Chapter Two
REBECCA
PAGKATAPOS naming kainin ang in-order kong dinner namin ni manang Julie, nagdecide akong lumabas at magpahangin sa labas ng kwarto.
Umupo ako sa silya saka dinama ang malamig na simoy ng hangin dahil may mga punong kahoy sa tabi.
Ilang sandali pa ay nagring ang cellphone ko.
"Hello ma," bati ko.
"How's work hija? Is there any progress?" sa boses pa lang ni mama ay mahahalata mong istrikto ito. At talaga namang trabaho ko pa ang una niyang kinamusta.
"Everything is going well ma, don't worry. I am doing my best to make this project successful," sagot ko.
"It's good to hear hija. But as I and your father always say, never settle for less. Look at us now? May project na naman kami mula sa isang bigating kumpanya. Ang pagtatayuan ng proyekto ay sa Tagaytay," sanay na ako sa pressure na lagi nilang pinaparamdam sa akin.
"Oh, congratulations sa inyo ni papa, ma. Good luck,"
Laging magkasama sina mama at papa sa isang proyekto. Kaya bihira lamang na magkahiwalay sila.
"So, nakausap mo na ba ang iyong magaling na kapatid?" biglang saad niya.
Paminsan-minsan niya lamang kamustahin si kuya. Siguro ay may nabalitaan na naman siya.
"Madalang lamang kaming nag-uusap ni kuya, ma. Lalo na't busy siya sa trabaho at nangangamba rin akong baka mahawaan ako kung sakaling carrier siya ng virus,"
"Ang kuya mong iyan, napakalaki ng problemang binibigay sa amin ng papa mo. Kahapon lamang ay may dumating na babae rito galing daw siya sa San Lorenzo at hinahanap niya sa amin ang kuya mo," frustrated na wika niya.
"Why ma? What happened ba? Anong sabi ng babae?" nagtatakang tanong ko.
"Your kuya! Nakabuntis daw! And...and that woman, I really don't like her. Sabihan mo naman yang kuya mo Tricia, kung sino-sino ang pinapatulan,"
"Ma, calm down. Relax ka lang. Kuya is a nurse and kung may naka intercourse man siya, I'm sure hindi niya hahayaang makabuntis siya. Besides, we know him well. Masyadong mapaglaro sa mga babae,"
"Patricia Rebecca Valdez, huwag mo na namang ipagtanggol yang kuya mo dahil punong puno na ako sa mga kabalastugan niya. Nasa ibang bayan na nga, nakakarating pa rito ang mga kawalang hiyaan niya,"
"Ma... please, don't be too hard on kuya. He is doing great in his work naman po,"
"I don't like his profession. Kung sana lang ay sinunod niya ang propesyon natin, sana ngayon pa lang ay namamayagpag na siya sa kanyang career," nakakasawang marinig ang bagay na ito mula sa kanya.
Wala na akong ibang narinig kundi trabaho. Puro na lang trabaho.
Minsan ay napapaisip na lamang ako. Mahal pa ba kami ng magulang namin? O talagang kinain na ng trabaho at kasikatan ang sistema nila.
Nang matapos ang tawag ay huminga ako nang malalim. Akmang papasok na ako sa loob ng cottage nang may umagaw sa atensiyon ko.
Mula sa di kalayuan, natanaw ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaking nakatayo roon at may nilabas itong kung ano sa kanyang bulsa.
Uminit ang ulo ko dahil parang alam ko na kung sino ito.
Mabilis ang lakad ko palapit sa lapastangang nurse na iyon.
"Hindi ka talaga mapagsabihan no?" bungad ko saka pinagkrus sa dibdib ang braso ko.
Hindi ito umimik saka pinagpatuloy ang pagbuga ng usok. Kinuha niya ang yosing nasa bibig niya saka inipit ito sa pagitan ng dalawang daliri nito.
"Hindi mo ba alam na pinopollute mo ang sariwang hangin? Do you know that air pollution also causes deaths through diseases?! Nurse ka pa naman ngunit isa ka sa mga pasaway at sumisira sa kalikasan," dagdag ko.
"Sino ka ba miss? Isa ka bang environmentalist? Doon ka sa DENR magtrabaho, huwag dito sa ospital," sagot niya na ikinagulat ko.
Well, hindi niya alam na engineer ako dito. Kaya pala ganyan na lang niya ako ituring. Ang iba'y halos nahihiya pang makipag-usap sa akin. Samantalang ang lalaking ito ay bukod sa walang hiya, pinapakita niya talagang barumbado pa.
I find him attractive but his attitude is disgusting.
"For your information mister nurse, may kapatid akong nagtatrabaho rin diyan. Kaya humanda ka dahil isusumbong kita sa mga panggugulo mo sa akin once na nakausap ko siya!" pagbabanta ko.
Totoo ang sinabi ko. Si kuya Angelo ay isang nurse dito. Hindi nga lang kami gaanong close dahil may pagkapareho sila ng ugali sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Matagal-tagal na rin mula noong umuwi siya sa bahay. Lagi kasi siyang pinapagalitan ng magulang ko noon dahil ang tingin nila sa kanya ay disappointment sa pamilya.
Minsan nga ay naaawa ako sa kanya dahil kahit naman takaw gulo si kuya at tumigil ng dalawang taon dahil ayaw niya sa kursong engineering, nakapagtapos pa rin ito sa pag-aaral.
Sa ilang buwang pamamalagi ko rito, halos apat na beses pa lang yata kaming nagkita dahil nga pareho kaming busy sa trabaho.
Bigla akong bumalik sa wisyo noong magsalita ang lalaking nasa harapan ko.
"Miss, environmentalist, ayos ka lang? Napukaw ka na yata sa aking kakisigan," wika nito saka ngumisi.
"Wow! Just wow!" hindi makapaniwalang saad ko. Minsan masungit, kadalasan mahangin. That's him!
"Tsk, magpasalamat ka dahil pinapansin kita. Maraming babae riyan ang nagkakandarapa sa akin ngunit ikaw lang ang pinansin ko," seryosong aniya saka binalik sa bibig ang yosi nito. Naubo pa ako dahil nalanghap ko ang binuga niyang usok.
Really disgusting! Pinanood lamang niya ako nang walang ekspresyon ang mata nito.
Masyadong mabilis magpalit ng mood. Kanina ay nakangisi, ngayon ay bumalik na sa dati nitong anyo.
Mukha na naman itong bad boy na inosente ngunit marahas. Iyong hindi ka lang babatukan, kundi ibabalibag ka rin sa kanyang paraan.
I straightened my back. Kunwari ay hindi apektado sa kanyang paninitig.
"Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba nahihiyang humithit ng yosi sa harapan ng babae? Honestly, it's not cool. It's disgusting!" prangka ko.
Bigla niya ako hinawakan sa braso saka tinulak hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod. May pwersa ang ginawa niya kaya medyo nasaktan pa ako.
"Physical distancing please. Kapag ako tinamaan ng virus, lagot ka sa akin," tumalim ang mga mata niya sa aking sinabi.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakatalak diyan, hihilahin kita sa madilim na bahagi ng ospital na ito at nakakasiguro akong ibibigay sa'yo ang parusa mo," bulong niya at nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Parang nalunok ko ang dila ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Masyadong mapanganib ang mga mata nito. Natatakot na akong magsalita pa.
Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin saka pinakawalan ang mga braso ko.
Maya-maya pa ay biglang may sumulpot na lalaking nurse na may hawak ding sigarilyo.
"Tol, pansindi nga," anya ngunit natigil ito nang mapansin ang presensiya ko.
"Goodevening engineer Valdez, nagkakilala na pala kayo nitong kaibigan ko," nakangiting saad niya samantalang tahimik naman ang kaibigan nito.
Ito yung lalaking nakilala ko kani-kanina lang. He has the play boy look too. Pero mas mukhang marahas ang lalaking tahimik ngayon.
"Goodevening too. Oo nga eh, nahuli ko kasing nagyoyosi," prangkang tugon ko.
Napayuko naman ito saka tinago ang yosi na kanina ay hawak niya saka inakbayan ang kaibigang tahimik.
Bumulong pa ito sa katabi,"Siya yung engineer na sinasabi ko tol. Sana ay nagpakitang gilas ka naman. Bakit ka pa nagyosi sa harap niya?"
"Tsk," maiksing aniya.
"What's your name again?" tanong ko dahil nakalimutan ko.
"Ako si Samson, siya naman ang single kong kaibigan, si Paeng," pakilala niya sa sarili pati sa katabi at may diin pa ang salitang 'single'.
Ano naman kung single? I'm not interested. I'm in a relationship with my profession.
"Ah, okay. I'm Patricia Rebecca Valdez. But you can just call me Rebecca," pakilala ko sa sarili saka muling nginitian ito.
Inabot ni Samson ang kanyang kamay para makipag shake hands. Nag-alangan pa ako noong una dahil sa takot at baka carrier ito ng virus ngunit sa huli'y tinanggap ko rin lang.
Samantala, si Paeng ay muling bumunot ng isang stick ng sigarilyo mula sa kanyang kaha. Sinindihan niya ito saka biglang binuga ang usok.
Dahil magkakalapit kaming tatlo, pareho kaming naubo ni Samson kaya naman binawi ko na ang kamay kong kanina pa pala hawak ni Samson.
Bago pa ako muling sumabog sa inis, nagpaalam na si Samson saka hinila ang kaibigang sarap na sarap sa pagyoyosi.
Kapag ako nagkaroon ng lung cancer, wala akong ibang pananagutin kundi siya lang! That bad boy Paeng!
PAENG
"SA LABAS muna ako tol, magyoyosi lang," kako saka iniwan si Samson na Nurse Station.
Katatapos ko lang imonitor ang anim na pasyenteng nasa ward at kakadischarge lamang ng isang pasyente dahil nakarecover na ito saka binilin ang bantay nito sa mga dapat gawin kapag nakauwi na ang pasyente.
Lumabas ako saka nagtungo sa tambayan ko tuwing magyoyosi ako.
Hindi ko pa nakakalahati ang aking yosi nang makita ko ang babaeng mabilis ang lakad patungo sa kinaroroonan ko.
Lihim akong ngumisi dahil hindi pa nakakalapit ay bakas na ang inis sa mukha nito.
"Hindi ka talaga mapagsabihan no?" talak niya.
Hindi ko siya pinapansin saka pinagpatuloy ang paninigarilyo.
"Hindi mo ba alam na pinopollute mo ang sariwang hangin? Do you know that air pollution also causes deaths through diseases?! Nurse ka pa naman ngunit isa ka sa mga pasaway at sumisira sa kalikasan," dagdag niya. Ang dami niyang sinasabi, nakakarindi.
Matalino, magaling at maganda kaso ubod ng pagkasuplada. Ayos lang, gusto ko naman sa babaeng palaban.
"Sino ka ba miss? Isa ka bang environmentalist? Doon ka sa DENR magtrabaho, huwag dito sa ospital," saad ko.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito. Kahapon ko lamang siya unang nasilayan. Siguro ay isa siya sa mga staff ng ospital.
"For your information mister nurse, may kapatid akong nagtatrabaho rin diyan. Kaya humanda ka dahil isusumbong kita sa mga panggugulo mo sa akin once na nakausap ko siya!" pagbabanta niya.
At sino naman kayang kuya ang sinasabi niya? Wala naman akong kinatatakutan kaya hindi niya ako masisindak.
"Ipakita mo ngayon sa harap ko nang magkaalaman kung mapapatumba niya ba ako," wika ko ngunit tila ba malalim ang kanyang iniisip kaya hindi na niya napansin ang sinabi ko.
Ngumisi ako saka nagsalita, "Miss, environmentalist, ayos ka lang? Napukaw ka na yata sa aking kakisigan."
"Wow! Just wow!" aniya.
"Tsk, magpasalamat ka dahil pinapansin kita. Maraming babae riyan ang nagkakandarapa sa akin ngunit ikaw lang ang pinansin ko," seryosong wika ko.
Binalik ko sa bibig ang sigarilyo saka binuga ang usok. Naubo ito kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin. Mariin ko naman siyang tinitigan.
"Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba nahihiyang humithit ng yosi sa harapan ng babae? Honestly, it's not cool. It's disgusting!"
Kanina ay dada ito nang dada, ngayon naman ay parang takot na pusa na nagmamakaawang pakawalan ko mula sa pagkorner ko sa kanya.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakatalak diyan, hihilahin kita sa madilim na bahagi ng ospital na ito at nakakasiguro akong ibibigay sa’yo ang parusa mo," bulong ko.
Hindi na ito nakaimik pa at tila ba nasindak sa sinabi ko. Dahan-dahan ko naman itong binitiwan.
"Tol, pansindi nga," sabad ni Samson na kakarating lang.
Nagulat pa ito noong mapansin ang kasama ko.
"Goodevening engineer Valdez, nagkakilala na pala kayo nitong kaibigan ko," nakangiting saad ng mokong.
Engineer? Siya nga ang sinasabi nito. Kunsabagay, mahahalata sa itsura ng babaeng ito na propesyunal at nasa itsura niya ang pagiging inhinyera.
Biniro ko lamang itong environmentalist dahil kung makapagsalita kanina ay para bang tagapagsulong ito ng kalinisan sa kalikasan.
Kung tutuusin, sarili niya dapat ang pagsabihan dahil sila ang pumuputol ng mga punong kahoy para tayuan ng mga establisimyento. Hindi ko na lamang pinansin saka inapakan ang upos ng sigarilyo.
"Goodevening too. Oo nga eh, nahuli ko kasing nagyoyosi,"
Napayuko si Samson at napansin kong tinago nito ang yosing hawak kanina.
Pumoporma ang gago. Sinabi niya kanina lang na ipapakilala ako nito sa engineer na tinutukoy niya. Ngayon naman ay nakalimutan niya yata ang sinabi.
Inakbayan niya ako saka bumulong, "Siya yung engineer na sinasabi ko tol. Sana ay nagpakitang gilas ka naman. Bakit ka pa nagyosi sa harap niya?"
"Tsk,"
Ano naman sana kung manigarilyo ako sa harap niya?
"What's your name again?" tanong niya kay Samson.
"Ako si Samson, siya naman ang single kong kaibigan, si Paeng," pagpapakilala ng katabi at may diin pa ang salitang single.
"Ah, okay. I'm Patricia Rebecca Valdez. But you can just call me Rebecca," pagpapakilala niya.
Rebecca. Masyadong istrikto at suplada ang dating sa akin. Bagay nga ito sa kanya. Rebecca. Maganda pero suplada. Tinago ko ang ngisi ko.
Sumama ang timpla ko noong nagkamayan ang dalawa at para bang hindi na mapaghiwalay ang mga kamay nila.
Gusto kong sumingit at sabihing i-maintain ang social distancing at bawal iyon ngunit nanatili na lamang akong tahimik saka bumunot ng isang stick ng sigarilyo sa kaha at sinindihan.
Sinadya kong ibuga ang usok sa pagitan nila at nagkunwaring hindi ko sinasadya.
Mabuti na iyon dahil nabitawan nila ang kamay ng isa't-isa saka umubo dahil nalanghap nila ang usok.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Rebecca. Ngunit bago pa man niya ako ilibing nang buhay, hinila na ako ni Samson saka binatukan.
"Ang gago mo tol! Bakit mo ginawa yun?"
"Tsk, masyado kayong madikit at magkahawak pa. Nurse ka pero hindi ka sumusunod sa protocols," kako.
Natawa naman ito saka ako kinamayan at tinapik sa balikat.
"Congrats tol, nagseselos ka," aniya.
"Bakit naman sana ako magseselos? Paano kung may dala-dala siyang virus at pati pala ikaw ay natamaan? Edi dinamay niyo pa ako. Tssk," paliwanag ko.
Bago pa kami pumasok sa ospital ay naglagay kami disinfectant sa kamay saka muling sinuot ang facemask. Isolated naman ang mga CoViD patients pati na rin ang mga nurse at doktor na nakatalaga sa pag-aalaga sa kanila kaya kahit papaano ay naibsan ang pangamba namin.
"Ganyan talaga sa umpisa tol, in denial stage ka pa kaya ayos lang yan," saad ni Samson.
"Gago!" saka ko siya binatukan.
"Sayang at wala si Angelo, siguradong pagtatawanan ka no'n kapag nalamang na in love na ang bad boy sa grupo," aniya.
"Kinikilabutan ako sa sinasabi mo tol," kako.
"Ibig sabihin, nagre-react ang katawan mo dahil may katotohanan," aniya saka ako muling inakbayan.
"Tsk, ako? Mai-in-love? Hindi mangyayari yan tol," saad ko kahit na ang totoo ay nakakaramdam na rin ako ng pagkagusto kay Rebecca.
Ayaw ko sa pagiging pakialamera nito noong una ngunit nagka-interest ako noong makitang palaban ito.
"Kung sabagay, bad boy ka nga pala. Ngunit, loveless at single sa tropa," hagalpak niya saka kumaripas.
Natawa na lang ako sa sinabi nito.
Nagtungo na rin ako sa Nurse Station at inayos ang mga records na nasa ibabaw ng aking mesa.
Lumapit sa akin si Zaira na siyang isa sa mga kasama namin dito sa station. Hindi ko mahagilap si Samson. Nasa recovery ward yata ang mokong.
"Kuya Paeng, may gagawin ka pa kuya?" tanong niya.
Parang nakababatang kapatid ko rin siya dahil inaanak siya ni mama.
Binaba ko ang surgical mask ko, "Ano yun Za?" nakangiting saad ko.
"Pwedeng patulong sa pagfa-file ng records ng mga pasyente kuya? Kung okay lang naman sa'yo at hindi ka busy. Natambakan kasi ako noong nag-absent ako noong isang araw,"
"Hmm, ayos lang naman sa akin," kako.
"Wow! Salamat kuya," kumapit pa siya sa aking braso.
"Oo, sige na. Social distancing," natatawang wika ko pa.
"Ang sweet naman ng kuya Paeng ko,"
"Nambola ka pang bata ka. Akin na at nang matulungan na kita,"
"Kuya naman, hindi na ako bata noh!" reklamo niya.
"At bakit? May nanliligaw na ba sa'yo?"
"Ih, basta,"
"Ipakilala mo muna sa akin yan Za. Parang kapatid mo na rin ako. Hindi ko hahayaang basta-basta na lang kayong magpapaligaw ni Gretchen sa kung sinu-sinong lalaki,"
"Oo na po," natatawang sagot niya.
MABILIS lumipas ang oras hangang sa alas syete na ng umaga kaya sabay kaming nagtungo ni Samson sa locker at kinuha ang aming gamit.
Kagabi pa niya tinawagan si Angelo na may lakad kami kaya naman excited ang mokong dahil matagal na rin kaming hindi nakakapag-jamming.
Talagang pumayag ang mokong na mag-absent sa duty niya para lang sa gala. On-duty kasi ito tuwing umaga samantalang kami ni Samson ay night shift.
"Sa'yo na ang beer tol. Tutal, malapit ka ng magkasyota," kantiyaw niya at natawa naman ako.
"Sira ulo ka Samson," kako saka nagtungo kami sa parking lot. Kahapon ay absent ang mokong na 'to dahil may importanteng ginawa raw. Alam ko namang nambabae lang ito.
Pinaandar na niya ang kanyang motor. Akmang paaandarin ko na rin ang motor ko nang masilayan ko si Rebecca. Siguro ay nasa 25 meters ang layo ng SLMC sa tinatayong extension ng ospital.
Seryoso itong nag-iikot sa site. Napatayo ako nang makitang natalisod siya. Taas-noo naman itong bumangon kaya natawa ako.
Pansin ko rin ang lihim na tawanan ng mga construction workers ngunit sa tingin ko ay natatakot silang makita iyon ng mala-dragong engineer na 'to.
Maya-maya pa ay biglang bumaling ito sa akin saka ako tinapunan ng nakamamatay na tingin.
Nakakaaliw siyang pagmasdan. Binaba ko ang surgical mask ko saka nagsalita.
"Nakita ko yon, miss engineer!"
Inirapan niya lamang ako saka nagmartsa palapit sa mga trabahador.
"Magaling tol. Inisin mo lang nang mapansin ka lalo," natatawang saad ni Samson na akala ko ay nakaalis na.
"Gago, kahit hindi ko siya inisin, una pa lamang ay nakuha ko na ang atensiyon niya,"
"Ikaw na talaga tol. Pero good luck. Mukhang kayang kaya ka niyang ibaon sa hukay sa mga tingin niya," natatawang wika niya.
Natawa na rin ako saka sabay naming nilabas ang motor at nagkarerahan sa kalsada.
End of Chapter 2