ELIZIER'S POV NAKASAKAY ako sa aking motorsiklo habang papauwi, malayo pa man ay natatanaw ko na ang magarang kotseng nauuna sa akin sa malayo, sa daang tutumbok sa Sitio Maligaya. Nalikuan ko na ang kaliwang kanto, at ang ganda ng sasakyang iyon ay agad na nakatawag sa aking pansin. Nakatawag iyon ng pansin mula sa kahit sino dahil iyon lang ang tanging maganda, makinyab at mukhang mamahalin na sasakyan sa bayan namin. It was obviously new, with its sleek body na nagsasabing isa rin itong bagong modelo. Sino kayang bibisitahin ng may-ari ng kotse sa Sitio Maligaya? Sa bukana ng sitio, tumigil ang kotse sa tapat ng ikalawang bahay, iyong balak sanang rentahan noon nina Doths at Fiona , kasu ay hindi natuloy dahil may nakakuha ng iba. Bumaba ang isang maputi, hindi naman kataasan,