Magkasabay kaming kumain ni Eliezer matapos makapag-shower at makalabas ng kuwarto. Noong una, nahihiya akong harapin ang mga katulong dahil nalalaman na ng mga itong magkasama kami ni Eliezer sa loob ng kuwarto buong maghapon. Pero nang makita ko ang masayang pagtanggap ng mga ito sa nobyo ko dahil alam ng mga ito na si Eliezer ang nag-iisang anak ni Ninong Anselmo. Malaki ang naitulong niyon, kahit paano ay nabawasan ang nararamdaman kong hiya. Malinaw na butong-buto ang mga ito kay Eliezer para sa akin.. Dumalaw pala si Fiona nang umagang iyon, ayon sa mga katulong, pero nang malaman nitong natutulog pa ako at naririto si Eliezer sa bahay at magkasama pa kami sa kwarto ay hindi na ako nito pinagising sa mga katulong. Nagbilin na lang ito na kung magising ako ay tawagan ko ito on