THIRD POV Sa parking area ng hotel ay walang malay na napahiga si Mang Edgar sa driver's seat ng kotse habang inilalayo ng isang lalaki ang panyong may pampatulog mula sa mukha nito. Isang lalaki pa ang kumilos para alisin doon ang driver habang isang lalaki pa ang nakatayong bantay sa likod ng kotse, nagmamasid kung may paparating na tao, baka ay mahalata sila. ****** Magkalayo ang pinagparadahan ng mga sasakyan namin pero naroroon lang ang mga iyon sa iisang floor at game na inihatid muna kami nina Zeph at Fiona sa aming kotse bago tinungo ng mga ito ang sarili nilang kotse ilang metro ang layo sa amin. Pinag-uusapan pa namin ang pagpi-picnic sa isang resort para sa weekend na iyon nang biglang magsulputan ang limang kalalakihan mula sa kung saan. Masaya kaming lahat habang nagta