LUNES NA NAMAN, kahit na sariwa pa rin sa isipan ni Aya ang mga nangyari sa kanya, pinilit pa rin niyang makapasok sa iskwelahan. Gusto sana ni Kurt na magpahinga muna siya sa bahay, pero nagpumilit siya dahil kaya naman niya. Life goes on, ika nga. Kahit ganoon ang nangyayari sa buhay niya, kailangan niyang gumalaw kung hindi ay mapag-iiwanan siya ng panahon. Isasantabi na muna niya ang sakit na nararamdam at magpo-focus muna sa pag-aaral. Ilang linggo na lang ay sem break na rin naman nila. Pagkahatid ni Kurt sa kanya sa unibersidad ay mabilis na itong umalis. May importanteng meeting daw kasi ito kasama ang mga kaibigan nito. Hindi pa niya nami-meet ang mga ito pero nangako si Kurt na isa sa mga araw na iyon ay ipapakilala siya nito sa mga kaibigan. Ganoon din siya kay Almira. She