CHAPTER 3

1970 Words
Sabay kaming napaurong ni Fiona na umuubo. "My God! Do I have soot on my face?" Humarap ako sa kanya at tiningnan ko ang mukha niya. "Yes." Nang mataranta siya sa pagpipunas ng panyo sa mukha ay natawa ako . "Nope Binibiro lang kita." Tinapunan ako niya ng nakamamatay na tingin.. Napawi iyon nang mailibot ang paningin niya sa paligid. "What's this? Doths nasaan na ba tayo?" Napabaling din ako sa likod ko at inilibot ko ang mata sa paligid. "Still in Laguna. If we're not lost." Sinamaan ako ulit ni Fiona ng tingin saka sabay bawi ng sinabi ko. "I mean, hope—I hope we're not lost." "Tinatakot mo naman ako ,eh.Kanina pa tayo dapat nakarating do'n sa sinasabi mong pinaparentahang bahay ng kamag-anak ni Aling Cita, 'di ba? Eh, bakit ni isang bahay wala pa kong nakikita rito?" Aniya. We were standing in the middle of a dusty road that was in the middle of a grassy field. Ang kalsada ay hindi aspaltado, maalikabok sa panahon ng tag-init at putik-putikan naman tuwing tag-ulan. Sa di kalayuan, there were stretches of greenish hills. Sariwa ang hangin, walang halo ng usok o polusyon, pero tuyo ang lupa dahil sa init, mainit at uncomfortable ang pakiramdam ng singaw niyon. Tama nga siya. Wala ngang bahay kahit isa, kung saan kami natirikan ng kotse. Napatanaw ako sa tinatahak naming daan. Papaliko iyon. Ang nililikuan ay natatakpan na ng kakahuyan. "Maybe, it's that way?" tanong ko, umaasang tama nga ang daan na iyon. "Maybe?" Pinandilatan ako ni Fiona. "You're not sure?" "Sana isinama ko na rin sa rules 'yung 'no wailing," asik ko rito. Tumungo ako sa backseat at kinuha ko roon ang aking duffel bag. "Simulan na nating maglakad." "Maglalakad tayo? Really, Doths?" dismayado niyang sambit. Pinamaywangan ko ito. "Inay, kung nakikita mo ang kondisyon nitong kotse natin , hindi natin maayos 'to nang tayo lang. Wala tayong mahihingian ng tulong kung hindi tayo maglalakad. Gotcha!" sarkastikong sambit ko. Sumimangot si Fiona. "Pilosopa. Nagtatanong lang naman." Napangiti ako. "Malapit na lang 'yon. Konting tiis lang." "You've been saying that every twenty minutes and after twenty minutes sinabi mo pa ulit. Hindu pa rin tayo nakakarating. We're in the car then." pagrereklamo niya. "Tapos maglalakad tayo ngayon. Doths, naiimagine mo ba yun? Kalerke! When are you saying it again? After twenty years?" sarkastiko niyang angal. "Yeah, yeah. Right." Napapakanta pa ako habang sinasabi ko iyon. Ayaw kong mahata niya na kahit ako ay kinakabahan na rin. Nauso pa naman ngayon ang balitang may nang-re-rape at hindi na natatagpuang buhay. Ayokong maranasan namin iyon ni Fiona. Hindi pa nga kami nagkaka-jowa. Jusko Lord! Isa pa ay malapit na ring dumilim. "We can share this toblerone if you want. Pero kung masungit ka pa rin huwag na lang!" "Hindi. Sino bang may sabi na ayaw ko. Bati na nga tayo." sabay agaw sa hawak ko na toblerone at binuksan iyon sabay kagat agad. Nakangiti siyang habang pinapakita sa akin ang malawak niyang pagkakangiti na kahit gilagid ay kita na. "See? I'm happy. Sino ba ang masungit, Doths?" Hinati niya ang kinagatan niya ng chocolate bar pagkatapos ay iniabot sa aking ang kalahati niyon. Naawa ako sa kaibigan ko dahil sa mabilis na pagtanggal niyon ng balat at kinagat. "Kasi, sa susunod, huwag mo kasi agad kakainin ang baon mo." Nang makalunok ito, ngumiti siya na parang nakarating ng langit sa sobrang tuwa. "I swear. I'll never take chocolates for granted again." Napabuntong-hininga ako. "I'm sorry, Fiona." Namilog ang mga mata nito na napatitig sa akin. "Why? Maangal lang ako pero hindi pa ako gumi-guve up, huh?" "Kung hindi kita binitbit dito—" seryosong saad ko, hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Well, let's see." Tumingala siya sa langit at nag-isip. "Let's do a countdown. Ano na ang mga naranasan natin na hindi pa natin naranasan before na naranasan natin ngayon buong maghapon? We rode in a second hand car with no driver, no aircon, but with a map, so natuto tayong magbasa ng map. We ate in a turo-turo restaurant." "Karenderya 'yon, gagi." pagtatama ko sa kanya. " Okay. That's karenderya. I never taught meeting a kargadero with a punto in interesting," she added as an afterthought. "And then, nagutom ako. I mean, nagugutom lang ako tapos kapag tinatamad pa akong bumangon mula sa kama. See? Naa-achive natin kahit paano ang mga goals natin sa ginagawa nating ito. Now—" tumingin siya sa tatahakin naming daan. "Are we really gonna walk that mile of dusty road?" Angal na naman nito. Nakangiwi naman akong napatango. "We have no choice. Kasya naman abutan tayo ng gabi rito. Baka ma-rape pa tayo." "Gaano pa daw ba kalayo iyong teachers billage na tinutukoy ng yaya mo?" "Ang sabi ni Manang Cita, dito lang 'yon. Nilampasan na natin yung karenderya na may sign na Kainan ni Aling Ising, 'di ba? Well, there would be a forked road ahead. And we took the left—" "No, Doths. We took the right." "Pero sabi ni Manang, left daw." Napamaang na siya sa akin pagkasabi ko niyon. "Then, why did you take the right?" hindi siya makapaniwalang nagtanong. Magkasalubong na ang tuwid nitong kilay. "Right ba ang nilikuan ko?" Inosente kong tanong. Nakagat ko ang dulo ng aking daliri. Sunod-sunod naman itong tumango. "Are you sure?" tanong ko ulit para makasigurado ako. Baka ay nabibingi lang ako sa sinabi niya. "Of course I'm sure! You took the road on my side—the passenger side. You took the right, Doths. Is it clear na?" Napakamot na lang ako sa ulo at parang gusto ko na lang batukan ang sarili ko. Nanlambot akong napasandal sa kotse. "Then add this to your list of achievements. We get lost." "Uhhhh!!" Napasandal na lang si Fiona sa tagiliran ng kotse, not minding the dust anymore. "Anong gagawin natin ngayon?" Nakatanaw ako sa pinanggalingan namin dalawa kanina. "Maglakad tayo pabalik." "Pero, Doths, it's been an hour since you took the right!" "Exaggerated ka. Thirty-five minutes lang." "It felt kike like hours," depensa niya sa sarili. "I was looking at my watch,"sabi ko. "Sinabi mo, eh. Ikaw bahala." Napabuntong-hininga ako. Pagkatapos niyon ay sabay kaming napatawa. "Ang pawis natin!" sambit niya. Napabuntong-hininga ulit ako. Lagkit na lagkit na rin ang pakiramdam ko. "Ang mabuti pa ay magsimula na tayong maglakad dahil malapit na tayong abutan ng dilim. Baka totoo din yung aswang." Sabay naming kinuha at isinukbit sa aming balikat ang kanya-kanya naming bag. Pareho kaming hindi sigurado na tumingin sa magkabilang direksyon. Iyong pinanggalingan namin at iyong hindi pa namin dinaraanan. "Let's take that road," sabi ko, confident kong sabi dahil ang itinuturo kong daan ay ang kaliwa na hindi pa namin nadaanan. "Hindi ka ba natatakot sa pinaggagawa natin, Doths?" biglang tanong ni Fiona. "Kanina pang tanghali nang umalis tayo ng bahay." "I knew you'd choose that road," maktol na naman niya habang nagsisimula nang humakbang na parang nirarayumang matanda. "You can protest if you want " Sinulyapan niya ako. "I can't spoil the fun when you're running the show. Saang kapalpakan mo na naman kaya tayo dadalhin pagkatapos nito?" "We can come across gangsters along the way and then we'd get gang raped," suhestiyon ko, itinatago ko ang takot na nararamdaman ko sa naiisip ko. Tila kinilabutan din ang kaibigan ko pero hindi siya kumibo. "Or we can be stranded in the dark and we'd get bitten by vampires o kaya naman aswang na lang," hindi papatalo nyang sabi. "I can't wait!" Tili niya. Nagkasulyapan kami pareho. Pagkatapos ay awtomatiko kaming nagdikit bago namin ipinagpatuloy ang paglalakad. Sampung minuto na kaming naglalakad pero wala pa rin kaming mahagilap na kabahayan. Nagsisimula na ring dumilim. Kapag nagkaroon, wala na talaga kaming makikitang kahit na ano. "Bakit mo kasi naisip na dito mag self-seeking sa Laguna?" biglang natanong ni Fiona matapos ang ilang minuto pa ng walang direksyong usapan para makalimutan namin ang kaba. "I mean, we could have gone anywhere. Bakit mas pinili mo rito sa mas liblib na lugar?" "Exaggerated na naman si Inay ko. Hindi ko naman sinabing liblib, ang sabi ko, tahimik. Hindi ko alam na ituturo tayo ni Manang Cita sa lugar kung saan tayo maaaring mapahamak?" Saad ko na tila may halong biro. "Manang Cita told you to turn left. You turned right," sarkastiko niyang paalala ulit. "And we should have gone back to take the left turn again. Pero you opten going on." "Fyi, Hindi naman tayo nawawala, ah. Nasa Laguna pa rin naman ito." "Pero why nga? Bakit sa dinami-rami naman ng lugar na mapupuntahan na tahimik, dito pa talaga sa Laguna." Napakibit-balikat ako. "Laguna is Louise province." "Who?" "Louise. Ninong Anselmo's Louise." "Iyong pinagkuhanan ng pangalan mong Aloisia?" "Oo," sgoy ko habang tumatango. Ipinasok ko ang isang kamay sa bulsa ng suot kong maonb na shirts. Guess iyon, na ngayon ay puno na ng alikabok. "Tell me about her," interesadong saad ni Fiona. Madilim na. May kaunti pang liwanag at nahihirapan na akong makita ang mukha ng kaibigan ko. Itinuon ko anv isip sa hiling niya para makalimutan ko ang kaba dahil maabutan na kami ng takip-silim. "Si Louise ay katulong ni Ninong Anselmo sa bahay na nilipatan niya noong tumatanggao na siya ng suweldo bilang apprentice ng Papa niya sa kanilang family business." Humugot muna ako ng hininga bago ako nagpatuloy muli. "He fell in love with her, and it was like living together like a husband and wife for a while for them. All the while the clock was also ticking for them." "Bakit?" usisa ng kaibigan ko. "Engaged to be married na si Ninong sa mama ko noon. Agreement iyon ng kanilang mga magulang noong mga bata pa sila para mapag-merge nila ang kanilang mga negosyo. Kapag hindi natuloy ang kasal, Ninong Anselmo will lose everything, ang mana niya at ang posisyon niya sa kompanya nila. Hindi na bale na iyong mana, but he loved the family business, and for a while, akala niya, matitiis niyang maging mistress lang niya si Louise." "Pero everyday, habang nalalapit iyong nakatakdang panahon na pagpapakasal nila ng mama ko, sabi niya ay lalong napapamahal sa kanya ang kanyang katulong. Hanggang sa mabuntis si Louise, and he knew na hindi maaaring hindi niya ito pakasalan. She had reached the highest place in his heart, mas naging mataas pa kaysa sa pagmamahal niya sa negosyo ng kanilang pamilya." "Napahugot ng malalim na hining ang kaibigan ko. "But what happened?" Of course, alam niyang may masamang nangyari dahil hindi magkasama si Louise at ang Ninong Anselmo niiya ngayon. "Well, Louise left him." "She did? I mean, I know she did leave him dahil hindi na nga sila magkasama sila ngayon, pero she did it on her own? Walang nagmaltrato sa kanya tulad sa mga pelikula? Hindi ba siya nilait-lait ng mga parents ni Tito Anselmo at pinagsasampal gaya ni Maricel Soriano?" Natatawa kong sinipa anv naramdaman kong bato sa paanan ng nilalakaran naming daan. Pareho namjng nalanghap ang umakyat na alikabok. Ganoon katuyo ang lupa at mukhang hindi man lang nadalaw ng ulan. "No," wika niya. "Ang hinala ni Ninong Anselmo, hindi raw matiis ni Louise na mawalan siya ng mana at maghirap. It seemed that Louise had a mind of her own. Hindi raw basta mababali ang kanyang mga desisyon nang kahit dinong tao, that's why he loved her more and more noong nagtatagal na ang kanilang relasyon. That's why it broke his heart when she left him." Punong-puno ng panghihinayang ang mukha ni Fiona. "Paano ang kanilang baby? Hindi na ba niya nakita pa si Louise? Or kahit man lang hanapin o ipahanap niya si Louise total ay mayaman naman ang Ninong mo." Patuloy lang kami sa paglalakad. "Ginawa niya, pero hindi niya natagpuan pa si Louise. Hindi rin natuloy ang kasal nila ni Mama, of course."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD