Chapter 1: Transferee

2746 Words
MAY ISANG buwan na nang magsimula ang unang semester ng klase. Kumukuha si Ginny ng advertisement sa Lloyd International University, isang private school sa probinsya ng Maunlad.   Transferred student siya mula sa siyudad ng Maynila. Niligawan siya ng Dean ng school ng LIU o Lloyd International University para lumipat sa school na iyon dahil sa taas ng grade na mayroon siya. Mataas ang kanyang grado na simula pa noong bata siya. Namana niya ang talino sa kanyang ama. Parehas sila ng Kuya Brent niya. Sumali siya sa competition for advertising noong nakaraang taon at isa ang LIU sa sponsors. Nanalo ang ginawa niyang project at nagawaran siya ng fifty thousand pesos.  Sumikat sa bansa ang commercial na gawa niya sa edad na disisais. Paborito iyon ng mga bata at matanda dahil may jingle na nakakaaliw. Nang malaman ng dean na honor at advanced student siya ng dalawang taon. Kinausap ng school ang kanyag ina at nakipagkompromiso sa mga makukuha niya kapalit ng paglipat niya sa school. Sa edad ng sixteen, nasa second year na siya ng kursong advertisement.  kapalit ng pag-aaral niya roon ay bibigyan siya ng allowance at wala siyang babayaran sa ladies` dorm sa loob ng university. Alam niyang malaki ang bayad sa international school at anak ng mga milyonaryo ang karamihan na nag-aaral doon.  Tinuruan siyang huwag manamantala kaya nagdalawang-isip siya noon kung tatanggapin niya ang offer. Isa pa, mapapalayo siya ng tirahan at lugar dahil kailangan niyang tumira sa loob mismo ng university na ilang milya ang layo sa kanilang bahay.   Ang mommy niya naman, alam na mapapabuti ang pag-aaral niya sa school na iyon kaya pumayag ito. Nag-usap na lang silang pamilya na dalawang araw kada buwan ay kailangan niyang bumisita at umuwi ng bahay.  Kinakailangan niya na mag-book ng eroplano para makauwi at kasama iyon sa pribilehiyo na nakuha niya sa school. Isang back and forth na ticket kada-buwan ang ibibigay sa kanya ng school. Ang isang tiket pabalik ay plano niyang kunin mula rin sa allowance na ibibigay sa kanya ng LIU. Kailangan lang na magtipid siya sa paggastos.  Lahat ng kailangan ng isang mag-aaral ay meron sa LIU. Ang library ng school ay isang buong building na pinakamalaki na library na nakita at napuntahan niya. May garden din sa loob ng school kung saan nagiging tagpuan ng mga magkasintahan kahit pa alam ng mga estudyante na bawal ang ligawan sa loob ng school.   Biggest rule sa school: Bawal magligawan!  Nagpapanggap na lang ang mga estudyante na magkaibigan kapag nahuhuli sila ng guwardya. Isa kasi sa polisiya ng eskwelahan na kailangan mataas ang marka ng estudyante kung gusto mong magka-boyfriend or girlfriend. Pinahahalagahan kasi nito ang pangalan at standard ng eskwelahan. Kailangan na mataas ang grado ng estudyante kung nais nitong magpaligaw o manligaw.  Nakakita ng magandang pwesto para mag-aral si Ginny sa garden. May marbled rock na table na kasya para sa dalawang estudyante. Tahimik ang garden at isa pa, nakakasawa ang ambiance sa library kaya naisip niya na mas magandang doon mag-aral sa napakaaliwalas na kapaligiran.  May isang oras na yata siyang nagbabasa ng libro nang may tumakbong estudyante sa tapat niya. Maya-maya pa, isang grupo na may apat na kalalakihan ang sumusunod dito. Halatang hinahabol ng mga ito ang nakita niyang naunang lalaki.  "Hindi ka makakaligtas sa `min!" sigaw ng nangunguna sa grupo.  Hindi na lang pinansin ni Ginny kung ano man ang ginagawa nila. Ang nasa isip niya kasi ay nandito siya sa school para mag-aral. At normal lang na hindi talaga siya nakikialam sa business ng iba. Napansin siya ng isa sa mga lalaki, ang pinakahuling humabol doon sa unang tumatakbo. Lumapit ito sa kanya. Hindi sana niya ito papansinin pero humarang kasi ito sa liwanag na binibigay sa kanya ng papalubog na haring araw kaya napilitan siyang iangat ang mukha rito.  Guwapo! Iyon kaagad ang unang pumasok sa isipan niya.   Pinagmasdan niya ang lalaki. Matangkad ito na sa tingin niya ay nasa anim na talampakan at dalawang pulgada, Mestiso ito, matangos ang ilong, manipis ang labi, mukhang Koreano at may dark brown na buhok. May malakas na presensiya at nagbibigay ng nakamamatay na awra lalo na sa mga mata nito. Malamig at matalim kung tumingin.  Masasabi niyang gwapo ang lalaki. Napansin nito na pinag-aaralan niya ang pisikal na anyo nito kaya tumaas ang kilay nito.  "Tapos ka na bang pagmasdan ako?" malamig ang boses na sabi nito. Boses na parang nanggagaling sa ihip ng hangin sa disyerto. Malalim, magaspang... nakaaakit! Mapapatulala ka sa ganda. Medyo na-offend siya dahil sa kayabangan na binigay nito sa kanya. Guilty naman talaga siya dahil tumigil talaga ang mundo niya nang matitigan ito. Para makabawi sa pagkapahiya, binalik niya ang tingin sa libro na para bang wala siyang nakita. Dead-ma kumbaga!  "Tandaan mo. Hindi mo kami nakita," banta nito.  "Wala kang problema sa`kin dahil hindi ako marunong makialam sa bagay na hindi naman ako damay," sabi niya habang patuloy na nakatingin sa librong binabasa niya. Hindi na niya ito tiningnan pa dahil baka hindi niya na naman mapigilan ang sarili na mapatitig sa lalaki.   "Good," ang huling sabi.  Naglakad na ito palayo sa kanya at sumunod sa mga naunang kalalakihan. Mula sa binabasang libro, ibinalik niya muli ang paningin sa binata at lihim niyang pinagmasdan ang nakatalikod at papalayong bulto nito. Kung kumilos ito ay parang pag-aari nito ang lahat ng mahawakan at madaanan nito. Napailing na lang siya. Halatang trouble maker ang grupo nito. Bilang isang mabuting mag-aaral, na-turn-off si Ginny sa binata. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niya sa lahat.  Nagtataka pa nga siya dahil unang beses niya na makakita ng ganoon dito sa school ng LIU. Nasa isip kasi niya na dahil sa international school ito, edukado at aral ang kilos ng lahat. Hindi lang estudyante pati mga instructor at professors ng school. Dahil siguro sa nangyari kaya nawalan siya bigla ng gana na magpatuloy sa pagbabasa. Sinimulan niyang sinupin at ayusin ang mga libro niya na nakapatong sa marble table. Pabalik na sana siya sa school dormitory nang makarinig siya ng hiyaw. Hiyaw mula sa grupo kanina.  "Ahhhhh!"  Nagdadalawang-isip si Ginny kung papansinin ba niya o hindi ang narinig. Sinunod na lang niya ang kung ano ang gusto ng kalooban niya, ang lumayo at umiwas. Sinimulan niyang maglakad patungo sa ibang direksyon.  Paano kung may mangyari do`n?   Iba`t-ibang imahinasyon ang pumapasok sa isip niya tulad na lang ng mga napapanood niya sa balita at social media. Putol na ang kamay ng lalaki. Wala nang buhay at tinapon sa dagat ang katawan.  Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil hindi niya mapigilan.   Napilitan siyang umikot hanggang sa makita niya ang grupo ng binatilyong lumapit sa kanya kanina. Nakaluhod ang unang lalaki na nakita niyang tumatakbo habang ang isa na mestizo, nakadilaw at may kahabaan ang buhok ay nakatapak sa balikat nito. Pinipigil ang binatang iyon sa pag-kilos.  "Luhod! Matapang ka na, ha?"  "Cloud, anong gagawin natin dito sa isang `to?"  Nakatayo lang sa gilid iyong lalaki na may pangalang Cloud habang nasa mga bulsa ng pantalon nito ang parehas na kamay. Tila hindi interesado sa kahihinatnan ng pinagkakaisahan. "I don`t care kung ano ang gawin n`yo sa kanya. He has the guts to court Star."  So,they are fighting over a girl? What the heck?!  Hindi napigilan ni Ginny na lumapit sa mga ito dahil pakiramdam niya ay walang kuwentang bagay lang ang rason kung bakit nanggugulo ang mga ito.  "Hey! Anong kaguluhan iyan? Bitawan n`yo sya!" sigaw niya na akala mo ay super hero siya sa pelikula. Isa-isang lumingon sa kanya ang mga ito.  Oh no!   Bigla siyang napalunok dahil sa biglaan niyang desisyon na makialam. Gayunpaman, mabilis siya nakabawi sa biglaan niyang pagkatiklop.  "Bitawan n`yo siya!" utos niya kahit kinakabahan.  Kumakabog ang dibdib ni Ginny pero hindi niya ipinakita sa mga ito ang bagay na iyon. Kailangan niyang maging matapang.  Nakakunot-noong tinitigan siya ng lalaki na may pangalang Cloud, ayon sa kanyang narinig. Halatang nagtatanong ang mga mata nito kung bakit siya naroon samantalang kinausap na siya nito ilang minuto lang na "wala siyang nakita". Malamig ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya.  "Hey, babe! Ngayon lang kita nakita rito sa school, ah!" sabi ng isa. Napasipol pa ito na para bang ngayon lang nakakita ng babae. Mestizo rin ito, kulutan ang buhok.   Nakaramdam ng takot at kilabot si Ginny.   Oh, my God! Mukhang hindi lang basagulero ang mga ito, manyak pa.  Bakit nga ba siya nadamay dito? Nagkaroon na nga pala sila ng usapan kanina ng isang lalaki. Hindi ba`t sinabihan niya ito ng "Wala kang problema sa`kin dahil hindi ako marunong makialam sa bagay na hindi naman ako damay." Nasaan na iyon?  Tahimik lamang na nagmamasid si Cloud, pero halata rito ang pagkainis sa sitwasyon. Pagkainis na makita siya roon.  Dahil nandoon na rin naman siya upang maging `hero` ng lalaki, ipinagpatuloy niya ang paglapit sa mga ito. Wala ng atrasan! Sa palagay niya, hindi siya mapapahamak sa lugar dahil may CCTV at guard na umiikot kada-tatlumpung minuto sa paligid ng school.  "Bitawan n`yo siya! I know I don`t have the right to meddle with your business, but I was not too fond of the fact that you were fighting for some random girls. I hate your idiocies!" mahabang paliwanag niya.  Lalong dumilim ang mga tingin ni Cloud at halatang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya.  Lumapit sa kanya ang isa sa mga kasama nito. Napaatras siya ng isang hakbang dahil mukhang hindi rin nito nagustuhan ang sinabi niya. Kasunod niyon ang pagrolyo ng kanyang lalamunan. Kumpara kay Cloud, mas matalim kung tumingin ang lalaki na papalapit sa kanya.  "Who are you? Are you a freshman? It`s my first time seeing you here. Mukhang naliligaw ka lang yata rito sa school namin dahil mukhang hindi mo kami kilala. Are you a family of one of the students here? Ang lakas ng loob mong harapin at kuwestunin kami!" Kung patalim lamang ang mga salita nito ay siguradong unti-unti na siyang nagkapirapiraso. Idagdag pa na nakakatakot talaga ang awra nito. Nang matapos ito sa mga salita ay natapos din ang lakad nito sa harapan niya. Pailalim ang tingin na binigay nito sa kanya.  Humigpit ang hawak ni Ginny sa bitbit na libro na parang kailangan niyang kumuha ng lakas at suporta roon.  Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng takot at ang taong ito ang nagparamdam sa kanya ng bagay na iyon. Hindi kasi siya mahilig makihalubilo sa mga classmates niya at purong pag-aaral lang ang tanging priority niya sa buhay.  Hindi maiwasan na matakot siya dito dahil matalim ang tingin nito na para bang gusto siyang kainin nang buhay. Aminado siya na mukha talaga siyang mas bata kumpara sa mga nag-aaral doon dahil nga advance student siya kaya hindi niya masisisi kung isipin nito na naliligaw lang siya.  "Rob, h`wag mo naman takutin si cutie pie," saad ng isang lalaki na mukhang manyak. Bukas pa ang ilang butones sa polo nito at nakalitaw ang ilang chikinini sa dibdib.  "F*ck you! Palibhasa nakakita ka na naman ng palda kaya ka ganyan," sabi ng tinawag na Rob at may murderous aura. Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "It`s better if you run away from here," nanlilisik ang mga mata nitong banta sa kanya.  Hindi niya maintindihan pero nakakaramdam talaga siya ng takot sa taong ito. Gumapang ang kilabot sa buong pagkatao niya.  "Miss, it`s better kung umalis ka na lang. You don`t know them. Kaya ka nilang bitbitin palabas ng school o ipalapa sa tigre kung gugustuhin nila," sabi ng lalaking nakaluhod.  “Dude, I am trying to help you here, okay?" bulong lang niya sa sarili. Hindi niya alam na narinig pala ng mga ito iyon. Tiningnan niya lang ang lalaki pero hindi siya kumilos para umalis katulad ng hiling ng mga ito.  "Rob..." tawag ng Cloud.  Lumingon si Rob kay Cloud. Dahan-dahan na lumapit si Cloud papunta sa kinatatayuan nila. Gumilid si Rob upang bigyan ito ng daan papunta sa kanya.  Sa hindi niya malamang kadahilanan, mas nakaramdam ng takot si Ginny sa papalapit na lalaki. Kung ang lalaki kanina na nag-ngangalang Rob ay nakakatakot. Sa respetong ipinakita nito kay Cloud, siguradong mas nakakatakot ang kaya nitong gawin sa kanya. Ayaw niyang isipin pa kung ano ang kayang gawin nito. Pero siguradong taliwas ang magagawa nito sa guwapong mukha nito. Huminto ito sa tapat niya at hinawakan nito ang baba niya nang mahigpit.  Napalunok si Ginny.  "Wala ka pa lang pakialam sa business ng iba, ha?" nakaismid na sabi nito.  "How about this? A Life for a life..." matalim na sabi nito.   Oh, my lord, Ano pong naging kasalanan ko sa inyo para ganituhin n`yo po ako? Mas dumoble ang kaba niya!  Nakakita siya ng liwanag ng katotohanan nang may guard na papalapit sa kanila. Napangiti si Gin sa sarili. Mahal pa rin siya ni Lord! Pero binalewala lang ng grupo ni Cloud ang guard na isa sa mga pinagtataka niya.   Something is wrong here.  Kakamot-kamot na papalapit ang guwardiya sa kanila.  "M-Master Cloud, magandang hapon," bati nito. Hindi pinansin ni Cloud kahit ang guwardiya! At saka... Master? Para bang ipinahihiwatig nito na kaya nitong sundin ang lahat ng sasabihin ng lalaking manipis na hangin lang ang layo sa kanya.  "Ahhh. Master Cloud, nandito po ang daddy n`yo papunta sa Building A. Ipinapahanap po kayo sa `kin," magaan na sabi ng guard dito.  "Kyle, pwede mo nang bitawan ang buwaya," utos ng lalaki.  Inalis ng lalaking nagngangalang Kyle ang paa na pumipigil sa balikat ng lalaki. Matapos itong mabitawan, tumakbo na ang huli nang matulin papalayo na halata ang takot nito sa grupo ni Cloud.  Napalunok si Ginny. How about me? Hey! Wait for me!  Nakahawak pa rin sa baba niya ang kamay ni Cloud nang mahigpit na para bang ina-aral siya nito. Nag-iisip siya kung paano siyang tatakas sa harapan nito.  Takbo kaya ako? Sa dami ng mga ito siguradong kaya siyang habulin.   Sumigaw kaya ako ng r*pe? Tinanggal rin niya sa isip iyon dahil mayroong guard na witness at siguradong baka pagtawanan lang siya ng mga estudyante sa school kapag kumalat ang balita na na-r@pe siya.  Sigurado kasing hindi siya paniniwalaan dito sa university. Sa guwapo kasi ng mga lalaking ito, sigurado na hindi na nito kailangan pang gumawa ng ganoong klase ng bagay. Sigurado siya na maraming nagkakandarapa sa mga ito at baka ang mga kababaihan pa nga ang kusang loob na ibigay ang sarili sa kahit sino sa mga ito.  Hindi niya alam kung ilang minuto ang nakalipas para lang maka-isip na makaalis sa lugar na iyon. Nahimasmasan lang siya nang lalong humigpit ang hawak nito sa baba niya at nang magsalita ang guwardya.  "Ah, Master Cloud, kailangan n`yo na pong pumunta ng building A bago pa tayo makita ng dean dito." Halata ang takot sa mukha ng guwardiya. Baka mawalan din ako ng trabaho!  Binitawan ng lalaki ang baba ni Ginny. "Tomorrow, 9AM sharp! Meet me sa tapat ng music hall or else — don`t expect the consequences!" sabi nito sa kanya.  Nanlaki ang mata ni Ginny. What the heck? Dude, are you sure you are talking to me?  "Kyle!" Sumenyas ito kay Kyle. Naglabas ng isang libong papel si Kyle mula sa wallet nito at ibinigay sa guwardya.  Dahil nabigyan ng pera ang huli, ngumiti ito nang pagkatamis-tamis at may ningning ang mga mata. Easy money kumbaga. Kung sakali kasi na tututol ito kay Cloud, alam ng guard na mawawalan ito ng trabaho. Kaya ang tanging magagawa lang nito ay paalalahanan si Cloud na dumating na si Master Han — ang Daddy nito at presidente ng eskwelahan. Nanatili na ang trabaho nito, nagkapera pa ito.  Isa-isang naglakad papalayo ang apat na kalalakihan. Napansin ng guwardiya na nakatingin siya sa grupo.  "Saang course ka? Pagabi na. Alam mong may curfew, kaya kung ako sa `yo bumalik ka na sa ladies` dormitory." Tumalikod na ito pabalik sa direksiyon kung saan ito nanggaling.  Sinundan niya ito ng lakad dahil doon din naman ang destinasyon niya papuntang dorm. Naisip niya itong tanungin tungkol sa grupo ni Cloud.  "Kuya, sino iyong mga iyon at bakit parang takot ka sa kanila?" usisa niya.  Napatingin ito sa kanya na para bang nagtatanong kung saang bundok ba siya galing? "Hindi mo kilala si Master Cloud?"  Magtatanong ba ako kung alam ko?  Ngumisi ang guwardiya.  "Alam mo, kung ako sa iyo, neng, sundin mo na lang kung ano ang inutos ni Master Cloud sa `yo. Narinig ko kanina na kikitain mo siya bukas. Ang masasabi ko na lang sa `yo ay GOOD LUCK!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD