ELIEZER'S POV Napatitig ako sa matandang lalaking pumasok sa akming teritoryo, pero dahil matanda na to, hindi ko alam kung paano ko ito itatrato. Naroroon parin ang galit ko pero kontrolado ko na. Isa pa, I had heard Doths. Ito pala ang infamous nitong Ninong Anselmo. Hindi ko ito puwedeng galitin basta-basta. O i-aggravate pa ang mga nagawa ko na. "Nagmamahal ang anak ko, Anselmo." narinig kong sabi ng aking mama sa matapang na boses. I was familiar with that voice, na ginagamit nito kapag pilit nitong itinatago ang mga agam-agam. Nag-aalala akong napabaling kay mama. Nataranta rin ang iba. Gulat na tinitigan ng ninong ni Doths ang aking ina. "My God! Louise? Is that you?" bulalas nito. "What?" gulat na sambit ni Fiona. Napaawang ang bibig naming lahat. "What?" gulat na nasamb