"Are you sure this is what you want?"
Tiningala ko ang mukha ng mapag-alala kong Ninong Anselmo. Ang nakita kong awa na nasasalamin sa mga mata niya ang lalong nagbigay sa akin ng determinasyong ituloy ang aking binabalak.
"Yes, Ninong. Wala rin naman akong silbi rito. You can run Blaze Electronics even with your eyes closed." Napabuntong-hininga ako. "Ayoko nang magbulag-bulagan pa. Ayaw ko nang ipilit yung bagay na hindi ko naman po talaga gusto."
"Pero para sa pansarili mo ring interes iyong ikaw mismo ang nagma-manage ng negosyo," wika niya sa mababang timbre ng boses na laging nakakaaliw sa aking pandinig. He had this whole, developed voice na pinag-mellow na ng pagtanda. "You know that."
"Kaya nga ipinagbibili ko na sa 'yo ang lahat ng shares ko, 'di ba? I would gladly give it to you, if you'd let me." Iyong huling pangungusap, papahina na mo ng binanggit..
Bumabagsak na rin ang mga balikat ko dahil sa pagod. Sumusuko na ako. And I think hindi ko na kaya.
“Hija.."
Nagbaba ako ng tingin. "Kasalanan ko ito, Ninong. I never should have been so unseeing. I should have felt what was happening… naging pabaya ako."
“Hindi mo ito dapat isisi sa sarili mo, hija, ” sabi niya, ang boses ay puno ng pagkabahala. “May mga pagkakataon na hindi natin kayang kontrolin ang lahat, kahit gaano pa tayo kalapit sa mga tao.”
“Bakit ganito ang nararamdaman ko, Ninong?” sagot ko, puno ng lungkot ang boses ko. “Parang nawawalan na ako ng silbi. Ang dami kong naisip na plano, pero sa huli, nagtatago lang pala ako sa likod ng isang pangarap na hindi ko talaga gusto. Pangarap na hindi talaga para sa akin, dahil ayokong madisappoint ko si Papa.”
Noon nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni Ninong. Nakakulong na ako sa nang-aalong yakap niya. Isinubsob ko ang aking pisngi sa dibdib niya, gaya ng nakasanayan kong gawin mula pa noong bata pa ako, at tahimik akong umiyak doon.
Ilang buwan na ang lumipas mula ng insidente kay Zephyr and Brielle. Hindi ko pa rin nagagawang makalabas ng bahay at tanging ang Ninong Anselmo ko at si Fiona ang nakakabisita sa akin.
Wala din naman akong balak na lumabas. Nakakawalang gana.
Ngayong umaga, nadatnan ako ng matanda sa hardin habang nakatitig ako sa mga rosebushes pero hindi doon ang atensyon ko. Malayo ang takbo ng isip ko.
"I cannot let you give up the company, hija. It's your legacy more than mine. Without your father's genius, wala sanang Blaze Electronics."
Hindi ako pumayag. "You deserve it more than I ever could. You love the company more than life itself."
Marahan siyang umiling, nalulungkot. "But I love you more than the company and we're going to share it 'til I'll die, hija. And that's my decision. Hindi ako bibili.”
Namutawi ang panghihinayang sa aking mukha. But more or less, I had expected this. "Madaya ka, Ninong. Alam mong hindi ko makakayang ipagbili `yon sa iba."
Marahan niyang pinisil ang aking pisngi. "Kung gusto mong bitiwan ang pamamalakad, then I can accept that. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Huwag mo lang ipagbibili ang share mo sa company. That's what your father would have wanted for you."
"He's dead," nasabi ko. "Ginugol ko ang buong buhay ko sa pagsunod sa mga bagay na alam kong maaari niyang magustuhan. But he's dead." Naikuyom ko ang aking mga kamay sa dibdib ng Ninong ko. "What do you still want from me?"
Napaurong ang ulo niya at napamaang sa akin. Nakaawang ang bibig nito habang gulat na nakatingin sa akin. Nakagat ko bigla ang ibabang labi ko. I didn't expect na madudulas ang dila ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko.
Ayan na, nasabi ko bigla iyon nang hindi ko man lang pinagisipan at nabigla ako sa paraang inaasahan ko.
My father was an inventor. Ang talino nito pagdating sa electronics noong panahong hindi pa nauuso ang high-technology appliances ay pinaniwalaan nang lubos at sinuportahan ng matalik nitong kaibigan ang aking Ninong Alselmo. Ninong Alnselmo also happened to be a good businessman at ang partnership niya at ng ama ko sa isang kompanya ang bumuo al nagpatibay sa Blaze Electronics.
Ngayon, ang Blaze Electronics ang nangunguna sa pamamayagpag sa Asia, sikat at kilala kahit sa mga kompanya sa ibang bansa.
Pero namatay na nga ang papa ko five years ago.
Nasa college na ako noon—isang masunuring anak na hindi nabigyan ng sapat na atensiyon mula sa aking ama.
And I knew why. Namatay ang aking mama sa panganganak sa akin. Kaya siguro parang ako ang sinisisi ni Papa.
Ang sakit na dulot ng pagkawala ng aking mama ay tila tumatak sa puso ni Papa, at labis ang kanyang pighati. Parang ako ang paalala kung bakit nangyari iyon.
Sa kasamaang palad, lumaki ako at nagdalaga na kamukhang-kamukha ko ang aking ina. Na mas lalong naaalala ng Papa ko ang sakit na nangyari ng araw na iyon.. I understood that, kaya hindi ako nag-demand ng atensiyon mula sa kanya. Hinayaan kong ituon niya ang atensyon at oras sa mga inventions niya na una talaga nitong talento at gusto.
He had loved me in his own special way.
Pero naging multo ang aking ina sa pagitan namin ni Papa. I would sometimes wake up at night with him crying near my bed. Lagi-lagi na lang niyang iniiyakan ang aking inang si Dhulce. And he would tell me that he loved me, na sana ay maunawaan ko ito.
Noong namatay ang aking ama, ang bigat ng obligasyon na naiwan niya sa kompanya ay nalipat sa aking mga balikat. Minarapat kong lumipat ng kurso. Kumuha ako ng Business Administration, at nagtapos ako ng may matataas na mga marka.
Pero sa unang taon ko pa lang sa kompanya ay nadiskubre ko kaagad na wala roon ang puso ko. Na hindi para sa akin ang passion na iyon. My position as part of the administration team could be performed much better by a person who lived, and loved electronics.
Tulad ni Zephyr.
Sa una pa man, nakita ko na sa dedikasyon nito at talino ang mga pinagsamang talento ng papa ko at ng Ninong Anselmo ko. And I could not fool myself anymore. Matapos ang ilang buwan na pag-iisip, hindi ko na maiwasang hindi harapin ang katotohanan tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ganoon kabilis akong na-attract sa binata.
Noong nanliligaw pa lang ito para hindi ko na ito magawa pang bastedin.
"Bakit nga ba ako magpapakasal sana kay Zephyr, Ninong?"
Tila naguguluhan kong tanong, hindi agad siya nakasagot.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga pisngi sa pamamagitan ng likod ng aking palad at tinalikuran ko siya. Humarap ako sa mga bulaklak na sa tingin ko ay kulang sa kulay nang mga sandaling iyon. Lahat ng dinidibdib ko sa matagal nang panahon ay nakatakda ko nang sabihin sa kanya.
"Kasi, gusto kong lumaya, lumaya sa responsibilidad ko sa kompanya, lumaya sa responsibilidad ko sa pangalan ko." Tumingin akong muli nang diretso sa mga mata ng Ninong ko. "Ninong, nakita ko sa kanya ang pagmamahal sa kompanya na dapat ay ako ang nakakadama. You saw that, too. He loves electronics, he knows what it's all about and I don't…” sagot ko.
"And so I held on to him. Kahit hindi ko maramdaman sa kanya 'yong ligaya at sakit ng pag- ibig na naramdaman ni Papa kay Mama o 'yong pagmamahal na bulag sa lahat ng bagay, tulad mo noon kay Louise. Hindi ko maramdaman sa kanya ang true love. Minahal ko lang siya dahil akala ko ay maisasalba niya ako sa kulungan ko, Ninong."
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa akin. "You consider Blaze a prison?" bulalas niya, mas shocked pa sa rebelasyong ito kaysa iyong kanina.
Malungkot itong tumango. "At kung hindi nangyari 'yong nangyari sa amin ni Zephyr, mas lalo sana akong nakulong, tulad ni Mama noon kung natuloy ang kasal ninyo, right? Because I don't really love Zephyr, Ninong. Hindi ko siya totoong mahal."
Pumalit ang lungkot sa pagkamangha sa mukha niya. Napalapit ako rito at marahang hinaplos ang pisngi niya. It was a coarse cheek, but I loved it nonetheless. He had a beard that already had specks of white in it. Halatang isang kagalang-galang na matanda.
At iyon ay kung ano siya, isang minamahal na marangal na tao.
"Don't be guilty, Ninong. Mangyayari iyon kahit hindi mo ipinadama ang pagboto mo sa kanya. It was waiting to happen. Wala kang kasalanan."
Namamasa ang mga matang nginitian ako nito. "You my Dorothy, is the best thing that has ever happened to me. At hindi ko gustong nakikitang nalulungkot ka.”
Agad ding namasa ang mga mata ko. Nang mga sandaling iyon ay punung-puno ang puso ko ng pagmamahal para sa kanya. "At hindi ko rin po gustong makitang nalulungkot kayo dahil sa akin, Ninong."
Nagyakapan kami. Matapos ang ilang sandali nagsalita ako sa mas matatag na tinig.
"Iyong posisyon na iiwan ko sa kompanya, gusto kong iwan kay Zephyr."
It seemed na inaasahan na nito iyon. "I should fire him for what he did to you," maktol nito.
"You won't. First and foremost, you're philanthropist. Napatunayan na ni Zephyr kung gaano niya kamahal ang Blaze Electronics and whether you want to believe it or not, you wanted to give him that chance. I will. And I know it will be the best decision that I could ever make for the company.”
“Pero, Doths ano na lang ang sasabihin ng mga tao?" Pilit pa rin niyang pinanghahawakan ang pride. At parang ayaw pa rin niyang maniwala sa akin na desidido akong bitawan ang kompanya.
Kusa akong napangiti . "Don't fool me. Kailan ka pa nag-alala sa sasabihin ng ibang tao, Anselmo Ortega?"
Nag-aatubili na rin siyang ngumiti. "Your story has been discreetly playing in the society pages, hija," paalala nito.
Napangiwi ako sa sinabi niya. "I know. But I know Zephyr's suffering more than I do. Siya ang mas grabeng napahiya."
"Ikaw ang babaeng inapi at pinagtaksilan nila!" mariin niyang paalala.
Natigilan ako. Bumigat na naman ang aking dibdib pero hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa isa pang dahilan.
"Maybe one day, I'd fall in love," bigla kong nasabi. Sumulyap ako rito. "Tulad nina Papa at Mama. Tulad mo at ni Louise. And then, maybe, hindi ako mabibigo tulad ninyo. It'll be a happy-ending story."
Agad ako nitong niyakap, mas mahigpit, punung- puno ng awa at simpatya. Pagkatapos ay masuyo akong hinalikan niya sa aking noo.
I knew there were tears unshed in his eyes nang iniwan na ako nito sa hardin.