Habang nagku-kwentuhan kami ni Fiona. Hindi na rin namalayan na tuluyan na nga kaming inabot ng gabi sa daan. Wala kaming dala kahit na ano dahil nasa rules nga ang no cellphones.
Kahit flashlight ay wala rin akong nadala. Hindi ko naman kasi akalain na ganito ang mangyayari sa amin.
"Paano tinanggap ng Mama mo na ayaw ituloy ni Tito Anselmo ang kasal?" tanong ni Fiona sa akin.
"Actually, nakapag-usap sila nang masinsinan at ipinagtapat din ni Mama na mahal niya si Papa, na best friend ni Ninong noon at isa ring mahirap na tao. Pareho silang nagpakatatag at humarap sa kanilang mga magulang para sabihin ang kanilang desisyon, na hindi na nga sila magpapakasal."
"And then, anong nangyari?" sabik na tanong ng kaibigan ko.
Sa dilim ay napangiti ako. Una kong narinig ang kwento mula kay Njnong Anselmo, noong ako ay sixteen at kasinsabik ako at excited sa pakikinig ng ikwento sa akin iyon noon tulad ng kaibigan ko ngayon na sabik na sabik rin na ikwento ko sa kanya.
"Pareho silang itinakwil. Parehong inalisan ng mana."
"Oh, no!" Napahawak pa si Fiona sa bibig nito sa gulat.
"Oh, Yes. Inakala siguro ng kanilang mga parents na kapag ginawa nila 'yon, magbabago ang isip sina Ninong Anselmo at Mama. Kaso, matatag sila sa desisyon nila. Lumayas si Mama ng bahay nila at nagpakasal sila ni Papa nang lihim sa isang judge sa ibang lugar para hindi sila masundan ng impluwensya ng families nila ni Ninong. They went back to Manila, and after four years, namatay si Mama sa panganganak sa akin."
Sandali akong natahimik, bigla akong nalungkot ng maalala ko iyon. "Ninong Anselmo told me na sobrang nagsisi sina Lola. Nagbigay ang mga ito ng malaking puhunan bilang tulong sa kompanyang sinimulan ng partnership nila ni Papa. Hindi sana tatanggapin ni Papa ang tulong na iyon pero lumuhod sina Lolo at Lola sa harapan niya. Tinanggap na rin niya iyon pero inilagay niya sa pangalan ko lang."
"What about, si Tito Anselmo?"
"Si Ninong, mas matigas. Noong mamatay ang mga parents niya, sa kanya rin napunta ang mana niya, kaya lang ay ibinigay niya lahat iyon sa charity para sa mga batang walang mga magulang."
"Dahil naiisip niya ang kanyang anak?"
Tumango siya. "Pero masuwerte ako, kasi yung pangungulila niya sa sa anak niya, sa akin nabuhos. Alam mo namang parang father ko na rin si Ninong Anselmo."
Madilim na madilim na. Ngayong natapos ko na ang kwento tungkol kay Ninong Anselmo ko at Louise wala na kaming pampuwang sa katahimikan.
"Dumidilim na, kung 'di mo napapansin," puna ni Fiona.
"Kapag nagtatagal sa dilim, lumilinaw na rin ang paningin mo, 'no?" pampalubag-loob ko rito.
"I still prefer a flashlight," hindi naglubag ang loob na sabi niya.
"Coward."
"Sus! Kaya pala masasakal na ako sa kapupulupot mo."
Napahiya ako, niluwagan ko ang pagkakakawit ng braso ko sa leeg niya. "Sobra ka naman,."
Biglang sabay kaming napatigil. May naririnig kaming ingay ngunit baka guni-guni lang namin iyon. Ngunit palakas ng palakas ang tunog niyon na parang papalapit sa amin.
At mula sa di kalayuan, natanaw namin ang parang mga jeepney, tatlo iyon base sa headlights at magkakasunod pa.
"Fiona!" Sigaw ko.
"Yehey! We're in luck!" Nagtatatalon pa ang kaibigan ko sa sobrang tuwa.
Kakaway na sana kami nang bigkang lumiko ang unang sasakyan sa kaliwa, sa isang kantong hindi namin nakikita.
Natulala kami nang sumunod din ang dalawa pang jeep.
"Wait for us!" Paos na sigaw habang tinatawag ng kaibigan ko ang mga ito.
Ngunit hindi man lang iyon tumigil at dire-diretso lang ang pagpapatakbo sa lubak-lubak na daan.
"Halika na!" hinila ko siya. " Let's go."
Sa di kalayuan, sa likod ng manipis na parte ng kakahuyan, ay natanaw namin ang nagbukas ng ilaw.
Sabay na naman kaming natigilan.
"Fiona, nakikita mo ba ang nakikita ko?"
"Kung fluorescent light ang nakikita mo, oo," kinakabahan niyang sagot.
Pareho kaming natatakot na baka dahil sa sobrang kagustuhan namin na makakita ng bahay, nag-iilusyon na kaming pareho.
"Does that mean na may bahay papasok doon?"
"Kung itinutuloy kaya natin ang paglalakad para malapitan natin agad?" Anito.
"Good suggestion, friend. Oh siya, ikaw ang mauna." Itinulak ko ito ngunit mahina lang iyon.
"Ayoko!"
"Sino ngayon ang coward?"
"P-paano kung.... paano kung—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bukod sa naunang liwanag kanina na nakikita nila, ay nabuhay ang iba pang mga ilaw sa likod ng kakahuyan. Natulala kaming dalawa at hindi kami makagalaw sa sobrang takot.
"H-hindi lang iisang bahay ang ibig sabihin non 'di ba?" kinakabahan na tanong ko.
"Sabi ko nga lapitan na natin, eh.'
Dahil sa posibilidad na hindi lang iisang bahay ang naroroon, nabawasan ng kaunti ang takot namin. Walang anu-ano ay nagmamadali kaming naglakad palapit sa direksyong iyon.
"Pagod na pagod na ako sa kakabitbit ng bag na ito," reklamo ni Fiona, habang nagmamadali sa paghabol sa mabilis kong mga hakbang.
"Di ba, sabi ko sa iyo, kaunti lang ang dalhin mo. Punong-puno iyang bag mo, eh."
"Kuha na lang nga ako ng kuha kanina sa rack. You gave me three hours! Nakalimutan ko pa ngang bumili ng ilang toiletries...."
Sa di kalayuan kung saan nakatutok ang aming mga mata, nagbukas pa ang ilang mga ilaw hanggang sa nagliwanag na ang bandang itaas sa kabila ng kabahayan.
"Anong tawag ni Aling Cita sa pupuntahan natin?"
"Sitio Maligaya."
"Hindi kaya 'yan na 'yon? The light is extending far. Hindi lang iilang bahay iyan, 'di ba?" patuloy na pagtatanong niya.
Ang kaninang lakad namin ay naging takbo na. Nang makaliko kami sa kanto at tumambad na sa aming paningin ang kanina pa naming hinahanap na mga kabahayan. Through the opening in the trees ay nayakap namin ang isa't-isa sa sobrang tuwa.
"Houses, Houses! I never thought seeing houses would make me feel this glad!"
Nahila ko na ang madrama kong kaibigan. "Halika na bago ka pa mag-iiyak dyan."
"Teka naman, ang bag ko."
Iniwan namin ang maalikabok na daan at pumasok kami sa trail na magdadala sa amin sa unang bahay na aming malalapitan. Nakaharang sa amin ang kahoy na gate.
Sa loob, naririrnig namin ang mga halakhakan. The voices were familiar enough for us to discern that they were boys. Iyong nagsisimula pa lang mag binata.
Nagkatinginan kami agad.
"Itatanong lang natin kung ito ang Sitio Maligaya and then let's look for the house we're looking for," suhestiyon ko.
"Sige." Hinanap ng kaibigan ko ang doorbell sa kahoy na gate. "Walang doorbell."
"Hindi siguro 'yon uso dito," sabi ko. Ang mga tarangkahan ay iyong gawa sa kamay. Mga kahoy at kawayan na unpolished at pinukpok para lumubog sa lupa.
Ang mga bahay naman ay gawa sa kahoy at ang bubong ay yero o nipa.
Ang sabi ni Aling Cita, ang Sitio Maligaya ay isang teacher's village. Iyon ay proyekto ng isang mayamang pilantropang nagtatag ng unang pampublikong guro at mababayaran sa pagkaltas ng unti-unting sweldo.
Pare-pareho ang mga sukat ng mga bakurang natatanaw naming nakahilera hanggang sa dulo. It fitted the description of a pabahay projects of the government.
"Hindi ba parang nakapagtataka na kung kailan madilim na madilim, eh, saka nagbukasan ang mga ilaw? Halos sabay-sabay pa."
Inis na napabaling ako sa kanya. "Dito pumasok ang mga jeep kanina, 'di ba? Ngayon lang sila umuwi. Tawag na tayo sa loob so we can get on our way," aniya.
"Tao po!" Tawag ko .
Sa ikatlong , Tao po! Ay nabawasan ang ingay sa loob. Humina rin ang ingay ng pinupuslit na tubig hanggang sa tuluyan nang mawala iyon.
Nang magsilipan ang mga ulo ng siguro ay may limang teenagers na lalaki, nakadama ako ng relief. Sa wakas, may mga tao na kaming makakausap.
When the talk man wearing only a pair of cut-off jeans that was as wet as his whole body from the curly hair to the toes appeared behind the teenagers.
I thought it would faint. I stare as Fiona murmured "Mama Mia.!"
He was gloriously sexy, like wearing almost nothing. His wet hair was swept back, allowing anyone to see the awesomely handsome face.
Kahit sa liwanag mula sa buwan at tama ang ilaw mula sa harapan ng bahay. He had all , he's muscle all over, and his chest was smooth musceled and seemed to quietly ask to be touched.
"O-oh, my...' pabulong kong sambit.
Patuloy sa paglapit sa amin ang lalaki, may pagtataka nang rumehistro sa mga mata nito. He had eyebrows that were dangerous when he started to frown.
And I thought I could drown myself in those eyes forever.
Sa tabi ko, may sinasabi na naman si Fiona. "Add this to the list. We met a Roman god in Laguna."
I could not dare to disagree.
****
ELIEZER AGUAS POV
Nakatanaw siya sa dalawang teenagers sa labas ng gate, hindi malaman ni Eliezer kung maiinis o matatawa siya.
Pero pinigil niya ang sarili. They both looked cutely dumbstruck, as if he had walked on to them naked. Iyong isa sa kanan, parang handa siyang sunggaban.
Iyong isa sa kaliwa, parang hihimatayin sa takot, parang gutso niyang kalugin sa magkabilang balikat . She looked too innocent para magtungo pa rito sa Sitio Maligaya ngayong gabi.
"Sino kaya sa kanila ni j**s ang pinuntahan ng mga ito rito?"
Ang mga batang iyon talaga....
Noong malapit na siya sa dalawang babae ay saka niya narealize ang kanyang pagkakamali. Hindi teenagers ang mga ito, though their T-shirts and shorts and rubber shoes could fool anyone. Isa pa ay hindi katangkaran ang mga ito.
Sa di maliwanag na ilaw sa labas ng gate, madaling mapagkamalan ang mga ito.
Nang makalapit na siya nang tuluyan sa mga ito na nakatayo na sa gate, natagpuan niya ang sariling hindi maialis ang tingin sa maamong mukha ng nasa kaliwa. Gusto niyang pagalitan ang sarili.
Eliezer, it's just a beautiful face.
"May I help you?" He almost winced nang mapansing napapitlag ito. His voice sounder unwelcoming even to his own ears.
"Hi—!"
Nalipat sa kasama nito ang mga mata niya. Mukhang hindi ito apektado. Nakangiti pa ito sa kanya.
"Good evening," aniya.
"Good evening. Ako si Fiona, and my friend here is Doths." Sabat ng kaibigan nito.
Napatingin siya kay Doths. An exotic name. Nagdesisyon siyang bagay iyon dito nang magbaba ito ng tingin at ma-expose sa kanya ang mahahabang produced shadows on her face and she looked mysteriously... That.... Exotic..
"May we know who you are?" tanong niya ulit.
Ang babaeng nagpakilalang Fiona anv nagtanong.
Napangiti siya muli rito at itinago anv ngiti nang bigla iyong ngumiti ng matamis.
Cute.
He opted to cross his arms on his chest dahil halatang naaasiwa roon si Doths. She kept looking at it in this awkward sort of way, at pagkatapos ay iiwas ang tingin, pero sisilip muli.
"I'm Eliezer, at your service."
Mukhang lalong nabuhay ang mukha ni Fiona sa sinabi niyang at your service.
"Well, Eliezer," sabi nito, "hmmm. Naliligaw kasi kami. We're supposed to go somewhere, kaso tumiril yung kotse namin sa daan at pagod na pagod na talaga kami. Galing pa kami roon, oh!" Itinuro nito ang daan patungo sa tabing-dagat na parang isang batang nagsusumbong.
Napakunot ang kanyang noo. "Sinong pupuntahan niyo sa tabing-dagat?
"Hindi sa tabing-dagat. Is that a place? Anyway, ang pupuntahan kasi namin is a place called Sitio Maligaya."
Biglang napaangat ang kanyang mga kilay.
"Ito na ang Sitio Maligaya."
"Really?" pumiyok pa ang boses nito habang naniniguro.
"Sana, iyong kaliwa ang nilikuan niyo para nakapasok agad kayo sa bukana ng Sitio. Napalayo pa kayo at umikot. Dulo na ng Sitio Maligaya itong bahay ko."
Napaawang ang bibig ng dalawa.
TO BE CONTINUED........