CHAPTER 6

1941 Words
"Galit ho yata?" nag-aalalang sabi ni Fiona as if she's scared. Umiling lang ang ina ni Eliezer bago umupo sa isa sa tatlong armchairs. "Kunwari lang yan. Kita niyo naman kanina nang naririto pa sina Jaos kung paano siya nakipag-asaesn?" Nangi-ngiti itong umiling. "Manang-mana kasi sa ama niya." "Nasaan nga ho ba ang father ni Eliezer, Tita?" curious na tanong ko. Napansin ko kasi na walang ibang nababanggit na ibang kasama sa bahay ang dalawa o ang mga bata kanina. Wala rin akong ibang nakikitang lalaki sa mga picture frame na nasa sa sala. Napatigil sa pagsasalita ang ina ni Eliezer at sandaling napatingin sa sahig kahit bahagyang nakangiti pa ito, bakas ang lungkot sa mga mata nito. "He's dead. Namatay ang papa niya hindi ko pa man naisisilang si Eliezer . He never met him." Kahit paano, nakadama rin ako ng awa sa supladong binata. Alam ko kung gaaano kahirap ang walang nakagisnan na ama. Now, I understood why mother and son were too close to each other. Talo pa nga ng mga ito ang magkapatid kung magtalo kaninang iminbita kmi ng matanda na doon na kami matulog. "Maraming-maraming salamat ho sa lahat, Tita Wisa. Hayaan niyo, kapag nakahanap na kami ng matitirhan malapit dito, lagi namin kayong dadalawin dito sa bahay niyo." "For sure!" mabilis na sabat ni Fiona sa akin. "Eh, bakit hindi pa kayo rito tumira?" balewalanb mungkahi ng matanda. Napamaang kami ng kaibigan at kapwa kami hindi nakasagot kaya napatawa ito. "Dito na lang mayo magrenta. Ang gaan-gaan agad ng loob ko agad sa inyong dalawa, eh." "Hindi ka nagbibiro, Tita? Susunggaban namin yang offer mo," paniniguro ni Fiona na napatuwid ang upo sa sofa. "Matutuwa nga ako kung tatanggapin niyo nga." "Pero paano po ang anak niyong suplado?" sambit ko. Not able to trim my tongue dahil sa pagkamangha. Malay ko bang pababa na pala ito ng hagdan? "Paano ako?" Napapitlag ako sa kinauupuan ko. Sa hindi na mabilang na beses, nag-iinit na naman ang mukha ko nang masalubong ng aking mga mata ang may dis-gustong tingin ng binata mula sa ikaapat na baitang ng hagdan. Ang laking-laking tao, ang gaan-gaan ng mga paa. O baka naman sadyang nagdahan-dahan lang ito para makinig sa pinag-uusapan naming mga babae? "I've just invited them to live here. Kaysa naman kako maghanap pa sila ng ibang bahay, 'di ba? We could surely use companionship." "You could, Ma." Malalakas na ang mga yabag nito habang tumuloy sa pagbaba ng hagdan. Napapangiwi ako sa bawat lagabog niyon na para bang nagmamaktol at hindi sang-ayon sa desisyon ng ina. "So, should I move my clothes, too?" wika nito. Ni hindi man lang naaapektuhan si Tita Wisa sa sarcasm ng anak nito. "Elizier, mind your manner. Palibhasa, mga bata pa sa 'yo ang mga kasama mo lagi, nagiging kasing ugali ka na nila." "I know how to mind my manners,'Ma. Ayun lang ng nasosorpresa," sabi nitong biglang nagbaba ng tinig. "You're just too impulsive." Ibinagsak nito ang dalang kumot sa silya. "I have never been wrong. I like them," sambit ng mama nito. Sandali kami nitong sinulyapan ng binata bago umismid ang mga mata nito patungo sa ceiling. Napahagikhik si Fiona. Hindi ako makapaniwala nang maglikha ang tawang iyon ng pilit na ngiti mula sa mga labi ni Eliezer. Again, he looked so boyishly handsome, kaya iniiwas niya agad ang mga mata sa takot na makita ako nito na nakatitig dito. Why does he have to be handsome kahit suplado naman. Wala pang paggalang sa mga babae. "Ito lang ba ang mga gamit niyo?" Nang tumingin akong muli, binubuhat na nito ang dalawang duffle bags namin ni Fiona sa sahig. "Iaakyat ko na." "Pwede mo na rin akong iakyat, kung gusto mo," pilyang biro ni Fiona rito. Lumakas ang loob ng maldita nang magtagumpay itong mapangiti ang binata. Ngumisi ito. It was a rackish grin. It split his face into an expression that was so familiarly sweet. Pakiramdam ko ay hinalukay ng kung ano ang loob ng aking dibdib dahil sa natunghayan ko. Naiiling itong isinukbit ang duffel bag ko sa balikat nito bago binitbit ang mas mabigat na bag ni Fiona. Tinalikuran kami nito bago umakyat sa hagdan. Ipinagpatuloy kong pagmasdan ang likod nito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko, bago ako kunot-noong napatungo . I had seen that smile before. Where, where— "Sabi ko sainyo, 'di ba?" putol ni Tita Wisa sa pag-iisip ko. "Sa simula lang suplado ang anak ko." "Paano po ang terms ng pagbabayad, Tita?" narinig kong tanong ni Fiona. Pilit kong itinuon ang isip sa isasahot ng matanda so I can forget about Eliezer's smile. "Ah, let's talk about that some other time. Magtatanong-tanung muna ako. Paano?" Tumayo na ito mula sa armchair, at ngumiti. "Sigurado akong gustong-gusto niyo nang maglinis at magpahinga. Iwanan ko na muna kayo, hija." Nang maalala ang pagliligo, naging mas mabilis pa kaysa inaasahan ang naging pagtayo naming dalawa sa sofa kaya nagkatawanan kaming tatlo. "Goodnight, Tita. Sa taas din po ba anv kwarto niyo?" tanong ko. "Oo pero mamaya pa ako aakyat." "Sige po, Tita Wisa." Humalik pa kami parehl sa pisngi nito bago namin tinungo ang hagdan. Natagpuan namin agad anv kwarto na aming tutulugan. Dalawang pinto lang naman ang kasi ang nakita namin sa itaas. Iyong iss ay bukas at nasa loob si Eliezer na may binubtingting sa ibabaw ng kama—malinis na mga pad ng papel, mukhang nakaayos sa ibat-ibang kategorya habang chinecheck iyon. May mga paperweighs pa sa ibabaw ng mga ito na parang hindi pa ito tapos sa tinatrabaho. Saglit kami nitong tiningala bago in-scoop isa-isa ang mga papel. "Test papers," sabi nito. "Papasa ba si j**s?" Tanong ni Fiona habang kaswal na pumapasok sa loob, nauuna sa akin. Hindi ako agad nakakilos. Pakiramdam ko ay parang may nai-invade akong privacy. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Kung ako ang nasa kalagayan nito ngayon, nagdadabog na siguro ako at nagbubunganga. Biro mo, we came, we took, we conquered his bedroom! Pero oarang wala man lang itong nararamdamab na sama ng loob nang nangingiting sinulyapan nito si Fiona. "Matalinong bata si j**s. Sobra nga lang ang kalokohan para sa kanyang edad." Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kunv bakit hindi ko gustk ang aking nararamdaman sa napapansin ko kanian pa. Bakit parang ang dali para kay Fiona na mapatawa ang lalaking ito? Samantalang sa akin, laging pormal ang titig nito. Seryosong-seryoso. Kunsabagay, naisip ko din habang napapabuntong-hininga, marinig ba naman nito na sinabihan ko itong suplado. Sino ba naman ang matutuwa? Mae-expect ko ba naman na bubuti anv trato nito sa akin pagkatapos niyon? Pumasok sa kwarto nang mabilis. Itinuturo ni Eliezer kag Fiona ang inilabas nitong mga twalya para sa aming dalawa. Pagkatapos ay itinuro rin nito ang pinto ng banyo kahit kitang-kita naman namin na may nakalagay doon na CR. Mabilis pa sa alas-kwatro na nakapag-lock ng pinto ang kaibigan ko nang makapasok ito sa banyo. Hmmm! Best friend! Ipinagpalit ako nito sa paliligo. Hindi ko tuloy alam kung paano aasta ngayong naiwan kaming dalawa ni Eliezer. Kahit pa iniwan kong bukas ang pinto ng kwarto. Nilapitan ko ang dalawang makapal na libro na nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama. Textbooks. May nakaipit pang mga papel sa mga pahina nitong parang binabasa at iniwan nang hindi pa natatapos basahin. "Dadalhin mo rin ba 'to?" Tumingin ito sa tinutukoy ko at tumango. "Yes." Dinampot ko ang mga iyon "Tulungan na kita, alin pa ba?" "Iyong eyeglasses sa ibabaw ng libro, tsaka yung pajamas sa ibabaw ng silya." Kinuha ko naman lahat ng nabanggit nito. "What else?" "My toiletries in the bathroom. Pero pwedeng mamaya ko na kunin." Humarap ako rito. Nakagilid na pala ito sa kama at nakatayo na malapit sa likod ng likod ko. Sa mga kama nito nakapatong lahat ang pinagpatong-patong na mga test papers. "May nakalimutan pa pala ako. See that big coin bank sa ibabaw ng table? Pwedeng pakikuha?" Bumaling ako sa side table malapit sa kama. May malaki at mataas na coins bank nga nakapatong doon. Habang kinukuha ko iyon, I just couldn't rest commenting. "Bakit? Natatakot ka bang manakaw namin ang iyong alkansya?" "It's not mine," sabi nitong may amusement sa boses. "Inihuhulog ng mga bata sa alkansiyang iyan ang piso araw-araw para pambili ng regalo sa mga orphaned children pagdating ng pasko. Dindala ko yan sa school araw-araw. Lunes na bukas, 'di ba? Hindi ko gustong mangatok sa inyo nang maagang-maaga." Patuloy nito. Naramdaman ko na naman na nag-init ang magkabila kong pisngi. Kaya hayun, tinitiis ko ang kahihiyan. Ipinatong ko ang mabigat na alkansya sa magkakapatong na test papers sa braso nito. Kahit pa yata matter of life and death, hinding-hindi ako titingala sa mukha nito para salubungin ang tingin nya! "Too proud to say you're sorry?" narinig kong tanong nito sa marahang boses. Nakaramdam ako ng kung anong sensasyon from the pit of my stomach bilang reaksyon sa boses nito. "All right, Goodnight, Doths." Tumalikod na ito at nagsimulang lumabas ng silid. Nakasunod ang tingin ko sa likod nito at gustong-gusto kong tawagin siya. Nagulat ako nang bigla itong pumihit paharap sa akin. "At iyon nga palang inipon ko sa loob ng isang taon, nasa ilalim ng kutson. Sa 'yo ko lang sinabi yun. Kapag nabawasan yan kahit sampung-piso—" Nagsalubong naman bigla ang kilay ko at napakunot-noo. "You're kidding, right?" Sarkastiko kong sambit. Tatawa-tawa itong umalis. Sa kinatatayuan ko, hindi ko na rin napigilang mapangiti. Tskk.. ang landi, huh! Hindi naman pala ganun kasuplado si Mr. Suplado. ***** NINONG ALNSELMO POV Did they tell you where they're going?" tanong ko kay Edgar, ang driver ng aking inaanak. Umiling ang driver, halatang kinakabahan. "Hindi po, Sur.ang sabi lang po niya ay pwede raw po akong umuwi ng probinsya namin ngayong buong buwan at tuloy raw ho ang sweldo ko. Nagulat nga ho ako Sir, eh. Akala ko ho ay sinesesante niya na ho ako." paliwanag ni Edgar. Kunot na kunot ang noo ko sa pag-aalala at pagkalito. "Ano ang pumasok sa isip ng batang iyon?" Tila asiwang nagpalipat-lipat ang bigat ng driver sa magkabilang paa nito. Tatalikod na sana ako nang magsalita ito. "Eh, sir?" "Yes, Edgar?" "Eh, alam niyo naman ho na napakabait na amo ni Ma'am at lahat ho kami, naaawa at nakikisimpatya sa nangyari sa kanya." Tumango ako, at bahagya kong nahaplos ng kamay ang namumuting balbas ko. "I know." "Eh, Sir, kahapon ho, nag-aalala ako kay Ma'am. Ang ginawa ko ho, sinundan ko 'yong taxi na sinakyan ni Ma'am Fiona." Naging alerto ako bigla sa sinabi ni Edgar. "And?" "Doon ho nagtungo sa mekanikong pinagpapagawaan namin ng van kapag may problema. Medyo nagtagal ho sila sa loob, eh. Tapos, umalis silang sakay sa lumang Toyota nong mekaniko. Noong nag-usyoso ako, ang sabi, binili raw yong kotse sa kanya. Nahihiya lang daw siyang tanggihan kaya tinanggap niya uong bayad dahil mapilit si Ma'am. Ibibgay na lang daw niya sana." "What? Sumakay si Doths sa kotseng ipamimigay na?" Hindi makapaniwalang sambit ko. "What the hell was she thinking?" "Oho nga ho, eh. Mabuti na lang ho at kasama niya si Ma'am Fiona, pero nanghinayang ako dahil hindi ko sila sinundan mula sa bahay nong mekaniko.Nagtanong pa ho kasi ako kaya nawala sa isip ko." Iniisip ko kung dapat na ba akong tumawag sa pulis. Pinipilit kong makontak kagabi pa ang cellphone nito ngunit hindi ko iyon makontak. Pero ngayong umaga ay nalaman ko sa isang katulong na iniwan daw nito ang cellphone sa bahay. Nakita roon sa kwarto nito at apparently ay basag ang screen at hindi maopen, sira na. Noon ako nagsimulang mag-alala ng lubos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD