Hindi muna ako agad pumasok sa bahay nang maiwan akong mag-isa sa hardin. Gusto kong mapag-isa at makapag-isip-isip. Ang katunayan ay wala na akong trabaho. Wala akong maisip na iba pang mapagkakaabalahan ngayong hindi mauubos ang oras ko sa maghapon sa pagmamanage ng kompanya at pagkukunwaring gusto ko iyon.
I could go shopping.
Natawa ako nang mapakla. Sobrang gulo ng buhay ko kaya ngayong wala na akong trabaho, ang unang pumasok sa isip ko ay ang lumabas at mag-shopping.
"What an spoiled little rich brat I am!" walang sigla kong nasambit sa sarili.
"Okay," bigla kong narinig, dahilan para gulat akong mapalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. "At least you're talking. Kahi sarili mo lang ang kausap mo, at least you're talking. Do that sometimes, you know. .My therapist says it's good therapy.”
It was my friend—Fiona. Puno ng pag-aalinglangan ang mukha niya habang nakatayo siya roon na para bang papasok sa dragon's lair or something.
Wala sa sariling natawa ako dahil ito ang the most confident person I had ever met at nakakagulat na makita ko itong hindi sigurado at nag-aalangan paminsan-minsan.
I had never seen her undaunted. Hindi ito ang klase ng taong madaling mag-alinlangan.
Nakikita kong lalo siyang nag-alala sa pagtawa ko. At dahil kaibigan ko siya, napalapit siya agad. "Are you okay? Ang sabi ni Manang Cita, matagal daw kayong nag-usap kanina ni Tito Anselmo."
"Sit down, dito ka sa tabi ko," masuyo kong utos dito.
Sumunod nga siya pero naguguluhan namang napatitig sa mukha ko. "Okay, so what's this? You don't exactly look like a grieving woman who's you supposed to be mending your broken heart. I mean, not anymore."
Napabuntong-hininga ako. "Oo nga yata." Hindi ko agad masabi sa kanya ang sinabi ko sa Ninong ko. Nahihiya akong ipaalam rito.
Ipinatong niya ang kamay sa balikat ko. "It's okay to admit that. My therapist said it's a whole lot better to be honest about your feelings. Mas madali nga raw 'yon para—”
"I don't wanna be rude, Fiona. But I really do care what your therapist saying right now.”
Natigilan siya, maging ako din. Bago pa man ang hinanakit sa mukha niya ay nakabig ko na ito at niyakap. "I'm so sorry!"
Hindi man lang ito nag-atubiling magpatawad.”I know. Pero kung ordinaryong araw ito, my dear, dila mo lang ang walang latay."
Napatawa na naman ako. "I know."
Pareho kaming nangingiti nang magtagpo ang aming mga mata.
Kusa na kumalas ako sa yakap namin. "Salamat sa lahat ng mga naitulong mo, Fiona. Sa laha lahat. Pati sa mga sobra-sobrang pag-aalala."
Tumango ito. "Nakapag-isip ka na ba? Alam mo na ba kung ano ang gagawin mo mula ngayon?"
Tumango ako. "I'm going away."
Muli itong tumango. "That's good," ulit na niya. Malamang na nakuha niya iyon sa lets therapist na iyon. "Do you know where you're going?"
Ang isiping iiyon ang bumagabag sa akin.. "Not yet.”
Totoo nga naman na hindi ko pa alam kung saan ako pupunta.
Habang nakatitig na naman mga bulaklak sa kabila ng bench na kintatayuan ko ay nagsimula akong magplano.
"Puwede sa Europe," suhestiyon ni Fiona nang mainip sa katahimikan ko.
“I've been to Europe about a million times. I don't wanna go there anymore.”
“States?”
“No. Somewhere na hindi ko pa napupuntahan.”
“Asia. Marami sa Asia.. ahmmm..” tila nag-iisip.
Umiling ulit ako. “Not now. What about Mars?”
Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.
“Just joking,” maagap na saad nya.
Napahawak pa ito sa dibdib niya. “Jusko!”
“You mean—” natatawa pa rin akong nakatitig kay Fiona . “sasamahan mo pa rin ba ako if I went to Mars?”
Pinandilatan niya ako. “Pwede ba, Doths? Tigilan mo nga yan. Kakaladkarin talaga kita pababa sa eroplano—ayy ano nga yung sinasakyan sa outerspace?”
“Spacecraft.”
“Righ. Spacecraft, kakaladkarin talaga kita pababa nun if that's the last thing I can do!”
Nangingiti akong napatayo at nagsimulang maglakad patungo sa likod ng bahay. Sumunod naman siya sa akin.
“Saan mo ba kasi talaga gustong pumunta?” tila kinakabahan na niyang tanong.
“Hindi ko rin nga alam, bestie. Pero I know I'll get around to that once I've figured out what I want.”
“And what do you want, Doths?” tanong nito.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Hindi ko pa rin alam.”
Pinigilan niya ang braso ko at iniharap ako. “Then think. Foget about Zephyr. Anyway he's just a little faggot who also happens to be a vampire at the same time that he's trying to be a parasite. Right?”
Hindi ako makapaniwalang mapatitig kay Fiona. “Iyon ba ang itinuro ng therapist mo na i-chant mo para makalimutan mong crush mo si Zephyr?” It was a common knowledge between us. Kaso, ako ang niligawan ng binata kaya ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa iba.
Iyon ang malaking pagkakaiba namin. Fiona was a bouncer. Ako, ngayon lang mabibigyan ng pagkakataon to bounce.
“Hindi. After that night at the party, I figured that out on my own,” mariin niyang wika. “He's a total turn off. An ”
“Zephyr is still a handsome faggot, if he's really a faggot. And he's an intellegent vampire because he knows exactly whose veins he's going to suck. I have very rich blood, full of minerals.”
Ang huling sinabi ko ay may kaunting bitterness sa tinig. “Now, tungkol naman sa kanyang pagiging parasite…” Napabuntong-hininga ako, saka napakunot ang noo sa iniisip ko. “I don't know. That still debatable. He only take it because he knows he's got something to offer.”
Fiona was staring at me now as if I had gone way out of my mind. Marahan kong pinisil ang kamay niya na napakapit sa kamay ko.
“Fiona, one day I'm going to be alright. Don't worry about me anymore.”
“Hindi madali ang hinihiling mo.”
Napabuntong-hininga na lang ako at itinuloy ang pagpasok ko sa bahay.
“Talk to me,” saad niya nang makahabol na ito sa akin. “Minsan, nakakatulong kapag may kinakausap, ‘di ba?”
Kinalimutan na niya ang therapist na tinutukoy niya. Galing na ito sa sarili niyang opinyon.
Marahan akong umiling. Lumampas kami sa kusina at dumaan sa dining room. Pumasok kami sa sala at nagsimulang magtungo sa direksyon ng hagdan. “I'm just trying to find out why I'm not happy with my life, that's all. Gusto ko lang may bago.”
“Scenery?”
“Pwede. Pero hindi lang ‘yon. I want to experience things I've never experienced before.”
“How about bungee jumping?”
Napalingon ako rito. Halata ko na naging seryoso ito bigla. Suhestiyon pa lamang, namumutla na siya. Ang laki ng takot nito sa heights. “Just kidding,” anitong nakangiwi sabay bawi sa sinabi.
Naiiling na ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Umakyat kami sa hagdan. “I want to go to a simple place where I've never lived before to try to find what I want.” I want to do ordinary things and see how it's like. Sumiguro kung makaka-experience ako ng umibang bagay, malalaman ko na kung ano ang perspective ko sa buhay.”
“Jusko! Naguguluhan ako sa ‘yo. Linawin mo nga, Doths.”
Sa second floor, inis kong hinarap si Fiona. “Look at me. Tell me what you see. Tell me what I am.”
Napatitig ito sa akin. “Well, Ahhmmmm..” humawak pa ito sa baba niya na animo'y nag-iisip ng sagot. “I see a beautiful hand with a pink band on an intellegent head and a cute bracelet on the wrist… Uy, ngayon ko lang yan nakita ah! Saan mo binili? Bakit hindi mo man lang ako niyaya?”
“Fiona—”
Natatawang umilag siya sa kamay ko na mangungutot sana. “Kidding! Hindi kasi kita makuha, eh. So, you're rich, beautiful woman who—”
“Stop right there! About my being rich—” Umiling-iling ako. “I don't wanna be that anymore.”
Sarkastiko siyang ngumisi at tinaasan ako ng isang kilay. “Really? Pero hindi pwede yon, kasi hindi mo mauubos ang pera mo kahit gumastos ka pa ng gumastos. Kaya huwag ka ng mangarap!”
Naningkit ang aking mga mata habang paliit hanggang sa magpantay na ang linya ng aking labi. “Well, I guess I just have to pretend.” Tinalikuran ko ang kaibigan ko at saka dumiretso ako sa kwarto.
“Are you crazy?” Sumunod na naman siya sa akin. At parang walang balak na tantanan ako sa pangungulit niya.
“Sawa na ako sa buhay ko. Gusto ko naman ngayon, yung buhay kung saan walang appointment to push through, walang perang pinoproblema kung paano gagastahin, walang oras na ginugugol sa activities na wala naman sa puso ko. Na hindi doon ang passion at gusto ko.”
Nalilitong nakatitig sa akin si Fiona.
“Life without shopping,” paglilinaw ko sa paraang madali niyang mauunawaan. “No credits card, no ready cash, no maids and no bodyguards, Get it?”
Napaawang ang bibig ni Fiona sa gulat at hindi makapaniwala sa narinig niya. “What? Oh, my God! You're going crazy!”
“No, I'm not. In fact, ngayon pa lang nangyaring nagjng kalinaw ang utak ko.” Binuksan ko ang aking closet, at inilabas ko mula roon ang isang malaking duffel bag. Inilapag ko iyon sa ibabaw ng kama at nagsimulang maglabas ng mga damit.
Nakatulala na pinanood ako ng kaibigan ko habang nag-aayos ko ng mga damit. Hanggang makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong maipasok sa bag kahit tambak na ang mga damit ko sa ibabaw ng kama. Naiinis na namaywang ako, at kunot na kunot ang noo.
“This things wouldn't do,” reklamo ko.
Pagkatapos ay tumalikod akong muli, nagbukas ako ng panibagong closet, at inilabas ko ang mga pambahay na mga damit. Iyong mga cotton dresses, shorts at T-shirts. Namili ako ng ilan sa pwede kong dalhin na simple lang at ipinasok ko ang mga iyon sa duffel bag.
“Are you serious, Doths? Really? I can't believe it.” hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan ko na si Fiona.
“Yes. I'm really dead serious.”
“Hindi mo man lang ba ako yayayain?” Angal niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. “You wanna come?”
Nagpapadyak siya. “Pero life without shopping? Naman!”
“Life without shopping and—” Napasulyap ako sa ibabaw ng nightstand. May kinuha ako roon. Pagkakuha ko niyon ay itinapon ko iyon sa isang kanto ng kwarto.
Lumagapak ang mamahaling cellphone na Iphone at nabasag.
Satisfied na sinalubong ko ang shocked na tingin ni Fiona. “And no cellphones, got it?”
Napalunok siya. “You have gone crazy!”piksi nito. “At hindi ako makakapayag na lumabas ka sa mundo nang nag-iisa. You might hurt yourself.” Madrama niyang sabi. Kapagkuwan ay.. “What will we pack?”
Kung hindi siya seryoso, humalagpak na sana ako ng tawa. “T-shirts and shorts. Jeans. Anything that not expensive.”
“Eh, di kailangan ko pa palang mag-shopping!”
Agad ko naman itong kinunutan ng noo.”Three hours. Kung wala ka pa rito before then, iiwan kita. Gotcha!”
Nagkandarapa itp sa paglabas ng kwarto ko.
Napangisi naman ako. Naiisip ko pa lang ay parang na-e-excite na ako. Itinuloy ko anv pag-iimpake.
***
“I can't believe this is happening!” nasambit ko habang nakatitig sa labas ng salamin sa usok na sumisingaw mula sa hood ng aming dalang kotse.
“Overheat,” maang na sambit ni Fiona.”We should have used your car.” Nang maalala niya kung bakit hindi nila ginamit ang kotse ko. Sa halip ang gamit namin na kotse ay anv second hand na ….na sinaunang kotse na mula sa kilala niyang mekaniko. “Or my car.”
Nadagdagan ang ngiwi sa mukha nito. “Or better yet, Marco’s car. Hindi naman siguro mate-trace ni Tito Anselmo ang kotse ng pinsan ko dahil hindi naman niya kilala si Marco.”
“He would, eventually. At isa pa, Marco has a brand new Ford Lynx. Mukha ba tayong mahirap kung may minamaneho tayong bagong bagong Ford Lynx?”
Tila makapag-isip-isip ako bigla. “Oo nga ‘no?” Tinap ko pati ang ulo ko. “Nabagok na siguro pati ang ulo ko.”
Bumaba ako ng kotse at binuksan ko ang hood. Lalong umalingasaw ang usok galing doon.