bc

PENETRATE: His Gaze at Me #1

book_age16+
3.0K
FOLLOW
15.3K
READ
family
second chance
drama
sweet
bxg
genius
campus
like
intro-logo
Blurb

BOOK 1. (COMPLETED)

Bilang advanced student, kinailangan ni Ginny Lopez na turuan si Cloud Han na isang pasaway na estudyante sa mga projects at lessons kapalit ng scholarship na ibibigay ng School President ng Lloyd International University sa kanya.

Hindi maganda ang engkwentro nila nito sa una hanggang sa magkaroon siya ng lihim na pagtingin sa binata.

Until one night when Cloud gave her a hot-sensual kiss. "Ba-bakit mo 'ko hinalikan?"

He smiled and said "is it wrong to kiss my Girlfriend?"

'uhmm... When did I agree to be your girlfriend?'

Maayos na naging tutor siya ng binata ngunit isang sikreto pala ang mayroon ang mga magulang nila na may kinalaman sa pagkamatay ng Daddy niya noon.

*****

Here are the others that related to Ginny Lopez and Cloud Han story (His Gaze at Me)

2. DEEP

3. LONELINESS

chap-preview
Free preview
Prologue
Unexpected Dream. "IF YOU want to be part of my life, make sure you are ready to accept not only the good side but also my stupid side." Ito ang kasabihan na natutunan ni Ginny simula ng mahalin niya si Cloud. Sino nga ba si Cloud?  Maaring iniisip mo na si Cloud ay mabait, pala-aral, palakaibigan at mabuting estudyante tulad ng normal na binatilyo kaya na-inlove si Ginny sa kanya. Isang malaking... Hindi!     NAGLALAKAD siya sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Napatanong sa sarili si Ginny kung bakit siya naroon sa lugar na iyon. Nababalot sa puting kapaligiran na para siyang nasa ulap, malabo ang lahat ng bagay.  Matapos ang mahabang paglalakad, nakaramdam siya ng takot. Napaisip siya kung ano ang tamang gawin para makaalis sa hindi maipaliwanag na lugar. Tumakbo siya kahit pa hindi niya alam kung saan siya patungo o ano ang nasa kaduluhan ng destinasyon niya.  Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng pagod at naramdamang unti-unting dumidilim ang kapaligiran. “Nasan ako?” Kinakabahan si Ginny habang mabilis na dumidilim ang lugar na nakinaroroonan niya. Lumingon siya sa apat na sulok ng lugar. Sa kaiikot, may nasilayan siyang isang maliit na liwanag at tila nasa dulong bahagi ng kinaroroonan niya.  "Lord, last day ko na ba ngayun? Marami pa kong pangarap." Nag-e-echo ang boses niya.  Bago pa siya makarating sa liwanag na iyon, isang pamilyar na lalaki ang nakita niyang nakatayo ilang dipa ang layo mula sa liwanag na iyon dahilan para mapatigil siya sa pag-kilos.  "Cloud... Cloud... Cloud!" tawag niya sa pangalan ng lalaki na pamilyar sa kanyang puso. Umagos ang luha niya sa mga mata.  Bigla siyang napabangon, napasinghap at hinahabol ang hininga. Pawis na pawis si Ginny. Isang ingay ng alarm clock ang nagpagising kay Ginny. Nasapo niya ang sentido niya dahil kumirot ng matindi iyon. Pilit niyang binalikan ang mga kaganapan sa panaginip niya. Nakalimutan niya na kung ano iyon.  Isang pamilyar na mukha ng binatilyo ang natandaan niya.  Cloud...  Napangiti siya ng mapait nang maalala si Cloud Han. Napatitig siya sa orasan na nakasabit sa pader sa tapat ng kama kung saan siya nakaupo. Para siyang wala sa sarili na nakatitig lamang doon dahil sinakop ng lalaking iyon ang diwa niya.  Seven... seven... seven A.M. ang sabi sa relo. Biglang nanlaki ang mata niya.   "Oh, my God! It`s 7 A.M.!"   Dali-dali siyang tumayo ng kama at niligpit ang higaan. Pumasok sa loob ng restroom at nagsimulang ayusin ang sarili.  Mag-isa lamang syang nakatira sa studio unit na nirentahan ng kuya niya isang taon ang nakalipas. Wala na silang magulang. Namatay ang ama niya noong limang taon pa lamang siya. Noong bata pa siya naririnig lamang niya sa mga kasambahay ang tsismis na may kabit kasi ang daddy niya.  Nahuli ang daddy niya at ang kabit nito ng asawa ng babae, kaya gumawa ito ng paraan upang ipapatay ang kanyang ama. Dahil limang taon na gulang, tahimik lamang siya noon na nakikinig sa mga usapan ng matatanda.  Ang Kuya Brent niya ay kinse anyos na noong panahon na `yon. Sa edad na kinse, matured na ang kuya niya kumpara sa normal na edad nito. Tahimik lang rin ang kuya niya sa mga naririnig na usap-usapan ng mga tao sa paligid. Naalala niya noon. Naglalakad sila papuntang Clubhouse ng subdivision dahil kikitain nila ang mga kalaro niya. Habang daan, may dalawang kasambahay na nagbubulungan habang ang mata ng mga ito ay mapanuri at tila nanghahamak na nakatingin sa kanila ni Brent.  "Sila `yon!" sabi ng isa. Umiiling-iling `yung isang babae na kausap nito.  Nagtataka siyang lumingon sa Kuya Brent niya dahil halata na wala siyang naiintindihan. Ngumiti lamang ito nang matamis sa kanya.  Nang mga panahon na iyon, wala siyang kaalam-alam kapag tinitingnan sila ng mga magulang ng kalaro niya o kapitbahay. Hindi niya mawari noon kung simpatya ba, awa o pagmamataas ng kilay ang ibinibigay sa kanila ng mga tao. Nalaman niya lang ang totoo nang nagkaisip na siya. Lumaki siyang matatag kasama ang dalawang mahalagang tao pa — si Brent at ang kanyang ina.  Habang tumatagal, paunti rin ng paunti ang mga kaibigan at kalaro niya. Halatang iniiwasan sila ng mga iyon.  Habang nagkakaedad, ang tanging alam niya ay namatay ang dad niya dahil sa car accident. Sabi ng iba na mga kakilala ng pamilya, pinag-isipan daw na patayin ang dad niya kahit wala naman nakitang ebidensya.  Pilit silang kinakausap ng Mommy niya na huwag maniwala sa sabi-sabi. At patuloy lang maniwala sa daddy niya na mahal sila nito at hindi nito kayang mambabae.  Simula rin nang namatay ang dad niya, nagsimula rin magkaproblema ang pamilya nila. Isa-isang nagsialisan ang mga kasambahay nila sa bahay. Ang eksplanasyon lang ng mom niya noon, wala na silang pambayad at kailangan nilang magtipid.  Ang mom niya naman ay commercial model noong kabataan — glamorosa at maganda. Dahil na-in love ito sa daddy niya, hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Pumasok bilang sekretarya ang mom niya para masuportahan silang magkapatid.  At suma-side line sa mga commercials dahil napanatili nito ang kagandahan kahit nung nag-asawa na. Ayun nga lang, puro extra lang ang posisyon na nakukuha nito kaya maliit lang din bayad. Sa mga nakalipas na mga taon, napatunayan niya na matatag ang mom niya hanggang sa namatay ito tatlong taon ang nakaraan.  Sila naman ng Kuya Brent niya ay full scholar`s kaya nakatulong sila sa Mommy niya pagdating sa tuition. Ang kuya niya ay internet technician, programmer ng anti-virus at online games. Nasa Amerika ito sa kasalukuyan.  Si Ginny naman ay kumuha ng Advertisement sa kolehiyo dahil sa idol niya ang mommy niya. Hindi niya alam kung ano ang nagpursige sa kanya na kunin ang kursong iyon. Basta ang alam lang niya ay idol kasi niya ang kanyang ina at gusto niyang gumawa ng maraming commercials para rito. Idagdag pa na naeenganyo siya kapag nakikita niya ang mom niya sa telebisyon at posters.  Mabuti siyang estudyante at palaaral noon hanggang sa makilala niya si Cloud. Si Cloud na parang virus sa sistema niya. Simula ng umalis ito papuntang UK para ipagpatuloy ang pag-aaral, parang isinama nito ang sistema niya. Nawalan siya ng gana sa pag-aaral o mas tamang sabihin na hindi kinaya ng pagkatao niya ang magpatuloy sa buhay — noon iyon.  Kaya ang dalawang taon na advance niya sa klase ay tila binawi ng tadhana at tinapatan ng dalawang taon din na pagtigil niya sa pag-aaral.  Hindi matanggap ng Kuya Brent niya noon ang mga nangyari sa kanya. Seventeen lang kasi siya noon at hindi pa alam ang mundo ng pag-ibig. Iniisip ng mga malapit sa kanya na puppy love lang ang nararamdaman niya noon. Pero alam niya sa puso niya na mahal talaga niya si Cloud. Totoo ang mga naganap sa kanilang dalawa. She knew that Cloud Han was meant for her during her younger days.   Kung hindi kaya ako nakipaghiwalay kay Cloud noon, kami pa kaya hanggang ngayon?  Mapait na tanong niya sa sarili.  Ipinilig niya ang ulo dahil hindi nakakatulong ang salitang `IFs`.    DALAWANG taon ang nakaraan nang magsimula siya sa opisina ng MGM Corporation, isa sa mga top entertainment business sa bansa. Nagsimula siya sa pagiging personal assistant ng advertising team. Tagabitbit ng props, taga-bili ng pagkain, taga-hilot ng noo o paa ng artista kung kinakailangan, taga-bitbit ng ilaw at kung ano-ano pa.  Na-promote siya matapos ang walong buwan mula PA sa pagiging researcher. Ngayon, pagkaaraan ng dalawang taon, napunta siya sa planning team.  Maingay na tunog ng cell phone ang bumagabag sa naliligaw niyang isipan. Hinanap niya ang bagay na iyon sa ibabaw ng malapad na table niya.  Sa dami ng papel at kung ano-anong kalat na nasa table, hindi niya makita ang telepono niya na patuloy sa pagtunog. Natagpuan niya ang bagay na iyon sa ilalim ng mga dokumento at mga files na kasalukuyan niyang nire-review. Nakita niya sa screen na si Brent ang kasalukuyan na tumatawag.  "Hello, Sir!" Nakagawian niya na ang tawagin ng `Sir` ang kuya niya dahil sa sobrang istrikto nito na parang militar.  "Happy Birthday!" Bungad nito.   "Ow?” nakakunot-noo na tanong niya.  Oh, my God! It`s my birthday today and I totally forgot it?  Hindi na naman niya namalayan ang oras at araw dahil kailangan niyang mag-isip ng bagong tema sa commercial deal na binigay sa kanya ng boss niya. Sa trabaho na mayroon siya, kinakailangan niyang maging alerto at maglaan ng oras para lang ma-meet ang deadline.  "C`mon, I assumed you haven`t read my email yet," sabi ni Brent sa kabilang linya.  "What email? Are you now one of my clients?" hula niya at wala sa sarili na tanong niya.  "Just check it! How busy are you para sa simpleng email na hindi mo mabasa?" Halata ang pagtatampo sa boses nito.  Hinimas ni Ginny ang noo niya dahil bigla itong nakaramdam ng kirot sa palitan nila ng usapan.  "I`m sorry, kuya. We have this new big project and my team was assigned to do it."  "Nag-aalala lang ako sa `yo. How are you by the way? How`s everything? Do you eat on time? Bawas-bawasan mo mag-over time. If you need help, let me know," sunod-sunod na tanong nito.  Napangiti si Ginny. Tila niyakap siya ng kuya niya mula sa kabilang linya. Nabawasan kahit papaano ang alalahanin niya at nakalimutan ang trabaho kahit sandali. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya.  "If I, were you, nagsimula na akong maghanap ng miss right. How old are you? 34? At wala ka pang ipinapakilala sa `kin," ganti niya dito. Iniikot niya ang sarili habang nakaupo sa computer chair na tila batang naglaro roon.  "Don`t mind my girls. There`s a lot in here. All I need is to choose," mayabang na sabi nito.   Sa totoo lang, guwapo naman talaga ang kuya niya. Sa tangkad na six flat, medium built at morenong balat, maihahalintulad ang kuya niya sa korean actor na si Park Seo-Joon bukod sa kulay nito. Masasabi niyang papasa ang kuya niya bilang isa sa mga artist na hinahawakan ng department nila. Baka nga malagpasan pa nito ang mga iyon pagdating sa kaguwapuhan.  Napabuntonghininga si Ginny. "Sir, I miss you… Hahanap ako ng leave para mabisita kita d`yan."  Lumambot ang puso ni Brent sa narinig . "I will also make some effort para madalaw din kita. But you know… we have this new app project sa company, and I couldn`t perfect it yet. Jimmy wants me to check all the protection and consistency of the app, and it makes me crazy! You see, hinahanap na nga ako ng mga girls ko dahil nami-miss na namin ang isa`t-isa."  Tumawa siya nang malakas. Si Jimmy ang partner nito sa business. Naputol lang siya nang marinig ang boses ng kanyang assistant sa intercom.  "Miss Gin, the meeting will start in fifteen minutes," sabi ni Patricia, ang assistant niya.  "You heard it! I have to prepare," aniya kay Brent.  "OK! Promise me that we will meet the soonest," ang huling mga salita nito. Matapos iyon ay narinig niya ang busy-tone na ibig sabihin ay pinutol na nito ang tawag.  Pinasadahan ni Ginny ang report na ginawa niya ng ilang araw. Ngayon ang unang beses na makikita niya ang bagong president ng MGM Corp, ang boss niya. Isang malaking palaisipan sa buong kumpanya ang bagong presidente. Sabi nila, sobrang istrikto raw nito. Usap-usapan din na singkuwenta anyos na ang lalaki. Ang iba naman ay nasabi na late 20`s lang daw ito.  Sa dami ng deskripsyon na mga naririnig nila, hindi na niya pinansin pa kung ano talaga ang personalidad ng presidente. Nasa isip rin kasi niya na mas kailangan niyang maghanda para sa meeting na ito. President ng ABC Group of Companies at presidente nila ang imi-meet niya ngayong araw at kailangan niya iyong paghandaan kaysa ang maki-tsismis sa mga katrabaho.  Kilala siya bilang workaholic sa team, at kapag usapang tsismis na, it`s either ngingitian niya lang ang kausap o kaya naman ay tataas ang kilay niya. Ganoon pa man ay wala kahit isang maririnig na personal na komento o salita mula sa kanya.  Ang ABC group ay kilala sa bansa bilang realty developer. Kailangan nilang ipromote ang limang bagong building na proyekto nito. Three business building na nakatayo na sa siyudad at two condominiums na parehong ready for leasing. She was informed na personal na magkakilala ang bagong presidente nila at ang presidente ng ABC. Personal din na sasama sa initial meeting sa araw na iyon ang big boss niya.  Hmm… At least, makikilala ko na rin siya.  May sampung minuto pa siya para review-hin ang report na ginawa niya nang maalala niya ang email ng kuya niya na binanggit nito. Pinindot niya ang email button at sinimulang hanapin ang partikular na mensahe mula kay Brent.  You are turning 25. Iyon ang subject ng email. Itinutok niya roon ang mouse at saka pinindot iyon. Ang laman lang ng email ay animated na baboy na naghubad ng gown nito. Ipinakita ang 2-piece bikini at sumayaw-sayaw. Pagkatapos ay kumanta ng "I am 25! Let`s get the party started" na katunog ng kanta ni Pink.   Nakaramdam ng kasiyahan si Ginny. Tawa siya nang tawa sa animated mail ng kuya niya. Sigurado siya na personal itong ginawa ni Brent. Hindi niya napansin na nasa itapat na pala ng table niya si Patricia — assistant niya. Nagtatanong ang mga mata at tingin nito. Halatang nabigla ito sa reaksyon na ipinakita niya.  "Miss Gin, t-they are here. Nasa elevator na raw sila. Are you ready?" tanong nito na bahagyang napangiwi.   She composed herself. Nawala ang kanyang kakaibang ngiti at saka tumikhim. Nagmamadaling binitbit ang laptop at notebook niya. Dumiretso sila sa meeting room na nasa parehas na palapag ng kanilang opisina.  Maluwag ang silid Isang projector sa harapan, isang maliit na mesa sa gilid para sa sekretarya na gagawa ng “minutes of meeting", isang malaking table ang nasa gitna ng silid na pahaba. May coffee na nakahanda sa tapat ng bawat upuan na pina-order niya pa sa Starbeks! Kailangan niyang maging impressive dahil hindi kung sino lang ang kakausapin niya sa araw na iyon.  Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya. Hindi tumitigil sa pagkabog ang kanyang dibdib.  Ah, siguro dahil dalawang presidente ang kaharap ko, sabi niya sa sarili.  Huminga muli nang malalim si Ginny.  Maya-maya pa, napalingon siya sa pintuan nang bumukas ang bagay na iyon. Nakangiting tumingin sa kanya ang immediate head niya na personal na sinundo ang mga bisita.  "Are you ready?" tanong nito.  Ngumiti lang siya rito. Isa-isang nagsipasukan sa meeting room ang mga dapat kabilang sa meeting. Hindi maalis ang ngiti niya sa mga labi hangang sa isang pamilyar na mukha ang makilala niya na huling pumasok. Unti-unti ring nawala ang ngiti niya sa kanyang labi.  "Cloud…" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flirting My Bitter Ex-Boyfriend (TAGALOG)

read
123.7K
bc

More Than Just A Lap Dance

read
93.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

The Professor's Wife

read
455.1K
bc

One Sinful Night R-18 (Tagalog story) COMPLETED

read
440.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook