May kaunti ng liwanag na sumusungaw sa nag-iisang bintana sa loob ng silid nang magising ako sa mga bisig ni Eliezer. Kumilos ako para isubsob sa dibdib nito ang mukha ko, gusto kong matakpan ng amoy nito ang di-pamilyar na amoy na naaamoy ko sa kuwarto kung saan kami iniwan ng mga armadong lalaki kagabi. Napamulagat ako nang maalala kung nasaan kami, kung ano ang nangyari. Napahigpit ang pagsiksik niya sa kasintahan, dahilan para maalimpungatan ito sa pagtulog nito. Agad na humigpit ang yakap nito sa akin, kasabay ng pag-tense ng katawan nito. Mabilis na bumangon ang ulo nitong nakaunan sa sariling braso para tumingin sa pinto, natigilan kaming makitang nakasara pa rin iyon. Saka ito yumuko sa akin. "Doths?" "I-I'm sorry. Kagigising ko lang at natakot ako nang maalala kong k-in-idna