MAGAAN ang pakiramdam ni Aya nang magising. Ngunit mabilis na binalot ng takot ang puso niya nang makitang may ibang tao sa loob ng silid na kinalalagyan. "Good morning, Ma'am," bati nito. "I'm Joey Abigail Salazar po," nakangiting inilahad nito ang kanang kamay sa kanya. Imbes na tanggapin ang pakikipagkamay nito ay si Kurt ang hinanap niya. “Si Kurt? Nasaan si Kurt?" "Binayaran niya lang po ang bill, pabalik na rin po siguro siya. Ako nga po pala ang magiging bodyguard mo." "Bodyguard?" nagtatakang tanong niya. "Yes, Ma'am. Hindi pa po kasi nahuhuli ang isa sa mga suspect sa nangyaring insidente," paliwanag nito. Tumango-tango na lamang siya kahit hindi niya gusto ang ideyang may bodyguard siya. "Aya na lang, please." "Okay po. Joey na lang din po ang itawag mo sa’kin.” Bumukas