CHAPTER 5

1884 Words
DOTHS POV Sa narinig hindi ko malaman kung makakaramdam ba ako ng relief o maiinsulto. Lalo na nang naninising tingin ni Fiona sa akin. At sumunod sa kanyang mukha ang naninisi ring tingin ni Eliezer. Inunahan ko na itong magsalita. Kilala niya ang kaibigan. Kapag ganito ka-attractive ang isang lalaki, she will delay, beat around the bush. Kerengke g kasi. Besides, he was rude. Mula sa simula, seryosong -seryoso ang mukha niyo. Almost severe, like a strict schoolteacher. Kulang na lang, ipagsigawan nitong nang-iistorbo kami sa kung anumang ginagawa nila sa loob. "May hinahanap kamingbbahay na pinarerentahan ng aking— I mean, nag kaibigan ng nanay ko. May kilala ka bang Cresilda Magdato?" Tumango ito. " Sa bukana. Pero anv alam ko narentahan na iyon noon pangbisang linggo." "Ha?" nanlalambot kong sambit. Nagsalubong ang mga tingin naming magkaibigan. Kahit ito ay hayagang nadisappoint sa balita. Bagsak ang balikat nila sa nalaman. This meant we would have to go back to town which was kilometers away. Pagkatapos ay nakatirik pa nga nga ang aming sasakyan. How will we be able to go back? "Add this to the list. We're stranded," ani Fiona. "This isn't an island," protesta ko. "Maybe we can find someone na may sasakyang mababayaran natin para ihatid tayo sa bayan," umaasa ko paring wika. "Pwede ba, Doths? I'm so tired, I'm so hungry, I'm so thirsty at nanlalagkit na tayong dalawa sa alikabok. Let's take a break muna, okay?" Pinandilatan ko ito. Alam ko syempre ang dahilan kung bakit ang arte-arte nito at sobrang overacting. Umepekto naman iyon at nahalata ang gusto kong iparating. "Ang mabuti pa'y pumasok muna kayo at maupo. Ipaghahanda ko kayo ng maiinom." Anito ng lalaki. With a brilliant smile na natalo pa ang liwanag ng buaan, Fiona turned to the man. "Naku, Salamat! Ang bait-bait mo naman." He smiled, a tolerant smile, na para bang nagsasabing bulok na rito ang style namin. Napapahiya na ako. He was really rude, and I didn't like his attitude. Guwapo pa naman suplado pala. "May sari- sari store naman siguro dito. Doon na lang tayo, Fiona. Bumili na lang tayo ng soft drinks at biscuits," kapagkuwan ay sabi ko. Bumaling sa akin ang kaibigan ko at tumitig na parang nagsasabing nawawala na ako sa aking bait. Hindi ko ito pinansin at pormal na humarap sa lalaki. "Pasensya ka na kung nakaisturbo kami, Mr. Elizar ba ang pangalan mo?" "Elizier!" maagap na pagtatama ni Fiona na tila I committed a crime dahil lang sa pagkakasabi ko ng pangalan ng lalaki. "Eliezer," ulit ko na umiismid. Sinadya ko talagang maliin ang sarili para ipakita sa mayabang na lalaking iyon na hindi lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kagwapuhan nito. Kahit kanina ay muntik na akong himatayin. Nakatitig sa mukha ko ang lalaki. Nilalabanan ko naman ang titig nito. Something happened and then I found myself drowning in his eyes. "Ay, butiki!" Napapitlag ako. Sabay kami ni Eliezer na napabaling kay Fiona. Nasa lupa na ang bag nito.. "Oppss. dumulas, sorry." Pero pasimple itong nadidilat sa akin. Iniiwas ko ang tingin mula rito habang namumula na ako. "Eliezer?" tawag mula sa unahang pinto ng bahay sa likod ng lalaki. "May bisita ka? Bakit hindi mo pinapapasok?" Naghanap ang mga mata ko sa nagmamay-ari ng boses— ng malambing na boses na iyon. Isang may edad ng babae ang nasa labas ng nabuksang pinto sa harap ng bahay nito. Nakatanaw ito sa amin. "Mama, sandali lang ho." Something touched at her heart at the way I heard him call his mother. Napakalambing, puno ng respeto at parang punong-puno ng pagmamahal. Bigla akong nakaramdam ng selos sa mama nito. Kapag lumabas kaya ang pangalan ko sa bibig nito, will it sound the same? Why I am thinking like this? kunot-noong tanong ko sa sarili. I don't like him. Napabuntong-hininga ako. Si Zephyr, malambing kung tawagin ako sa aking pangalan. At least, sigurado akong he was genuinely fond of me. "Doths, iniisip mo ba si Zephyr?" pabulong na akusa ni Fiona. Gulat akong napatingin sa alertong tingin ng kaibigan ko. Hindi ko alam na kanina pa niya ako inoobserbahan . "H-hindi, noh." Pero mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Weh? Hindi nga?" "Hindi nga." Saad ko. "Lokohin mong tipaklong mo. Eh, bakit parang maiiyak ka na naman dyan—" "Pasok kayo." Anyaya ni Eliezer sa amin. Sa boses ni Eliezer ay sabay kaming napapailing. Binubuksan na nito ang kahoy na gate para makapasok kami. Iniiwas ko ang tingin sa titig nito, wondering if he heard us whimpering. Mga napipipi at magkasunod kaming pumasok sa loob ni Fiona, ako ang nauuna. Iniiwas ko ang bag kay Eliezer nang akma nitong kukunin iyon mula sa akin. Inilapag naman ng kaibigan ko ang bag niya sa outstretched na kamay ng lalaki nang makalampas na ako rito. "Salamat. Gendtleman ka din pala . Hindi ka ba giniginaw?" "Hindi." seryosong sagot nito. There. Cold as ice. Hindi ba nate-turn off ang kaibigan ko? Mukhang nawiwili pa ito sa lalaki. Ang mama ni Eliezer ay siguradong isang magandang babae noong kadalagahan pa nito. Kahit kasi may katandaan na ang edad nito ay mapupula pa rin ang mga labi nitong mahinhin sa pagkakangiti at mga matang buhay na buhay sa pagkakatawa. It was easy to see that Eliezer got his lips and nose from his mother. Kabaligtaran nga lang ng sa ina, ang ilong nito ay sobdang tangos at ang mga labi nito ay super tipid kung ngumiti. Sapilitan pa. "Mabuti na lang at dumating kayo ngayong naririto na kami. Galing kasi kami sa beach na magkakapitbahay at kararating pa lang namin. Hindi sinabi ng anak kong may mga bisita siyang darating." "Kahit gusto ko mang sabihin, Ma, hindi ko pa magagawa. Ngayon ko lang sila na nakilala." Ipinaliwanag ni Eliezer sa ina ang aming problema. "Naku! Karerenta nga lang nong bahay na yun noong isang linggo sa co-teacher nitong si Eliezer." Si Eliezer, teacher? Really. So hindi pala ako nagkakamali. Unang kita ko pa lang sa kanya ay iyon na ang impression ko sa lalaki. Sa ano kayang subject? Math or ROTC? "Ang mabuti pa ay pumasok na kayo rito sa loob. May isang pitsel ng juice sa ref at maraming pagkain. Dito na kayo maghapunan." "Hindi ho kaya nakakaistorbo na kami, Misis?" Tanong ko, habang nag-aalala kahit nararamdaman ko na ang pagkalam ng aking tiyan nang mabanggit ang pagkain. Binalewala lang nito ang pag-aalala ko. "Sus! Hindi. Bihirang-bihirang magkaroon ng bisitang dalaga rito sa bahay at wala man lang akong pagkakataong mag-entertain, puwera sa mga estudyantenvg barkada nitong anak ko." Patuloy ng matandang babae. Nagkatinginan ang mag-ina at parang may silent joke na nagdaan sa pagitan ng mga ito na nagdala ng genuine na ngiti sa mga labi ng lalaki. Napailing-iling pa ito after the quite communication. I stared at his face. Smiling, it was transformed into one youthful, friendly, handsome exuberance. It was like seeing another face. And I could not help but stare at it hanggang sa mawala na iyon, wanting to savor every minute of it. Naramdaman ko ang kalabit ni Fiona sa tagiliran ko. Bumulong ito sa tainga ko. "Kanina pa ako nakakahalata, ha." May pilyong ngiti sa labi nito. "Ano nga pala ang mga pangalan niyo, mga hija?" Tanong ng ina ni Eliezer. Namumula ang mga pisngi ko nang magbalik ang tingin ko sa mama ni Eliezer. "A-ako hi si Dorothy short for Doths po. And my friend here is Fiona." Nakita kaya nito ang pagtitig ko sa anak niya? Kung may napansin sa akin si Fiona, lalo na siguro ito. Lumabas na sa sala si Eliezer. Narinig ko ang mga yabag ng mga paa nito sa sahig patungo sa nakikita kong direksyon ng hagdan nang pumasok kami sa bahay. Pinilit kong huwag tumingin dito kahit na nakikita ko itong umaakyat, pero that did not prevent me from imagining how his butt would look like while climbing up the stairs. What is happening to me? nagpa-panic kong naisip. Kailan pa ako naging...... naging manyak? Mabuti na lang at tumayo na ang mama nito mula sa kinauupuan nito. Nawaglit sandali ang iniisip ko ng makuha niyon ang atensyon ko. "Sumunod kayo rito sa akin sa kusina," wika nito. "Gutom na gutom na siguro kayo, ano?" No doubt, nasabi na naman nito iyon dahil nag-iinit na naman ang mukha ko. I had not blushed this often for the last year. My God! Ang harot ko! anang isip ko. "Mabuti na lang, marami akong magluto dahil marami kaming mga ampon dito." Napatawa ito nang makita nito ang isang binatilyonv basang-basang pumasok sa back door. "Heto na ang isa." Natapik pa nito ang balikat ng nakangising bata. "Magpunas ka nga munang bata ka." Walang anu-ano na ngumisi sa pagkakatingala sa amin ang teenager matapos nitong malambing na nginitian ang nagdaang matanda. "He-he! Mukhang may liligawan na si Sir, mga boys!" "Alin? Alin?" tanong ng kasunod nito. Pagkatapos ay nagsilipan na rin ang iba pang mga mukha sa pinto, nagpalipat-lipat sa amin ni Fiona ang malilikot na mga mata nito. Agad naman na napatawa silang magkakaibigan. "Bakit? Wala bang nililigawan ang Sir niyo?" usisang tanong ni Fiona na namaywang pa sa mga ito. "Siya ang nililigawan," mabilis na sagot ng naunang nagsalita. Mukhang ito ang lider ng mga alipores na ito ni Eliezer. "Turn off yon sa mga ganon,eh." Nangingiwing tinalikuran ng kaibigan ko ang mga ito at sumimangot sa akin. "Kaya pala wa epek ang beauty ko," bulong nito sa sarili. "Kaya pala, ano?" wika ko. Hindi ko nahagip lahat ng ibinulong nito. Pero hindi na ko iyon nasagot dahil sabay namjng naamoy ang binuksang kaserola ng mama ni Eliezer. Pagkabangu-bangong sauce ng spaghetti! Nakangiti ito nang sabay pa kami ni Fiona sa pagbaling rito. " Kaiinit ko lang. Sandali at ilalabas ko lang ang pasta sa ref." "Ako na Tita..." Napatigil si Fiona sa paglapit sa ref. "Ano ba ang itatawag namin sa inyo?" Nakangiti itong sumagot habang nagsasalin ng sauce sa bowl. "Tita Wisa." Ang cute naman ng name na yon. "Binuksan na ni Fiona ang ref." Ako naman ay kumuha ng mga dinner plates sa draining tray. "Will I serve for...." Binilang ko sa isip ang mga ulong sumilip sa pinto kanina at idinagdag iyon sa pagkuha ko ng pinggan. "Nine, Tita Wisa?" "You must," sabi nitong natatawa. "Kundi kukuyugin tayo ng mga mamang iyan." Napangiti ako.I liked Tita Wisa already. "Pero Ma, that's my study," reklamo nj Eliezer. Iningusan lang ni Tita Wisa ang anak. "Ilipat mo ang mga gamit mo. Nagdesisyon na ako. Doon muna sila matutulog habang wala pa silang nalilipatan." Sa sofa, sabay na napangiti kami ni Fiona—si Fiona ang tuwang-tuwa dahil gustong - gusto nito ang nangyayari, ako naman ay dahil sa naku-cute an ako kay Tita Wisa nang pagalitan ang anak nito na si Eliezer. "Besides, ang liit nv bed para sa kanilang dalawa." patuloy pa rin na reklamo ng lalaki. "So what do you suggest?" tanong ng mama nito in a queenly sort of way, iyong hindi tumatanggap ng reklamo. Naipit naman sa sitwasyon si Eliezer at walang magawa. Naiinis na ibinagsak nito ang malalapad na balikat. Matagumoay naman na nhimiti si Tita Wisa. Ang tamis tamis ng ngiti nito na parang ngayon lang ito nasiyahan ng ganoon. Naiiling na tumalikod na anglalaki at umakyat sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD