On-duty: Bad boy ngunit malambing na nurse sa SLMC
Off-duty: Possessive at sweet, minsan naman ay masungit.
Mukhang masungit ngunit kapag naglambing, tiyak na ika'y makikiliti sa kilig.
Bad boy man ang datingan, kapag nagmahal ay todo-todo 'yan.
Aminadong sa motorsiklo niya ay kaskaserong magmaneho, ngunit kumapit ka lang, hindi ka hahayaang mahulog sa iba, kundi sa kanya lang.
Minsan lang umibig ngunit kapag nasaktan, bahala ka na riyan, dahil may prinsipyo siyang iniingatan. Kapag iniwan, mahirap nang paamuhin ang kanyang pusong sugatan.
Gandang Lalaki: Rafael 'Paeng' Lucero, ang bad boy na nagmahal at iniwan kaya bumalik muli sa katarantaduhan.