CHAPTER 8

2390 Words

EKSAKTONG isang linggo simula nang malaman ni Aya mula sa mga kaibigan ni Kurt na buhay pa ang mga totoong magulang niya. Eksaktong isang linggo na rin na hindi sila nag-uusap nang maayos ni Kurt. Kahit na magkasama sila sa iisang bubong ay hindi sila nag-uusap. Minsan ay sinusubakan ni Kurt na kausapin siya pero ito na mismo ang sumusuko kapag hindi siya umiimik. Pansamantala ay humiwalay siya ng kwarto rito, bumalik na siya sa dati niyang kwarto. No'ng una ay ayaw pumayag ni Kurt, pero pinakiusapan niya ito dahil gusto niyang makapagisip-isip. "Best, for pete's sake! Pang-ilan na ba yan? 8, 9 o baka nga higit pa, hindi mo lang sinasabi sa’kin! Ang creepy, huh!" Nabaling ang atensiyon niya kay Almira. Ang tinutukoy nito ay ang maliit na note na nakita niyang nakaipit sa locker niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD