PUMUNTA si Cloud sa Building A kung nasaan ang daddy niya na si Master Han na tulad ng itinuro ng guwardiya. Nasa Building A kasi matatagpuan ang opisina nito at ang opisina ng dean.
Sigurado siyang pagagalitan na naman siya nito nang walang katapusan. Nakaramdam siya ng inis at pagkairita. Simula pa noong bata siya, madalas na siyang pagalitan nito. Paano naman kasi, pinipilit siya nitong aralin ang boring na advertising, business course, journalism at kung ano-ano pa. Basta lahat ng may kinalaman sa Entertainment Business.
Hindi naman ganoon sa kanya ang daddy niya noong bata pa siya. Unang anak siya sa kanilang tatlong magkapatid. Siya lang ang nag-iisang lalaki kaya tuwang-tuwa sa kanya noon ang kanyang daddy. Palagi nitong sinasabi na siya ang magmamana ng business nila pagdating ng araw. Nag-aaral din sa LIU ang sumunod sa kanya. Samantalang six years old pa lang ang bunso na madalas na nakasunod sa kanilang ina.
Nang nakilala niya si Rob, doon niya lang napatunayan na masaya ang buhay na mayroon siya at dapat niya itong i-enjoy. Tinuruan siya nito na mag-cutting classes. Uminom ng alak kahit pa wala sila sa hustong edad at mag-clubbing sa edad lang ng fifteen. Natuto silang mag-car racing nang sumapit sila ng eighteen at doon niya naman nakilala si Lloyd at Kyle. Ang totoo, magkakalapit lang naman talaga ang pamilya nila. Nasa iisang circle lang ang pamilya nilang apat.
Sa sobrang pag-enjoy niya, kada buwan, iba-iba rin ang babaeng kasama niya. Wala siyang sineryoso kahit isa. Women only knew one thing, ang mag-shopping at sagot niya ang lahat ng gastos.
Basta alam nito ang rules, bawal magreklamo sa kung ano man ang relasyon niya sa mga ito. So far, hindi pa naman siya umabot sa point na nag-advantage siya ng kahit na sinong babae. Kung tutuusin nga ay wala pa siyang nahalikan sa mga ito. Isang sikreto na hindi alam ng kahit ng mga kabarkada niya. Ewan niya! Basta iniisip lang niya na magdikit ang labi niya sa mga ito, nandidiri na siya at parang kulang ang isang tube ng toothpaste para matanggal ang naiwan nitong marka.
Habang tumatagal, napatunayan rin niya na masaya ang buhay kaya bigla siyang nawalan ng gana na mag-aral.
Habang tumatagal din ay lalong sumasakit ang ulo ni Master Han sa kanya. Ipinaliwanag na niya rito dati na wala siyang pakialam sa business na mayroon sila. Kinausap pa nga niya ang kapatid niya na ito na lang ang magpatuloy sa business kung gusto nito dahil hindi talaga siya interesado. Pagbukas niya ng pinto ng opisina ng kanyang ama, isang suntok ang sumalubong sa kanya mula rito.
"One month! One-month kang hindi pumapasok! Bakit ka pa nag-enrol at ano pa ang ginagawa mo rito kung wala ka naman pa lang planong mag-aral?!" galit na sigaw nito sa kanya.
Hinilot-hilot niya ang pisngi niya na sinaktan nito. "Sino ba naman kasi ang nagsabing gusto kong kumuha ng advertising. It's so boring! 'Yong mga prof ang boboring. Paano ako gaganahan na pumasok kung hindi sila matatanda na nga, ang papangit pa?"
"Boring pala! Kung ganoon, bakit ‘di mo patunayan sa ‘min na kaya mo na pala ang pumasa kung hindi ka interesado dahil nagagalingan ka na sa sarili mo?!" Tumatahip ang dibdib ni Master Han sa galit.
Hinawakan ng mommy niya ang braso nito. Natatakot ito sa kahihinatnan ng kabiyak dahil halos maubusan na ito ng hininga sa sobrang galit.
"Hon, please... Stop! Ako na ang kakausap kay Cloud," malambing na sabi ng ginang.
"Kaya ganyan 'yang anak mo ay dahil masyado mong kinukunsinti!" Tila nauupos na umupo na ito sa executive chair na nasa tabi ng couch.
Hinimas-himas nito ang noo nito na para bang sumasakit nang dahil sa kanya. Kumalma naman si Master Han makalipas ang ilang sandali.
"Cloud, you are twenty now. Alam ko na marami kaming ipinapagawa sa 'yo. Trabaho naming magulang mo na palakihin kayo nang maayos. You are no longer a kid! Bilang master, normal na pag-aralan mo ang lahat ng mayroon tayo."
Humugot ito ng malalim na hangin.
"From now on, babawiin ko ang BMW 335D at ang Porche 944 sa iyo." Sinenyasan nito ang assistant nito at ang body guard. Hinawakan ng mga ito si Cloud at hinanap sa bulsa niya ang susi.
“No!” Pinikit niyang umiwas sa mga ito.
"Aside from that, we will cut your allowance in half! No, not half! You will only be receiving fiften thousand per month hanggang mai-pasa mo ang advertising course!"
"No!" hiyaw niya. Hindi niya kaya ang parusa nito.
Matapos siyang makapkapan, inabot ng bodyguards kay Master Han ang susi at ang wallet ni Cloud. Nagmamakaawang tumingin si Cloud sa kanyang ina na parang nanghihingi siya ng tulong dito.
Nakuha naman ni Madam Lira ang signal. Sinubukan nitong hawakan sa braso ang asawa nito. "Hon... "
Bago pa ito magpatuloy, pinutol ng huli ang sasabihin nito. Itinaas nito ang kamay para pigilin ang kung ano man na sasabihin ng ginang. "Lira, you know I am doing this for your kid... Kung ayaw mong putulin ko rin ang allowance mo, you’d better stay away! "
Kumuyom ang kamao ni Cloud. Fifteen thousand? Saan aabot ang fifteen thousand na allowance sa kanya?
Sa nakagawian niyang buhay-prinsipe, kalahating araw lang sa kanya ang perang ibibigay nito na kinse mil. Wala na siyang choice dahil binawi na nito ang credit card at ang natira niyang pera sa wallet.
"Pag-isipan mong mabuti ang kailangan mong gawin. Ibabalik ko lang sa 'yo ang isang kotse mo kapag nalagpasan mo ang B plus, at dalawang kotse kapag A pati ang allowance."
Alam ni Master Hana na kaya niyang makakuha ng mataas na grado. A plus ang gradong nakukuha niya simula elementary hanggang early high school. Nagsimula lang naman bumagsak ang grado niya nang tumuntong siya ng kinse at magbulakbol kasama ang tatlo pang kaibigan.
Hindi na sumagot pa si Cloud at lumabas na lang siya ng President's office nang galit.
Paglabas niya, sinuntok rin niya sa mukha ang isang bodyguard na nakabantay sa labas ng opisina nang parang wala lang, parang ganti lang sa ginawa sa kanya ng kanyang ama.
Sanay na sa kanya ang mga ito. At wala rin naman magagawa ang mga ito. Hindi ito lumaban. Dahil bukod sa mataas ang suweldo ng bodyguards ng Han Family. Alam din ng mga ito na iba ang background ng pamilya ni Madam Lira. Si Master Cloud ay hindi lang basta prinsipe sa pag-asta, kung hindi prinsipe talaga ng pamilya.
Sa loob ng opisina, lumapit kay Master Han ang dean na kanina pa tahimik na nakamasid lang sa lahat ng naganap.
"President, may io-offer sana ako sa 'yo para kay Master Cloud... "
NAGDADALAWANG-ISIP si Ginny kung susundin niya ang utos ni Cloud sa kanya noong nagdaang araw. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi sa kaiisip sa mga nangyari kahapon. Hindi niya makalimutan ang banta nito sa kanya. Isa pa, napayuhan din siya ng guwardya na sumunod sa binata.
Nagtatalo na naman ang angel and devil conscience niya. Hangga't maari ay ayaw niya itong sundin dahil sino ba ito sa akala nito? Pwede niyang huwag pansinin ang lalaki kung sakali man na magtagpo sila sa campus.
Gin, mabuti pa hayaan mo na lang ang Cloud na ‘yon!
Pero, narinig mo ang sabi ng guard! He was never called master for no reasons.
"Ahhhgggg!" Napasabunot na hiyaw niya sa sarili.
May klase si Ginny ng alas-nueve. Napadaan siya ng Music Hall sampung minuto bago ang utos nito na oras. Madadaanan kasi niya ang lugar papuntang klase niya sa oras na iyon na nasa Building C.
Mabuti at wala pa 'yong devil. Hmp!
Dahil hindi niya nakita ang lalaki ng mga oras na iyon, lumakas ang loob niya na huwag itong siputin sa usapan. Tumuloy siya ng lakad papuntang Building C at pumasok sa room 204 kung saan naroon ang klase niya na Literature class.
Mas gugustuhin na niyang huwag lumiban sa klase kaysa mag-aksaya ng oras.
Sa loob ng silid, dose lang silang estudyante na matiyagang pumapasok doon. Siguro dahil boring na subject ang Literature.
Umupo siya sa puwesto niya na nasa tabi ng bintana, ang paborito niyang lugar. Gustong-gusto niya kasi ang liwanag na mula sa labas. Mas nag-e-enjoy siyang magsulat ng aralin.
Bago siya umupo, napansin niya ang bago niyang classmate na nakaupo sa likuran ng puwesto niya. Nakayuko ito na para bang ine-enjoy ang malalim na pagtulog. Brown ang buhok nito na may kaunting highlights na kulay pink.
Ang pagkakaalala niya, Ron ang pangalan ng nakaupo doon. Loner rin na tulad niya kaya hindi sila masyadong nagkakausap. May salamin si Ron at hindi marunong pumili ng kasuotan, a nerdy type kumbaga. Tahimik at palagi niyang nakikitang nagbabasa. Isa pa, black ang buhok ni Ron at hindi katulad nitong binata na may highlights. Maya-maya pa, nakita niyang pumasok si Ron ng classroom.
Lalapit sana si Ron sa dating pwesto nito, ang silya sa likuran ng puwesto niya. Pero nang makilala nito ang lalaking nakayukyok at sumakop ng silya nito, hindi na ito tumuloy pa doon at naghanap ng ibang bakanteng silya.
Lihim niyang binilang ang lahat ng estudyante na nasa loob ng kuwarto. Twelve at saka ang sarili niya. So, thirteen silang lahat. Ang eleven sa classmate niya ay pamilyar sa kanya ang mga mukha. Ang iba nakakangitian pa nga niya kapag nakakasalubong niya sa canteen, sa library at kung saang lugar sa loob ng campus. Maya-maya pa ay dumating na ang professor. Sisitahin sana nito ang lalaking natutulog sa likuran niya nang magsalita ang babaeng nasa bungad na upuan.
"Ah, Sir... that's Lloyd," anito habang tinuturo ang lalaking natutulog.
"Oh!" Tumango lang at nagpatuloy na ito sa klase.
Mga tatlong oras din bago natapos ang klase. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanya na halos hindi tuminag ang lalaking natutulog sa kanyang likuran. Parang mas lalo pa nga nitong pinagpatuloy ang pagtulog dahil ‘di ba nga, boring at nakakantok talaga ang klase nila.
Eksaktong paglabas ng professor ang pagbangon din ng lalaking nasa likuran niya. Hindi niya ito tiningnan pero naramdaman niya ang pag-inat-inat nito ng katawan at ang paghikab. Napansin siya nito habang inaayos ang mga gamit niya.
"Cutie pie? You're here!" Nagliliwanag ang mata nito nang makita siya.
Sumimangot siya nang makilala niya ito. Ito ang isa sa mga lalaking kasama ni Cloud na mukhang manyak. Pero iba ang kulay ng buhok nito kahapon.
"So, mag-classmates pala tayo," nakangiting sabi nito na para bang batang nabigyan ng chocolate. Nagmumuta pa ang mata dahil sa mahabang pagtulog.
"Well... kung nag-aaral ka sa klase, I can say that — yes, we are classmate! Pero mukhang nasa dreamland ka for three hours. So, no. We're not classmates!" mataray na sagot niya rito.
"Wo, wo, wow! Hold on, my dear. Maganda ka sana pero mataray pala!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Well, kung wala ka ng sasabihin. I have to go to my next class!" Saka niya ito inirapan. Nagsimula na siyang lumakad palabas.
"Wait!" habol nito. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya upang lingunin muli ang lalaki.
"Kung hindi ako nagkakamali, inutusan ka ni Cloud na pumunta ng Music Hall kaninang alas-nuwebe na parehas ng oras nitong klase. Hindi ka tumuloy?" nagtatakang tanong nito saka kinuha ang cellphone sa bulsa.
"At bakit kailangan kong tumuloy?" Mataray na sagot niya dito. Ewan niya ba kung bakit, pero hindi siya nakakaramdam ng takot dito sa kaharap kumpara doon kay Cloud at kay Rob na may matalim na mata.
"I never expected that someone could challenge Cloud Han’s words." Napapailing lang ito sa kanya na para bang hindi siya tao dahil sinuway niya ang kaibigan nito.
"Look here! I know na matapang ka, pero si Cloud, kaya niyang gawin ang kahit na ano sa ‘yo sa isang pitik lang. Ayaw kitang takutin pero ngayon pa lang pinapaalala ko na sa 'yo, siguradong pinainit mo ang ulo ni Cloud at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'yo sa mga susunod na araw," banta nito.
Nakatingin si Ginny kay Lloyd at tinitimbang kung nagsasabi ba ito ng totoo. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng takot. Sa mga narinig niya simula pa sa guard mukhang hindi gagawa ng maganda ang Cloud na iyon.
Mukhang kailangan niyang kapalan ang mukha niya na humingi dito ng tulong. Binabaan niya ang kanyang tono na parang sinapian ng santa. "Uhm, classmate naman tayo ‘di ba? So... can you help me?"
Tumawa ito nang malakas.
"Oh, dear! Look... Kahapon ay crush kita, ngayon ay hindi na! Nakaka-turn off kasi 'yong mga babaeng matapang. Isa pa, bro code. I won’t question Cloud Han’s words because he won’t do the same to me."
Parang hindi na ito interesadong kausapin pa siya kaya binuksan na lang nito ang cellphone at nagsimulang mag-text at mag-browse.
"Okay, look here din. I don't care kung anong gagawin ng Cloud mo! Ang alam ko lang, nagpunta ako dito para mag-aral and I will —" Napansin niyang namilog ang mata nito sa binabasa sa hawak na cellphone.
"Okay!" putol nito sa sasabihin niya. "Dahil hindi mo alam ang kayang gawin ni Cloud, see for yourself." Inabot nito sa kanya ang cellphone nito at pinakita ang school forum ng LIU. Parang social media ito ng school na may blog at may newsfeed. Ngayon lang niya nalaman na may ganito pala sa eskuwelahan nila.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang latest viral sa news.
GINNY LOPEZ, MISS OR MISTRESS? sabi sa subject ng forum.
Binasa niya ang mga nakasulat sa loob ng link nito. Sabi dito, hindi siya anak ng milyunaryo at wala siyang kakayanan na magbayad sa school. Kaya sigurado na mistress siya ng isang dirty-old-fat-man.
Namilog ang mga mata niya sa nabasa. What the hell?
Binawi muli nito ang cellphone.
"Look here, you know very well kung anong klase ng mga estudyante ang nag-aaral dito. Sa mga babae, once na nalaman nila na ikaw 'yong Ginny Lopez, pagtatawanan ka nila. Sa mga classmates mo, baka layuan ka nila. The worst is may mam-bully sa iyo rito. I know how these elite students thinks. Sa mga boys nama—" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. " Well, I must admit na maganda ka, which is your biggest problem right now. Because they would think that you are a slut, and they might ask you one night just to be with them."
Ngumiti pa ito nang nakakaloko. Hindi niya alam ang isasagot dito na para bang naubusan siya ng sasabihin. Umurong bigla ang dila niya.
"So, pa'no? I'm sorry, my dear. But I have to go. Bye bye!" huling paalam nito.