DOTH'S POV MALIWANAG na maliwanag ang mukha ni Nancy nang silipin ako nito sa pinto ng opisina ng grocery. Si Nancy ay ang anak ni Mrs. Sanchez, dalaga pa pero may pagka-immature. Nitong mga huling araw nadadalas ang pagtigil nito sa supermarket ng ina nagmamanman at nagbabantay. Mabait ito sa amin ni Fiona at ipinagtataka ko iyon kung bakit. "Doth, may naghahanap sa iyong isang super guwapong lalaki!" Agad akong kinabahan. Isa lang ang sumagi sa isipan ko si Eliezer. Napasulyap ako sa aking relo. Three-thirty pa lang. Walang sinabi ang lalaki na susunduin siya nito. Wala rin silang usapan. Kahit alam nito ang kondisyong ibinigay ko rito kahapon, hindi ko naiwasang hindi maramdaman ang mainit na pakiramdam na lumukob sa aking katawan. Excitement. Kaninang umaga, we both restrained o