Chapter Five REBECCA DUMERETSO ako sa kwarto ni kuya pagkatapos naming kumain dahil inaantok na rin ako. Sa sofa sila natulog dahil iisa lang naman ang kwarto rito sa apartment niya. Bahagya pa akong natawa nang maalala ko ang usapan namin sa hapag-kainan kanina. "Hay nako Paeng, hindi uubra sa akin yang pagiging bad boy mo. Talagang masasapak kitang lalaki ka," kausap ko sa sarili. Kinuha ko ang tuwalya ko saka bumaba para mag-shower. Napansin ko si Paeng na nanonood pa rin. Ramdam ko ang pagmamasid niya sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin kahit na ang totoo ay apektado ako sa mga matang iyon. Nakaka conscious tuloy gumalaw. MABILIS naman akong natapos. At dahil wala akong dalang damit na bumaba ay binalot ko na lang ang katawan ko gamit ang dalang towel. Bag