Chapter One
REBECCA
"CONGRATULATIONS, Engineer Valdez," bati ng Chief Engineer matapos maaprubahan ang aking proposal design para sa itatayong extension ng San Lorenzo Medical Center sa bayan ng San Lorenzo.
Pinagpawisan ako dahil sa dami ng kanilang katanungan tungkol sa proposal ko, nairaos ko rin sa huli.
Maliit lamang kasi ang espasyo sa pagtatayuan ng proyekto ngunit dapat ay magmukha raw itong maluwang. Ang budget na inilaan ng gobyerno rito ay tatlumpung milyon.
"Congratulations to us!" sigaw ng team ko habang nakataas ang mga baso nila sa ere. Nagkayayaan dahil ang proposal namin ang napiling design ay sisimulan na sa January.
Panibagong project na naman ito kaya naman magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.
Maliliit lamang na proyekto ang tinatanggap ko noong matapos kong makuha ang lisensya ko bilang engineer. Ngunit ngayon, 'di ko sukat akalaing napakalaking proyekto na pala ito.
Nakaka-pressure lalo na't ang mga magulang ko ay kilala sa industriyang ito.
Nais ng mga magulang ko na irekomenda ako sa malalaking kumpanyang nagpatanyag sa pangalan nila ngunit tumanggi ako dahil gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan at tumayo sa sariling mga paa.
"Kapag talaga si Engineer Valdez ang nag-propose laging pasok," ani Henry na isang architect. Siya ay laging nakasuot ng salamin at madalas tahimik sa team. He's cute but... not my type.
"Crush mo lang si engineer eh, ayieeee," panunukso ni Samantha at lalong lumakas ang kantyawan.
"Try mong ligawan architect, malay mo magkamilagro at magustuhan ka rin ni engineer Valdez," panunuksong wika naman ng isa sa kanila.
"Eheemm," tikhim ko at biglang natahimik ang mga ito.
Napansin ko rin ang pamumula ni Henry. Kagagaling ko lang sa CR ngunit kasali na pala ako sa tuksuhan nila.
Tahimik akong umupo. "Natahimik kayo? Do I make you feel uncomfortable?" tanong ko saka sumimsim sa wine.
"H-hindi naman sa gano'n engineer,"
"Then, why?"
"Akala kasi namin magagalit ka na naman engineer," saad ni Samantha.
"Wala tayo sa opisina kaya don't treat me like a boss here," kako saka tumawa.
"Hindi naman ako nangangain ng tao," dagdag ko at nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi nila.
Noong una, ramdam kong hindi masyadong komportable ang mga ito kapag nasa paligid nila ako, hanggang abutin kami ng alas dose sa inuman ay doon na rin lumabas ang pagiging kwela nila.
"Ilang taon ka na engineer? May boyfriend ka na ba engineer?" maya-maya ay tanong ni Samantha.
"I'm 29 and yes, mayroon akong boyfriend pero nasa future pa lang eh," tugon at nagtawanan naman ang team ko.
"Paano ba yan architect, nasa future pa lang daw. May chance ka pa," panunukso nila kay Henry.
Dala na rin ng impluwensya ng alak, nagsalita na ako, "Honestly, I don't like you. You look fragile. I don't usually set standards but, you're not really my type," kako habang nakatingin sa kanya.
"Awwwww, sakit," ani Samantha.
"Ouchhhh engineer," madramang saad ni Leila habang nakahawak pa sa dibdib.
"Huwag ka sanang ma-offend. I'm just being honest," kako naman.
"Magsiuwian na tayo. Luluwas pa ako bukas sa San Lorenzo. Kaya mauna na ako sa inyo kung ayaw niyo pang umuwi," paalam ko saka biglang nakaramdam ng pagkahilo noong tumayo ako.
"Ihahatid na kita," saad ni Henry saka lumapit sa akin.
"No, I'm fine. I'll just call my cousin. Sa kanya na lang ako magpapasundo," wika ko saka tumango naman ito at bumalik sa pagkakaupo.
"Ingat ka ingeener! God bless sa project!"
"Thanks, you too guys!" saad ko sa mga mas batang engineer at architect na ka-team ko. Kumukuha pa lang ang mga ito ng experience sa field kaya mahigpit ako sa trabaho para mas mahasa ang galing nila.
Pinilit kong lumabas sa resto-bar saka tinawagan si Ace. Ang pinsan kong nagtatrabaho bilang manager ng isang hotel dito sa San Mariano.
Namroblema pa ako nang invalid pala ang nakarehistrong numero nito sa aking cellphone. Dali-dali ko namang tinawagan si kuya.
Nakailang ring pa ito bago niya sinagot, "Ang tagal naman!"
"Hello, miss, sino ka?" bungad ng nasa kabilang linya. Deep voice. Napakalamig.
"Who the hell are you?!"
"Sino ka muna?" siya pa ang may ganang magsungit. Nakakainis. Uwing-uwi na ako.
"Great! Give the phone back to my kuya and get the f*ck off!" saad ko.
"Tol, may tumawag, chicks mo yata," rinig kong saad nito.
"Gago, kapatid ko to, si Tricia," sagot ni kuya rito.
"Ipakilala mo naman ako tol,"
"Gago, di kita gusto para kay Tricia dahil babaero ka. Ayos pa kung dito kay Paeng," saad ni kuya sa kausap.
Hindi na ako nakatiis pa kaya pinatay ko na ang tawag. Mga babaero. Hindi ko kilala ang mga kaibigan ni kuya pero alam kong tarantado ang mga ito. Balak pa yata akong idagdag sa collection nila ng mga babae.
Umupo ako saglit saka muling namroblema. Sakto namang lumabas na rin ang team ko kaya nakisabay na lang ako.
Kinabukasan, bumiyahe na kami ni manang Julie. Siya kasi ang tumutulong sa akin sa pag-aayos ng mga gamit ko, nagluluto ng pagkain at naglalaba ng damit ko. Lalo na't civil site engineer ako.
NILIBOT ko ang paningin sa site kung saan itatayo ang proyekto. Nakahanda na ang team ko pati na rin ang mga materyales na gagamitin.
Mula sa hindi kalayuan, natanaw ko ang magkahiwalay na cottage. Ang isa ay para sa akin bilang head nila, samantalang ang isa naman ay para sa ibang empleyado na mataas din ang posisyon na siyang katulong ko sa lahat ng bagay ukol sa proyekto.
Katatapos ng bagong taon kaya naniniwala akong maganda ang takbo ng 2020 sa akin dahil sa proyektong ito.
"IS EVERYTHING clear now? May katanungan pa ba?" saad ko sa mga subcontractors at surveyors saka sumandal sa aking swivel chair.
Good thing maayos na ang cottage na may mini office sa loob at hiwalay ang kwarto at kusina. Sakto lamang ang laki nito dahil pansamantala lang naman ito.
January noong sinimulan namin ang trabaho. Everyone is doing their job well, kaya naman hindi ako gaanong nai-stress.
Noong lumaganap ang pandemya, dalawang linggo kaming natigil sa trabaho dahil inabisuhan ng gobyerno ang mga mamamayan na mag-self quarantine muna.
MATAPOS ang ilang linggo, tinuloy namin ang trabaho dahil inabisuhan kami na pansamantalang gagawing quarantine facility sa katapusan ng Setyembre ang building na under construction pa lang.
Kaya naman nagdagdag kami ng mga trabahador ngunit iyong tama lang para hindi crowded ang site.
BUWAN na ng Mayo. Madalas ako sa loob ng cottage ko habang pinag-aaralan ang mga dokumentong nakatambak pa sa aking mesa dahil na rin sa pangamba, lalo na't maraming l**s ang nagsisidatingan.
Bago kami magsimula sa trabaho, nagkakaroon kami ng pulong saka ko inatasan ang team ko sa kung ano ba ang dapat gawin para malinis ang proyektong ginagawa namin at nasusunod ang design nito.
Tinangal ko ang puting cap ko saka sumandal sa pader ng hospital. Tinanaw ko ang building na malapit na ring matapos.
Akmang aalis na ako nang sumulpot ang isang lalaking may katangkaran. Maputi siya kaya bahagya akong namangha dahil nakadagdag ang suot nitong uniporme sa kanyang dating. Malinis.
Ngunit, nang madako sa kanyang braso ang aking paningin, ngumiwi ako dahil hindi ko nagustuhan ang tattoo nito. Masakit sa mata at ayaw ko sa mga lalaking ganoon.
Tila ba kakaiba ito sa mga nurse na nakita ko. Ang mga nurse ay maalaga, ngunit ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay mukhang marahas . Ang buhok niya ay magulo. Samantalang ang mga mata nito ay walang ekspresyon.
Pinagmasdan ko lamang itong bumunot ng stick ng sigarilyo saka ito sinindihan.
Lalo yatang nadagdagan ang pagkaturn-off ko sa lalaking ito.
Nasilayan ko ang malaking poster sa aming gilid. "No Smoking" ang nakalagay.
Bahagya akong nainis dahil mismong staff pa ng hospital ang hindi sumusunod sa patakaran.
Tumutulong itong gamutin ang mga may sakit ngunit hindi niya magawang alagaan ang sarili niya. Hindi ba niya alam na masama sa kalusugan ang pagyoyosi?
Namaywang ako dahil hindi man lang siya nahiya sa presensya ko. Nakatingin ito sa akin na para ba akong hangin.
"Excuse me, nurse, nakita mo naman siguro yang poster, hindi ba? Gusto mo bang basahin ko para sa'yo at i-explain nang maintindihan mo?" pinatunog ko pa ang daliri para makuha ang attention niya.
Tahimik lang itong tumingin sa mga mata ko. Sa sandaling pagtatagpo ng aming mga mata, nakaramdam ako ng kakaiba.
Muli itong humithit sa kanyang yosi at pinalabas sa kanyang ilong ang usok.
"Are you deaf?!" inis kong saad dahil mariin lang ang titig niya sa akin habang nilalaro pa ang usok na pinapalabas niya sa kanyang bibig at ilong.
"Tsk," aniya saka ako tinalikuran.
What the heck! Napahiya ako. How dare him?!
Pinagmasdan ko ang papalayong likuran nito. Ultimo paglakad niya ay napakaangas. Parang gusto ko tuloy siyang ibaon sa hukay dahil sa attitude niya. Nakakainis.
Hindi ako magpapatinag sa katarantaduhan ng antipatikong yun. I assure that.
Kaya naman bumalik na lamang ako sa site saka sinuot ang cap ko.
"Okay ka lang ma'am?" tanong ng foreman na si Richard.
"Yes," maikling saad ko saka nagtungo sa aking cottage.
Naiinis kong sinalampak ang katawan ko swivel chair saka inunat ang mga braso. Kinuha ko ang notebook at ballpen ko saka pinagdiskitahan ito dahil sa inis.
"Arggh! Bwisit siya!"
"Anong nangyari ma'am? May problema ba?" alalang tanong ni manang Julie saka ako nilapitan.
"Wala naman manang. Ipagtimpla mo naman ako ng juice manang. Please,"
"Sige ma'am," tugon niya saka pinagtimpala ako ng malamig na juice.
Alas otso pa lang ng umaga ngunit pinainit ng lalaking iyon ang ulo ko. He's impossible.
Ginugol ko na lamang ang oras ko sa pag-asikaso ng mga dokumento sa ibabaw ng mesa.
Tumunog ang buzzer. Hudyat iyon na tanghalian na. Kaya lumabas ako at nakita ko naman ang mga trabahador na nagkumpulan at sabay-sabay na kumakain.
"Engineer, kain na po!" sigaw ng isa sa kanila kaya nagsilingunan naman ang mga kasama nito.
"Sige lang," maiksing saad ko.
Bago ako tumalikod, nahuli ko ang dalawang trabahador na nagbulungan pa.
"Kawawa kayo sa akin mamaya," bulong ko sa sarili.
I won't tolerate such attitude. Ayaw na ayaw kong may nagbubulungan kapag kaharap nila ako. For me, it's a sign of disrespectful.
NANG sumapit ang alas sais ng hapon, nagbihis ako ng simpleng loose t-shirt at shorts saka nagpasyang lumabas para doon na lang magdinner.
Kasama ko naman si manang Julie at may mga street lights naman kaya kampante akong lumabas ng gabi.
"Good evening, Engineer. Saan po ang punta niyo?" tanong ng security guard.
"Good evening din. Sa may kainan lang naman po kami," tugon ko sa hindi katandaang guwardiya. Siguro ay nasa 40s pa lang ito.
"Mag-iingat kayo Engineer,"
"Thank you po," kako saka ngumiti kahit na nakatago ang mukha.
Pagkarating namin sa malapit na kainan, ako na ang nag-order ng kakainin namin ni manang.
Katabi ko ang isang lalaking nakasuot ng brown na leather jacket at nakasumbrero pa. Pamilyar ang tindig niya.
Lalaking lalaki rin ang amoy nito at hindi ko mawari kung anong pabango ang gamit niya.
Noong inabot ng tindera ang order ko, nagulat ako nang may dalawa ring kamay ang nakawak dito. Kaya naman hawak ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ko.
Natigil ako ng ilang sandali kaya naman nakuha niya ang pagkaing hawak ko. Wait, siya yung lalaking nagyoyosi kanina sa gilid ng hospital ah. Kaya naman pala tarantado at walang hiya!
Bumaling ako sa counter saka nagsalita,"Hindi ba't order ko iyon miss?!" naiinis kong saad.
"Pasensya na ma'am. Pareho po kasi kayo ng order at nauna po kasi siya," paliwanag nito kaya lalong uminit ang ulo ko dahil ako naman ang nauna sa pila.
"Huwag kasing tatanga-tanga kung ayaw mong maunahan ka," bulong ng tarantadong lalaki saka pinuwesto ang sarili sa sulok ng kainang ito.
Gusto kong sumabog sa inis ngunit nakatatak sa aking isipan ang bilin ng mga magulang ko na kapag galit, kung maaari ay huwag magpakita ng emosyon lalo na sa harap ng iba at baka ikaw ang mapasama.
Kinalma ko ang sarili saka hinarap ang babaeng hindi patas ang trato sa customer.
Tinaasan ko ang kilay ko saka nagsalita,
"Apat na order nga ng adobong manok. Please make it fast," maarteng saad ko.
Nasilayan ko ang masarap na kain ng lapastangang lalaki sa inorder kong tinola. Kinagat ko ang itaas kong labi dahil sa inis. I don't wanna look like a war freak lady just because of that tinolang manok.
"Heto na ma'am,"
Nakataas ang isang kilay ko habang nilapag sa harap niya ang ATM card ko.
"Naku ma'am, hindi po kami tumatanggap ng ATM dito. Cash lang po," saad niya.
Kinuha ko ang ATM ko saka binalik sa loob ng wallet ko.
"Paano ba yan, wala akong cash dito, aalis na lang kami," pagsisinungaling ko.
Ang totoo may dala akong cash. I just wanna give her a lesson. For sure, masesermonan ito sa may-ari.
"Paano itong inorder mo ma'am?"
"Ibigay mo sa kanya oh, halata namang gutom na gutom," malakas kong wika habang nakaturo sa lapastangang lalaki ang daliri.
Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin.
"Manang Julie, let's go. Magpa-deliver na lang tayo sa Jollibee,"
"Anong nangyari ma'am? May problema ba?"
"Ang pangit pala ng ugali ng mga tao rito manang no? Biruin mo, hawak ko na yung order ko, inagaw pa," talak ko saka nagmartsa palabas ng kainan.
Nang malapit na kami sa entrance ng hospital, napatalon ako nang muntik na akong masagasaan ng nakamotorsiklong biyaheng langit ang takbo.
"Arghhhh! Nakakainis ka talagang lalaki ka!"
"Ayos ka lang ma'am?! Natamaan ka ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni manang.
Napakabarumbado niya!
Kaya naman mabilis ang lakad ko para maabutan siya sa parking lot ng hospital.
"Hayop kang lalaki ka! Kanina ka pa nang-iinis ah?! At may balak ka pang sagasaan ako!" bulyaw ko saka siya binato ng flat sandals ko. Maswerte itong nakailag.
"Hindi ko alam yang sinasabi mo miss. Kung ginagawa mo ito para magpapansin, huwag mo ng ituloy pa dahil hindi kita type," saad niya habang nakatingin sa bandang dibdib ko.
"Pervert!" bulyaw ko.
"Alam ko kulay ng b*a mo miss, pula," aniya saka ngumisi nang nakakaloko.
Hinubad niya ang suot na leather jacket at sinabit ito sa kanyang balikat.
I looked at him in disbelief. Tiningnan ko ang bandang dibdib ko at oo nga! Bakat.
"Hintayin mong lalaki ang mag-first move. Hindi yung magpapakita ka pa ng motibo para magustuhan ka," baritono ang boses nito. Nahimigan ko ang pagkadismaya niya sa kanyang sinabi.
"Wow, mister nurse. Siguro ay nahithit mo lahat ng malamig na hanging nilalabas ng aircon sa loob," naiinis na sambit ko.
"Ako? Magkakagusto sa isang bad boy na katulad mo? Ha. Ha. There's no way I'm gonna fall for you, nurse. Kilabutan ka naman sana sa mga sinasabi mo!"
"Tsk, relax ka lang miss. Huwag defensive. Mas napaghahalataan ka," aniya saka preskong nagmartsa papalayo sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo!" nagngingitngit kong bulyaw.
Sinamaan ko ng tingin ang kanyang motor. Halatang bad boy ang may-ari. Isa itong sikat na BMW Motorrad. Ang gulong nito ay malaki samantalang mataas naman ang upuan nito. Sa tantiya ko, kasya pa ang isa tao sa likod.
Marami na akong nakitang gumagamit nito. Patok ito sa mga kalalakihang tarantado, barumbado at babaero. In short, it is highly recommended for bad boys.
Napairap na lang ako sa hangin at bumalik na sa cottage. Wala akong mapapala kung magpapaapekto ako sa pang-iinis niya.
PAENG
"Relax lang miss hah? Gagaling rin iyan. Kapag gumaling ka, ako ang maghahatid sayo," saad ko sa pasyenteng kasalukuyan kong minomonitor ang vital signs nito. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa Nurse Station.
"Kumusta yung dibdib ng pasyente tol? natatawang saad ng kasama ko.
"Gago! Angelo pangalan mo pero demonyo ka," natatawang tugon ko.
"AALIS na ako tol," paalam ko naman sa kanya.
Isa siya sa mga kaibigan kong nagtatrabaho rito at classmates kami noong kolehiyo.
Nagtungo ako sa locker ko saka kinuha ang mga gamit ko. Nasa labas na ako kaya naman tinabi ko ang dalang gamit saka nagtungo sa tabi ng SLMC para magyosi.
Humithit ako ng yosi at napansin ko ang presensya ng isang babaeng mariin ang tingin sa akin.
Napansin ko ang suot nitong puting long sleeves na polo at nakatali naman ang buhok nito. Mukha itong suplada.
Tumaas ang isang kilay niya saka ako sinabihan ng mga walang katuturan tungkol sa paninigarilyo.
Hindi ko na lamang pinatulan ang mga sinabi nito sa akin saka siya tinalikuran. Naramdaman ko ang matinding inis nito kaya ngumisi ako.
MABILIS kong pinatakbo ang motorsiklo ko at nakipagkarerahan sa mga sasakyan kaya mabilis akong nakauwi sa bahay.
Naligo muna ako saka kumain ng almusal. Kumuha ako ng isang in-can beer sa ref at inubos muna ito bago natulog.
Alas sais na ng hapon ngunit tinatamad pa akong bumangon.
"Anak, bumangon ka na riyan. Baka mahuli ka na naman sa duty mo!" pambubulabog ni mama sa akin.
"Hindi na ako papasok!" sigaw ko.
"Anong hindi papasok? Hindi ka ba nahihiyang absent nang absent?!"
Napaisip ako ng ilang sandali. Sa huli ay bumangon na rin ako para maligo.
"IKAW Paeng, ayaw kong mabalitaan na nakipagbasag ulo ka na naman. Pati sa pagpapatakbo mo, dahan-dahan lang. Magbago ka na anak please lang!" nai-stress na wika ni mama habang sinusuot ko ang sapatos ko dahil papasok na ako sa trabaho.
"Oh kuya, bakit narito ka pa? Late ka na naman sa duty mo!" naiiritang saad ni Gretchen.
"Huwag niyo akong madaliin. Kung mapagalitan edi mapagalitan," saad ko saka sinuot ang leather jacket ko.
"Nakakahiya ka talaga kuya!" talak ni Gretchen saka nagtungo sa kwarto nito.
"Kumain ka na muna Paeng. Hihintayin pa namin ang Papa mo. Pauwi na rin iyon," saad ni Mama.
"Sa labas na lang ng hospital ako kakain ma," saad ko saka kinuha ang susi ng motor ko at nagpaalam na. May canteen naman sa ospital ngunit ayaw ko ang sineserve roon.
MABILIS akong nakarating sa kainan. Muli kong nakita ang supladang babae na nakasuot ngayon ng simpleng t-shirt at shorts.
Matapos ko itong inisin, ilang sandali pa ay umalis na sila ng kasama niya.
NANG matapos akong kumain aymabilis kong pinatakbo ang motor ko at nakita ko pang naglalakad ito at ang kasama niya sa gilid ng kalsada na medyo malapit sa entrance ng ospital.
Hinarurot ko ang motor sa tabi nito mga ilang dangkal lamang ang layo at natawa ako nang marinig ko ang pagkabigla niya sa nangyari.
Pinarke ko ang motor ko at nagulat nang nasa harapan ko na siya at ginawaran ako ng nakamamatay na tingin. Mabuti na lang at nakailag ako mula sa mga binato niyang suot na sandals kanina.
"Hayop kang lalaki ka! Kanina ka pa nang-iinis ah?! At may balak ka pang sagasaan ako!"
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo miss. Kung ginagawa mo ito para magpapansin, huwag mo ng ituloy pa dahil hindi kita type," wika ko at tumingin ako sa bandang dibdib niya.
Bakat ang kulay pula nitong panloob. Kanina ko pa iyon napansin.
"Pervert!" aniya saka tinakpan pa ang dibdib gamit ang mga kamay nito.
Tsk.
"Alam ko kulay ng b*a mo miss, pula," kako saka ngumisi pa nang nakakaloko.
Bumaling ito sa sariling dibdib at nanlaki ang mga mata niya.
"Hintayin mong lalaki ang mag-first move. Hindi yung magpapakita ka pa ng motibo para magustuhan ka," kunwari ay dismayadong saad ko.
Ayaw ko sa mga babaeng agresibo. Ang babaeng nasa harap ko ngayon ay nararamdaman kong agresibo. Ngunit sa ibang paraan. Iyong gustong manakal na lang bigla at ibaon ka sa hukay.
"Wow, mister nurse. Siguro ay nahithit mo lahat ng malamig na hanging nilalabas ng aircon sa loob!" aniya.
"Ako? Magkakagusto sa isang bad boy na katulad mo? Ha. Ha. There's no way I'm gonna fall for you, nurse. Kilabutan ka naman sana sa mga sinasabi mo!" dagdag niya.
"Tsk, relax ka lang miss. Huwag defensive. Mas napaghahalataan ka," nakangisi akong iniwan siya.
"Ang kapal ng mukha mo!" rinig kong bulyaw niya.
Kung may hawak man itong itak ngayon, siguradong kanina pa niya ako tinaga dahil sa inis.
Sinimulan niyang pakialaman ang paninigarilyo ko, pwes hindi ko titigilan ang pang-iinis sa kanya. Hanggang sa siya na mismo ang kusang sumuko. Muli naman akong ngumisi.
Nilagay ko sa locker ko ang dalang gamit at nakita ko naman ang isa sa mga kaibigan kong si Samson na nakangiti at inakbayan pa ako. Pareho kaming night shift kaya madalas kaming magkasama.
"Tol, nakita mo na ba yung engineer diyan?" tukoy niya sa pinapatayong extension nitong ospital.
"Oh bakit naman yung engineer tol? Huwag mong sabihin na bakla ka, mabubugbog kita," natatawang saad ko.
"Gago! Hindi ako bakla. Baka ikaw nga diyan ang bakla eh. Sa dami ng nagkakandarapa sayo, ni isa wala ka pang pinatulan sa kanila. Tanggap ka naman namin tol. Kaya magsabi ka na," pang-aasar niya kaya binatukan ko naman ito.
"Gago! Sadyang wala pa akong natitipuan,"
"Tamang-tama tol. Kapag nagkataong nakita ko si engineer Valdez, ipapakilala kita. Madalang daw siyang lumabas kaya sana ay matiyempuhan natin. Ihanda mo yang sarili dahil balita ko, suplada raw yon," aniya saka tinapik pa ang balikat ko.
Natawa na lamang ako at nakaramdam ng pagkasabik sa sinabi nitong suplada raw. Iisang babae lang kasi ang pumasok sa isipan ko. Iyong babaeng mukhang nambabaon sa hukay.
End of Chapter 1