Napaka-espesyal talaga ng lugar na ito. Balang-araw ay dadalhin ko rito ang babaeng mahal ko at sabay naming pagmamasdan ang paglubog ng araw hanggang sa magsilabasan ang mga bituin sa kalangitan," bulong ko sa sarili. Narinig ko ang hagalpak ng mga kaibigan ko. Tinapik nila ako sa balikat. Potek, narinig yata nila iyon. "Sa huling pagkakaalam namin ay bitter ka pa sa pag-ibig tol, ngayon naman ay daig mo pa ang isang taong sobrang in love," "Gago!" nakangiting wika ko. "Ayos lang yan tol, naiintindihan ka naman namin dahil hindi mo pa nararanasang umibig noon, ngayon ay masasabi naming maswerte ang babaeng yan sa'yo," "Anong pinagsasabi niyo? Wala pa akong natitipuhan," "Gago! Si miss engineer, hindi ba?" panunukso ni Samson. "Engineer pala ang nais mo tol. Bigatin," natatawang wika ni Angelo. Maya-maya pa ay natigilan ito. Para bang napaisip ng ilang sandali. "Teka, sinong engineer yan tol?" Bago ko pa siya masagot ay sinundan ko na si Samson na patungo ngayon sa tindahan. Bumili kami ng tag-isang bote namin ng beer saka bumalik sa dati naming pwesto. ALAS SINGKO na ng hapon noong napagpasyahan naming umuwi. May duty pa kami mamayang gabi ngunit nagdesisyon kaming huwag na munang pumasok. Mabuti na lang at nadischarge na ang tatlong pasyenteng inaalagaan namin at ang isa naman ay maayos na ang lagay. Sigurado akong mapapagalitan na naman kami ng Head nurse nito. Sana lang ay hindi kami ipatawag sa Director's office. Pero ayos lang dahil sabay-sabay naman kaming sinesermunan kaya nasanay na rin kami. Ang totoo ay enjoy ang mapagalitan kung kasama ang barkada. KAGAYA ng dati, mabilis ang takbo ng aming motorsiklo. Malamig na ang hangin ngunit masarap ito sa pakiramdam. Tila ba napalitan ang pagod namin sa trabaho dahil sa road trip na ito. Nakakatanggal ng stress. MADILIM na noong nakauwi kami sa San Lorenzo. Nagpasya kaming tumuloy na lang muna sa apartment ni Angelo dahil siguradong masesermunan na naman kami sa aming mga magulang. REBECCA THE SUBSCRIBER CANNOT BE REACHED, PLEASE TRY AGAIN LATER. Kaninang umaga ko pa tinatawagan si kuya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nagtanong na rin akong kung pumasok ito ngunit nag-absent daw nang walang paalam. Kahit kailan talaga pasaway si kuya. Nakaramdam pa ako ng pagkapahiya kanina dahil ilang beses na raw naulit iyon kasama ang mga kaibigan niyang nurse sa department nila. Hindi raw magawang sisantehin ang mga ito dahil magaling daw sila sa pag-aalaga ng mga pasyente lalo na yong mga may trauma pa matapos ang surgery. Alas syete na ng gabi pero hindi pa rin siya sumasagot. Nag-aalala na ako dahil baka kung ano na ang nangyari kay kuya lalo na't kasama raw nito ang mga barkada niya. Kung pasaway si kuya, siguradong pasaway rin ang mga kaibigan niya. "Ma'am Rebecca, gabi na po. Hindi ka pa ba papasok?" wika ni mamang Julie. "Mamaya po. Hindi ko kasi ma-contact si kuya. Nag-aalala na po ako," "Baka naman busy lang ma'am," "Tapos na po ang duty niya. Usually, sinasagot naman niya kaagad ang tawag ko manang. Hindi nga po ako mapakali," "Jusmiyo. Sana ay walang masamang nangyari sa kapatid mo hija. Takaw gulo naman kasi yang si Angelo. Siguradong magagalit na naman ang mga magulang niyo kapag nalaman nila iyon," "Oo nga po eh. Kahapon lamang ay tumawag si mama. Galit na galit," "Bakit daw ma'am?" "Ayun na nga po, may babaeng naghahanap daw sa mga magulang namin sa San Luis. Ewan ko ba kasi kay kuya. Nakakainis siya," "May sariling isip na ang kuya mo hija. Nakakasiguro akong alam na niya ang kanyang ginagawa," wika ni manang Julie. Ito ang gusto ko sa kanya. Sa mga seryosong bagay ay nagsisilbi siyang tagapayo ko. Minsan ay daig pa niya ang mga magulang ko. Sa mga nagdaang taon, siya na rin kasi ang kasa-kasama ko. Ginampanan na niya ang responsibilidad ng magulang ko. Kaya naman, laking pasasalamat ko sa kanya dahil inaalagaan niya pa rin ako. Walang katumbas na halaga ang ginagampanan niya sa aking buhay. Nasaksihan niya rin ang mga karanasan ni kuya Angelo sa bahay noon. Kahit na paulit-ulit na sinasabi ni mama at papa na disappointment si kuya, I still salute him. He chose his passion at sobrang proud ako dahil hindi siya nabigo kahit na sa mata ng mga magulang namin ay kabiguan ang pinili niya. Gusto ko sanang doon na lang muna kami ni manang Julie sa apartment ni kuya tumuloy hanggang sa matapos ang kontrata ngunit dati nang naka-set up ang opisina ko rito sa cottage kaya um-oo na ako. At nasanay na ako sa ingay ng paligid kaya ayos lang. Secured naman kami dahil may mga gwardyang nag-iikot dito kapag gabi. Lumabas ako at muling tinawagan ang numero ni kuya. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko. "Kuya! Why aren't you answering my call?!" bungad ko sa kabilang linya. Ngunit hindi siya nagsalita. "Tumawag si mama sa akin. And guess what? May nabuntis ka raw na babae na taga rito sa San Lorenzo. Imagine kuya?! Talagang hinanap pa ang bahay natin sa San Luis!" dagdag ko pa. "Ano na kuya?! Magsalita ka naman! Nakakainis ka na. Pinagtanggol pa kita kay mama tapos ganito lang ang aabutin ko sa'yo?! Kung narito ka lang sana kuya ay kanina ko pa hinila yang tenga mo nang makinig ka naman sa akin. Gosh kuya, ang tanda mo na pero babaero ka pa rin," frustrated na wika ko. "Please, huwag ngayon Tricia. Masakit ang katawan ko. Bukas mo na ako pagalitan," aniya sa mababang boses. Parang inaantok. "Are you sick kuya?" maya-maya ay nag-aalalang tanong ko. "Masakit lang ang katawan ko. Huwag kang mag-alala," aniya saka pinatay ang tawag. Iba ang kutob ko. Pakiramdam ko may nangyari sa kanya. Nilapitan ko ang foreman na si Richard na nag-i-stay rin sa kabilang cottage. Taga ibang bayan din kasi ito kaya paminsan-minsan lamang umuuwi sa kanila. "May problema ba engineer?" tanong nito. Sa tantya ko ay nasa 30s na siya base sa kanyang itsura. "Makikisuyo sana ako kung okay lang?" saad ko. Ang balak ko ay magpahatid sa apartment ni kuya. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita. Kahit madalas niyang bigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang namin noong nasa bahay pa siya, lagi ko siyang kinakampihan dahil kapatid ko pa rin siya. Lalong nagalit sa kanya ang mga magulang namin dahil napabarkada ito ngunit alam ko namang hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral noon. "Ano yun engineer? Ayos lang naman sa akin," tugon nito. "Magpapahatid sana ako sa apartment ng kapatid ko. May sakit kasi siya," kako saka hinanda naman niya ang motor nito at nagtungo na kami sa hindi kalayuang apartment ni kuya. Bumaba na ako at nagpasalamat kay Richard. Hindi pa ito umaalis kaya sinabihan kong pwede na niya akong iwan. Sabi naman niya, hihintayin niya raw muna akong makapasok. "Pasensiya ka na hah? Naistorbo pa yata kita," kako. "Ayos lang engineer," wika niya saka binaba ang kanyang facemask. "Susunduin pa ba kita bukas engineer?" "Hindi na kailangan. Mag-ingat ka pauwi," wika ko. Mula sa terrace ng apartment, nasilayan ko ang pigura ng isang lalaking nagyoyosi. Siya kaya iyon? Imposible namang mapadpad siya rito. Not unless friends sila ni kuya. Sana lang talaga ay hindi. Ayaw kong madagdagan pa ang pagiging pasaway ni kuya. Muli kong tinanaw ang terrace ngunit wala na ang lalaki roon. Siguro ay guni guni ko lang 'yon. Nilapitan ko ang gate at nagulat ako sa bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Mariin ang tingin nito sa akin. Tinapon niya sa tabi ang upos ng sigarilyo nito saka nagsalita. "Anong ginagawa mo rito? Ikaw ba nag bagong girlfriend ni Angelo?" aniya. Nahihimigan ko ang lamig sa boses nito. Gusto kong matawa sa tanong niya. Sabagay, hindi kasi kami magkamukha ni kuya kaya madalas kaming pagkamalang magkasintahan kapag magkasama kami. "Ikaw ang dapat kong natungin niyan, anong ginagawa mo rito mister nurse?" I fired back. Hindi ko sinagot ang tanong nito. Ano bang pakialam niya kung kaano-ano ko si kuya Angelo? Wala. "Kaibigan ko si Angelo. Kung magpapahatid ka sa apartment ng boyfriend mo, siguraduhin mong walang makakita na nagpahatid ka sa isa mo pang nobyo," aniya. Ibang klase mag-conclude. Do I look like a cheater to him? He's impossible. Hindi ko na lang pinansin ang nonsense niyang paratang. Nilingon ko si Richard saka nagsalita, "Salamat. Pakisabi kay manang Julie bukas na ako babalik roon. Mag-iingat ka," "Walang anuman engineer," aniya saka umalis na. Hinarap ko si Paeng na nakaharang sa gate. Madilim ang titig niya sa akin pero tinapangan ko rin ang paninitig sa kanya. "Tumabi ka nga diyan," saad ko dahil nakaharang ito sa gate. Dahil hindi siya gumalaw sa pwesto ay pinilit kong lumusot. Bago pa ako tuluyang makapasok, naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa aking tenga. "Huwag kang magkakamaling lokohin ang kaibigan ko, sa mga kamay ko ang bagsak mo," bulong niya. Masyadong mapanganib ang dating nito sa akin. Nang makawala ako ay mabilis kong binuksan ang pinto. Naramdaman ko ang pagsunod ni Paeng sa aking likuran. Masyadong malamig. Nagulat ako nang makita si kuya na nakahiga sa mahabang sofa at may pasa ito sa mukha. "Kuya! Ano na naman bang nagyari?!" bulyaw ko. Binalingan ko ng tingin ang lalaking kumakain ng icecream saka inosenteng tinaas ang kamay at sa lalaking nasa likuran kong may bahid pa ng gulat ang mukha. Pansin kong lahat sila ay may pasa pero si kuya ang napuruhan. "Kuya?" tanong ni Paeng. "Oo, bingi ka ba?!" Galit kong dinampot ang unan saka pinagpapalo ang kung sinumang malapit sa akin. "Mga walang hiya kayo! Bakit dinamay niyo si kuya?! Ikaw!" turo ko kay Paeng, "Ikaw siguro ang leader ng mga to! Tingnan mo ang kuya ko, bugbog sarado ang katawan!" galit na galit kong saad. Pinigilan niya ang kamay ko sa pagsuntok sa dibdib niya. Nahulog na rin ang unan na ginamit kong pamalo kanina. Mahigpit niya akong niyakap para pigilan ako sa pag-atake sa kanya. "Ayos lang ang kuya mo. Ako rin may pasa oh, maaari bang gamutin mo?" malambing niyang bulong. Muling nagsitayuan ang balahibo ko. End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD