KINABUKASAN, nagising si Aya dahil sa mainit na bagay na nakayapos sa kanya. Pagtingin niya ay nakita niya ang asawang nakatingin sa kanya. "Good Morning, Sweetheart," bati ni Kurt sa kanya at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi. "Morning. Kanina ka pa gising?" "Mga five minutes ago?" "So, kanina mo pa ako tinititigan?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. "Uhuh," sagot ni Kurt who is now looking at her half exposed breast. Pasimpleng itinaas niya ang neckline ng suot na pantulog at marahang kinurot ito sa tainga. "Perv." "What? I'm not!" maang na tanggi nito. "Just admiring the view. Bakit kasi ang sexy-sexy mo?" “Huwag kang bolero.” Tinawanan lang siya ni Kurt at pinanggigilan na naman nito ang pisngi niya. “Bakit ba lagi mong pinagtitripan ang mga pisngi ko?”