bc

Deception Of A Wife-Mistress

book_age16+
9.7K
FOLLOW
50.8K
READ
fated
independent
mistress
drama
tragedy
bxg
small town
betrayal
multiple personality
wife
like
intro-logo
Blurb

Si Kath, babaeng nagmahal ng totoo. Pinaglaban ang pagmamahal hanggang maging wakas. Si Lira, gagawin ang lahat makuha lamang ang lalaking pinakaiibig. Si Vince, mabubuhay sa isang kasinungalingan. Sa mundong mapaglaro, may puwang pa ba ang isang kabit? Bilang asawa, ano ang handa mong isugal para sa pamilyang pinapahalagahan? At bilang isang lalaki, handa mo bang itaya ang iyong pamilya sa ngalan ng tawag ng laman? Tapatan ng dalawang babaeng nagmahal at may pinaglalaban. Kanino ka kakampi sa asawa o sa kabit? Paano kung ang iyong inaakala ay mali pala sa tunay na kuwento. Ang kuwentong iikot sa inyong imahinasyon. Handa ka bang manindigan sa dalawang babaeng naging parte ng iyong buhay? Sino ang pipiliin mo? Real wife or legal wife. Tapatan ng pagmamahal. Labanan ng karapatan. Sino ang mas karapat-dapat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Wedding
"I DO...." sabay na bigkas nina Lira at Vince matapos ang kasal ng mga ito. "Mabuhay ang bagong kasal," masigabong sigawan ng lahat ng dumalo sa pag-iisang dibdib ng mga ito. Lahat ay kababakasan ng kaligayan ang bawat naroroon sa simbahang iyon. Agad na binuhat ni Vince ang asawang si Lira papalabas ng simbahan habang sinasaboy ng ilang abay ang ilang petals ng rosas sa masayang magkasintahan at ngayo'y bagong mag-asawa. "Finally, for 2 year. I finally become Mrs. Vincent Paul Ortega," malambing na anas ni Lira sa punong taenga sa asawang ngiting ngiting maybuhat sa kanya. "Yes. Finally, I marry the girl who is patiently waiting for me. You're so good to be true, honey. You deserve to be my wife," anito sabay gawad sa asawa ng isang halik sa noo. Habang palakad palabas ng simbahan. Paglabas ay nilapag niya muna ang asawa saka masaya nitong hinagis ang kanyang bouquet. At tuwang-tuwa namang nasalo ito ng best friend nitong si Lindsay kaya nagsimula namang tuksuhin ito na baka ito naman ang susunod. Kasunod noon ay masaya silang sumakay sa sasakyan nila upang lisanin ang simbahan. Sa reception, kapansin-pansin ang pagiging abala ng lahat ng naroroon. Lalo na nang magsidatingan ang mga bisita galing sa simbahan. Ginanap ang reception sa isang malawak na solar ng mga Ortega. Kung saan ang mga trahabador ng malawak na lupain ng mga ito ang mga punong abala sa lahat. Ang mga Ortega ang may-ari ng malawak na sakahan sa kalakhang probensiya ng La Union. Kung saan pag-aari rin ng mga ito ang poultry farm na nagsusupply ng karne ng manok at baboy sa malalaking mall sa probensiya at karatig probensiya nito. "Bilisan ninyo at nandiyan na ang bagong kasal," mando ni Manang Guada sa mga kasamahan sa kusina. Si Manang Guada ang matagal nang mayodoma ng mga Ortega. Singkuwenta y singko na ito pero maliksi pa rin kung kumilos. "Bulaga!" natatawag gulat ni Sacarias aka Saki sa ina. "Ano ka ba namang bata ka. Aba! Gusto mo yata akong patayin na ah. Aatakihin ako sa pinaggagawa mo!," inis at hampas ng kamay nito sa puwetan ni Saki. Walang nagawa si Saki kundi tumawa na lang ito sa ina. "Mudra, haggardoVersosa na naman kasi ang peg mo. Yan tuloy losyanggabels na ang iyong facelak. Sayang ang make-up ko sa'yo," ngiting baling sa ina. "Hay naku! Imbes na gulatin mo akong bata ka. Tumulong ka na lang dito at dumating na ang bagong kasal," nakapamaywang pang ani ni Aling Guada sa anak. Sa sinabi ng ina ay biglang bumaling sa balintataw ang araw na kinasal ang kanyang nag-iisang matalik na kaibigang si Katkat. Nang makita ni Aling Guada ang mukha ng anak ay maging siya ay nalungkot dahil alam niya kung bakit biglang lumungkot ito. Inakbayan ni Aling Guada ang anak sabay usal ng mga ito. "Anak, may rason ang lahat ng bagay. At ang nakaraan ay nakaraan at ito ang kasalukuyan na dapat nating tanggapin." Pilit na ngiti ang sinukli ni Saki sa ina. Hindi kasi mawaglit sa isipan kung paano at ano ang kinahantungan ng pagmamahalan ng kaibigan at ang kanilang senyorito. NAIA TERMINAL 3 lumapag eroplanong kinalululanan ni Wendy. Isang sopistikada at eleganteng babae. Wendy Bustamante, babaeng pangarap ng lahat ng kalalakihan dahil sa taglay na kagandahan sa mukha at katawan, sikat na talk show host at mayaman. Sa katunayan ay pasok siya top 10 most influential women ng Pilipinas. Matapos nitong umani ng parangal sa America sa kanyang advocacy about love, marriage and family. She even hold a talk show in one of the top television show in America before she transfer here in Philippines. "Wendyyyyyyyy!," tiling tawag sa kanya ng kanyang kaibigan. "Gracieeeee!," ganting tili niya naman dito sabay yakap. "Na-miss kita. Sobra," dugtong pa niya rito. "Echoserang frog. One week ka lang sa Amerika. Na-miss agad," ngusong tugon ng kaibigan. Ngumuso rin siya rito at muling yumakap. "Naglalambing lang naman friend. So, hows the wedding?" wala sa sariling tanong dito. She met Lira 3 months ago nang maging audience niya ito sa kanyang talk show. Fan na fan daw siya nito kasi lahat daw ng advice niya about relationship at paano mapapanatiling masaya ang relationship nila ng partners nito. Halos nga daw lahat ng payo niya ay nililista nito. A month after their first encounter Lira sent her an invitation to her upcoming marriage. Since, she's away at that day ay ang kaibigan ang pinapunta rito. "It's nice. A typical traditional wedding. Engrande lang kasi alam mo na," sabay ngiti. "Mayaman." Napangiti rin si Wendy sa tinuran ng kaibigan. Saka nila sabay na nilisan ang paliparan. Sa condo unit niya sa Makati sila tumuloy. Hindi pa siya handang umuwi sa probensya nila. Hindi pa siya handang humarap sa mga taong humamak at umapinsa kaniya. Hindi pa siya handang harapin ang kaniyang mga totoong magulang. Matapos ilapag ang kaniyang mga bagahe ay agad siyang naglabas ng alak upang pagsaluhan nila ng kaibigang si Gracie. "Are you okay?" Tanong ng kaibigan. Gracie knows everything about her. Mga limang taon pa lang niya itong kakilala pero alam na niya lahat ng kaniyang nakaraan. Agad siyang nagsalin ng anak sa kopita at iniabot sa kaibigan. Sumimsim siya bago tinugon ito. "Nooo..." prangkang tugon rito. Nakita niya ang paglamlam ng mukha ng kaibigan na batid na kikisimpatya sa kaniya. "I know it was hard. Di ba ilang beses mo na rin ito pinagplanuhan.." anito sa kaniya. Tama ito. Five years siyang nagluksa at muling binuo ang sarili kaya marapat lang na gumanti siya. Ang pagganti sa lahat ng pasakit at lahat ng masasamang ginawa nila sa kaniya. "Alam mo friend noong nasa kasal nila ako I saw their happiness. Habang nakikita ako ang mga ngiti nila tila bumabalik sa isipan ko ang mga araw na una tayong nagkakilala. Ang bawat ngiti nila ay ang bawat pighati mo. Being there, I felt I betrayed you as my friend.." emosyonal na turan ni Gracie. Napangiti siya sa kaibigan. "Gaya ng sabi ni mommy, I have to be strong. Ito na ang tamang panahon para balikan ang dating ako." Aniya saka tumingin ng matalim. "So, anong plano mo.." tanong ni Gracie sa kaniya. "As usual. Ako muna ang mamamahala sa mga negosyo nina mommy at daddy dito sa Pilipinas. Lalo na sa probensya. You know, its would be useful para mas mapalapit kami ni Vincent Paul Ortega." Turan saka ngumiti ng maalala ang lalaki. "Ahemm...." tikhim ng kaibigan. "I know that smile my friend. Alalahanin mo kakakasal lang noong tao kahit may 5 years old na silang anak pero kakakasal lang ha!" Paalala pa ng kaibigan. "I know.." aniya saka nilagok ang nasa kopita. Nang iwan siya ng kaibigang si Geacie ay hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan. . . . . Duguan siya dahil nabangga ang sinasakyan nila. Mabibilis ang t***k ng puso at nang tignan ang babaeng kasama sa loob ng sasakyan ay tila wala na itong buhay. Ang buhok ay sabog sa mukhang duguan at halos hindi na makilala dahil halos humalik ang mukha nito sa punong binangga. Ang asawa naman sa driver seat ay nakayuko sa manibela. Masakit ang buong katawan at pinilit na makababa sa sasakyan upang makahingi ng tulong. Sumidhi ang kirot sa kaniyang tiyan dahilan upang matigilan siya. Sumigaw siya ng napakalakas dahil sa dugong tumatagas mula sa sinapupunan. Alam na niya ang ibig sabihin noon. Wala na ang dalawang buwang sanggol sa sinapupunan. "Nooo! Nooo!" Iyak niya nang makita ang paparating na sasakyan. Hihingi sana siya ng tulong ng makita kung sino ang bumaba roon. Ang kaniyang biyenan at isang babae. Mabilis ang mga itong bumaba at tinulungan ang kaniyang asawa. Nakitang gumalaw pa ang asawa tanda na buhay pa ito. Ngunit natigilan siya ng makitang imbes na tulungan ang babaeng nasa tabi ng asawa ay sinabuyan ng gas ang sasakyan saka nagsindi ng sigarilyo ang babae matapos itong hithitin at bumuga ay saka itinapon sa sasakyan dahilan upang magliyab ito. Napuno ng takot ang dibdib niya buti na lamang at medyo pababa ang lugar na iyon ay nagawa niyang pagulungin ang sarili pababa. Masakit man ang katawan ay nagawa niyang gumapang upang makahingi ng tulong at nang makarating sa ibabang bahagi ng daang iyon ay nabuhayan siya ng pag-asa ng makitang may paparating na sasakyan at bago siya nawalan ng malay ay nakitang bumaba mula roon ang mag-asawang may katandaan na rin. Nang magkamalay siya ay nasa pagamutan na siya. Nakabenda ang buong katawan. Maging ang mukha niya. Pakiramdam niya ay ang mata niya lang ang kaya niyang igalaw. Ang mag-asawang naaninagan niya bago mawalan ng ulirat ang naroroon sa silid na kinaroroonan. Maraming tanong ang mga ito ngunit wala siyang naisagot. Hindi niya alam kung bakit tila wala rin siyang maalala. Maraming interpretasyon ang doktor sa kaniyang pagkawala ng memorya. Maaaring sa sobrang dami raw ng iniisip niya ay talagang mas pinili ng utak niya na tanggalin lahat ng alaala niya. Dahil wala siyang maibigay na impormasyon sa mga taong tumutulong sa kaniya ay kinuha siya ng mga ito at itinuring na anak tutal ay kamamatay lang din daw ang nag-iisang anak ng mga ito dahil nagpakamatay daw ito. . . . Hilam ang luha ang mukha ni Wendy sa pag-alala sa nakaraan. Ngayong tuluyan na siyang bumalik sa bansa ay handa na siyang maningil sa mga taong may utang sa kaniya. "Buhay ang kinuha niyo kaya buhay din ang aking sisingilin. Anak sa anak. Mga hayop kayo!" aniya at sa tindi ng emosyon niya ay hindi namalayang nabasag na pala ang hawak na kopita. Duguan ang kanyang palad na agad ding ginamot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
744.3K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

UNDERCOVER BOSS: TRISTAN The Logistic Tycoon

read
223.4K
bc

My Husband's Mistress

read
300.8K
bc

My Sweet Sadist Husband (COMPLETED)

read
198.6K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook