Chapter Four

2968 Words
Chapter Four REBECCA "NURSE ka naman 'di ba? Pwes, gamutin mo yang sarili mo!" bulyaw ko. Ayaw kong ipakitang apektado ako sa sinabi niya. "Oo, pero hindi ko kayang gamutin ang sarili ko. Ikaw lang kasi makakagamot nito," nagpapacute niyang wika. Bakit parang nanlalandi ang boses niya? "Hinay-hinay tol. Magaling ka rin pala, idol!" natatawang sabad ni Samson. Nakawala naman ako sa pagkakahawak ni Paeng saka nilapitan si kuya na nakahilata sa pahabang sofa. Tinaas ko ang damit ni kuya Angelo at nakita ko rin ang mga pasa niya roon. "Ikaw pala si Tricia? Loko itong mokong na 'to, ni minsan kasi ay hindi ka niya pinakilala sa amin kahit man lang ang litrato mo sana ang pinakita," ani Samson saka sumubo sa kinakaing selecta ice cream. Tinaasan ko ito ng isang kilay, "Ano naman ngayon?" "Ang sungit mo naman engineer Valdez. Maganda ka pa naman kaya ngiti naman diyan," dagdag niya pa. Lalong sumama ang timpla ko dahil kanina pa ako naiinis sa mga ito. Nakaupo na rin sa sofa si Paeng na ngayon ay salubong na naman ang kilay. "Tsk," "Bakit parang bad trip ka na naman tol?" taas baba ang kilay ni Samson na parang inaasar ang kaibigan. Nilabas niya ang kaha ng yosi nito. Akmang sisindihan na niya kaya sinamaan ko ang tingin sa kanya saka nagsalita, "Doon ka sa labas humithit ng yosi. Huwag dito Paeng. Mahiya ka naman." Lumabas ang nakakalokong ngisi nito labi, " Basta ba samahan mo ako." "Ang kapal ng mukha mo. Baka gusto mong ako ang bumugbog sa'yo nang matuto ka?" masungit kong wika. Pinagkrus ko ang kamay sa dibdib saka ito nilapitan. "Ayos lang. Tara sa labas, doon mo ako banatan," aniya saka sinindihan ang hawak na yosi. "Bakit sa labas pa tol? Dito na lang. Gusto kong manood ng live na bakbakan," natatawang sabad ni Samson. Naubo ako dahil binuga niya ang usok sa harap ko. Amoy mint ito. At dahil sa inis ko, kinuha ko mula sa bibig niya ang yosi saka padabog na nagtungo sa labas at tinapon. Nagulat ako nang bumaling ako, may nabangga akong matigas na bagay na parang poste. Madilim sa bahaging ito dahil natatakpan ng gate ang ilaw na mula sa street light. Kinapa ko ang bagay na nakadikit sa aking katawan. Matigas ang bandang taas. Medyo malambot naman sa lebel ng aking tiyan. Kinapa ko pababa at nagulat ako nang magsalita ang posteng kinakapa ko. "Huwag diyan kung ayaw mong masunggaban. Galit na yan," "Sheeet!" kako saka biglang humiwalay sa kanya. "Lutang lang ako kaya huwag mo akong sisihin kung naninigas na yang injection mo," saad ko saka siya tinalikuran. Ang totoo ay natatakot ako. Baka bigla na lang siyang manusok ng kalamnan. Mahina itong tumawa saka ako hinila, "Mamaya, huwag mong takasan." "Ano ba Paeng?! Bitiwan mo nga ako. Masasapak na talaga kita!" saka pinilit bawiin ang kamay kong mahigpit na hawak niya. Ngunit sa halip na masindak ito, lalo niyang nilapit ang katawan ko sa kanya. "Ganyan ang tipo ko sa isang babae, masungit at palaban. Huwag ka nang magtaka kung sa mga susunod na araw o buwan ay tayo na," sambit niya habang nakataas ang gilid ng kanyang labi. Umirap ako saka siya binara, "You're so full of yourself, mister nurse, hindi uubra sa akin yang tactics mo." "Bakit naman sana hindi Rebecca? Ayaw mo ba nito?" aniya saka flinex ang muscles nito. Ngayon ko lang na-realize na ang ganda pala ng kanyang tattoo. Napakadetalyado. Bahagya rin akong nakaramdam ng kakaiba nang banggitin niya ang pangalan ko. It feels... good. "Excuse me, may boyfriend na ako and I love him so much. Kaya kung ako sa'yo, stop messing around," wika ko. Sinabi ko lang na may kasintahan na ako dahil ayaw ko ng madagdagan pa ang inis ko sa kanya. Bigla itong natahimik at nawala ang ngisi sa labi. Malamig at mukha na naman itong marahas. "Kung gano'n, sana ay hindi ka na lang pumatol pa sa mga pang-aasar ko. Dahil ang totoo Rebecca, gusto na kita. Gustong gusto kita kahit hindi pa kita lubusang kilala," parang walang bahid ng katarantaduhan ang pagkakasabi niya. But no, once a bad boy, always a bad boy. Bakit naman ako maniniwalang gusto niya nga talaga ako? My kuya and Samson are chickboys. Basically, he is, too. "Huwag kang mag-alala, hindi na kita aasarin pa," aniya saka lumayo sa akin at humithit ng yosi. Pinagmasdan ko lamang siya at sandaling nakaramdam ng guilt for not telling the truth. I don't even know why I feel guilty. Well, I don't care. 'He's just a bad boy who has bad habits and rules,' tinatak ko sa isipan saka iniwan siya at nagtungo na sa loob. Pagpasok ko ay nakabangon na si kuya at sa tabi nito ay may towel saka maliit na palanggana na may yelo. "Bakit ka narito? May kasama ka? Gabing-gabi na at sinong naghatid sayo?" sunod-sunod na tanong niya. Masama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko rin ito sinagot saka nagsalita, "Yan ang napapala ng mga barumbadong katulad mo kuya!" "Tumigil ka na Tricia, huwag mo na naman akong pagalitan dahil ako pa rin ang kuya mo," saad niya. "At sa tingin mo hahayaan na lang kita? Dinadagdagan mo lalo ang galit nina mama at papa sa'yo!" "Oo na, tama na, tulungan mo na lang i-dampi itong bimpo sa likod ko," aniya saka padabog kong inagaw ang bimpo na may yelo. "Bakit ba ikaw lang ang napuruhan? Hindi ka man lang ba tinulungan ng mga barkada mo?!" inis kong wika. Nag-react naman si Samson na ngayon ay nanonood. "Hep, ako pa mismo ang tumulong diyan engineer. Pinagsusuntok at sapak ko ang kaaway namin kaya tumakbo naman sila papalayo sa amin," aniya. "Gago, pabida ka naman tol. Si Paeng ang resbaker natin," sabad naman ni kuya. Tumawa lang si Samson. Kung gano'n, hindi nga ako nagkakamali. Siya ang leader ng mga ito. Paano naman kaya siya makipagbakbakan? Gaano naman kaya siya kagaling? Tsk, kung siya ang magiging boyfriend, I'm hundred percent sure na aayawan siya ng mga magulang ko. They are strict tungkol sa pakikipagrelasyon ko. Lagi nila akong pinaaalalahanang mag-focus sa work at saka na ang lovelife na yan. Minsan ay nakakasawa na ring pakinggan. Feel ko, controlado nila ang buhay ko. Dumating na rin ako sa point na nakaramdam ako ng inggit mula sa mga taong supportive ang parents sa kahit anong bagay. Unlike me, limitado ang galaw ko lalo na kung nasa bahay ako. Ganunpaman, I still trust their decisions. Lagi kong tinatatak sa isipan ko na para sa akin lang din ang ginagawa nila. Napailing na lang ako saka inasikaso si kuya dahil kung saan-saan na naman nakakarating ang isipan ko. As if naman papatol ako kay Paeng na basagulero, bad boy, at minsan ay antipatiko pa. Nakakainis siya. PAENG NAGTUNGO ako sa terrace ng apartment ni Angelo dahil bukod sa presko ang hangin, magyoyosi rin ako. Ilang sandali pa ay narinig ko ang ugong ng motorsiklo at bumaba sa tapat ng gate nitong apartment ang angkas nito. Pinagmasdan ko lamang ito. Napaisip pa ako ng ilang sandali kung anong ginagawa niya rito. Sana ay hindi tama ang hinala ko. Mabilis ako bumaba sa terrace saka binuksan ang gate. Tinapon ko ang upos ng sigarilyo sa tabi saka siya mariing pinagmamasdan. Kung babae man ito ni Angelo, ang lakas ng loob niyang magpahatid sa ibang lalaki. Bahagya akong nakaramdam ng inis... at selos. Siya pa naman kanina ang iniisip kong dalhin sa Heaven site balang araw, ngunit ngayon ay parang malabo na. Isang pagkakamali ang magkagusto sa babaeng girlfriend ng tropa ko. NAGSALITA ako ngunit hindi niya pinansin ang mga sinabi ko saka hinarap ang lalaking nakasakay sa motor at nagpaalam. Harap-harapan ang ginagawa niyang pagtataksil sa kaibigan ko. Hinarang ko ang sarili sa gate. Hindi maaaring makalusot sa akin ito ngayon dahil iba ang pakiramdam ko sa lalaking naghatid sa kanya. Para bang may pagkagusto ito kay Rebecca. At ito namang babaeng ito, gustong-gusto naman niya. "Tumabi ka nga diyan," aniya ngunit hindi ako gumalaw. Nang makalusot ito, binantaan ko siya ukol sa pagtataksil niya kay Angelo. Sumunod ako sa kanya at mabilis naman niyang binuksan ang pinto ng apartment. Gulat na gulat ito nang makita na may mga pasa ang barkada naming nakaidlip sa sofa. "Tsk. Edi kayo na. Minsan na nga lang akong magkagusto, may sabit pa pala," bulong ko sa sarili dahil sa nadaramang selos. Una ay doon sa lalaking naghatid sa kanya, ngayon naman ay sa kaibigan ko. Para bang sobrang sakit sa kanyang makitang nasaktan ang mahal niya. Ngunit ang ingay ng isipan ko ay natigil nang marinig ko siyang magsalita. "Kuya! Ano na naman bang nangyari?!" "Kuya?" gulat na tanong ko. Kung gano'n, hindi niya kasintahan ang mokong na to. Bagkus ay magkapatid pala sila. "Oo, bingi ka ba?!" bulyaw niya sa akin. Ang kaninang pagkadismayang naramdaman ay napalitan ng tuwa. "Mga walang hiya kayo! Bakit dinamay niyo si kuya?! Ikaw!" turo niya sa akin, "Ikaw siguro ang leader ng mga to! Tingnan mo ang kuya ko, bugbog sarado ang katawan!" galit na galit niyang saad. Sanay naman na yang mokong na yan. Marami na kaming nakasagupaan. Ngayon pa ba siya magugulat? Natigil ako sa pag-iisip nang bigla niya akong inatake kaya naman mahigpit ko siyang niyakap para pigilan siya. "Ayos lang ang kuya mo. Ako rin may pasa oh, maaari bang gamutin mo?" bulong ko at nagulat pa siya. "Nurse ka naman 'di ba? Pwes, gamutin mo yang sarili mo!" bulyaw niya. Ang sungit. "Oo, pero hindi ko kayang gamutin ang sarili ko. Ikaw lang kasi makakagamot nito," "Hinay-hinay tol. Magaling ka rin pala, idol!" natatawang sabad ni Samson. Hinayaan ko siyang makawala sa mahigpit na pagkakayakap ko dahil ginawaran niya ako ng nakamamatay na tingin at isang tadyak. "Arayy," Tinalikuran na niya ako. Narinig ko pang kinausap siya ni Samson ngunit kinunot ko ang noo ko nang mahimigan ko ang pambobola nito kay Rebecca. "Tsk," kako. "Bakit parang bad trip ka na naman tol?" taas baba pa ang kilay na tanong niya. Nilabas niya ang kaha ng yosi ko at akmang sisindihan ko na ito nang sumabad siya. Tama nga ang nasa isip ko. Nakuha ko ang atensiyon niya. "Doon ka sa labas humithit ng yosi. Huwag dito Paeng. Mahiya ka naman," masungit na aniya. Ngumisi ako, " Basta samahan mo ako." "Ang kapal ng mukha mo. Baka gusto mong ako ang bumugbog sa'yo nang matuto ka?" "Ayos lang. Tara sa labas, doon mo ako banatan," kako saka sinindihan ang yosing nilagay ko sa bibig. "Bakit sa labas pa tol? Dito na lang. Gusto kong manood ng live na bakbakan," natatawang sabad ni Samson. Nagbuga ako ng kaunting usok at nalanghap niya ito. Galit niyang kinuha mula sa bibig ko ang yosi saka lumabas at tinapon ito. Nakangising aso akong sumunod sa kanya at tumayo sa likod nito. Madilim sa harap ng pinto dahil natatakpan ang ilaw ng streetlight. Pagbaling niya ay tumama ito sa katawan ko. Kinapa niya ang bandang dibdib ko, pababa sa akin tiyan. Naramdaman ko ang paninigas ng armas ko. Bago pa niya makapa ang nakatagong armas ko, nagsalita na ako, "Huwag diyan kung ayaw mong masunggaban. Galit na yan." "Sheet!" aniya at biglang humiwalay sa akin. "Lutang lang ako kaya huwag mo akong sisihin kung naninigas na yang injection mo," aniya at akmang bubuksan niya ang pinto, hinila ko siya sa harap ko. Mahina naman akong natawa. "Mamaya, huwag mong takasan," "Ano ba Paeng?! Bitiwan mo nga ako. Masasapak na talaga kita!" saad niya ngunit lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Ganyan ang tipo ko sa isang babae, masungit at palaban. Huwag ka nang magtaka kung sa mga susunod na araw o buwan ay tayo na," nakangising sambit. Madlim man, medyo naaaninag pa rin namin ang isa't-isa dahil magkalapit kami. "You're so full of yourself, mister nurse, hindi uubra sa akin yang tactics mo," masungit na aniya. "Bakit naman sana hindi Rebecca? Ayaw mo ba nito?" kako saka pinakita sa kanya ang braso ko at flinex ang muscles ko. "Excuse me, may boyfriend na ako and I love him so much. Kaya kung ako sa'yo, stop messing around," bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi iyon ang bagay na gusto kong marinig mula sa kanya. Nawala ang ngisi ko sa labi at mariin siyang tinitigan. "Kung gano'n, sana ay hindi ka na lang pumatol pa sa mga pang-aasar ko. Dahil ang totoo Rebecca, gusto na kita. Gustong gusto kita kahit hindi pa kita lubusang kilala," seryosong wika ko. Hindi naman siya nakaimik at iniwas nito ang paningin. "Huwag kang mag-alala, hindi na kita aasarin pa," dagdag ko saka lumayo sa kanya at muling humithit ng yosi. Ilang sandali pa ay bumalik ako sa loob at tahimik na umupo sa sofa. "Mabuti kung nag-dinner na kayo kuya?" maya-maya ay tanong ni Rebecca sa kapatid nito. "Anong oras na ba?" "Sabihin mong hindi pa, masasapak na talaga kita kuya!" "Hindi pa nga. Doon ka na sa kusina. Magluto ka kung anong pwedeng makain diyan," saad ni Angelo sa kapatid. "Hindi nga kayo mamamatay sa bugbog, mamamatay naman kayo sa gutom," talak niya saka nagtungo sa kusina. Tahimik lamang ako habang nakikinig sa usapan ng dalawa. "Tol, may bago ako, sexy at maganda," aniya habang kinakalikot ang cellphone. "Ito oh," pinakita niya ang litrato. "Mas maganda at sexy yung akin tol," bida naman ni Angelo sa chicks nito. Pareho silang bumaling sa akin ng may pang-aasar ang kanilang ekspresyon, "Ikaw tol? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa nagkakashota?" "Wala akong oras sa pambababae," maikling tugon. "Pero may natitipuhan ka na," natatawang saad ni Samson. "Sino nga? Ipakilala mo next time tol," mungkahi ni Angelo. "Kung alam mo lang tol," umiiling na saad ni Samson kaya naman binato ko ito ng unan. "Gago! Wala na," "Anong wala na? Agad-agad? Sino ba kasi tol?" pangungulit ni Angelo. Nang-aasar akong tiningnan ni Samson saka nagsalita, "Si Re-" pinutol ko ang sasabihin niya. Pahamak eh. "Tara na sa kusina, nagugutom na ako," malakas kong saad saka nagtungo na sa kusina. Nadatnan ko si Rebecca na tahimik habang naglalapag ng apat na pinggan sa mesa. Nakahanda na rin ang pinirito niyang tusino at hotdog. Iyon lang kasi yata ang laman ng ref ng mokong. Kumuha ako ng ibang pinggan saka kutsara at tinidor sa cupboard. Itinabi ko ang pinggan na nilapag niya. Naramdaman ko ang pagmamasid niya sa akin habang hindi makapaniwala itong nakatingin sa ginagawa ko. "Bakit? May problema ba?" kako habang nasa pagkain ang mata. "Wala pa akong sinasabi na kakain na, at heto ka na, nauna nang kumain," aniya. Hindi ko siya pinansin. Nagdadabog itong nagtungo sa sala para tawagin ang barkada ko. Dumating ang mga mokong. Tumabi sa kanan ko si Samson samantalang ang magkapatid naman ay nasa tapat namin. "Kumusta naman ang trabaho Tricia?" Tanong ni Angelo sa kapatid. "So far, okay naman kuya," aniya pagkatapos ngumuya. "Mabuti kung wala namang trabahador na pasaway roon? Sabihin mo lang sa amin kung may nambastos sayo," seryosong saad ni Angelo. Mga lalaki ang kasama niya sa trabaho. Posible ngang mabastos ito. Ngunit, kung titingnan mo siya, suplada at istrikto ang itsura niya. Imposibleng hindi masindak ang mga trabahador kung ang kapalit ng pambabastos nila ay ang pagkatanggal nila sa trabaho. Tumikhim si Samson saka pasimpleng bumulong sa akin, "Dahan-dahan tol, baka matunaw." "Gago," mahinang sambit ko. Narinig ko namang nagsalita si Rebecca, "Hindi naman sila bastos kuya. In fact, kung sino pa iyong propesyonal, sila pa iyong nambastos sa akin." Bigla akong naubo sa sinabi niya. Binigyan naman ako ni Samson ng tubig. Nakita ang lihim na pagngisi niya. "Ayos ka lang tol?" "Oo tol, ang pangit pala ng lasa nitong tusino," kako. "Ayos naman ang lasa ng akin tol ah?' "Baka expired itong nakuha ko," "Teka, ano kamo Tricia? Binastos ka?!" galit na saad ni Angelo. "Relax, joke ko lang yon kuya," natatawang wika ni Rebecca. PAGKATAPOS naming kumain, ilang sandali pa ay nahiga si Angelo at Samson sa magkahiwalay na pahabang sofa. Nasilayan ko naman si Rebecca na pababa sa hagdan habang may nakasabit na tuwalya sa kanyang braso. Ilang sandali pa ay natapos din siya. Ayaw ko man siyang lingunin, hindi ko kayang pigilan ang sarili. Napalunok ako nang makitang nakabalot ng tuwalya ang kanyang katawan. Makinis. Halatang mula sa mayamang pamilya. Nilingon ko ang dalawang mokong ngunit humihilik na ang mga ito. Matapos ang ilang minuto ay nagtungo na rin ako sa terrace ng apartment saka inubos ang isang stick ng yosi. Pagkatapos kong mag-yosi ay muli akong nagtungo sa sala. Sandali akong namroblema dahil hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Wala na akong ibang choice kundi makitabi na lang kay Rebecca sa kwarto ni Angelo. Iisa lang ang kwarto rito ngunit malaki ang kama niya. Sa tuwing pumupunta kami rito ay sa iisang kwarto kami natutulog. Kaya masaya. Wala akong pakialaman kung may boyfriend siya. Inaantok na ako at pagod ako. Binuksan ko na ang pinto saka pumasok. Sa tingin ko ay nakatulog na siya habang nakatagilid ang katawan niya. Binagsak ko na rin ang katawan ko sa kama. "Ahhhhhhhhhhh! Anong ginagawa mo rito?!" "Tsk, malamang, matutulog," maikling saad ko saka pumikit. "Lumayas ka dito! Isa!" talak niya. "Tumahimik ka nga, wala akong balak gahasain ka. Baka ikaw pa riyan ang manggahasa sa akin," kako habang pikit pa rin ang mga mata. "Ah, ayaw mo talaga hah," aniya at nagulat ako nang sakyan niya ako saka ako sinakal. Mabilis kong binaliktad ang posisyon namin. Siya na ngayon ang nasa ilalim samantalang ako naman ang nasa ibabaw niya. "Tumalak ka pa, paduduguin na kita," kako at bigla naman siyang natahimik. Masindak ka ngayon. End of Chapter 4
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD