NANG GABING iyon ay muling nagkagulo ang mga tao sa mansiyon maliban kay Saki. Kilala niya kasi ang may gawa sa kaguluhang iyon. Magpahanggang ngayon ay palaisipan kung totoo nga bang si Wendy Bustamante ay ang kaniyang matalik na kaibigan na si Katherine. Nanginginig ang donya ng akyatin nila to sa silid nito. Napakarami kasing larawan ang nagkalat roon at iisa lamang iyon. Si Katherine at si Vince ang nasa larawan. Nang bumungad ang mag-asawang Vince at Lira sa silid ng donya ay parehong nanlalalaki ang mga mata ng mga ito. Si Vince ay agad na pumulot ng larawang nakasabog. Titig na titig ito sa mukha ng dalawang taong naroroon. "She just your ex. Hindi lang siguro siya matahimik at nanggugulo siya.." awat ni Lira sa kaniya. "Ex?" Ulit niya. Gaya ng kaibigang si Louie ay ex din ang s