PROLOGUE
DOTHS SULLIVAN POV
Tumingin ako sa mga napakaraming bisita na umattend at saka nanlamig nang hindi ko masilayan ang fiancee ko.
"Congratulations!"
Mula sa maingay na mob, umabot at kumapit sa braso ko ang isang kamay bago ako nahablot niya at nakulong sa isang mahigpit na yakap. Nakilala ko muna ang pabango ng best friend kong si Fiona bago ko nakita ang mukha niyang ngiting-ngiti. Masayang masaya ito para sa akin. "Where's the groom? You look so lost out here alone," nakangisi man ay nagtataka pa rin niyang tanong.
Si Zephyr Mendoza, nagpa-panic na naisip ko. Nasaan na nga ba ang lalaking 'yon? Kanina ko pa ito hinihintay na dumating pero wala man lang akong nahagip na Zephyr sa paligid.
Oo nga pala. Nagpaalam ito sandali para asikasuhin ang mga pinsan daw nitong biglang dumating.
Hindi bababa sa sampung minuto ang nakalipas nang umalis ito.
Napahawak ako sa isiping iyon para hindi ko magawang masamid. Dalawa nga pala kaming ikakasal bukas—dalawang babae na sabay na papasok sa bagong buhay ng marriage life..
Apologetic na pinisil ko ang braso ng aking kaibigan. "Ikaw na muna ang bahala rito. Hahanapin ko lang ang lalaking 'yon."
May pag-aalala na sa mukha niya. "Something the matter, girl? Mukhang namumutla ka yata."
"Engagement jitters. I think," malamya kong dahilan sa pabulong na paraan para hindi ako marinig ng iba pa naming mga kaibigan. "I think I need some air."
Nakaunawa naman ito agad. "Ah, okay, go. Hindi kita iisturbuhin kahit isang sandali hangga't hindi mo gustong magpaistorbo. I swear." Iniangat pa niya sa ere ang isang bukas na palad. Scout's honor.
Pinilit kong ngumiti. There were butterflies in my stomach and I felt like throwing up. "The best ka talaga, friend." Saka ako nagmamadaling tumakas. Lakad-takbo ang ginawa ko habang palayo.
Tutungo sana ako sa balkonahe ng bahay. Sarili ko itong bahay. Noong una, we planned on having the party at Zephyr’s apartment building, but we also decided that it was too small for all of our friends so we choose for my house instead.
May malaking balkonahe sa harapan pero marami nang tao roon. My other option would be my bedroom's terrace. Nasa itaas ang kuwarto ko kaya tinungo ko ang grand staircase at doon ako pasimpleng umakyat. I did not want to look like I was leaving my own party.
Nakasalubong ko pa ang isa sa limang katulong. Pinakamatanda si Aling Cita, natural, pinakamapamahiin din. Binalaan ako nitong huwag nang ituloy ang party dahil masama raw na magkita på ang dalawang taong ikakasal the night before the wedding.
Pero ipinagkibit-balikat ko lang iyon. I didn't believe in those things. Hindi kasi ako nakaranas na lumaki sa mga lolo at lola ko dahil maagang namatay ang mga ito. Ang aking Ninong Anselmo naman...
Napangiti ako nang may sumagi sa isip ko. That old man was anything but conventional. Ito ang alam kong pinakahuling taong maniniwala sa mga pamahiin.
Tinungo ko ang aking terrace because I wanted to breathe some fresh air. Gusto ko rin maghanap ng katahimikan at inakala kong matatagpuan ko iyon doon.
But I was dead wrong. Pagkabukas ko pa lang sa pinto ng aking kuwarto, I already heard the arguing voices inside the room..
"Brielle, tumigil ka!"
Natigilan ako. Boses iyon ni Zephyr. "How can I stop? Ha?" agad na tugon-tanong ng boses ng isang babae, boses na hindi ko nakikilala habang umiiyak. "Tomorrow, I'm gonna lose you to that rich little girl who couldn't even love you the way I do Zephyr, that is so unfair! Please, pag-isipan mo naman itong mabuti! Hindi mo ba ako mahal?"
Para akong tuod na nakatayo sa sahig, gulat na gulat. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ako makaalis.
Muli, narinig ko ang boses ni Zephyr —mababa ,buo, at matatag. "Nakapag-isip na ako. I've started this and I'm going to finish it. I've made my decision. I'm going to marry her."
"Pero hindi mo siya mahal!" mariing protesta ng babae.
"Hindi ko siya magagawang saktan, Brielle, for God's sake!" bulalas ni Zephyr. "She depends on me. She needs me. Siya ang klase ng babaeng madaling mahalin."
"At paano ako?" putol ng babae na hindi makapaniwala. "Paano na tayo? Wala ka bang plano para sa relasyon natin, Zephyr?"
"Brielle.."
Sa kinatatayuan ko sa pinto, masakit ang mapuwersang paghugot ko ng hininga dahil sa narinig ko mula sa dalawa. Hindi ko alam kung sino ang babaeng kakausap ni Zephyr pero ramdam ko na may relasyon ang dalawa.
It was his moan of the woman's name so full of longing, and at the same time, puno rin ng panghi-hinayang.
I could not believe na si Zephyr nga iyong naririnig ko, ang lalaking nagpakita sa akin ng buong pag-ibig at pagrespeto. Ang lalaking akala ko magmamahal sa akin ng totoo. Pero hindi pala. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang sariling mapahagulhol.
"What about me, Zephyr? What about us? I need you. I love you. Alam kong hindi ko mapapantayan ang pangangailangan mo sa kanya. Alam kong siya lang ang paraan para makuha mo ang mga pinapangarap mo, pero mahal mo ako! Mahal mo ako, for pity's sake! And because of that, alam kong may karapatan akong ipaglaban ka!"
"Brielle, please. Don't make this harder than it is." Nasa boses ni Zephyr na nauubusan na ito ng pasensiya sa kausap.
"Sasabihin ko sa kanya ang totoo," pagbabanta ng babae.
Well, isn't that just too late? mapait na nasabi ko sa sarili. I already know! Mga walang-hiya.
"Hindi! Wala kang sasabihin sa kanya. Huwag mo kong pangunahan, Brielle," ani Zephyr.
"Zephyr…" Sigaw ng babae. At napigilan ang sigaw.
Ang katahimikan sa loob ng silid, iyon ang puwersang humila sa akin para lapitan ang pintuan ng terrace at sumilip doon.
At ang natagpuan kong eksena ang tuluyang kumumbinsi sa akin na si Benjie ay hindi para sa akin.
He and the woman were locked in a passionate embrace, in a desperate kiss kung saan wala ni isa ang may gustong bumitiw pa sa halik na iyon. Tuloy ang paglandas ng luha sa pisngi ng babae at si Zephyr—ang inakala kong si Zephyr ay nagmistulang isang loyal na lalaki pero sa natungyahan ko ay ibang-iba ito.
To me, that was how he looked. I had never seen him so... alive. Nasanay ako sa isang lalaking pasensiyoso, maingat kung humalik—isang lalaking marahan kung yumakap. Yun ang pagkakaakala ko.
Pero hindi ito si Zephyr ng mga oras na iyon. Para itong nalunod sa halik nilang dalawa. Napakasakit sa akin na makita kong may iba sa mga bisig niya na ibang babae. na hindi niya man lang inisip ang mararamdaman ko.
With a cry, I turned and walked away. Binilisan ko ang paglisan ng kuwarto nang marinig ko ang pagtawag ni Zephyr sa aking pangalan. My cry must have alerted him. Hindi ko na napansin na napalakas ang paghagulhol ko habang pinapanood ko silang magchukchakan sa loob. Nakakaputang-ina lang talaga!
Tumakbo ako. Ang una kong naisip ay ang umalis ng bahay. Nakababa ako ng hagdan, sinimulang bagtasin ang sala, iniiwas ang alam kong namumutlang mukha sa mga bisita para walang makakita sa namamasa kong mga mata.
Pero inabutan ako ni Zephyr sa kalagitnaan ng maluwang na sala, kung saan naagaw ang atensyon ng mga bisita.
"Doths, no!" Pinipigilan niya ang braso ko. Tumigil ako sa paglalakad at napalingon ako rito.
And through my tears, napatitig ako sa nag-aalala niyang mukha. Nakita ko ang gulo nitong buhok, ang edge ng collar ng suot nitong shirt na nakabukas. At tuluyan nang tumulo ang aking mga luha, tuluyan nang naglandas sa magkabila kong pisngi iyon at ni wala akong magawa para pigilan ang pagtulo niyon.
Ako, na laging malinis at maayos, ay hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Siya din ang unang nakaakit sa akin. Hindi ko man lang kayang guluhin ang kahit isang hibla sa kanya, kahit pa sa pamamagitan ng isang mapang-asar na halik tulad ng ginawa nila sa loob ng silid na iyon. Pero iyong babae ay…….
It hurts. I feel a burning sensation across my chest at hindi ko na napigilan na mapahagulhol sa harapan niya.
Agad na nakita ko ang matinding pag-aalala sa buo nitong mukha. "Doths, I didn't mean to do that. I didn't mean to hurt you."
Hindi ko alam iyon, pero sinampal ko pa rin ito ng malakas, sa buong mukha. Yung malalasahan niya ang dugo sa labi niya. He deserve that! Asshole!
Napasinghap ang mga bisita nang sabay-sabay dahil sa ginawa ko. Umalingawngaw ang tonog ng sampal ko sa buong sala dahil by that time, nakakabingi na ang katahimikan at ang usapan lang namin ni Zephyr ang maririnig mula roon.
By that time, nakapako na sa amin ang atensiyon ng lahat.
Ito sana ang mga bisitang makakasama namin kinabukasan, sa mismong araw ng aming kasal.
There just was nothing more to say. After one last look at his handsome face, I turned away.
At tumakas ako, tumakbo ako palabas ng bahay at palayo sa lugar na iyon.